Chapter 1: The Rules
Year: 2012, Finland (Present)
"I wish we could spend every memory together."
Adam was fidgeting. Nakabusangot siya sa kaniyang repleksyon habang muling napunta sa screen saver mode ang laptop nito. As much as he hates it, his long distance relationship with Noah has made them miss each other more.
But Adam does not regret it. Though Adam seldom sees his present boyfriend, he's been traveling a lot back to the past to play with the young Noah under the narra tree.
And whenever Adam goes back to the present in his room in Finland and misses the present Noah, he would just thought of their situation like a very special song. A song that he would only play at rare moments in his life because it's special. He sometimes think of their relationship like his favorite champorado too. Mas masarap kung magkatimbang ang lasa ng tamis at pait ng tsokolate. Just like his bitterness everytime he misses his boyfriend and the sweetness they'd share wheenever they would meet. Gaya ng champorado, naniniwala si Adam na ang pagibig ay niluluto sa katamtamang apoy habang malambing na hinahalo. Ang pagibig ay parang isang putahe na hindi niya madalas kainin and would only taste in the important days in his life. Just like the person he loves, the less he sees the one he likes, the more he craves for Noah.
Pero hindi ngayon, he's been dying to have a taste of Noah like literally dahil ilang buwan na niyang hindi nakikita ito.
Hindi mapigilan ni Adam ang pagkuyakoy ng kanyang kanang paa dahil nasasabik na ito sa taong makakausap sa webcam. Nakasuot si Adam ng headset habang matiyagang naghihintay na kumonekta sa internet.
Sa bintana sa kanyang kaliwa ay makikita ang napakagandang tanawin ng kanilang bakuran. May mga huni ng ibon at maliliit na hayup na abala sa pag-iimbak ng mga pagkain para sa darating na taglamig. May mga maliliit na isda na makikita sa napakalinaw na lawa sa likod ng kanilang bahay.
"Ang tagal!" reklamo ni Adam habang nakatitig sa loading screen nito.
Kanina pa niya tinataktak ang computer mouse sa pagbabakasakaling bumilis ito. Napatingin siya sa kanyang keyboard at sinubukang pinangigilan ang iba't ibang pindutan upang mapabilis pa ang laptop niya.
"Oh, Ark. Bakit magkasalubong na naman ang kilay mo?" tanong ni Noah nang bigla itong sumulpot sa screen sa tapat ng nanggigigil na si Adam.
Bagamat mas malalim na ang boses ni Noah ngayon ay pamilyar pa rin si Adam sa malambing na boses ng kanyang nobyo. Mula sa pagkakayuko ay unti-unting lumiwanag ang mukha ni Adam upang salubungin ang kasintahan nito.
"Apple! I miss you!"
Biglang inilapit ni Adam ang mukha niya sa screen. Nakanguso pa siya na tila hinahalikan ang mukha ni Noah.
"Abnuy!" humahalakhak na bulong ni Noah. Malambing ngunit may inis sa kanyang tinig.
"Ito naman, killjoy." Mabilis na napaatras si Adam at pinunasan ang naiwang laway sa screen ng kanyang laptop.
"So how are you? Excited ka na ba next week?" tanong ni Noah. Nakatitig lang sa ito kay Adam habang natatawa sa pagtatampo nito.
Inangat ni Adam ang isang pares ng ice skates na kulay itim. May pinakita rin siyang beanie na kulay pula. Sinadya niyang bilhin sa labas ng bayan mag-isa para nobyo niyang darating.
"Oo naman," bulalas ni Adam. Sinusuri pa niya ang mga pinamili at tila isang batang tuwang-tuwa sa nakuha niyang laruan. "Ang mahal ng bili ko sa mga ito. Paniguradong matutuwa ka."
"Nako, sana hindi ka na nag-abala," pagpapakumbaba ni Noah. Napakamot nalang ito sa ulo niya habang tinitignan ang mga pinamili ng kanyang nobyo.
