CHAPTER TWENTY SEVEN

Uni's POV

"Hoy, ako lang ba ang nakaka-pansin?"

Napalingon ako kay Troy. "Bakit?"

"Wala ba siyang anino?" 

"Sino?"

"Hayan oh." turo na lang niya kay Thunder na, dahan-dahan siya naglalakad papunta sa'min. Oo nga, wala siyang anino. 

"Kumusta? Mga lampa na Zodiac Protectors." sabi niya habang naka-ngiti sa'min. Inangat niya ang mga kamay niya kasunod nu'n, may kung ano ang lumalabas sa lupa.

"Tsk. Zombie." sabi ni Bianca. Yup, mga zombie nga.

At. . . Ang dami nila masyado. Pa'no namin malalapitan si-

"Uni! Sa paa mo!"

Hindi ko pa tinignan ang paanan ko, ramdam kong may kung anong naka-kapit sa mga paa ko. Kamay ng zombie pala 'to. Unting-unti na niya ako binababa.

"Tulong!" Sigaw ko habang pinipilit kong maka-alis dito. Si Leandros lang ang makaka-alis dito sa kamay niya.

"Kapit ka sa'kin." Sabi ni Troy kaya kumapit ako sa braso niya at hinila ako. Ramdam ko pa rin ang kamay na nasa mga paa ko. Pero, bakit parang lumilipad ako?

Napa-tingin ako sa mga paa ko, hala! Lumulutang ako! Napasama din ang mga kamay ng zombie sa paglutang ko ngayon.

"Troy!" Sigaw ko. Teka. . . Si Troy ba ang pasimuno neto?

"Kainis, hindi pa rin naaalis ang kamay niya." Sabi na lang niya.

Nakaka-lipad na siya!

"Pilitin mong alisin 'yan!" Sigaw na lang sa'kin ni Troy. Ayokong hawakan ang kamay ng zombie na 'to. Feeling ko magkaka-germs ako, yun bang matagal na matanggal sa balat mo.

"Ayaw. . . Niyang! Ano ba!" Ayan na lang ang nasanbi ko. Winiwisik ko na ang mga paa ko pero naka-kapit pa rin 'to.

"Ilalapit kita kay Paulo, tignan natin kung maaalis niya." Sabi na lang niya sa'kin sabay lumipad siya pababa papunta kay Paulo.

"Hala, ano'ng nangyayari?" Tanong ko after ko makita ang sitwasyon nila.

Umiiwas sila sa mga kamay galing sa lupa. Kahit saan sila umapak, may lalabas na mga kamay at hahanapin ang mga paa nila. Inaapakan naman ni Rico ang mga kamay kaso mas lalo sila dumadami.

"Paulo!" Sigaw ni Troy nang makalapit na kami sa kanya. Pero hindi niya ko pina-apak sa lupa. "Try mo nga alisin yung kamay dito."

Tumingin si Paulo sa mga paa ko matapos niya mag-buga ng apoy sa kamay ng zombie. "Delikado kung gagawin ko sa kanya 'to. Masusunog siya."

Hala. Pa'no na 'to? Teka, ano 'tong nararamdaman ko? May tumutubo na ewan sa paa ko.

"Oh my god! Uni! Look at your feet!" Sigaw ni Sab kaya napa-tingin ako at. . .

"Aahh! Tulungan niyo ko!" Yung mga darili niya, humahaba at gumapang papa-akyat sa binti ko! Shit!

Hinila ni Paulo ang isang kamay na naka-kapit sa kanan paa ko kaso, bigla na lang siya pinitik at tumalsik sa malayo.

"Teka, puntahan ko kayo!" Sigaw ni Bianca. Papunta na sana siya sa'min kaso, hinarang siya ng mga zombie.

Gumapang na yung mahabang darili siya papunta sa singit ko. Juskopo, ayoko! Wag diyan!

"Tsk. Dami nila."


Teka. Sino 'yun?


"Paki-baba ng kaunti ang Sagittarius Protector."

"Ah. Oo." Sabi na lang ni Troy saka ako binaba pero hindi pa rin ako naka-tapak sa lupa.

"Hoy, Troy! Tulungan mo naman ako! Malapit na sa singit ko yung darili niya!" Napapa-iyak na ko dito. Virgin pa naman ako.

"Kumalma ka. Ako na ang bahala." Lumingon ako sa boses na 'yun. Kilala ko ba 'to?

"Sino ka?" Tanong ko. Medyo familiar siya sa'kin. Ang weird na nga lang kasi kamukha niya si Leandros.

