CHAPTER TWENTY-THREE
Uni's POV
"What the hell are you doing here?!"
Napalingon ako sa counter area, si Sabrina pala 'to at...
"Um, sinusundo kita?" Sabi na lang ni Troy sabay ngumiti siya.
"Sinusundo?" Tanong pa ni Sab at tumango pa si Troy. Mag-jowa ba sila ngayon or mag-ex?
Pinuntahan ko sila pero inayos ko muna yung cap ko. Baka makita ako hehe. "Ingay niyo."
Napalingon si Troy sa'kin, kumaway. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Ano, namimili ng damit para kay Soliva."
"Soliva? Really?" Tanong na lang ni Sab tapos tumango lang ako. "That's nice."
"Gift ko sa kanya kasi, lahat tayo hinanap niya kahit na wala tayo maalala." Sabi ko na lang sa kanya.
Feeling ko, napaka-sama kong tao nang maalala ko lahat yun sa pagiging Protector ko. Kaya pala ganun yung feeling ko sa kanya nu'ng nagkita kami sa fan meeting noon. Familiar siya, and yes. She is our friend.
"Alam mo ba kung bakit kita sinusundo?" Bigla na lang tinanong 'yun ni Troy kay Sab. Na-curious na din ako.
"Let me guess, kasi hindi natuloy yung dinnet date natin? Kaya gusto mong ituloy ngayon?" Sagot na lang ni Sab na, napa-nganga na lang ako.
"Dinner date? Kayo?" Bulong ko.
Inis na humarap sa'kin si Sabrina. Naka-cross arm pa. "Tatlo dapat kami, kasama si Niel, kaso..." Humarap siya bigla kay Troy. "I don't know kung bakit na-cancelled."
Tumingin ako kay Troy na naka-ngisi siya ngayon. Hayup, kasama daw si Niel. Eww. "Sabi na eh, may gusto ka talaga sa'kin."
"Excuse me? You? Magkaka-gusto ako sa'yo? Tch. Mas gugustuhin ko pa makipag-laban kaysa makasama kita. Feelingero." Sagot na lang ni Sab habamg umiirap siya.
"Magdi-dinner date tayo soon. Pero, sa mansyon ang punta natin." Napalingon na si Sab nang sabihin iyon ni Troy.
"What? May nangyari?" Tanong na lang ni Sab.
"May mga nangyari." Sagot na lang niya sabay tumingin sa'kin. "Buti nandito ka, sumama ka na rin. Trina-try namin i-contact yung iba lalo na si Harold."
"Oh, speaking of that guy, wala siya dito ngayon."
Napalingon agad kami ni Troy kay Sabrina. "Ano?!"
Tumango lang siya. "A friend of mine knows Harold. She told me na pupunta daw siya sa Canada. She have no idea what's the reason."
Patay.
"Nagawa pa niyang umalis ngayon?! Kung kailan umaatake na si Syren sa'tin!" Sigaw na lang ni Bianca na naka-upo ngayon sa kama.
"So magaling ka na niyan?" Tanong na lang ni Troy. Tinarayan na lang siya ni Bianca. Yup, magaling na siya.
Sinabi sa'min ni Soliva ang lahat na nangyari. Yung iba, nasa work sila ngayon. Si Sabrina, susunod na lang daw siya.
"Dapat hindi na lang siya umalis." Napalingon ako kay Fey na nasa pinto ngayon. May hawak na bottled water. Ako lang ba ang nakaka-pansin sa kanya ngayon?
"Fey." Sabi ko saka siya lumingon sa'kin. "Lalo ka na pumapayat. Ano'ng nangyayari sa'yo?"
"Nilalabanan ko naman ang sakit ko, don't worry." Matamlay na sagot niya habang naka-ngiti.
"Kailangan mong kumain nang marami, tsk. Para gumaling ka na ng todo, okay?" Sabi na lang ni Bianca kaya lumaki pa lalo ang ngiti ni Fey. Pero matamlay pa rin.
"Sana talaga hindi siya umalis." Sabi na lang ni Sol na napahiga na lang sa kama ni Bianca. "Baka kung ano'ng mangyari sa kanya du'n."
