Chapter 2: The Bridge and The Sky

Year: 2012, Metro Manila (Present)

Sa isa sa mga minahan ng ginto ng pamilya Ambrosi ay nagtungo si Adam. Nakasuot siya ng full hazard gear habang abala pagsuri ng mga dokumento. Nasa isang tent ito kung saan makikita ang mga investors ng kanilang kumpanya. Mayroong isang lamesa sa gitna ng tent na nakalatag ang blueprint ng minahan. Dahil tanghalian na, abala ang lahat sa kanya-kanyang personal na gawain. Sa isang sulok ay nagtungo si Adam habang kausap sa telepono si Noah.

"Alright, I'll let Uncle know. Bye Apple, I love you."

Matapos ibaba ni Adam ang tawag ay nilapitan ito ng isa sa mga business partners nila. Isang itong lalaki na nakasuot ng makapal na jacket at PVC hat. Nakangiti ito habang tinatapik ang matikas na balikat ni Adam.

"Hey man, is that your girlfriend, Apple?" usisa ni Sij. Natatawa pa ito sa itsura ni Adam na kanina pa nakangiti.

Si Sij Tadashi ay isa sa mga naging kaklase ni Adam sa kolehiyo habang nag-aaral sa ibang bansa. May lahi itong Hapon at Filipino. Naging malapit itong kaibigan ni Adam hanggang sa maging business partner na rin niya ito.

"Sij, I told you several times, Apple is a guy," humahalakhak na tugon ni Adam. Napakamot sa leeg ang kaibigan nito.

"Dude, you're just making it up. Pretending to be gay the entire college so that no girl would hit on you is so uncool," dugtong ni Sij.

"Ehdi wag kang maniwala," saad ni Adam.

"Patingin na kasi ng picture ninyo." Sinubukang agawin ni Sij ang cell phone ni Adam upang tingnan ang wallpaper ng kaibigan ngunit mabilis itong iniwas ni Adam.

"Ayaw ko nga!"

Natatawa na lang si Adam sa kaibigan nito. Sa tagal nilang magkakilala ay ni minsan, hindi nakita ni Sij si Noah at hindi rin ito naniniwalang hindi straight ang kanyang kaibigan.

***

Samantalang sa Pilipinas ay naglalakad si Noah sa pasilyo papunta sa opisina. Nakasuot ito ng long sleeves na pula habang may nakasalpak na bluetooth headset sa kanyang tainga.

"Thanks, Ark. I love you too. Bye," paalalam ni Noah sa kanyang nobyo bago ibaba ang tawag. Naabutan ito ng isa sa kanyang mga empleyado habang nakangiti mag-isa.

"Boss ano na?" pangungulit ni Gaile. Ang kanyang mukha ay puno ng kolorete at ang kanyang buhok ay hanggang leeg. Ang boss niya ay tila pinipilit magboses babae. "Kailan mo baka kami ipapakilala sa boyfriend mo?"

Tumigil si Noah sa paglalakad. Napatingin si Noah sa sa kanyang empleyado. Malapit na kaibigan ni Noah si Gale. Naka cross-dress ito at bagamat isang transwoman, mas maganda pa siya sa kahit na sinong babae sa opisina.

"Nako Gale. Ayoko nga, baka agawin mo pa," biro ni Noah. Pinakitaan nito ng magandang ngiti ang kausap habang tumatawa.

"Hindi! Promise! Ang tagal ka na naming iniistalk ni Peter ang jowa mo pero wala talaga kaming mahanap," nakasimangot na tugon ni Gale. "Peter! Tulungan mo ko rito, dali!"

Mula sa isang upuan ay napatayo ang isang lalaki. Nakasuot ito ng pink na polo shirt. Pumuputok ang malaki nitong katawan sa kanyang suot at hindi na niya maibotones nang wasto. Naka army cut ang buhok niyang itim, may makakapal na kilay, makinis na kutis at may mga matang hindi na halos makita tuwing siya ay ngumingiti.

