CHAPTER TWENTY SIX
Arose's POV
"Arose. . ."
Napa-lingon ako sa kanya. Ang galing talaga neto, siya lang ang may kayang pumasok dito sa palasyo ko. Umiinom pa ako ng tsaa na gawa ni Cercan, masarap naman. "Bakit?"
Teka, umiyak na naman ba 'to?
"Mahal na reyna, ano'ng problema-
"Kukunin nila si Harold."
Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hoy, hindi magandang biro 'yan."
"Mukha ba kong nagbibiro, Aries Protector?" sabi na lang niya sabay tumingin sa'kin ng seryoso. "Hindi nila matatalo ang kalaban nila dahil kay Harold."
Hindi pwede.
"Tapos. . ." patuloy pa niya habang ang mga kamay niya, nanginginig. "Mamamatay sila. Kasunod niyan, sisirain na nila ang mundo ng mga batang 'yun pati na rin sa mundo natin. Sasakupin na nila at si Harold ang mamumuno."
Matapos niyan sabihin iyon, napayakap na lang siya sa sarili niya. Tapos umiiyak na siya. Ganyan lagi si Pis, kapag may nakikita siya na hindi maganda umiiyak at nanginginig sa takot. Nu'ng una natataranta kami kapag nangyayari sa kanya 'yan. Hanggang sa masanay na lang kami.
Lumapit ako sa kanya. "Tumingin ka sa'kin."
Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya sa'kin, magang-maga na ang mga mata niya. "Alam kong may gusto kang gawin."
"Huh?"
"Nangako tayong lahat na po-protektahan natin sila hanggang sa matapos ang tungkulin nila bilang protector. Ngayon nakita mo na ang mangyayari sa kanila, ano'ng gusto mong mangyari?"
Hindi na siya makapag-salita.
"Pis. . ."
Naka-tingin lang siya sa'kin. Patay na ba 'to?
"Hoy, Pis."
Naka-tingin lang talaga siya sa'kin. Juskupo!
"Buhay ka pa?"
Bigla na lang siya ngumiti. "Ang ganda pala ng mga mata mo."
Ha? Nabaliw na siya.
"Okay ka lang, 'no?" tanong ko sabay tumango siya pero naka-ngiti pa rin. Napa-ngiti na rin ako sa kanya.
"Mag-pahinga ka muna. Ako na ang magsasabi sa kanila tungkol sa nakita mo. Pag-isipan mo na din ang pwede mong gawin para ma-protektahan sila. Okay?" sabi ko sabay tumango siya.
Naglakad na siya palabas ng kwarto ko dito sa palasyo ko pero bigla na lang siya tumakbo papunta sa'kin at. . . Niyakap ako?
"Hoy, okay ka lang?" tanong ko.
"Salamat." pabulong na sabi niya. Ewan ko pero napa-yakap na din ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nagpapa-salamat sa'kin.
"Huwag ka matakot na sabihin sa'min yung nakikita mo. Or kahit sa'kin na lang, 'wag ka magpigil."
"Buti na lang nandiyan ka."
Mas napangiti ako lalo sa sinabi niya. "Lagi ako nandito Pis, noon pa nu'ng buhay pa tayo."
Kumawala siya sa pagkaka-yakap sa'kin tapos huminga siya nang malalim. "Hindi ko alam kung tama ba talaga ang desisyon ko noon."
"Hayan ka na naman. Matuwa ka dahil nabuhay si Fey sa mundo nila."
"Hindi iyon."
"Huh? Eh, ano ba?"
Tumingin siya sa'kin nang seryoso. "Ikaw."
Kevin's POV
Sinabi sa kanila ni Pis ang mangyayari. After nu'n, tinawagan kami ni Paulo para sabihin 'yun. Nu'ng una, ayoko pang pumunta roon dahil natatakot ako. Pero, naalala ko na ang lahat pati na rin si Karen. May dahilan na ko para mapag-higanti si Ann laban sa mga 'yun. Kaya naman naghanda na kami ni Karen, although, hindi pa namin nailalabas ang kapangyarihan namin. Nakalimutan ko na rin kung paano namin napagana 'yun noon.
"Mukhang nandito na sila." bulong ni Troy. Lahat sila nandito ngayon except kina Sol at Fey na naiwan sa mansyon. Papunta na dito sina Sabrina at Bianca.
"Oh, ba't hindi pa kayo nagsisimula?" alam kong boses iyon ni Bianca. Lumingon ako sa likod, puro mga bagsak na 'alien' ang nakita ko. At alam kong siya ang may gawa nu'n.
"Pa'no kami magsisimula? Wala naman lumalapit sa'min." sagot ko.
