CHAPTER TWO

Soliva's POV

"Um, excuse me miss?"

Napalingon ako sa likod ko. Teka sino ba 'to?

"May kailangan ka sa ate ko?" Ate niya?

"Ah. Wala, napa-tingin lang ako. Mali ata ako nang napuntahan na room. Sorry." Saka ako tumungo at lumakad papalayo sa kwarto na 'yun. May kapatid ba si Fey?

Alam kong si Fey yun. Sa pagkaka-alam ko, wala naman sakit yun ah. Pero, pa'no nangyari 'yun?

Soliva, ayun ang kapalit ng pagligtas ni ate Pis sa inyo, ang makalimutan ang nangyari lalung-lalo na sa pagiging Zodiac Protectors nila.

Makalimutan ang nangyari? Eh di mababago ang lahat kung nakalimutan nila ang nangyari? Nakakainis, ano ba talaga ang nangyayari? Bakit hindi niya ko nakilala? Akala ko ba matagal na niya ako kilala?

Kailangan kong uminom ng tubig.

~

Bakit hindi niya ako nakilala?

"Soliva!"

Napa-diretso ang tingin ko kay Trisha habang kumakain kami sa restaurant. "Bakit?"

"Hala siya, kanina pa ko nagsasalita dito hindi ka nakikinig? Ang sabi ko, bakit ka natutulala diyan?"

Napa-iling na lang ako sa kanya. "Wala lang, gusto ko lang makipag-usap sa sarili ko haha." Saka ako napasubo ng pagkain.

"Ang sarap ng pagkain dito 'no?" Tanong ni Trisha saka ako tumango. Lumingon ako sa paligid ng restaurant. Medyo familiar sa'kin etong lugar na 'to.

Kailangan mabasa ko na ang laman ng journal book na 'yun.

Nang maka-uwi na kami, kaagad akong dumiretso sa kwarto. Sinugurado ko na naka-lock ang pinto, mahirap na. Hinanap ko ang journal book na 'yun. Nang makita ko, agad ko hinanap ang pangalan ni Fey. Bakit ba kasi walang bookmark 'to?

Aha! Kita ko na!

"Sol! Buksan mo 'to!" Sigaw ni Trisha saka ito kumakatok.

"May kwarto ka, wag mo ko istorbohin."

"Bakit ba? Ano ba ginagawa mo?"

"Magpapahinga na ko." Jusko naman!

At eto ang nakalagay sa libro:

Pisces

Eto yung mga tanong na kailangan nila sagutin:

NAME:
BIRTHDATE:
CURRENT OCCUPATION:
CIVIL STATUS:
ANY RELATIVES, IF BUHAY PA:
PA'NO MO NAKILALA SI SOL:

And eto ang mga sagot niya

> Engr. Fey Roniel-Domingo

> March 18

> Chemical Engineer

> Single pero madaming naging crush. NBSB po hehe.

> I have sister, Maria Hannah Domingo ang name. Not sure sa work niya ngayon dahil kaka-resign lang niya.

> Nakilala kita sa labas ng mansyon. Why? Dahil tinipon tayo ni Dorothea sa gitna ng gubat. Lahat tayo napasunod sa maliit na bato na lumutang out-of-nowhere na, kagagawan din ni Dorothea. At nu'ng oras na 'yun, doon nailabas ni Harold ang kapangyarihan niya dahil may nagpakita na 'alien' sa'min. After nu'n, pinatuloy na tayo ni Dorothea sa mansyon which is, sa'tin na talaga 'yun. May sinabi ka pa nga sa'kin na secret mo about your ex. Na kasing-ugali siya ni Harold; short-temper. Hindi mo sinabi sa mga kaibigan mo which is, kaibigan mo din. And oh, plano ka pang pakasalan nu'n. Narinig namin ni Sabrina ang usapan niyo nu'ng niligtas mo siya. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa inyo pagkatapos ng sampung taon. Pero hindi daw kayo nagkatuluyan sabi ni Rico. Weird lang dahil ang saya niya nu'ng sinabi niya iyon sa'kin. Hindi ko alam kung nabura din ba 'yun sa memory mo pero, sana pati iyon hindi mo makalimutan.

