Chapter 12: Rule Number Five
Year: 2012, Finland (Many Months Ago, Wedding Day)
Kasal ni Claude at Danilo nang mag time travel paalis si Adam sa harap ng mga pine trees. Mabilis na dinampot ni Noah ang mga nagkalat na damit ng kanyang nobyo nang bigla itong maglaho sa snow. Para itong asong hinihingal pa dahil sa pagmamadali niya habang nahihirapang gumalaw sanhi ng makakapal na niyebe. Nang dadamputin na ni Noah ang necktie ni Adam ay nagulat ito nang may isa pang kamay na pumulot sa sahig. Mabilis siyang napabalikwas at natulala sa binatang nakaharap sa kanya.
"Hi," saad ng estrangherong may itim na buhok. Nakasuot ito ng tuxedo na green. Isa itong banyagang kasama sa mga bisita sa kasal. Nakangiti ito habang inaabot ang hawak nito kay Noah. Tila naman nabuhusan ng malamig na tubig si Noah nang malamang may iba pang tao sa kinatatayuan niya. Parang nais nitong tumakbo habang yakap-yakap ang mga niawang damit ng kanyang kasintahan. Dahan-dahan itong umaatras papunta sa likod ng pine trees nang muling magsalita ang binatang kaharap niya. "Relax, I know Adam's secret."
Natigilan si Noah sa panginginig nito. Napatigil siya sa paghakbang. Nakatitig lamang siya sa binatang may singkit na mata at mapupulang labi. Nagsimulang sumikip ang dibdib ni Noah. Marahang napalunok ito bago siya magsalita. "Who are you?"
"My name is Sij Tadashi. Kaklase ko si Adam sa College. You must be Apple?" paliwanag ni Sij. Marahan itong humakbang palapit kay Noah. Nagsimula nang magbalikan ang mga bisita sa kasal sa mga kinauupuan nila. Bigla nitong hinawakan si Noah at hinatak papunta sa likod ng mga puno. Pareho pa silang hinihingal dahil sa ginawa nilang pagtakbo. "Noah, let's talk here. Baka may makarinig sa sasabihin ko."
Ilang minuto silang naghabol ng hininga. Nang makabawi ng lakas ay muling kumilos ang binatang kausap ni Noah. Panay ang tingin nito sa paligid upang siguraduhing walang ibang taong nakatingin o papalapit sa puwesto nila. Nakasandal sa likod ng puno si Noah habang may kinukuha si Sij mula sa bulsa nito. Wala na ang ngiti sa mukha ni Sij habang inaabot kay Noah ang isang larawan. Tinititigan ni Noah ang bagay na inaabot ng kanyang kausap. Hindi siya sanay na may ibang nakakaalam ng sekreto nilang dalawa ni Adam maliban sa iba pang tao na pinagsabihan nila. Napalunok si Noah bago ito magsalita. "Ah, ano iyan?"
"Take a look," yaya ni Sij. Marahang kinuha ni Noah ang larawan. Nanginiginig pa ito dahil sa lamig at kaba sa kung anong maaring makita niya. Dahan-dahan naliwanagan ang larawan ng manipis na sinag ng araw na tumatagos mula sa mga puno. Nakita ni Noah ang larawan ng dalawang taong pamilyar sa kanya. Larawan ito ni Dr. Kevin Cornwell at ng anak nitrong si Kim. Sa larawan ay parehon silang naka lab gown katabi ang binatang kausap ni Noah. "They are my colleagues. Kim asked me to keep an eye on your boyfriend these past few years," paliwanag ni Sij.
Nakahinga nang malalim si Noah. Marahan-itong napaupo sa niyebe habang sumasayad ang kanyang likuran sa puno. "Don't scare me like that. Akala ko kung ano na, eh."
"Sorry, I did not mean to frighten you. There are some other things I wished to talk to you about," dagdag pa ni Sij. Biglang napalitan ng pagiging seryoso ang tono ng boses nito. Huminga siya ng malalim at hinayaang mapuno ng malamig na hangin ang kanyang baga bago siya magpatuloy sa pagpapaliwanag. "Adam, doesn't know I know his secret."
"Why?" pagtataka ni Noah. Hindi nito alam kung pagkakatiwalaan ba nito ang kausap niya. Nagsimula nang mapuno ng takot ang kanyang puso. "Hindi ba mas magandang nandito rin siya upang marinig ang mga sasbaihin mo?"