Tinagkang abutin ni Noah ang garapon ng biskwit sa kanyang harapan. Marahan siyang tumayo at bumungad kay Adam ang matipunong kilikili nito. Noon lamang napansin ni Adam ang suot ni Noah. Naka sando lamang ito habang nasa loob ng madilim na kwarto. Naaninag ni Adam na mas lalong naging matipuno ang katawan ng kanyang kasintahan.
"Hey, have you been working out?"
Napatingin si Noah sa mga braso niya na ilang araw na rin nyang pinapalaki. Muli siyang napatingin kay Adam at kinindatan ito. Itinaas pa niya ang kanyang mga braso at ipinakita kung gaano ito pumuputok sa laki.
"I've been playing basketball more. You like what you see?" nakangiting tukso ni Noah. Kumikindat pa ito habang natatawa sa itsura ni Adam na kanina pa nakatulala sa kabilang bahagi ng mundo.
Biglang tumayo si Adam. Sa tapat ng kanyang kamera ay itinaas niya ang kanyang damit. Lumitaw ang matitigas na walong pandesal sa kanyang harapan. Tila maari nang maglaba dahil sa napakagandang hugis ng mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Noah sa mga kanyang nakita. Muling umupo si Adam at itinaas ang dalawang braso upang ipakita ang inilaki ng mga ito.
"Ikaw? Do you like what you see?" pagmamayabang ni Adam.
Nakatulala lang si Noah sa screen. Bagamat nagkikita sila dalawang beses sa isang taon sa limang taon nilang long-distance-relationship, hindi napigilan ni Noah na magulat sa laki ng pagbabago ng katawan ng kanyang nobyo..
"Huy! Ano na?" Napansin ni Adam na walang imik si Noah. Humahalakhak ito habang inaayos ang kanyang damit. "Mas ayos na ako for spooning, right?"
"Kainis!" saad ni Noah. Tinakpan niya ang kanyang pisngi na nagkukulay kamatis.
Nagsimulang magkuwento si Adam tungkol sa unang taon nito sa kanilang minahan. Tinititigan ni Noah si Adam habang nagkukwento ito. Tila isa itong paslit na masayang ibinabahagi sa kanyang kaibigan ang magandang araw na nangyari sa palaruan. Ang kulay kahoy niyang buhok, ang mga bughaw niyang mata at ang napaka gwapo niyang mukha. Unti-unti nang mas nagiging hawig ito ang future Adam na kinalakihan ni Noah.
Bagamat malayo sa isa't isa ay nairaos nila ang limang taong relasyon. Walang ni isang araw na hindi nila nagawang kamustahin ang isa't isa. Nakapalumbaba lang si Noah habang pinakikingan ang mga kwento ng kanyang kasintahan. Natigilan si Adam nang mapansin niyang hindi na naman kumikibo ito.
"Uy, ano na? Nakatitig ka lang diyan."
"I just missed you so much," tugon ni Noah. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Noah nang sitahin siya ng kanyang nobyo. "Habang tumatagal, mas nagiging kamukha mo ang Adam na nasa kabataan ko."
Lalong kumurba pataas ang labi ni Adam habang sa mga salitang binitawan ni Noah. Lalo pa niyang inilapit ang kanyang upuan sa lamesa upang mas makita ito. Pinalakasan niya lalo ang tunog ng computer upang lalong mas marinig ang nobyo niyang kaytagal na niyang hindi nakita sa personal.
"Kamukhang-kamukha mo na ang Adam mula sa kabataan ko," natutuwang ibinahagi ni Noah. Tila lumilipad ang isip nito habang ginugunita ang masasayang araw sa ilalim ng puno ng Narra. "Adam na laging nasa ilalim ng puno. The longer I stare at you, the more I realize na... ang guwapo mo pala talaga."
