CHAPTER TWENTY-ONE

Ariusa's POV

"Ano'ng gagawin namin ni Dorothea?" Tanong ko kay Pis. "Alam mong walang malay ang kaibigan ko."

Ngumiti lang siya sa'kin. "Gising si Dorothea sa mga oras na 'to. Hindi lang niya kayang kumilos kaya pinag-pahinga ko ang katawan niya. Alam din niya ang nangyari sa mga batang 'to."

"Ano?! Ni hindi man niya tinulungan ang mga 'to?" Sabi na lang ni Uni.

"Tinulungan niya. Kaya siya nawala sa tabi ng mga bata dahil sinubukan niyang kunin si Harold mula kay Syren. Nakita niyo naman siguro ang mga sugat nila ni Darren, 'di ba?" Sabi na lang niya.

Oo, itinakas niya kami dahil mas lalong lumalakas sina Saedon at Syren sa tuwing makikipag-laban ang mga kapatid nila sa mga batang 'to. Nang magpakita sila ni Darren, puro sugat na sila at pinagpa-pawisan na sila ng dugo. Agad din nakita ni Pis ang mangyayari kaya eto ang ending namin.

"Ililipat ko sila sa kabilang mundo kung saan isa lamang silang ordinaryong tao." Pagka-sabi ni Pis, tinapat niya ang dalawa niyang kamay sa mga batang 'to. Agad sila nawala except kay Soliva?

"Hoy Pis, si Soliva nakalimutan mo." Sabi na lang ni Vir.

"Tama lang na iwanan ko siya dito."

Napalingon kaming lahat sa kanya. "Ha?!"

"Siya ang magiging daan para mapalapit niya ang mga kasama niya. Nawalan din naman siya ng alaala kaya..." tumingin siya sa'kin nang seryoso.

"Siya ang kikilos."

Sabrina's POV

"Ang sakit ng ulo ko!"

Sigaw ko. Nandito naman ako sa unit ko kaya wala naman makaka-rinig sa'kin. Naka-higa pa rin ako, hindi ko pa binibisita yung shop and heck, pumapasok pa yung ulo ko yung iba pang nangyari before.

After what we saw on that cave, I was shocked nang malaman kong isa akong Gemini Protector. I remebered everything especially sa babaeng nagnga-ngalang Sunshine, tsk. I really hate her. Buti nga wala na siya dito sa mundo kundi pinatay ko na siya. But, she already dead right?

Napa-bangon na lang ako nang may tumawag sa'kin. I checked my phone and... Unknown number ang tumawag.

"Hello."

[Sabrina 'to 'di ba?]

Familiar sa'kin yung boses. Unknown number so... "Sino 'to?"

[Troy.]

What the hell. "How did you get my number?"

[Hoy! How did I get her number daw!] Teka, may kasama ba siya?

[Ay, tanga ka pare? Malamang galing sa'kin.] Oh, kay Niel.

[Hayun, rinig mo ba?] Tanong niya.

"What do you want?"

[Kain.]

"What?"

[Tanga, kain.]

Aba! Natanga pa ko netong Virgo Protector na 'to. "No."

[No daw pare. Pa'no 'to?] What the hell is happening?

[Sunduin mo na 'yan.]

"You! Scorpio Protector! Don't you dare tell him the address!" Sigaw ko. Nakapunta na kasi siya dito kasi ipapakita niya sa'kin yung blueprint ng store ko.

[Ano ka ba, bago pa kita tawagan, alam ko na kung sa'n ka nakatira. At ang nakaka-tawa, malapit lang dito sa bahay ko yung building na tinutuluyan mo ngayon.]

What the heck?!

[Dinner date. See you. 6 p.m.] Then he ended the call.

Wait.

Dinner date?! What the hell! Ano bang problema niya?!


Paulo's POV

"Papa, are you okay?"

Napa-tingin ako sa pinto. Si Air pala.

"Yes naman. Why?"

"Nandiyan po si tita Bianca and tito Kevin."

~~

"Go to your lola's house muna ah. Sunduin kita mamayang gabi." Sabi ko na lang sa anak ko then I kissed her in cheek.

She waved at me nang makalabas na ang sasakyan sa gate namin. Pinapunta ko muna siya kina Mama, ayokong marinig niya ang pinag-uusapan namin lalo na kung tungkol sa pagiging Protector.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nage-exist dito si Secret." Napa-lingon ako kay Bianca na nasa pinto ngayon.

"Hindi ko rin alam kung bakit nangyayari lahat 'to." Sabi ko na lang ng makapasok na kami sa loob at umupo na sa sofa.

"Hoy." Bulong na lang ni Kevin. "Baka nandito yung mga maid mo. Marinig nila ang pag-uusapan natin."

Umiling lang ako. "3 days silang day-off kaya pwede kang sumigaw dito."

"Hayun! Sigaw!" Sumigaw nga ang loko. "Pero, nakakaloko na talaga ang nangyari sa'tin."

"Parang panaginip lang yung nangyari sa'tin." Sabi na lang ni Bianca habang hinihilot pa niya ang ulo niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko. "Do you need medicine? Pwede ka rin matulog sa guest room."