"We decided to make it a blind study. Kim and Kevin would have better result if the subject does not know he's bein' observed," dagdag pa ni Sij. Marahan itong umupo upang mas makita nang malapitan ang mukha ni Noah. Napansin nito ang kulay tanso nitong buhok na nagliliwanag sa sinag ng araw gayundin ang malalim nitong mga mata. Nagsimula itong ngumiti at matuwa nang bahagya nang makita kung gaano kaguwapo ang kausap nito. "You really are cute. Adam really thought I was insisting you're a girl, Apple."
Nagtataka naman si Noah sa sinasabi ng kanyang kausap. Muli niyang niyakap ng mahigpit ang mga damit na dala niya. "Ah, eh, iyon lang ba ang sasabihin mo? Pabalik na kasi in a few minutes ang boyfriend ko, baka maabutan ka niya."
"Oops, sorry," nakangiting paumanhin ni Sij. Tuluyan na niyang inilapad ang kanyang puwet sa niyebe upang mas makausap nang maayos si Noah. Muling naging seryoso ang mukha nito at nagsimulang magkuwento. Inilahad niya kay Noah ang mga nadiskubre nila tungkol kay Adam. Ang mga sekreto ng kakayahan nito. Unti-unting napapanganga si Noah habang sinasabi ni Sij ang lahat. Inilabas ni Sij ang kanyang cellphone at may pinakitang data kay Noah tungkol sa mga ginawang pagtime travel ni Adam noong nasa kolehiyo pa lamang sila. "Here, there is a pattern. Remember these dates?"
Punong-puno naman ng pagtataka si Noah. Hindi nito maproseso ang lahat ng impormasyong nalalaman niya. Napalunok siya bago siya tumugon. "No, not really. What about them?"
"These are the dates on or before he spoke with you on the phone," paliwanag ni Sij. Nagdadalawang isip pa ito kung itutuloy niya ang kanyang mga sasabihin. Naawa siya kay Noah na halatang nag-aalala at inosente sa lahat ng nangyayari sa paligid niya.
Ang mukha nitong kanina pa nakakusot habang yakap-yakap ang mamahaling tuxedo ng kanyang kasintahan. Inilabas ni Sij ang Time Anomaly Device na dala nito. Mabilis na tumunog ito nang kanyang paandarin habang nakatutok kay Noah. Nasalo ng makapal na snow ang ingay nito. Bigla itong pinatay ni Sij upang hindi na makaagaw ng atensyon.
"You are one of those few people that causes him to experience too much emotions. Galit, inggit, tuwa, lungkot, panghihinayabg." Muling huminga ng malalim si Sij at hinayaang lumabas ang mainit na hangin sa kanyang baga papunta sa malamig na hangin sa paligid. Napagdesisyon nitong ituloy ang kanyang nais sabihin sa binatang may kulay tansong buhok. Kasabay ng pag-usok ng kanyang bibig ay ang paglabas ng mga katagang matagal nang kinatatakutan ni Noah. "You are the trigger, Noah."
***
Year: 2012, Metro Manila, Alex's Bar (Present)
"Ark, we should really go home," pakiusap ni Noah. Halos wala nang sigla ang boses nito. Pareho nang tulog sina Alex at Ethan sa kanilang harapan samantalang isa-isa nang nag-aalisan ang mga tao sa bar. Nakayuko lamang si Noah sa puwesto nito habang marahang hinihila ang dulo ng polo na suot ni Adam.
"Fuck it! I just can't really understand why this thing has no effect on me," bulyaw ni Adam sa alak na hawak niya. Padabog nitong inilapag ang pangtatlumpung bote ng beer. Nag-aalab ang kanyang puso sa kanyang mga pasarin. "Look at these two, ang sarap na ng tulog nila. Five years since we've met Dr. Cornwell and we're still in square one."
Muli siyang tinitigan ng kanyang kasintahan. Makikita ang mga namumuong tubig sa mga mata ni Noah na tila mga bituin sa langit. Kumikislap ang mga ito kasabay ng iba't ibang kulay ng ilaw na sumasayaw sa madilim na bar. Tinititigan siyang pabalik ni Adam. Unti-unting nawala ang inis sa mukha ni Adam nang mapansing naiiyak na ang nobyo nito.