"Ah, sorry naman. Hindi niyo napansin na may paparating sa likod niyo. Katulad neto. . ." sabi ni Bianca sabay may sinuntok siya na 'alien' galing naman sa likod ko ngayon. "Nasaan pala ang kakambal mo?"
"She's here." sagot ni Sabrina. Muntikan na malapitan si Karen.
"Teka, may papunta sa mansyon." sabi na lang ni Troy.
"Nandu'n na si Niel, Uni at Leandros." sabi ni Karen. Napa-tingin ako sa langit, kumpol na mga 'alien' ang lumilipad papuntang mansyon.
"Tignan niyo 'yung ginagawa nila." sabi na lang ni Rico tapos may tinuro.
Lahat ng mga 'alien' ngayon dito, unting-unti sila nagkukumpulan. Hindi ko ma-figure kung ano ba ang binubuo nila.
"Hoy, ano na naman ang gagawin nila?" tanong na lang ni Troy. Kahit saan na lang nagpapakita ang mga 'alien' na 'to.
"Hay nako! Sige, bumuo lang sila ng kung ano para isang suntukan na lang." sabi na lang ni Bianca sabay hinanda na ang Water Puppet niya.
"Huwag mo muna gawin 'yan." sabi na lang bigla ni Karen. Seryoso siyang nakatingin sa mga 'alien'. "Mukhang hindi maganda ang mangyayari."
"Huh? How come?" tanong ni Sabrina. Hindi na sumagot si Karen.
"Naka-tingin sila sa'tin." sabi na lang ni Paulo sabay tumira siya sa isang 'alien' na papunta roon.
Sa sobrang dami nila ngayon, nagawa nilang takpan ang langit kaya nag-mukhang madilim na dito. Mukhang pinalibutan na nila kami, anytime pwede na kami sugurin.
"Kevin, tulungan mo ko."
Napa-lingon ako kay Karen at. . . Bakit naka-angat ang dalawa niyang palad sa ere?
"What do you think you're doing?" tanong ni Sabrina.
Tumingin sa'kin si Karen. "Tulungan mo na ko dito."
"Ano'ng ginagawa mo, Karen? Para kang tanga diyan." sabi na lang ni Bianca.
"Kanina pa kayo tinitira ng mga 'yan."
Boses ni Brali 'yun. Nasaan siya?
"Yung kambal, nandito." sabi na lang ni Rico. Unting-unti ko sila nakikita, salamat sa hamog na hindi ko alam kung saan galing. Si Lia nasa likod ni Karen, naka-angat din ang kamay niya.
"Pumunta ka na dito para maibalik niyo sa kanila ang ginagawa nila ngayon." nang mawala na yung hamog, saka naman nagpakita si Brali na naka-tingin sa'kin. Sumunod naman ako sa kanya.
Nang mai-angat ko na ang mga kamay ko katulad nu'ng ginagawa ni Karen, inangat na din ni Brali ang mga kamay niya. "Wala naman sila gina-"
Ano 'tong nararamdaman ko ngayon dito?
"Ramdam niyo ba ang ginagawa nila?" tanong ni Lia sa'min. "Tsk, kuryente ang papatay sa inyo."
"Ano'ng kuryente? Pa'no naging kuryente?" tanong ni Troy. Hindi ko alam kung pa'no namin maipapakita sa kanila ang ginagawa nila?
"Mukhang alam ko na kung pa'no." sabi na lan[g ni Paulo sabay naglabas siya ng blue flame niya at tinapat lang niya iyon sa ere. Nakita din nila na may mga lightning na dapat matatamaan sa'min ngayon. Pero pa'no nalaman ni Karen?
"Dahil nakikita niya ang kalaban niyo ngayon." bulong ni Brali na nasa likod ko ngayon.
"Kalaban?"
"Itulak mo Kevin!" sigaw ni Karen, napa-tingin ako sa kanya at mukhang nahihirapan na. Naramdaman ko din na tinutulak ng mga 'alien' na 'to ang lightning nila.
"Subukan kong tirahan gamit nitong apoy-
"Huwag!" sigaw namin kay Paulo.
"Parang sinira mo na din ang shield na ginawa nila, Paulo." sabi na lang ni Rico.
"Kami muna ang bahala dito, konti pa." bulong ko. Pinipilit talaga nila na itulak ang mga 'yan sa'min.
"Sabay natin itulak. Mukhang nandiyan na siya." sabi na lang ni Karen.
Lumingon ako sa kanya. "Sinong siya?"
Ngumisi lang siya. "Malalaman mo kapag naitulak na natin 'to. Ready?"
May oras talaga na hindi ko siya maintindihan. "O'sige. Bilang tayo, ha? One."
"Two."
"Three!"