"No." Sagot niya. "May nag-sink in na naman sa utak ko kaya medyo sumasakit pero, ayos lang ako."

"Nakakatawa dahil ikaw pala ang boss ko." Sabi na lang ni Kevin habang umiinom ng juice.

"Mage-exist kaya si Ann kung naalala mo na ang lahat?" Tanong ko sa kanya.

"Teka, nasaan si Ann ngayon? Nag-exist siya dito?" Tanong ni Bianca.

"Namatay siya nang umatake yung 'alien' sa shop ni Sabrina." After niya masagot, nanlaki agad ang mga mata ni Bianca.

"Pa'no pala natin sila papatayin ulit?" Tanong ni Bianca.

"Si Syren ang papatayin natin." Sagot ni Kevin.

"Teka, kalaban pa ba natin si Harold?" Tanong ko. Kasi huling naalala ko, naging kaaway namin yun. Although, hindi naman talaga siya ang kaaway namin.

"Oo nga 'no? Pero, naalala niya kaya yung mga nangyari?" Tanong pa ni Bianca.

"Pero si Fey..." sabi na lang ni Kevin. "Mas nag-aalala ako sa kanya."

"She's sick. Parang palala na ng palala." Sabi ko. Nung nakita ko siya sa mansyon, hindi na healthy ang mukha niya. Masyado na payat ang katawan niya.

"Kaya ba niya lumaban?" Tanong pa ni Bianca. Tapos bigla na lang umiling. "No. Hindi mangyayari 'yun."

"Ang alin?" Tanong naman ni Kevin.

Tumingin muna siya sa'min. "Baka kasi ano..."

"Ano?"

"Mamatay siya!" Sigaw niya sabay kumatok sa kahoy na table sa harapan namin.