Kasabay ng mga nakakaantok na tugtugin sa lugar na iyon ay ang mahinang paglabas ng mga salita sa bibig ni Noah. "Why do you want to get drunk so bad?"
"I want to forget what I saw tonight. I wanna forget everything, Apple," walang pag-iimbot na sagot ni Adam. Bigla niyang iniwas ang kanyang mga tingin kay Noah upang hindi masaksihan ang tuluyang pagbagsak ng mga luha sa mata nito.
Napatingin si Noah sa malayo upang hindi rin makita ni Adam ang kanyang pag-iyak. Ume-echo sa kanyang ulo ang mga huling kataga na binitiwan ni Adam. Kung paano gustong makalimot nito. Naalala ni Noah ang mga napag-usapan nil ani Sij. Mabilis na tumayo si Noah. Pinilit nitong hindi punasan ang kanyang mga luha upang hindi makahalata ni Adam ang kanyang pagnanangis.
"Hey, where are you going?" tanong ni Adam mula sa malayo.
"Home," nakangiting sagot ni Noah kahit basing-basa na ng luha ang mga pisngi nito.
Nang makapasok si Noah sa kotse ay agad nitong pinunasan ang kanyang pisngi. Mabilis niyang pinaandar ang makina ng sasakyan. Ilang segundo pa lang ay biglang pumasok si Adam at umupo sa kanyang tabi. Nakangiti itong nakatitig kay Noah ngunit walang reaksyon ang binatang nakaupo sa manibela. "Noah, I'm sorry about tonight," saad ni Adam sa malambing nitong boses.
Marahang inalis ni Noah ang seatbelt nito. Naalala nitong muli ang nais mangyari ng kanyang nobyo. Ang kagustuhan nitong makalimot. Nagbalik tanaw si Noah sa mga napag-usapan nila ni Sij at ang koneksyon nito kay Dr. Cornwell. Ang mga natuklasan ni Noah nang biglang mawala si Adam sa kasal nina Claude at Danilo. Napalingon si Noah kay Adam. Punong-puno ng agam-agam ang puso nito. Muling nabasa ng maalat na tubig ang kanyang kulay kapeng mga mata.
Tanging mga dumadaang sasakyan lamang ang nagbibigay liwanag sa maamo niyang titig. Mga tingin ng batang laging kalaro ni Adam sa ilalim ng punong Narra. Muling Pinigilan ni Noah ang tuluyang pag-agos ng kanyang mga luha. Sa halip ay muli niyang kinamusta ang kanyang kasintahan.
"So, are you okay now?" tanong ni Noah sa malalim niyang boses. Pinilit nitong pagliwanagin ang gabi gamit ang mapuputi niyang ngiti.
"I'm still mad. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa mong paghalik kay Peter kanina," malungkot na tugon ni Adam habang nakayuko ito. Unti-unti nang nawawala ang bigat ng damdamin niya dahil sa paglabas ng sama ng loob sa kanyang nobyo. "Believe me, Noah. I would rather let the world know than lose you."
Mahinahong inabot ni Noah ang kamay ng kanyang kasintahan. Tuluyan nang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Tila mga nagbabagsakang bituwin ang bawat patak ng luha na nasisilawan ng bawat dumadaang sasakyan. Nais na sana nitong magtapat ng tungkol sa mga nalalaman niya ngunit pinilit niyang pagtuunan ang mga agam-agam ng kanyang kasintahan. "Adam, mas pipiliin kong ako ang mawala sa iyo kaysa ikaw ang mawala sa akin habambuhay."
"Lub dub"
Mabilis na napaangat ang ulo ni Adam. Nagulat si Noah sa itsura ng nobyo nito. Basang-basa ng luha ang pisngi ni Adam. Tila mga alon ng dagat ang pagluha ng kanyang bughaw na mga mata. Para itong naiipit sa pagitan ng dalawang malaking bato. Magkahalong lungkot at tuwa ang kanyang nararamdaman mula sa sinabi ng kanyang nobyo.
"You know what I mean, don't you?" malungkot na tanong ni Noah habang sinisimulang punasan ang mga luha ng kanyang kasintahan.
Ngumiti si Adam at marahang tumango. Sa ibuturan ng kanyang puso ay alam niya ang nais iparating ng taong mahal niya.
"Once the world knows about you, I would lose you forever," dugtong ni Noah bago siya bigyan ng maiinit na halik ni Adam sa loob ng madilim na sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top