Nang maitulak namin ang mga tira nila, sila-sila din ang na-kuryente sa kapangyarihan nila. At mukhang tama nga sila, nakakapagod magpalabas ng kapangyarihan namin lalo na't hindi namin sinanay ang mga sarili namin compare noon. Muntikan na matumba si Karen kaya inalalay siya agad ni Paulo. Agad din ako pinuntahan ni Troy dahil medyo natumba na ako.
"Kayo muna ang bahala. . . Sa kanya." sabi na lang ni Karen sa kanya. "Hindi ko na alam kung makakatayo pa ko."
"Ano Kev, kaya mo pa?" tanong ni Troy sa'kin.
"Hindi ko pa alam. Nanginginig tuhod ko." sabi ko habang hawak ko pa ang mga tuhod ko ngayon.
"Sinong kanya?" tanong ni Paulo.
"Guys!"
Napa-lingon kami, silang tatlo, Uni, Leandros at Niel tumaktakbo sila papunta dito.
"Hoy, bakit kayo nandito? 'Di ba dapat doon lang kayo?" tanong ni Bianca.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Leandros. "Magpahinga muna kayo sa mansyon."
"Wait, pa'no niyo nalaman ang kaganapan dito?" tanong ni Sabrina.
"Kay Pis." sagot ni Niel. "May kalaban na nag-aantay sa'tin."
"Kanina pa kayo nagsasabing may kalaban na nag-aantay, sino ba kasi 'yun?" tanong ni Bianca na mukhang naiinis na.
"Naglalakad na siya papunta dito." sagot ni Karen.
Karen's POV
"Naglalakad?" tanong ni Rico sa'kin. Gusto ko na pumikit.
"Tara na. Dalhin ko na kayo sa mansyon." sabi ni Leandros sabay binuhat na ko. Si Niel naman, inakay lang si Kevin.
"Hindi mo siya sinagot, Karen." napalingon ako kay Paulo. "Sino'ng darating?"
Ramdam ko na ang mga yapak niya papunta dito. Gusto ko sabihin sa kanya na nakalaban na namin siya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-salita ngayon. Dahil ba nanghihina ako ngayon or dahil natatakot ako. Pero hindi dapat ako matakot kasi nailabas na namin ni Kevin ang kapangyarihan namin.
"Karen!" sigaw ni Bianca. Sorry, I can't talk.
"Si Thunder. Naalala mo siya?" si Leandros ang sumagot. "Hindi siya makapag-salit[[a dahil pagod na siya."
Nakita ko na nanlaki agad ang mga mata ni Bianca. "Pinatay na ni Harold 'yun noon 'di ba? Patay na siya 'di ba?"
"Oo, pero hayun ang nakita ni Pis. Obvious naman sa kapangyarihan na ginamit ng mga 'alien' kanina 'di ba?" sabi ni Leandros.
"Ah, yung nagpalaganap ng zombie sa shop ni Sabrina?" tanong ni Troy na tumango si Leandros. "Tsk. Kasama niyo si Harold na pumatay sa kanya eh."
"Dalhin niyo muna sila sa mansyon. Kami muna ang bahala sa kanya." sabi ni Rico.
"Oo, doon muna sila. Baka kunin ni Thunder si Karen." sabi ni Bianca sabay hinanda niya ang water puppet niya.
Hindi na ko makapag-salita pero nararamdaman ko na nandiyan siya. Kaya agad ko tinuro ang daan kung saan siya naglalakad. Napa-tingin silang lahat sa'kin. At mukhang na-gets naman nila iyon.
"Sige na, umalis na kayo. Baka makita pa niya kayo lalo na si Karen." sabi ni Bianca kaya tumakbo na sina Niel at Leandros habang binubuhat kami.
"Nakikita ko na si Thunder." mahinang sabi ni Kevin. Tumingin ako sa kanila at. . . Sino ang mga kasama nila?
"Niel, may mga kasama sila." sabi ni Kevin. Akala ko ako lang ang nakakita.
Huminto si Niel at Leandros at tumingin sa kanila. "Pare, wala."
"Meron, yung mga dating Zodiac Protectors." sagot ni Kevin. Oo, nandoon sila sa likod.
"Ang weird mo pero. . . Tara na. Kailangan niyo na magpahinga." sabi ni Niel tapos tumakbo na kami.
Unting-unti na pumipikit ang mga mata ko. Ang huling nakita ko na lang, nagpakita na si Thunder sa kanila. Pero, bakit ganun ang hitusra niya?
~
HI. HELLO.KUMUSTA NAMAN KAYO?
VOTE - KUNG OKS SA INYO
COMMENT - FEEL FREE~
FOLLOW - NIYO KOOOOOO~
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top