"Mapapa-uwi ba natin 'yun?" Tanong ko. "Naalala niyo naman siguro na nakuha siya, 'di ba?"
"Speaking, hindi pala natin nakausap 'yun." Sabi na lang bigla ni Bianca.
"Pa'no, bigla na lang umalis ang gago." Napalingon kami sa pinto. Si Leandros lang pala 'to. "Dire-diretso siyang umalis dito sa mansyon. Partida, hindi pa niya ako pinansin."
"Nabalik na ba ang mga alaala nu'n?" Tanong ni Troy.
"Malamang. Nagulat 'yun nu'ng na-realize niya na ikakasal siya kay Karen." Sagot na lang ni Leandros habang umiiling siya.
In love pa rin kaya yun kay Karen? Or kaya siya naglayas kasi nahiya? Awkward yun panigurado. Pero buti na lang talaga hindi natuloy ang kasal namin ni Niel. Sa pagkaka-alala ko kasi, plano na namin ayusin ang kasal after namin matalo ang mga kalaban namin kaso-
"Kailangan natin puntahan si Sabrina."
Napa-tingin kaming lahat kay Troy. Hawak niya yung phone. "May mga 'alien' na nagpakita roon. At mukhang nandun na daw si Syren."
"Ano?!" sigaw na lang ni Bianca. "Tara na, kailangan na natin puntahan si-"
"Hindi ka pa magaling, Bianca. Huwag mo ulit pilitin ang sarili mo na makipag-laban." sabi na lang ni Soliva.
"Tumigil ka nga, Soliva. Iilan pa lang dito ang may kapangyarihan ngayon. Atsaka, nandun na si Syren kaya..." Bigla na lang siya tumigil.
"Oh, hindi ka na makapag-salita diyan." sabi na lang ni Leandros. Hindi na nakapag-salita si Bianca.
"Balikan niyo na lang kami dito. Puntahan niyo na lang si Sabrina." sabi na lang Fey. Lahat kami lumabas na ng kwarto niya. Teka, dala ko ba yung gamit ko?
"Hoy, Uni. Sa'n ka pupunta?" tanong na lang ni Troy. Dumiretso kasi ako sa kwarto ko. Dito ko lang tinatago yung bow at arrow ko. Nang makuha ko yun, agad din ako lumabas at hayun si Troy, hinihintay ako.
"Ah, eh 'di ayos. Naisip mo pang dalhin 'yan." ayan ang nasabi niya nang ipakita ko sa kanya 'to.
~~
"A big thank you talaga sa inyo ha?" sabi na lang ni Sabrina sa'min. Nakita na lang namin siya na nasa loob siya ng isang coffee shop na walang tao.
"Kailan pa nakarating ang mga 'yan?" tanong ko. Ang dami nila masyado. Isipin mo mga malalaking bubuyog ang lumilipad ngayon. Kung iku-kumpara ko, mas nakakadiri sila ngayon.
"Maybe 16 minutes ago. Maraming building din ang nasira nila in fairness, including my store again." Halata nga dahil malapit lang dito ang store niya, hayun, nadurog na lang.
"Nasaan na si Syren?" tanong na lang ni Leandros habang sumisilip siya sa labas. Nagkaka-gulo pa rin ang mga tao dahil patuloy pa rin sinisira ng mga 'alien' kung ano man ang makita nila.
"Mukhang hinahanap tayo. Lumabas na ko ng store para pumunta sa mansyon nang narinig kong may sumigaw na "Nasaan ang mga Zodiac Protectors?!". Hayun, may naririnig na kaming pagsabog somewhere. And then, I saw him parang bumaba galing sa isang weirdo 'alien' at tumakbo. Kaya ako nagtago agad dito." kwento na lang ni Sab.
"Nakatingin na yung isang 'alien dito." bulong na lang ni Sol.
"At mukhang titirahin na tayo." sabi na lang ni Troy. "Dapa!"
Dumapa naman kami. Hindi ko nakita kung naka-tingin na ba talaga sa'min yung 'alien' na 'yun. Pero, mukhang totoo naman dahil narinig ko na lang na may sumabog malapit sa'min. Napa-pikit na lang ako at tinakpan ang mga tenga ko, naririnig ko pa rin. Nakaka-miss pala ang ganun tunog.
