CHAPTER TWENTY FIVE
Soliva's POV
"Magiging okay naman siya 'di ba?" Hayan ang tinanong ni Troy sa'kin after niya ilagay sa kama si Sabrina.
"Oo naman. Malakas siya eh." sagot ko sa kanya.
"Pero, kailangan ba talaga nating mapagod after natin makipag-laban?" tanong ni Leandros. After talunin ni Uni yung 'alien' na 'yun, nanghina na ang mga tuhod ko. Akala ko ako lang ang nakakaranas nu'n, sila din pala lalung-lalo na sina Sabrina at Uni.
"Magha-handa na lang ako ng pagkain natin." Ayan ang nasabi ko sa kanila.
"Tutulungan kita pag-baba koi ha? Iche-check ko lang si Uni sa kwarto niya." sabi na lang ni Bianca tapos lumabas na ko ng kwarto.
Kahit papano, kaya ko naman magluto na pang-maramihan. Usually, pang-dalawahan lang ang niluluto ko tutal kami lang naman ni Trisha ang nakatira. Pero, hindi ko na alam ang nangyayari ngayon sa labas. Kada tapos ko sa pagtuturo, dito na ko pumupunta. Hindi ko lang alam kung napapansin na 'yun ni Trisha. Miss ko na din siya.
"Aba. . ."
Sino yun?
Lumingon ako sa likod, wala naman tao. At alam kong hindi iyon ang boses nila.
"Aquarius Protector. . . "
Hayan na naman siya oh. Pumunta ako sa living room, walang tao roon. Pero, may napansin na ko sa pinto, naka-uwang lang siya. At mukhang may tao sa labas. Pinuntahan ko naman at. . .
"Kumusta?" ayan ang narinig ko nang makita ko na kung sino 'yun. Isang weirdong 'alien' ang nasa harapan ko ngayon. Kalahating bubuyog, kalahating tao ang hitsura niya. Naka-ngiti siya sa'kin na parang may masamang siyang gagawin sa'kin.
"Sino ka?" tanong ko. Hindi niya ko sinagot, pero may isang antenna niya ang sumugod sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ko hinawakan 'yun pero binalot ko iyon ng yelo.
"Ano'ng akala mo, mamamatay ako sa ganyang technique mo?" sabi na lang niya sa'kin. Bigla na lang natunaw yung ginawa ko sa kanya.
"Sa likod mo, Aquarius Portector." sabi niya kaya lumingon ako at. . .
"Aaah!"
Nawalan na ko ng malay.
~
Nang maidilat ko na ang mga mata ko, madilim. Alam kong nasa kama ako kaya bumangon na ko. Teka, nandiyan pa ba yung-
"Sol."
Napalingon ako sa pinto, medyo familiar sa'kin yung boses na 'yun. Napatayo na ko at pumunta sa pinto. Binuksan ko naman at. . .
"Dorothea!" sigaw ko saka ako yumakap sa kanya. Ramdam ko din ang pag-yakap niya sa'kin. Ilang araw na ba ang lumipas nang hindi siya nagpakita sa'ming lahat? Feeling ko, taon ang lumipas eh.
"Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?" tanong niya.
"Heto. . . Medyo okay naman ngayon. Teka, nandiyan pa ba yung werdong 'alien' na 'yun?" tanong ko na lang.
"Tinalo na ni Rico at Paulo. Salamat kay Fey dahil sinabi niya yung nakita niya."
"Nakita?" tanong ko saka siya tumango. "Hindi ko na-gets."
~~~
"Nakikita ni Fey ang pwedeng mangyari sa'tin?" tanong ko habang kumakain ngayon. Madaling-araw na pala tapos naka-uwi na din silang lahat except kay Fey ngayon.
Tumango siya. "Parehas sila ni Pis na kakayanan. Pareho silang natatakot at umiiyak kapag napapaginipan nila about sa labanan."
"May nakikita pa ba si Fey ngayon after ng nangyari?"
"Hindi ko lang alam. Tulog siya ngayon eh, pero sana sabihin niya sa'tin ang mangyayari kung may nakita siya." sagot niya saka siya ngumiti.
"Ganito ba talaga ang mangyayari sa'min?" tanong ko sabay huminga ako nang malalim. "I mean, walang katapusan ba 'to?"