Hindi niya ko sinagot. Medyo lumuhod siya, hinawakan niya yung mga kamay na nasa paanan ko ngayon.

"Kuya, may mga kamay na nasa paanan mo." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa mga paa niya tapos bumalik yung tingin niya sa mga paa ko. "Ah, hayaan mo lang. Matutunaw din 'yan katulad netong ginagawa ko."

Napa-tingin ako sa mga paa ko. Tinutunaw niya yung kamay na naka-kapit sa'kin. Napa-tingin din ako sa paanan niya, kada kapit sa mga paa niya, natutunaw.


At medyo familiar sa'kin yung kapangyarihan niya.

"Ayan, tapos na. No more dirty hands." Sabi niya tapos ngumingala sa'min at ngumiti. "Pwede mo na siya ibaba, Virgo Protector."

"Sure po ba kayo?" Tanong ni Troy saka naman siya tumango.

"Huwag ka mag-alala, nakatunaw na ang mga kamay nila. Hindi na sila kakapit sa inyo." After niya sabihin 'yun, napatingin ako sa mga kasama ko. Nagulat din sila sa nangyayari ngayon. Wala na din yung mga zombie na humarang kay Bianca.

"Teka!" Sigaw ni Bianca. "Ikaw si Prico 'di ba?"

Lumingon siya sa kanya. "Opo."

Oo! Siya nga!

"Hindi kita namukhaan, sorry." Ayan yung sinabi ko sa kanya. Ano ba Uni, nakakahiya.

Tumingin siya sa'kin. "Okay lang. Ligtas na siyang umapak dito, Virgo Protector. Kaya ibaba mo na siya."

Dahan-dahan ako binaba ni Troy. Medyo na-out of balance pa ko pero buti kumapit ako kay Prico. Speaking. . .

"Troy." Sabi ko nang maka-tapak na siya sa lupa. "Pa'no mo nagawang lumipad?"

"Hindi ko alam. Bigla na lang ako lumutang kanina." Sagot niya.

"Ako may plano nu'n. Sorry kung binigla ka ni Gem."

Napa-tingin ako sa likod ni Troy tapos siya lumingon. "Vir!"

"Kumusta, Troy?" Sabi na lang ni Vir tapos naglakad siya papunta sa'min. "Okay lang ba kayo?"

"Si Paulo, where is he?" Tanong ni Sab.

"Buhay pa ko." Hayun siya, naka-sandal sa puno at may kasama siya. "Salamat kay Leo pati na rin sa lion niya, akala ko makaka-kain ako ng zombie."

"Walang anuman." Sagot ni Leo na naka-poker face ngayon habang yung leon, mahimbing na natutulog sa tabi ni Paulo. Masungit ba talaga 'to?

"Teka. . ." Lumingon kami kay Thunder. Iba na ang hitsura niya, nag-mukha siyang zombie ngayon. "Dapat ba ko matakot sa inyo? Ha?"

Ano daw?

Tinuro niya si Troy. "Pa'no ka nakakalipad? Sinabi sa'min ni kuya Syren na. . . Na. . .Hindi kayo nakakalipad! Ba. . . Bakit? Ganun?"

Nauutal na siya magsalita ngayon. Palingon-lingon siya sa paligid.

"Ikaw. . ." Turo niya kay Paulo na naka-upo pa rin. "Pa'no ka nabuhay? Patay ka na dapat?"

"He's crazy." Bulong ni Sabrina.

Pangiti-ngiti siya sa'min na parang tanga. "Sino'ng kausap niyo? Bakit may nakita akong natunaw na putik sa. . . Saaaaaa! Paa!?"

"Ano'ng nangyayari diyan?" Tanong ni Bianca.

"Sinong kausap niyo?! Mga multo?!" Sabi na lang niya tapos tumawa na parang baliw. Tumutulo pa ang laway niya.

"Ganito kasi yun, mga bata. . ."

Napalingon kami sa boses na 'yun malapit sa puno kung saan malapit roon si Thunder. Nagpakita si Cercan at Gem.

"Hindi niya kami nakikita na nage-exist dito ngayon. Kaya malaya akong gawin 'to sa kanya." Sabi ni Cercan sabay tumakbo siya papunta kay Thunder at sinuntok niya! Walang tubig na gamit, literal na kamao niya ang gamit.

Medyo natumba si Thunder. "Sino yun sumuntok sa'kin?! Isusumbong ko kayo kay kuya Syren!"