What? May maliit na bato na lumulutang kaya sinundan namin? Tapos ano daw? May gustong makipag-kasal sa'kin 10 years ago? Teka, ano nga ba ang nangyari 10 years ago? Estudyante naman ako, si Papa nasa ibang bansa. Si mama lang ang nasa bahay. Trip ko lagi pumunta sa amusement park kasi gusto ko sumakay ng roller coaster. Nakapag-tapos naman ako na wala sa top pero okay lang. May 'alien' na pala nu'n?

Matanong nga kay Trisha.

"Huh?" Napatigil si Trisha sa pagluluto ng adobong atay at tumingin sa'kin.

Pilit pa kong ngumiti sa kanya. "Tanong ko, kung nag-exist ba ang mga 'aliens' dito 10 years ago?"

Umiling siya. "Ngayon taon lang sila nagpakita daw. Sa Cebu ata sila nagpakita. At du'n na nagparamdam ang Zodiac Protectors. Pero..."

"Pero ano?"

"Parang ayoko maniwala na nage-exist talaga sila." Loka! Kausap mo ang Aquarius Protector!

"Pero kung nage-exist talaga sila, magpapakasal ka sa Taurus Protector?"

"Ahhh! Oo inday! Magpapakasal talaga ako sa kanya kahit na... Hindi ko pa nakikita hitsura niya!" Hala, nagwala na siya.

"Pa'no kung babae ang Taurus Protector?"

"May nakakita daw sa Taurus Protector. Binalita yun ah!" Napa-iling na lang ako. "Oo! Binalita iyon. Ininterview yung bata, sabi lalaki daw yung Taurus Protector. Hindi nga lang niya na-describe nang maayos yung hitsura niya." Ginawa kaya 'yun ni Rico?

"Ikaw talaga, porket hindi na matutuloy kasal mo, gumaganyan ka." Nawala bigla ang ngiti sa labi niya. Hindi pa talaga 'to naka-move on.

"Magiging okay din ako Sol, don't worry." Buti na lang single ako.

~~

Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Umabsent ako sa trabaho para puntahan dito si Fey. At heto ako ngayon, naka-tayo sa labas ng kwarto niya kung sa'n siya naka-confine ngayon.

Hahawakan ko na sana ang handle nang kusa na ito bumukas. Agad ako tumakbo papunta sa bench at umupo. Kunwari may ka-text ako.

"Babalik ako ate ah. Punta muna ako sa school ng anak ko. After lunch nandito na kami ni Helly." Kapatid niya siguro 'tong lumabas. Sana naman hindi ako mapansin.

Hmm, mukhang wala na nagsasalita. Kailangan maka-usap ko na siya. FIGHTING!

Sumilip muna ako sa loob at hayun siya, nagbabasa ng libro. Tatlong beses ako kumatok, saka naman siya lumingon at ngumiti.

"Teka, ikaw yung babae na dumaan dito kahapon ah." Sabi na lang niya. Napa-ngiti na lang tuloy ako.

"Ah. Oo. Hehe." Hala, ano sasabihin ko? "Pwede bang pumasok?"

"Oo naman." Pagkasabi niya nu'n, agad ko siya nilapitan. Nilagay muna niya yung libro sa side table.

"So, ano'ng kailangan niyo po? Do we know each other?"

Sarap sabihin na OO MAGKAKILALA NA TAYO! IKAW ANG NAKAKAKILALA SA'KIN DAHIL NAKALIMUTAN KO ANG NANGYARI 10 YEARS AGO! Pero, "Uhm, actually nagkasalubong na tayo dati. Somewhere sa kalye nu'ng papasok ka sa work mo. Nag-coffee muna tayo saglit then umalis ka agad dahil may meeting ka pang pupuntahan."

"Ah? Talaga?" Syempre imbento ko lang 'yun. "Hindi ko na matandaan ah. Sorry."

"Nako, okay lang. That was 2 months ago, I guess." Sabay napatawa ako. Sana naman maniwala siya! "My name si Soliva. You can call me Sol."

"Nice to meet you. Fey ang name ko." Sabay kinuha niya yung kamay ko at nakipag-shake hands.