"May katapusan ang lahat Soliva, lalung-lalo na sa pagiging Protectors niyo." sagot niya saka siya ngumiti. "Nakaka-tuwa ka nga kasi sinunod mo kami ni Ariusa."
Kumunot bigla ang noo ko sa kanya. "Huh?"
"Sa totoo lang, hindi mo sila mahahanap matapos alisin ni Pis ang mga alaala nila at ilagay sa panahon kung saan hindi sila ang mga Zodiac Protectors. Utos niya sa'min ni Ariusa na alalayan ka para mahanap sila."
"Wait, hindi ko ma-gets." sabi ko.
"Kami, ni Ariusa, ang dahilan kaya nakikita mo sila agad." sagot niya saka siya ulit ngumiti. "Pinakita sa kanila ang mangyayari sa kanila except kina Karen, Harold at Fey."
"Ikakasal dapat sina Karen at Harold, ganun ang mangyayari. Pero si Fey? May sakit ba talaga siya sa oras na 'to, kung hindi siya Pisces Protector?"
"Panigurado dahil hayun ang nangyayari sa kanya ngayon. Pero, wala kaming idea kung gagaling ba siya o hindi."
"Gagaling siya, ano ka ba." sabi ko. "Hindi siya mamamatay kahit na matalo namin si Syren. May mga gamot naman ngayon na nai-imbento sa sakit niya."
"Sana nga ganun ang mangyari sa anak ko."
Napa-dako ang tingin namin sa likod. Si Pis. "Mahal na Reyna."
Ngumiti siya kay Dorothea after niya mag-bow down. "Kumusta ka, Aquarius Protector?"
"Ano, okay lang po." sagot ko. Feeling ko, chairman or president ng school ang kausap ko ngayon. Tindig pa lang niya eh.
"Nakita naman niya ang mangyayari sa kanya. Kahit ako rin, natatakot sa katapusan niya."
Katapusan niya? Ibig sabihin. . .
"Papatayin po ba siya ni Syren?!" tanong ko bigla. Wala na kong pake kung nataasan ko siya ng boses.
"Bago niyo pa mapatay si Syren, namatay na siya sa sakit niya."
Nalaglag na ang kutsara ko after niya sabihin iyon. Hindi pwede.
"Matatalo kami kapag namatay siya." ayan na lang ang nasabi ko. Nanginginig ako.
"May paraan ba para mapigilan yun, Mahal na Reyna?" tanong ni Dorothea. Hindi na siya sinagot. Hindi pwedeng mawala si Fey, pati rin si Harold.
"May paraan pa kung pipigilan nila ang mangyayari."
Napalingon ako sa tabi ko. Isang lalaki, medyo kamukha ni Harold pero hindi si Harold 'to. Wala siya ngayon dito, 'di ba?
Lumingon siya sa'kin tapos tinuro yung sarili niya. "Arose, in case na hindi mo ko maalala."
"Bakit ka nandito?" tanong na lang bigla ni Dorothea.
Kumunot yung noo niya. "Bakit? Bawal ba?"
"Oo bawal. Girl talk lang 'to 'no!" after isagot iyon ni Dorothea, nanlaki agad ang mga mata ni Arose.
"Ano'ng girl talk? Girl talk? Kanina pa ko nakikinig sa usapan niyo."
"Ha?!" sigaw ni Dorothea.
"Huminahon ka diyan, Dorothea." sabi na lang ni Pis. Buti hindi na nagsalit si Dorothea, ang sama ng tingin eh.
Tumingin si Arose sa'kin. "Huwag ka matakot diyan, matatalo niyo pa rin si Syren kahit ano'ng mangyari."
"At pa'no ka naman nakaka-siguro, mahal na prinsipe?" tanong ni Dorothea.
Hindi siya naka-tingin kay Dorothea, sa'kin pa rin siya naka-tingin. "Lahat ng mangyayari sa inyo, mababago dahil sa kanya."
"Kanya?" tanong ko. Ngitian lang niya ako.
"Makinig ka, Aquarius Protector." napalingon ako kay Pis, para talaga siyang chairman. "May kalaban na paparating sa inyo, nakalaban niyo na sila noon, tanging ang mga Libra Protector ang makakatalo sa kanila."
"Kalaban? Kailan mangyayari?"
"Mamayang tanghali, bago sila makarating dito sa mansyon."