"Pero hindi namin siya mapapatay gamit ang kapangyarihan namin." Sabi ni Gem. "Remember, nasa inyo ang Element namin. We only have our natural powers also known as sumpa."

Sumpa? So, yung pagtunaw na ginawa ni Prico sa'kin kanina, sumpa lang 'yun?

"Basta, kayo lang makakapatay diyan." Sabi ni Vir. "Aalalayan lang namin kayo."

"Sino! Ba! Kasi! Ang kausap niyo?!"

Lumingon ako kay Thunder, dito siya nakatingin sa'min ni Troy.

"Sige Uni, ihanda mo lang ang pana mo." Kilala ko ang boses na 'yun.

"Lilipad 'yan. Kaya ako ang magtatapat ng pana para malaman mo kung saan siya magpapakita sa'yo." Lumingon ako kay Sagi, naka-ngiti siya sa'kin.

"Lumipad na siya, Sagittarius Protector." Kalmadong sabi iyon ni Leo kaya hinanda ko na ang pana ko. Teka, saan nga ba siya magpapakita?

"Dito." After sabihin ni Sagi, hinarap niya ang katawan ko na ngayon, nakatutok kay Troy.

"Bakit kay Troy?!"

"Nandiyan na siya!"

Nakapikit lang ako nang isigaw yun ni Sagi. Hindi ko alam kung bakit pero sana hindi natamaan si Troy. Juskupo.

"Tignan mo." Napadilat na ang mga mata ko nang magsalita si Sagi. 2 ft. ang pagitan namin ni Thunder, parang hindi ko siya pinatay. Pero hindi na gumagalaw ang katawan niya.

"Ibig sabihin lang nu'n, nagtatago na siya ngayon." Boses ba yun ni Rico or ibang tao?

"Pupuntahan niya ang mga tao sa mansyon nang hindi niyo alam." Lumingon ako sa area kung saan nakatayo si Rico. "Sa likod mo, Rico."

Sa likod ni Rico ay isang puno. Nang masipa niya iyon, agad din bumagsak at nandun si Thunder, tumitingin siya sa paligid.

"Nasaan ang mga kausap niyo?!"

"Makinig kayo." Naalala ko na kung sino 'to. Siya si Rustan. "Patay na ang mga kapatid niya. Binuhay lang ni Syren ang mga 'to para lang mahanap kayo. At mukhang nag-tagumpay naman siya."

"No way!" Sigaw na lang ni Sab.

"Ikaw, Gemini Protector! Miss ka na ng kapatid mo!" Sigaw niya at mabilis siya tumakbo papunta kay Sab.

"Sige, sumugod kang baliw ka!" Sigaw ni Bianca. Gamit ang water puppet niya, nasuntok na niya si Syren.

"Suntukin mo lang, Bianca. Kailangan hindi na makatayo 'yan. Saka ko siya susunugin." Utos na lang ni Paulo sa kanya.

Ginawa naman ni Bianca. Ilang suntok din ang natamo ni Syren. Maya-maya, naglabas ng blue flame si Paulo. Nag-aantay lang siya ng tamang timing para itira iyon kay Syren.

"Ha! Ha! Ha! May bagyo na paparating, kukunin niya ang babaeng pinaka-minahal niya!" Sigaw ni Thunder sabay tinignan kaming lahat. "Matatalo na kayo! Mga lampa at tanga na Zodiac Protectors!"

Aftet nu'n, tinira na ni Paulo si Syren. Para siyang laser beam pero blue fire ang dating. Or flame? Ganun ang hitsura. Hindi siya tumigil sa paglabas ng apoy hangga't hindi pa nagiginh abo si Syren.

"May bagyo na paparating?" Tanong ko nang tuluyan na maging abo si Syren. "Kukunin daw niya ang babaeng pinaka-minamahal niya?"

"Susugurin niya ang Aquarius Protector." Sabi na lang ni Gem. Don't tell me. . .

"Si Storm!" Sigaw ni Rico. "Papunta siya sa mansyon dahil nandun si Soliva!"

Ah shit. Oo nga pala! First love thingy!

"Ako na ang aalalay kay Paulo, puntahan na natin sila." Sabi ni Troy nang mapuntahan niya si Paulo at tinulungan na tumayo.


Alam kaya ng mga tao sa mansyon ang mangyayari?




_________________________________________________

HI. HELLO. KUMUSTA? :)

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO GOOOOO

MORE STORIES TO COME HA? SO, YEAH.

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top