"Shield na naman ba 'to ni Troy?" tanong na lang ni Leandros. Dahan-dahan kong idinilat ang mga tao, may nasi-singhot na kong usok. Napalaki ang tingin ko nang makita ko 'tong shield na galing lupa.
"Oh my god, ganyan ang kapangyarihan ni Troy 'di ba?" tanong na lang ni Sabrina. Ako, si Sab tsaka si Leandros pala ang nandidito ngayon. Nasaan si Soliva?
"Ano na ang nangyayari?" tanong ko sabay tumayo na din. Puro usok ang nakikita ko ngayon pero, may dalawang tao ang nasa harapan ngayon. Si Troy na bino-block ang bawat pag-tira ng mga 'alien'. At si Soliva na binabalot niya sa yelo ang bawat 'alien' na gustong umatake sa kanya. Ang dami nila masyado!
"Shit." ayan na lang ang bulong ni Sabrina. Napa-tingin ako sa kanya at...
"Sabrina!" sigaw ko. May 'alien' na mabilis ang pagsugod sa kanya. Mabilis kong hinanda ang bow at arrow ko kaso, may isang kamay ang humarang du'n.
"Ang bilis ah." sabi na lang ni Leandros. Oo, kamay ni Leandros ang pinan-harang sa 'alien' na 'yun. Kitang-kita ko na malapit na niya tusukin ang ulo ni Sabrina. Dahan-dahan naman lumingon si Sab, nagulat.
"Direct attack na ba 'tong ginagawa nila? Aba, nag-upgrade ang mga loko." sabi na lang ni Leandros habang unting-unti natutunaw ang 'alien' na naharang niya.
"Nakaka-pagod naman 'tong ginagawa natin." sabi na lang ni Troy na nasa tabi lang ni Sabrina. Pabilis na sila nang pabilis.
Hindi pwedeng paisa-isa ang pag-atake nila, mapapagod talaga sila niyan.
"Uni!" sigaw ni Sol kaya lumingon ako sa kanya, tinataas pa rin ang mga kamay niya sa bawat 'alien' na lalapit sa kanya. "Bakit umiilaw yang bow at arrow mo?"
Umiilaw?
"Oh my gosh, ang dami mong arrow na made in flame. Pa'no mo nagawa 'yun?" tanong na lang ni Sab sa'kin. Napa-tingin na lang ako sa hawak ko at... Hoy!
Yung bow ko, unting-unti nagkaka-apoy tapos, ang dami kong arrow na hawak ngayon. Napa-tingin ako sa isang arrow na nadala ko ngayon. Purong apoy talaga ang mga 'to, actually halos lahat unting-unti nagkaka-apoy. Recurve bow ang nadala ko sa masyon simula nu'ng nalaman ko na isa akong Sagittarius Protector. Compound bow ang ginagamit ko panlaban sa competition. At sa nangyayari ngayon, ewan ko pero...
Ang ganda niya sa paningin ko! Nakaka-inlove!
"Uni! Sa likod mo!"
Troy's POV
"Uni! Sa likod mo!" sigaw na lang ni Soliva kaya napa-hinto ako. Medyo malayo ako sa pwesto nila ngayon.
Lumingon naman si Uni kasabay na din ang pagtira niya sa mga 'alien' na nasa likod niya ngayon. nang tumama na ang mga arrow sa mga 'yun, automatic agad sila nasusunog. Hindi ko alam kung bakit ako nagagandahan sa pagkakasunog ng mga 'alien' na 'to. Hehe.
"Masyado pa silang marami. Pero hindi ko makita si Syren." sabi na lang ni Leandros.
Oo, padami na sila nang padami. Nakakatulong nga ang technique ni Uni, pero hindi pa enough 'yun para mapatay namin ang mga 'to.
"There." bigla na lang nagturo 'tong si Sabrina sa malayo. "Ayan ang dahilan kung bakit sila dumadami. At the same time, diyan ko din nakita na bumaba si Syren kanina."