Abot tainga na ang ngiti ni Adam dahil sa mga narinig nito. Pansin naman ni Noah na pumapalakpak na naman ang tainga ng kanyang bobyo. Ang mukha ni Adam na sobrang puti ay nagsimula na namang mamula dahil sa kilig.
"Bolero. Kung nandito kalang, kanina pa kita kinain. Kainis!" bulalas ni Adam habang kinakagat ang mga labi niya.
Pareho silang natawa sa reaksyon ng isa't isa.
"So how was your job?" usisa ni Adam. "Buti pinayagan kang mag bakasyon?"
Napatingin si Noah sa kalendaryo. May malaking hugis pusong guhit sa ibang petsa. Sa lamesa sa ibaba ng kalendaryo ay makikita ang mga larawan nila ni Adam. Nakadisplay dito ang mga larawan ng mga ginawa nilang paglibot sa mundo sa nakaraang limang taon habang nag-aaral sa kolehiyo. Ang pinakamalaking larawan ay ang ginawa nilang pamamasyal sa Milan. Muling napatingin si Noah kay Adam.
"Oo. Okay sa office. Wala akong masabi," kanyang tugon. "And they understand since matagal na akong walang pahinga."
Naalala ni Adam kung paano naging matagumpay na Arkitekto si Danilo at kung paano lumaki ang kumpanya nito. Bagamat boss na sa isang branch ng kumpanya, hindi pa rin pumapalya sa pagkamusta si Noah sa kanya.
"How about Tito Claude?" usisa naman ni Noah. Nilibot niya ng tingin ang kuwarto ni Adam at nakita ang mga poster ng mga sikat na figure skaters. "How is he doing?".
"Well, he's busy for their-" Natigilan si Adam nang may biglang nag pop up sa screen nito. May natanggap siyang email mula sa importanteng tao.
"Oh, bakit natigilan ka?" usisa ni Noah.
"I just got an email from Dr. Cornwell."
Natulala si Noah sa kanyang narinig. May halong tuwa at kaba sa kanyang dibdib. "Oh, anong sabi?"
Binuksan ni Adam ang email at binasa nya ito sa harap ni Noah. "Dear Adam, To recap from our last meeting we found out a few things so far. Your ability, we can call it Chrono Displacement. Your body is composed of cells that allow you to time travel."
Natigil si Adam sa pagbabasa. Napabuntong hininga ito bago mag patuloy. Hindi niya nagugustuhan ang patutunguhan ng liham sa kanyang harapan.
"So far, we learned that there are some rules in it," pagpapatuloy ni Adam.
Noah naman ay unti-unting sumimangot habang nakikinig sa kanya. Ayaw niyang aminin sa kasintahan na alam na niya ang mga ito noon pa.
"Rule number one-" Nagpatuloy si Adam sa pagbabasa.
****
Year: 1997, Batanes
Nagtatago si Adam sa likod ng punong Narra. Wala itong suot na kahit ano. Mula sa malayo ay pinapanood niya ang batang si Noah na may dalang backpack habang buhat-buhat ang napakaraming libro. Nakita na ni Noah si Adam ngunit nilagpasan lang niya ito upang ilapag ang mga dala niya sa damuhan.
"Terve! (Hello)" bati ni Noah. Hinarap nito si Adam habang tinatakpan ang kanyang mga mata.
"Oh, bakit diyan ka dumiretso?" usisa ni Adam. Nakatago ang kanyang katawan sa likod ng puno.
"Ah,eh Kuya, paki buksan na lang tong backpack sa likod ko. Kunin mo na lang ang mga damit mo."
Natatawa nalang si Adam sa nahihiyang batang kasama nito. Agad niyang kinuha ang damit at nagbihis upang hindi na mahiya ang munti niyang nobyo. Matapos magbihis ay inusisa niya ang mga mabibigat na librong inilapag ni Noah.
"Oh, bakit ang dami mong dala?"
"Kuya, matagal ka ba mananatili ngayon?"
"Medyo matagal. Bakit?"
