Chapter 22: Apple
Year: 2013, Palawan (3 Months Ago)
Isang linggong nakaratay sa ospital si Noah. Nakiusap ito sa doktor na pauwiin agad kahit may ilang bali pa sa kanyang dibdib. Mula noon at sa nagdaang tatlong buwan ay hindi siya halos umaalis sa pinagyarihan ng akisdente. Lagi itong may bitbit na damit habang nakaupo sa malaking batong kanyang tinamaan. Ininda nito at tirik na araw at masamang panahon. Daig pa niya ang mga rescue team sa paghahanap at pag-aabang sa pinaghulugan ng bus.
Dumating ang araw ng pagbisita ng batang Adam mula sa Saturnino. Agad na lumipad si Noah mula Palawan patungong Batanes. Sa kanyang pagmamadali ay wala na siyang dalang damit. Malugod niyang dinamayan ang kanyang batang nobyo na namomroblema sa mga kaganapan sa JS. Prom. Binigyan niya ito ng mga payo at panay lamang ang kanyang pagngiti hanggang sa tuluyang maglaho ito.
Ang puno ng Narra ay napapalibutan ng magagandang dilaw na bulaklak. Sapat lamang ang liwanag ng buwan ilawan ang bawat talulot at magmistulang nababalot sa hiwaga ang buong paligid. Sa gitna ng lahat ng ito ay may isang binatang nangungulila para sa taong mahal niya.
Nakaluhod si Noah habang unti-unting naglalaho ang batang si Adam pabalik sa taong 2006. Kumikinang ang mga naiwang liwanag habang tumatama ang sinag ng buwan sa dalampasigan. Malapit sa punong Narra ay patuloy siya sa paghikbi. Nagnanangis si Noah sa kasintahang tatlong buwan nang nawawala. Ang muling pagdalaw ng batang Adam ay nagbigay ng pandaliang kaligayahan. Nakayuko si Noah habang iniisip niyang kayakap pa rin si Adam.
"Ark, my sweet precious Ark," saad ni Noah habang lumuluha sa mga dilaw na bulaklak. Ang mga tuyong talulot ay nalunod sa pighati ng binatang nawalan ng iniirog.
Nakarinig si Noah ng mga kaluskos ng damo. Hudyat ito na may isa pang taong paparating. Nakasuot ito ng bughaw na hoodie at maong na pantalon. Basang-basa ito ng pawis na halatang kanina pa hinahabol ang pinsan niya.
"Noah, did Adam finally appear? Bumalik na ba siya mula sa aksidente?" tanong ni Nico habang unti-unti itong lumilitaw mula sa kagubatan.
Mabilis na pinunasan ni Noah ang mga mata nito habang nakaluhod sa gitna ng mga kumikinang na bulaklak.
"No Nico, that's not the Adam from our timeline," paliwanag ni Noah. Sa kanyang harapan ay ang mga natumbang damo mula sa pagkakadantay ng batang kasintahan. "The one from the school pageant before the J.S. Prom. The one who pretended to be a magician on stage."
Muli siyang humagulgol. Halo-halo na ang kanyang iniisip. Kung ano ang susunod nitong gagawin dahil tatlong buwan nang hindi bumabalik si Adam. Nilapitan ito ni Nico at tinapik sa kanyang likuran.
"Taha na, magiging ayos din ang lahat. I'm sure our own Adam will be back soon."
"Nico, I miss him. I miss Adam so much!" Tanging hinagpis lang ni Noah ang maririnig sa buong talampas. Sumasabay sa ang pag-ihip ng hangin sa damuhan. Humahalo sa tunog ng mga alon sa ilalim ng bangin.
Patuloy lang sa pagluha si Noah habang nasa likod niya si Nico. Sa kanilang gilid ay ayaw paawat ng araw sa pagbagsak sa ilalim ng dagat. Ang kulay pulang langit ay tuluyan nang naging abo. Ang mga dilaw na bulaklak ay tuluyan nang natakpan ng dilim.
Inalala ulit ni Noah ang pakiramdam ng kayakap ang batang bersyon ng nobyo nito. Kanyang ginugunita ang masasaya nilang alaala. Napatingin siya kay Nico na kanina pa nag-aalala sa kanya.
"Nico, I should go back to Palawan"
"Pero Noah, ilang araw ka nang walang tulog! Umuwi na tayo please!"
"Hindi rin ako makakatulog hanggat hindi ko sya nahahanap."
"Pero..."
Mabilis na pinunasan ni Noah ang natitirang luha sa kanyang mukha. Seryoso itong nakatingin kay Nico.
"Look, if you're tired, it's okay. You've done more than enough for us, Nico. Go get some rest, okay?" saad ni Noah. Ang kanyang namamagang mata ay salungat sa ipinapakita niyang ngiti.