"Ha?! Alam na ba nilang lahat? Baka kung anong mangyari kina Ka-
"Kumalma ka nga, Ariusa." sabi na lang ni Arose habang kinakamot ang ulo niya. Ako ba talaga ang kausap neto?
"Ariusa?" tanong ni Dorothea. "Si Soliva 'yan, tanga!"
Nang ma-realized niya ang sinabi niya, dahan-dahan siyang tumingin sa'kin. "Paumanhin sa'yo."
"Kaya wala sila ngayon dito sa mansyon bukod sa inyo ni Fey. Tutulungan nila ang mga Libra Protector na patayin ang mga 'yun." sabi na lang ni Pis habang naka-ngiti sa'kin.
Bianca's POV
"Mama, aalis na naman po kayo?" tanong ni Cindy habang naka-yakap sa'kin. Siya ang anak ko pero, nang mag-sink in sa'kin ang mga nangyari noon, na-realized ko na baka siya si Cyndi na inampon ko noon.
"Oo, kailangan ko kasi mag-trabaho." sagot ko. Pero, hindi talaga iyon ang dahilan kaya ako aalis ngayon.
"Tatlong buwan ka mawawala, okay na ba 'yang mga gamit mo?" tanong ni Justin, asawa ko nagyon. Pero before, kasama ko lang siya sa paglilinis ng bahay ng tita ko noon. Nakaka-tawa lang ang mga pangyayari ngayon sa'kin.
"Sapat na 'to. Pag may kailangan pa kong damit, bibili na lang ako." sagot ko habang naka-tingin sa maleta.
"Bidyo call tayo mama ah!" sigaw ng anak ko.
"Kung makakahanap ako ng signal du'n anak, magvi-video call tayo. Okay?" sabi ko sabay hinalikan ko siya sa cheeks. My gosh, mami-miss ko ang mga 'to.
"Mag-iingat kayo du'n ha?" sabi na lang ng asawa ko sabay hinalikan ko siya sa labi. Oh bakit? Asawa ko siya. "Mukhang nandiyan na ang sundo mo ah?"
Napalingon ako sa labas ng bahay namin, may isang black na kotse ang nag-aabang. Binaba niya ang bintana, naka-salamin pa ang loka.
"Teka, siya si. . ." sabi na lang ng asawa ko sabay nag-turo siya. "Miss Sabrina?"
'Di ko mapigilang tumawa sa hitsura niya. "Yes po. Si Sabrina na fashion designer."
"Pa'no kayo naging close niyan?" tanong niya habang buhat na niya si Cindy.
"Sa resto, as usual." sagot ko. Pero syempre, hindi totoo 'yun. Sa mansyon ang punta ko ngayon and nag-promise ako na 3 months akong mawawala. . . Sa bahay at sa restaurant.
Nakita ko na lang ang anak ko, kumakaway sa kanya. Lumingon naman ako kay Sabrina, naka-shades pa ang loka, kumaway din sa kanya habang naka-ngiti.
~~~
"Happy family pala kayo." sabi na lang niya habang nag-aantay ng 'go' signal. Traffic eh.
"Syempre, sino bang magulang ang ayaw sa happy family?"
"Maybe my parents?"
Napalingon ako sa kanya. "Until now na hindi ka Gemini Protector?"
Tumango siya. "Yes, girl. Same scenario lang ang nangyari. Ang pinagkaiba lang, I'm not a Gemini Protector."
"Wow." hayan na lang ang nasabi ko. Nakaka-awa naman pala 'tong babae na 'to.
"Look." sabi na lang niya sabay may tinuro siya. Tumingin naman ako du'n at. . . Wow naman!
Mga 'alien' na nasa ere ngayon! At mukhang papunta na sa mansyon, doon ang daan eh.
"Ano, puntahan na ba natin?" tanong ko.
"Of course! Panigurado, nandun na sila." sagot niya sabay hininto muna ang kotse, naka-park naman sa gilid. Bumaba na kami at papunta na roon.
After kasi nila talunin yung 'alien' na 'yun, pumasok sila dala-dala si Soliva at nakita namin na kasama nila si Dorothea. Kasunod nu'n, nagpakita sa'min si Pis. Sinabi niya sa'min ang mangyayari tungkol sa kambal.
At mukhang heto na nga 'yun.
~~~~~~
HI. HELLO. KUMUSTA?
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO
COMMENT - FEEL FREE
FOLLOW - NIYO KOOOOO~
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top