"Good afternoon, Noah. Here, this is for you." Nakangiting saad ni Peter.

Inabot nito ang isang bouquet ng rosas kay Noah. Bagamat crush ng buong opisina si Peter dahil napakaguwapo nito, hindi niya itinago sa iba ang paghanga kay Noah.

"Mr. Ibarra, sabi na sayong I'm already taken. At isa pa, no flirting in the office."

Bagamat naiilang ay pinilit ni Noah na ngumiti. Naglabasan ang dalawang dimples nito na dahilan upang mamula sa kilog ang mukha ni Peter.

"Sige na Boss. Walang malisya, 'tsaka Valentine's day naman," giit ni Peter.

Naawa si Noah dahil halatang nag sumikap talaga ang kausap nito. Halatang pinasadya pa talaga ang hawak na mga bulaklak. Nakita rin niyang nakangiti si Gale sa kanilang dalawa. Marahan niyang kinuha ang bulaklak na inaabot at inamoy ito. Inangat ni Noah ang kamay niya upang tapikin ang balikat ni Peter.

"Thank you Peter,"malungkot na tugon ni Noah. Marahan niyang hinaplos ang balikat ni Peter bago tinapik ito. "I appreciate it, but I'm only accepting flowers from one person."

Inabot ni Noah kay Gale ang bulaklak. Nagliwanag ang mukha ni Gale sa ginawa ni Noah ngunit halatang nalungkot naman ang kasama nila.

"Come on Peter, walang ganyanan," saad ni Noah. Napansin nitong ang pagbagsak ng mukha ng matipunong binata. "Here, happy Valentine's din."

May kinuha si Noah mula sa kanyang bag. Naglabas ito ng box ng chocolate at inabot kay Peter. Ang mukha ni Peter na parang galing sa lamay ay mabilis na nagkakulay dahil sa saya.

"Woah! Thank you so much. Itatago ko to. Hindi ko muna kakainin." Pumapalakpak pa ang tainga ni Peter. Yakap-yakap nito ang tsokolateng nakakahon ng pula.

Muling kumuha si Noah ng isa pang box ng chocolate at ibinigay kay Gale.

"Here, Gale. Marami pa akong ganyan ihahatid mamaya. Paki bigay na lang sa iba ha?"

"Yes Boss."

Abala silang tatlo sa pag-uusap. Kinamusta ni Noah trabaho ng dalawa habag panay ang yaya sa kanya ng mga ito na lumabas Biglang may natanggap na text si Noah at agad na inusisa ito.

"𝗛𝗮𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘀𝗲𝗲𝗻 𝗺𝘆 𝘀𝘂𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲? -𝗔𝗿𝗸"

Dahan-dahang sinilip ni Gale ang cell phone ni Noah upang basahin ang text message nito. Agad namang binalik ni Noah ang cell phone sa bulsa niya at natawa sa itsura ng katabi nito.

"Hay nako Mr. Galileo Martinez Jr.," bulalas ni Noah. "Nay pagtingin talaga sa cell phone ko?"

"Boss naman walang tawagan ng real name," nahihiyang tugon ni Gale. Ang mahinhin niyang boses ay biglang naging boses lalaki. "'Tsaka kating-kati na kami makilala yang boyfriend mo. Wala kasi siyang social media."

Nagtawanan silang tatlo sa pasilyo. Ilang saglit pa ay may isa pang tao na lumapit mula sa kabilang dulo.

"Hey Noah," bati ni Sky. Napakatangakad nito at bagay na bagay sa kanya ang suot niyang itim na tuxedo. Hindi nawala ang masayahin at mahiyain niyang ugali habang binabati si Noah. "Nakita mo na ba ang loob ng opisinamo? Your package arrived this morning."