Alam ni Nico na nagnanangis pa rin ang kanyang mabuting pinsan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Noah at sinimulang kumbinsihin ito.
"Noah, maybe it's time we accept that Adam is already..."
"Don't say it Nico, please!" Biglang tinakpan ni Noah ang kanyang tainga. Pinilit niyang huwag marinig ang susunod na sasabihin ni Nico. Agad niyang pinikit ang kanyang mga mata upang hindi niya mabasa ang paggalaw ng mga labi nito. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala na siya."
Nanlulumo si Nico sa pinsan niya dahil nagsimula na naman itong humagulgol. Inalala ni Nico ang lugar ng pinangyarihan ng aksidente. Kung paano sila humarurot patungo sa Bayan ng Lazuli. Ilang linggo silang naghahanap. Si Claude na iniwan ang trabaho nito. SI Danilo na ipinasa muna kay Regina ang kumpanya. Maging ang sina Sky, Alex at Ethan ay ilang linggo ring naghanap.
Agad na kinuha ni Noah ang notebook nito at nagmamadaling binukalkal ang mga pahina.
"Look, maybe his future versions left me a clue here. Kung ano ang mangyayari sa hinaharap," saad ni Noah. Para ito nababaliw habang mabilis na hinahalungkat ang mga pahina. "Kung ano ang dapat kong gawin. 'Di ba? 'Di ba? Kung saan ko siya aabangan. May magagawa pa ako 'di ba Nico? 'Di ba?"
Awang-awa si Nico habang pinapanood si Noah sa pagnanangis nito. Para itong nawawala na sa katinuan habang naghahanap ng kahit anong bakas patungo sa kanyang kasintahan.
Ngunit gaya ng madilim na kalangitan. Katulad ng malalim na dagat. Kapareho ng kanilang paghahanap sa nawawalang si Adam. Wala siyang nakita.
Muli siyang humagulgol. Sa napakaraming pahina ay wala niisang makatutulong sa kanya.
"Noah, tama na yan. Umuwi na tayo," yaya ni Nico.
"Putanginang notebook ito! Walang kuwenta!" Nagsimulang mangigil si Noah. Ang damdamin niyang hindi matanggap ang nangyari ay napalitan ng poot. "Bakit walang clue? Walang silbi!"
Tumakbo si Noah papunta sa bangin. Nagulat si Nico sa ginawa nito. Nasira ang mga magagandang bulaklak na tinapakan ni Noah papunta sa dulo ng talampas.
"Wala kang kuwenta!" sigaw ni Noah habang nakataas ang kamay niya upang ihahagis ang journal sa dagat.
"BLAM!"
Bago pa niya maibato ito ay mabilis siyang dinaganan ni Nico mula sa kaliwa. Nasa damuhan na sila. Pinatungan ni Nico si Noah dahil nagpupumiglas ito. Diniinan ni Nico ang kamay ni Noah na gusto paring iitsa sa dagat ang hawak nitong journal.
"Nico, get off me!" bulalas ni Noah.
"PAK!" Bigla siyang sinampal ng pinsan niya.
"Umayos ka nga!" bulyaw ni Nico. "Ano sa tingin mo magagawa ng paghagis mo niyan,ha? Wala! Hindi mo man lang ba naisip kung bakit wala ni isa sa mga future Adam ang nagbabala sayo tungkol sa nangyari?"
Nagsimula nang umagos ang mga luha ni Nico. Isa-isa itong pumapatak papunta sa pisngi ng kanyang pinsan. Nagulat si Noah sa pagluha ng pinsan nito. Ang pinsan niyang kaagapay niya habang katuwang sa paghahanap sa nawawala nitong nobyo.
Hindi nagsasalita si Noah. Ngunit kita na ni Nico sa mukha nito na unti-unti na itong natatauhan. Tumigil na sa pagpupumiglas si Noah. Kinagat nito ang kanyang mga labi habang umiiyak. Kusang lumabas sa kanyang bibig ang mga sagot sa katanungan ni Nico.
"Because if I knew, I would have stopped it," bulong ni Noah. "I would have been the one lost in that accident."
Inagaw ni Nico ang journal at inilagay sa kanyang bulsa. Marahan itong napaalis sa pagkakapatong at napahiga sa tabi ni Noah. Sa oras na iyon ay tuluyan nang nilamon ng mga ulap ang liwanag. Pareho silang nakatitig sa makakapal na kidlat na sumulpot sa langit. May mga kulog na kasama ang mga ito. Ilang minuto pa ay tuluyan nang bumagsak ang ulan.
"Noah, we should really head home," yaya muli ni Nico. Sa kanyang bulsa ay sinugurado niyang hindi mababasa ang journal.