"Engineer Fey Domingo 'di ba?"

Hala, nagulat siya. "Pa'no mo nalaman na engineer ako?"

Ikaw mismo naglagay sa journal book! "Yung co-teacher ko, medyo kilala ka kasi yung friend niya, nagwo-work sa lab niyo. Pinakita niya sa'kin yung picture ng friend niya, nakita ko na kasama ka du'n." Saka ko siya ningitian.

"Ah. Hala, bakit hindi ko na natatandaan 'yun?" Tanong na lang niya. "Hayaan mo na. Ang importante, nakilala na kita. Bakit ka pala nandito kahapon?"

"Sinamahan ko 'yung kaibigan ko na magpa-check up. Ikaw? Hindi ka pa makaka-labas?" Bigla na lang siya lumungkot.

"Kaka-admit ko lang dito kahapon. Sabi ng doktor may cancer daw ako. Hindi na ko nakinig sa kanya nang sabihin niya 'yun. Baka bukas or sa susunod na araw ako makaka-labas dito." Saka siya ngumiti sa bintana.

"Uhm... Pwede ba makipag-friend sa'yo?" Tanong ko na lang. Pa'no ko isi-singit 'yun sa pagiging Pisces Protector niya?

Saka siya tumawa. Hala? "Kanina pa tayo friends. Teka, nabanggit mo na may co-teacher ka? Teacher ka ba talaga?"

Tumango ako habang naka-ngiti sa kanya. "Pre-school teacher ako to be specific."

"Hala! Ang cute! Mga maliliit na bata ang tinuturuan mo. Eh 'di may asawa ka na niyan?"

"Hala! Wala 'no!" Pagkasabi ko nu'n, agad siya tumawa nang malakas.

"Okay ka lang Fey?" Tanong ko sa kanya. Maya-maya, tumigil na rin siya sa pag-tawa.

"Oo naman. Akala ko kasi may asawa ka na."

"Teka, may asawa ka na ba? Or boyfriend?"

"NBSB po ako pero madami ang naging crush ko since high school until now." Woow! Tumugma sa journal book 'yun sinabi niya.

"Si Hannah, yung nakita mo kahapon, siya lang ang kapatid ko. Siya lang ang may asawa't anak. Namatay 'yung mama ko after ko maging engineer, sakto nu'n pag-uwi ko galing Sydney, kabaong na ang naabutan ko. At that time, buntis na si Hannah nu'n."

"I'm sorry."

"That was 3 years ago. It's okay. Kung oras mo na, oras mo na talaga." Saka siya huminga nang malalim. "Bukod kay Hannah, ikaw pa lang ang nakaka-alam na may sakit ako."

"Hindi mo pa pinaalam sa mga ka-trabaho mo?"

Umiling lang siya. "Nag-file lang ako ng sick leave kahapon tsaka ngayon. Kinakamusta na nga ako ng mga kasamahan ko sa lab. Hindi ko lang sinagot 'yun mga tawag nila."

"Bakit ayaw mo ipaalam sa kanila?"

"Ayoko paasahin ang sarili ko na gagaling pa ko. Although, may mga gumagaling naman sa cancer. Pero kasi, nang marinig ko 'yun, nawawalan na ko ng lakas na loob para ituloy ko pa buhay ko dito."

"Wag ka magsalita ng ganyan. Kaka-kilala pa lang natin, mawawala ka na agad."

Saka niya ako ningitian. "Kaya paglabas ko dito, gumala na tayo. Weird lang na nakipag-kaibigan ako sa isang babae na naka-bangga ko lang. Pero..."

"Pero?"

Tinignan niya ko nang mabuti. "Matagal na ba tayo magkakilala?"

Sabihin ko na ba?

_________

HI. HELLO SA INYO.

VOTE - COMMENT KUNG MAY REACTIONS KAYO GANERN - FOLLOW NIYO KO HAHAHA!

STAY SAFE GUISE. WAG LALABAS KUNG HINDI NAMAN IMPORTANTE ANG PUPUNTAHAN. AND ALWAYS PRAY. MATATAPOS DIN 'TO :)

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top