Limang taon mula highschool ay muling nakilala ni Noah ang dati niyang classmate na si Sky Fajardo. Naging kasosyo nila ito sa negosyo. Madalas siyang nasa opisina ng mga Arroyo dahil sa tatlong bagay:

Una, kailangan niyang i-monitor ang takbo ng business nila at makipag meeting ng personal kung kailangan. Ikalawa, lagi siyang pinapakiusapan ni Adam na mag-asikaso ng mga surpresa nito kay Noah.

At ikatlo...

"Hay nako, ang layo talaga ng opisina nyo insan!" bulalas ni Nico. Hinihingal pa ito matapos takbuhin ang kabilang dulo ng pasilyo.

Nakatitig si Sky sa lalaking hinahabol ang hininga habang nakayuko. Nakasuot ito ng chef's jacket, chef's pants at neckerchief habang hawak ang isang apron. Dahan-dahan nitong inangat ang kanyang ulo. Mayroon itong salamin at mas makisig, mas gwapo at mas matangkad na si Nico limang taon ang lumipas.

"Nico Pogi!" bulalas ni Noah.

Biglang niyakap ni Noah ang pinsan niya na isang taon na rin niyang hindi nakikita dahil abala rin ito sa pag-aaral. Napatitig si Nico kay Sky na abot tainga ang ngiti sa kanya.

"Lub dub"

Biglang iniwas ni Nico ang tingin niya dahil sa hiya.

"Nico! I miss you so much! How is culinary school?" usisa ni Noah.

Sasagutin na sana ito ni Nico nang may bigla itong maalala. "Woah! Am I too late? Pumasok ka na ba sa loob ng opisina mo?"

Hindi mapakali si Nico. Napahigpit siya ng hawak sa kanyang mga dala. May dala siyang malaking backpack at iba pang paper bags. Agad na napatakbo ito sa loob ng opisina ni Noah at nilagpasan niya si Sky.

"Noah, diyan ka lang!" sigaw ni Nico sa dulo ng pasilyo. Hinihingal pa ito at mapapansin kahit sa malayo ang malalim niyang hininga. Nasa labas na ito ng pintuan ng opisina ni Noah. "Huwag ka munang papasok. Five minutes!"

Natatawa na lang si Noah sa itsura ni Nico. Nakatitig si Noah ky Sky na tulala sa malayo.

"Time's up!" bulalas ni Noah.

Tumatawa pang pumasok sa opisina si Noah. Agad itong natulala sa kanyang mga nakita. Abot tainga ang kanyang ngiti. Ang kanyang puso ay tila gustong kumaripas palabas ng gusali.

"Abnuy ka talaga, Ark," natatawang bulong ni Noah.

Punong-puno ng bulaklak ang buong opisina nito. Mga bulaklak na ipinadala ni Adam. Sa kanyang lamesa ay nagkalat ang mga chocolate at cake na ginawa ni Nico.

"Ayan! Nirequest ng boyfriend mo," nagmamaasim na saad ni Nico. "Ang hirap maging tulay ninyo. Happy Valentine's day, panget!."

"Here, he asked me to give this to you." Sa gilid ni Noah ay lumapit si Sky. May inabot itong card na galing kay Adam.

Hindi mapigilan ni Noah ang kilig habang binabasa ito. Pinipigilan niya ang kanyang mga paa bago pa magtatalon ang mga ito.

"𝗔𝗽𝗽𝗹𝗲,

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗲'𝘀 𝗗𝗮𝘆. 𝗜'𝗹𝗹 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘁𝗼 𝗶𝗻𝗳𝗶𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗯𝗮𝗰𝗸.

Yours,

𝗔𝗿𝗸."

Kulang nalang ay mag-lock ang panga ni Noah dahil sa laki ng ngiti nito. Matagal niyang tinitigan ang Valentine's card na pinadala ni Adam. Sa gilid ni Noah ay tinatapik ni Gale si Peter na halatang nalulungkot sa nakikita niya.

"Nako Peter, may nanalo na," wika ni Gale

"Ang haba talaga ng hair, kainis!" dagdag pa ni Nico.

Napatingin si Noah sa pinsan nito at hindi pa rin maalis ang ngiti sa kanyang mukha.