Sa puwesto ni Nico ay maririnig ang mahinang paghagulgol ni Noah. Nilingon ito ni Nico. Nakapatong ang isang braso ni Noah kanyang mga mata upang pigilan ang kanyang mga luha. Kasabay ng ulan ay ang pag-agos ng mga luha ng isang taong nangungulila. Kasabay ng kulog ay ang pagkirot ng puso ni Noah na nagdurusa dahil sa pagkawala ng taong mahal nito.
"That stupid Ark! Ang daya-daya niya! Hindi na sana niya ako niligtas!" wika ni Noah habang nagluluksa sa ilalim ng punong Narra. Hinalikan siya sa labi ng nakikiramay na ulan.
***
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 2013, Palawan (6 months after the accident) (PRESENT)
Anim na buwang nanatili si Adam sa 1992. Anim na buwang itong walang malay habang pinapagamot sa Finland ng mga magulang nitong walang ideya kung sino talaga siya. Mula sa ospital sa Finland ay bumalik si Adam kasalukuyan. Nahulog ito sa dagat sa dulo ng bangin na pinangyarihan ng aksidente.
Sinuwerte man siyang naipagamot sa ibang panahon, may kabayaran ang lahat ng iyon. Sa pagbalik niya sa kasalukyan, itinigil na ang paghahanap sa kanya.
Dala na rin ng panghihina ay hinayaan na laman niyang anudin siya ng mga alon. Mga mabubuting alon na nagdala sa kanya sa pampang. Isang binatilyong nakahubo habang wala pa ring maalala maliban sa pangalang kanyang natatandaan.
Pinalipas ni Adam ang gabi na nakadapa sa buhangin.
"Gising! Gising!" saad ng isang malambing na boses.
Madaling araw ay naalimpungatan si Adam sa pampang. Walang ibang tao maliban sa katawan niyang walang saplot. Sa kanyang tabi ay isang taong pinipilit siyang gisingin.
"Hey, are you okay?" Natauhan si Adam sa pamilyar na katanungan. Tila nanumbalik ang lakas nito at agad na naiangat ang kanyang ulo. Sa kanyang gilid ay may nakita itong basket ng mansanas. Sa kanyang ulunan ay nakita niya ang isang taong nakasuot ng itim na apron.
Sinundan ni Adam ang damit patungo sa mukha ng taong gumigising sa kanya. Bagamat malabo pa ang kanyang paningin ay nagsisimula na niyang maaninag kung sino ito.
"Baka napagtripan ka ng mga lasing," saad ng gumising kay Adam. Inalis nito ang suot na apron upang itakip sa nakahubong binata. Kumuha ito ng mansanas at kanyang inabot sa binatilyong walang saplot. "Baka hindi ka pa kumakain. Do you want an Apple?"
"Apple?"
Nagbalik ang saya sa mukha ni Adam nang maalala ang pangalan ng kasintahan nito. Mula sa kadiliman ay tila naging malinaw ang mukha ng boses na tumatawag sa kanya.
Ang magandang kulay tansong buhok ng kanyang kaharap. Inaalon kasabay ng maalat na hangin. Kulay lumang kalawang at mas mapula pa sa nagdurugong langit.
Ang mapupungay nitong pilikmata. Pumapagaypay habang siya ay kinakamusta. Ang mga mata nitong kasing tapang ng kape. Kumikislap gaya ng sinag ng araw sa malupit na dagat.
Higit sa lahat ay ang dalawang dimples nito sa pisngi. Tila mga tala sa langit habang ito ay nguumingiti. Nagsimulang magliwanag ang mukha ni Adam.
"Apple, I miss you so much!" Mabilis na niyakap ni Adam ang taong kaharap niya.
"Ha? Hindi ako si Apple!" bulalas ng babae.
"Kahit nakalagay pangalan mo sa apron mo?" giit ni Adam. "Ayan, oh. Palayaw mo, Pol."
"Teka lang. You look familiar," sabi ni Pauline. Hindi nito matandaan ngunit pamilyar ang kaakap nito. Sinubukan niyang alalahanin kung minsan na ba itong nagtungo sa tindahan nila ng halo-halo.
"Ano ka ba? Ako ang boyfriend mo!" bulyaw ni Adam. Nagtatalon ang binatang walang maalala. Ang puso nito ay nagsimulang kumalma sa pangalang sinisinta.
Napangiti si Pauline sa kanyang narinig. Ang matagal na niyang hinihintay na pagkakataon ay nasa harapan na. Ang tulay paalis sa kinamumuhian nitong probinsya ay nakayakap na sa kanya.
Ang tandhanang malupit. Minsan ay parang isang batang mapagbiro. Malimit ay isang anghel. Madalas ay isang halimaw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top