"Kasi... ano eh..." Nakayuko pa si Noah bago sumagot. Nahihiya ito kay Adam sa hihingin niyang pabor. "Magpapaturo sana ako sa assignment ko sa Math, Science and Philippine History."
Napakamot ng ulo si Adam. History ang subject na pinaka mahina siya. Ngunit napatingin ito sa nakayukong si Noah. Halatang nilalakasan lamang nito ang kanyang loob sa paghingi ng tulong.
"Sige, tignan nga natin iyan," nakangiting tugon ni Adam.
Matapos ang isang oras ay pareho na silang nakahiga sa damuhan. Nakatitig sa ilalim ng puno. Ang sinag ng araw ay pilit na tumatagos sa makakapal na dahon.
"Ang hirap naman nito," reklamo ni Adam. Natatawa ito sa mga hindi pamilyar na akdang binasa nila. "Seryoso bang may ganito noong elementary?"
Suot ni Adam ang damit ni Danilo na kasyang-kasya na sa matipuno niyang katawan. Sa palibot nila ay nagkalat ang mga libro. Ang batang si Noah ay naiinis na dahil walang ambag ang binatang katabi nito.
"Kuya! Ano ba naman iyan? Ang galing mo magturo sa Math, Science, English.. bakit sa History ang bobloks mo?", tanong ni Noah habang nakadapa sa damuhan. Gumagawa na lamang ito ng mga origami dahil halatang sumuko na ang kanyang katabi. "Naturingan ka pa namang time traveler."
Puro halakhak ang isinukli sa kanya ni Adam. "Well, my little sour Apple, we have our own favorites. It just so happens that I really hate History."
Napaupo si Noah sa puwesto niya at may biglang naiisip ito. Nakatitig ito sa librong makapal at mga letrang baybaying nakasulat sa harapan.
"Eh, bakit hinidi ka na lang mag time travel sa past para mas madali nating masagutan ito." Itinaas ni Noah ang homework niya. Napakarami pa nilang kailangang sagutan. "Pumunta ka kaya sa Mactan 1521, need ko gumawa ng essay on how Magellan died-"
Hindi pa natatapos si Noah nang magsimulang humagalpak si Adam sa tabi niya.
"Hey! What's so funny?" Mabilis na nagsalubong ang maakapal na kilay ng batang si Noah. Nakanguso pa siya at nanlilisik ang mga titig sa binatang nagtatampisaw sa tuwa.
"Rule number 5," saad ni Adam. Lumapit si Adam kay Noah at pinisil ang magkabilaang pisngi nito.
"Ano po iyon?"
"From where I came from, I learned that there are some rules in my ability."
Napadantay silang pareho sa damuhan. Nahihiwagaan si Noah sa sinabi ni Adam. Isang bagong bagay na kanyang narinig sa unang pagkakataon.
"Ano po.... Ano po yung mga rules Kuya Adam?" tanong ng walang muwang si Noah.
Napatingin si Adam sa dagat sa harapan nila. Umihip ang malakas na hangin. Tumunog ang pagkiskis ng mga dahon at damuhan sa palibot nilang dalawa. Huminga siya ng malalim. Pinuno niya ng maalat na hangin mula sa dagat ang kanyang baga. Nakatitig si Adam sa dulo ng karagatan bago ito sumagot.
"So far, these are the rules...
Ito lang ang mga nalaman ko sa ngayon."
Matapos sabihin lahat ng ito ni Adam ay tumalikod si Noah. Tumakbo si Noah patungo sa kanyang bag. Inilabas niya ang kanyang journal ay kumuha ng ballpen.
"Kuya, pwedeng pakiulit lahat?" pakiusap ni Noah. Nagsisimula na siyang magsulat na tila nagmamadali pa. "Iyong unang dalawa lang ata natandaan ko."
Ngunit paglingon ng batang si Noah kay Adam ay naglaho na ito. Tanging mga damit na lamang nito ang naiwan sa damuhan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top