"'Tse! Humanap ka na rin kasi ng jowa kung gusto mo! Marami naman d'yan." Biglang tinuro ng nguso ni Noah si Sky na nasa tabi niya. Pinilit pa ring huwag tingnan ni Nico ang binatang kanina pa nakangiti sa kanya.

***

Matapos ang ilang minuto ng pagkakamustahan ay lumabas na ng opisina ni Noah si Nico. Sa dulo ng hallway na walang ibang tao ay inaabangan siya ni Sky.

"Hey, kamusta ka na?" Tumatakbo pa si Sky patungo sa dating kaibigan.

"Okay naman. Ikaw?" nahihiyang tugon ni Nico.

"I'm great. It's been how many years, five? Nagsisilbi ka pa ring bridge ng dalawa? Grabe tiyaga mo."

Natatawa na lang si Nico sa mga sinasabi nito.

"Oo, love na love ko kasi ang dalawang iyon," tugon ni Nico. Napatingin ito sa kanyang relo. "Sige, I should go. Baka may trabaho ka pa."

"Ah eh, puwede mo ba akong samahan mag lunch? Hindi pa kasi ako kumakain, eh."

"Nako busog pa ko," mabilis na tanggi ni Nico. Biglang tumunog ang sikmura niya dahil sa gutom.

"Ayan, tara na!" Hinawakan ni Sky ang kamay ni Nico. Ngunit bigla rin niyang binitiwan ito. "Nako sorry."

Naalala ni Sky na minsan na niya hinawakan ang kamay ni Nico noong sila ay nasa High School pa lamang. Ngunit nagalit sa kanya si Nico dati. Nang mapansin ni Nico na nag-aalangan ito ngayon, siya na mismo ang humawak sa kamay ni Sky.

"Tara na! I know a great place!" bulalas ni Nico. Napangiti na lang si Sky habang hinahatak siya nito.

"Talaga? I bet you know some fancy restaurants dahil pastry chef ka na."

"Nah, I know something better."

***

"Ate pabili nga ng tiglimang kwek kwek at limang kikiam. Tsaka dalawang sago't gulaman," saad ni Nico. Nakatayo silang dalawa sa kalsada sa labas ng building na pinanggalingan nila.

Kinalabit ni Sky si Nico at bumulong. "Nics, safe ba kumain dito?"

"Nics ampota," humahalakhak na sagit ni Nico. "Okay lang dito! Umay na umay na ko sa mga mamahaling pagkain na wala namang lasa."

Iniabot ni Nico ang isang baso na may lamang kwek kwek kay Sky.

"I really don't..." pagtanggi ni Sky.

Tumuhog si Nico ng isang kwek kwek at inihipan ito. "Oh... Say Ahhh!"

Pinilit ni Sky na buksan ang kanyang bibig. Agad na pinasubo ni Nico ang isang pirasong itlog. Napapikit si Sky habang inaaral ang lasa ng kinakain nito. Ilang segundo rin itong ngumunguya at dahan-dahan din siyang nasasarapan. Naglalaro sa kanyang dila ang bagong lutong itlog kasama ng maasim at matamis na sukang sinawsawan nito.

"Hey! It's actually good."

"Sabi naman sa iyo, eh."

Matapos kumain ay naglakad silang dalawa papunta sa park. Sila ay umiinom ng sago't gulaman. Kaliwa't kanan ang mga magkasintahan sa paligid. May dalang mga bulaklak at lobo ang mga ito. Dahil naiilang sa mga nakikita, napagpasyahan na lang nila umupo sa lilim.

"Maiba ako, parang close na close mo ang dalawa," usisa ni Sky.

"Who? Adam and Noah?" tugon ni Nico.

"Yeah"

"Well, matagal na akong tulay ng dalawa simula pa noong–"

Natigilan si Nico. Muntikan na niyang maikwento ang kabataan nila ni Noah kasama ang future versions ni Adam.