"Alam kaya ni Soliva about sa nangyayari sa'tin ngayon?" Napalingon kami kay Kevin. Oo nga 'no? Tutal, siya naman ang nakaka-alala sa nangyari.

~~~

"Huh?"

Ayan ang sagot ni Soliva sa'min. Sinundo namin siya sa school, sakto na din na uwian niya.

Huminga muna si Bianca nang malalim. Nandito pala kami sa resto niya, sa isang private area kami nilagay. "Tanong namin kung may alam ka ba sa nangyayari ngayon."

"Tinanong ko si Ariusa tungkol diyan. Ayaw pa niya mag-kwento tungkol du'n sa nangyari sa'tin. Lalo na nu'ng nagising ako du'n."

"Huh? Ano'ng nagising?" Tanong ko.

Napa-inom muna siya ng iced tea. "Nagising ako, wala na kayong lahat. Nasa ibang kweba ako nu'n kasi pure crystal ang mga nandu'n. Takot na takot ako sa nangyari pero, mabuti nandun si Ariusa. Sabi niya, si Pis daw ang nagligtas sa'tin."

"Pis? Mama ni Fey 'di ba?" Tanong ko saka siya nag-nod.

"Ginulo niya ang oras natin para hindi daw tayo mahabol ni Saedon."

So, ang mama ni Fey ang may kasalanan neto?

"Pero, sinabi ba ni Ariusa kung bakit ginawa iyon ni Pis? I mean, siya ba ang nag-plano netong buhay namin-

"Ayan na talaga ang buhay niyo kung hindi kayo naging Zodiac Protectors." Napatigil si Kevin nang masabi ni Sol 'yun. "Ako rin. Eto na talaga buhay ko nang di ko maalala about sa pagiging Aquarius Protector ko."

"Kung eto na talaga ang buhay namin, pa'no si Fey?" Tanong ni Bianca.

Napa-tahimik kami. "Hindi naman mangyayari yun. Gagaling siya, naalaala na niya ang lahat kaya..."

"Kaya ano, Sol?" Tanong ni Kevin.

Napa-isip si Soliva. Maya-maya, "Eh kung kausapin niya kaya ang mama niya na baguhin ang mangyayari sa kanya?"

"Kung iba ang mangyayari sa kanya, mag-iiba din ang mangyayari sa inyong lahat."

Sino 'yun?

"Oh my god! Cercan!" Sigaw na lang ni Bianca sabay tumingin kami sa tinuro niya.

"Kumusta kayo?" Tanong na lang niya kaya napatayo si Bianca at niyakap siya. Close ba ang mga 'to?

"Ang galing! Pa'no ka nakarating dito? I mean, ang galing!" Sabi na lang ni Bianca. Ang laki ng ngiti eh.

Tumingin sa'min si Cercan. "Hindi niya pinakita sa'min ang mangyayari kay Fey. Sa inyo ko lang nalaman na may sakit siya."

"Hala, pero gagaling naman si Fey 'di ba?" Tanong ni Soliva.

Ngumiti lang si Cercan. "Kailangan niya gumaling kahit anong mangyari. At alam niya din 'yun lalo na't naalala niya na isa siyang Pisces Protector."

After niya sabihin iyon, may tumalsik na lang na tubig sa'min. Hala, nasaan na siya?

"Ma'am!"

Napalingon kami sa pinto, staff niya ata 'yun. "May 'alien' po!"

"Taena?!" Sabi na lang ni Bianca tapos lumabas na din kami.

Nagkakagulo ang mga tao dito sa loob ng restaurant. Napansin namin na madaming 'alien' na ang umaatake sa paligid.

"Ang dami nila! Pa'no 'to?" Tanong na lang ni Soliva.

"Sol, 'di ba ikaw pa lang ang nakakapag-labas ng kapangyarihan mo?" Tanong ko.

Lumingon siya sa'kin. Mukhang natatakot siya. "Hindi ko alam kung pa'no ko siya napalabas noon."


Tsk. Paano na 'to?

"Lumingon dito yung 'alien'" Bulong na lang ni Kevin. Sakto din naka-tingin na yun sa'min.

Weird ko pero namiss ko 'tong pangit na 'to.

"Mukhang papatayin na tayo!" Sigaw na lang ni Soliva kaya tumakbo na kami papalabas.

"Tangina! Yung restaurant ko!" Sigaw ni Bianca nang sinabog na ng 'alien' ang area kung sa'n kami naka-tayo kanina.

"Nasira na restaurant ko! Putragis!" Sigaw pa niya habang tumatakbo kami. Kainis, sinusundan kami ngayon.

"Ipaayos mo na lang sa asawa mo tutal mayaman naman 'yun." Biro pa ni Kevin kaya nabatukan pa niya.

"Nagawa mo pang mag-biro hayop ka!" Sigaw ni Bianca tapos sinabunutan pa niya si Kevin.

"Ano na ang gagawin natin?!" Tanong ko. Tuluy-tuloy ang pagsira ng mga 'alien' sa restaurant ni Bianca.

"Bianca, bakit ka huminto?!" Sigaw na lang ni Soliva. Naka-hinto siya ngayon.

"Tsk." Ayan na lang ang nasabi niya. Hinarap niya ang mga 'alien' na naka-abang sa kanya.

"Sirain niyo na ang lahat, 'wag lang ang pinag-hirapan ko! Mga punyeta!" Sigaw na lang niya at... Teka!

"Oh my! Yung kapangyarihan niya!" Sigaw na lang ni Soliva.

Inangat niya ang dalawang kamay niya at nag-form siya, dalawang kamay din. Pinuwesto ni Bianca ang sarili niya na parang magbo-boxing. Kaya yung tubig, naka-form ngayon na kamao niya.

Nang sumugod na ang mga 'alien', isa-isa na niya sinuntok gamit ang tubig na meron siya ngayon. Tuluy-tuloy lang ang pag-suntok niya. Maya-maya, napa-tigil siya. Bakit?

"Titirahin na niya ako!" Sigaw niya tapos, nakita na lang namin si Soliva na tumatakbo papunta sa kanya. Parang laser beam ang titirahin ng 'alien' kay Bianca kaya naman pinigil iyon ni Soliva. Binalot na ng yelo ang laser beam na 'yun pati na rin ang 'alien'.

Hayun ang ginawa nilang dalawa hanggang sa wala nang 'alien' ang sumugod. Tinignan na namin ang buong paligid, wala na ang restaurant ni Bianca.

"Ganitong-ganito din ang scenario sa store ni Sabrina." Sabi na lang ni Soliva na, hingal na hingal sila ngayon.

"Okay ka lang, Bianca?" Tanong na lang ni Sol sa kanya. Parang pagod na pagod siya.

Tumingin lang siya kay Sol at sa palad niya. "Nakakapagod pala kapag hindi mo ginamit ang kapangyarihan mo." Bigla na lang siya nawalan nang malay.

"Hala! Paulo!" Sigaw na lang ni Sol kaya pinuntahan na namin ni Kevin. Nang mabuhat ko siya, agad naming pinuntahan ang kotse ko. Inalalayan muna ni Kevin si Soliva kasi, muntikan na rin siya matumba habang naglalakad kami.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanila nang mailagay ko na si Bianca sa lap ni Sol. Pumasok na din ako sa loob, si Kevin muna ang nasa tabi ng driver's seat.

"Sa mansyon muna tayo pumunta. Kung kaya niyong i-contact ang iba about sa nangyari, gawin niyo na." Sabi na lang ni Kevin.

"Sige. Magpa-paalam lang ako sa anak ko." Sabi ko sabay nilabas ko ang phone ko para mai-text si Air.

"Nakita na siguro tayo." Sabi na lang ni Soliva. "Ano na ang gagawin natin? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka matalo na naman tayo-

"Hindi na tayo matatalo, Soliva." Sabi ni Kevin. Lumingon ako sa kanya. "Mananalo tayo ngayon. Kailangan lang natin magpalakas lalo na si Fey. Kailangan hindi makuha ni Syren si Harold kundi, masasayang ang lahat."

Ngumiti si Kevin sa'min. "Mananalo tayo."

________________________________

ANY THOUGHTS ABOUT CANCER? HEHE.

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - PASAGOT 👆

FOLLOW - NIYO KO GOOOO

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top