Napa-tingin naman kami sa tinuro niya, isang malaking weirdong bubuyog ang naroroon. Parang tumatae lang 'to kung makapag-labas ng mga 'alien'. Nasa malayo siya pero dito sa'min naka-tingin. Possible na nandito si Syren ngayon kaya kailangan namin maging alerto.
"Aha, sige. Isang tirahan na lang 'yan para mawala na ang mga 'to." sabi na lang ni Uni sabay hinanda na niya ang pana, tinutok niya doon kaso.
"Argh! Umalis kayo diyan!" sigaw na lang niya. Hunarang ng mga 'alien' na 'to. Mauutak ah.
"Stupid." sabi na lang ni Sabrina tapos huminga siya nang malalim. Naglakad siya sa harapan ni Uni.
"Hoy, kailan pa humba 'yang buhok mo? Medium length lang 'yan ah." sabi na lnag ni Uni.
Unting-unti kasi humahaba ang buhok niya hanggang bewang kasabay na din ang pagbabago ng kulay ng buhok niya. From black na naging blonde. Naramdaman na lang namin ang lakas ng hangin dito, panigurado siya ang may gawa nu'n.
"Lumayo ka muna. I'll try to sweep these weirdos and give you a way para matira mo siya." sabi na lang ni Sab habang nakaturo siya sa malaking 'alien'. Tumango naman si Uni at tumkabo papunta sa'kin.
"Sabrina! Ang bilis nila!" sigaw ko. Ang daan nila hindi sa'min kundi kay Sab na, naka-tayo lang siya ngayon.
"I know." sabi na lang niya sabay itinaas niya ang kanan kamay niya. Once na itinaas na ang kamay niya, may nabubuo si siyang tornado. Nakakapag-tataka lang, lahat ng mga nandidito ngayon lumulutang except sa'min ngayon.
Mukhang ready na siya ibigay ang tornado sa mga 'alien', ang lakas na masyado ng hangin ngayon. Itinapat na niya kanan kamay niya sabay napunta na roon ang tornado. Hindi napatay ang mga 'alien' pero napunta sila sa pinaka-malaking 'alien' at halos lahat ng mga 'alien', tinusok 'yun.
"Uni!" sigaw na lang ni Sabrina kaya hinanda na agad ni Uni ang pana niya na umaapoy. Tinara na niya 'yun at lahat na ng 'alien', nasunog hanggang sa naging abo na sila.
"Hay salamat." Ayan na lang ang nasabi ni Soliva. Nakaka-pagod pala ang ganito.
"Wala naman nakaka-kita sa'min dito 'no?" tanong na lang ni Leandros. Sana nga.
Lumapit agad ako kay Sabrina kasi mukhang matutumba na. "Kaya pa?"
Dahan-dahan siya tumingin sa'kin at umiling. "Bakit ganito ang nararamdaman ko?"
"Okay lang 'yan. Ganyan din si Bianca pati na rin si Uni ngayon." sabi ko na lang sabay tumingin na siya kay Uni na, hingal na hingal ngayon. Mabuti na lang inalalayan na ni Leandros at Soliva.
Napa-sandal na lang ni Sabrina sa'kin at hingal na hingal din habang naka-pikit. "Thank you." bulong niya sabay ngumiti siya.
"Troy!" sigaw ni Leandros kaya lumingon ako sa kanya. May tinuturo siya kaya sinundan ko. May isang kotse or van ba 'to? Na nasa likuran na nila. Naka-baba ang bintana sa passenger seat, naka-tingin sa'min si Paulo. Maya-maya, kusa na lang bumukas yung pinto ng kotse. Si Rico pala ang nagbukas at... Bakit may bata sa loob?
"Sakay."
________________________________________
HI. HELLO!
SALAMAT PO SA PAGBABASA NG MGA STORIES KO DITO. 500+ NA PO ANG FOLLOWERS NATIN! YIPIEE! ROAD TO 1K HEHE.
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN MO 'TO.
COMMENT - FEEL FREE~
FOLLOW - NIYO KO GOOO!
MAY MGA UPCOMING STORIES PA KONG HINAHANDA SO... YEAH
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top