"Noong?" usisa ni Sky.

"Highschool!" bulalas ni Nico. Napalunok ito ng laway habang pinipilit tumawa "Alam mo namang hirap na hirap mag-out ang pinsan ko rati 'di ba?"

May ilang segundong katahimikan matapos silang mag tawanan. Walang imik si Sky. Nakatitig lamang ito sa kanyang gulaman. Sinusuring mabuti ang plastic na kanyang hawak.

"Ikaw? Anong balita sa 'yo?" tanong ni Nico. Nakatingin ito sa kabilang dulo ng parke at tila nahihiyang lingunin ang katabi. "How are things with you and your girlfriend?"

"You mean Hera?" Natigilan si Sky at napatitig ito sa mga magkasintahang dumadaan sa tapat nila. "We broke up years ago. Magkaiba kasi talaga ang mga hilig namin. Lagi syang nagagalit whenever I play basketball with my friends. Do you still play by the way?"

"Sometimes, I still play on the streets with my friends." Muling napahigop si Nico sa iniinom nito. "Regarding Hera, ahmmm... you never had anyone else after her?"

Nahihiya na si Nico sa mga tinatanong nya. Napayuko si Sky bago ito sumagot.

"Wala, eh. Hindi ko rin alam what happened. Parang after her, I never get to date anybody. Wala naman kasi akong kilalang babae na mahilig sa basketball. Parang iba kami ng wavelength."

"Kinain ka na ng basketball!" tumatawang tugon ni Nico. "Well, hindi kita masisi. Masaya naman talaga mag laro."

"Oo, sobrang saya," tugon ni Sky habang nakatitig kay Nico.

Nahihiya na rin si Sky sa mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung nahuhulaan na ba ni Nico ang gusto niyang iparating. Napatingin si Nico sa mga magkasintahan dumadaan sa kanilang harapan.

"Buti pa itong mga ito... Hay!" Napabuntonghininga si Nico habang iginagala ang kanyang paningin.

Napatingin din si Sky sa mga tao na may hawak na tsokolate. "Oo nga, eh. Sana lahat may tsokolate."

"Ay teka..." bulalas ni Nico. Biglang naalala ni Nico ang itinabi niyang chocolate itinira niya mula sa mga hinatid niya kay Noah. Papapakin sana niya ito sa bahay. Kinuha niya ito sa kanyang bag at ibinigay kay Sky. "Here, happy Valentine's Day."

Nanlaki ang mga mata ni Sky sa iniaabot ni Nico. Mabilis na nagkutis kamatis ang kanyang pisngi habang tirik na tirik ang araw.

"Thanks.... Oh wait, I have something for you too," saad ni Sky. Naalala nito ang itinabi niyang isang pirasong rosas sa loob ng kanyang damit. Binili rin niya ito kasabay ng mga pinabili ni Adam sa kanya. "Here, happy Valentine's Day din."

Natatawa na lang si Nico habang kinukuha ang bulaklak. Isang long stemmed rose na nabali na dahil hindi kasya sa suot ng binatang katabi niya.

Ilang minuto din silang walang imikan habang hawak ang regalo nila sa isa't isa. Hindi na mapakali si Sky sa pwesto nito dahil mayroon siyang gustong sabihin kay Nico kanina pa.

"Nics, ah eh," nauutal na panimula ni Sky. "'Huwag ka sanang magagalit but I've been dying to ask you something years ago but we lost contact."

"Oh, ano iyon?" Napalingon si Nico sa kanya habang nakataas ang iniinom nito.

"Ah eh..."

"Sige na, spill it!" usisa ni Nico. Sinimulan muling inumin ni Nico ang sago't gulaman na dala nya.

"Puwede bang manligaw?" mabilis na tanong ni Sky. Napapikit ito dahil sa hiya.

"Uho! Uho!" Naibuga ni Nico ang iniinom niya. May mga butil pa ng sago na lumalabas sa kanyang ilong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bl#bxb