CHAPTER TWENTY EIGHT

Fey's POV

Napanginipan ko, si Thunder ang nagpakita sa kanilang lahat. Pero, bakit nandu'n ang mga kasamahan ng mama ko?

"Kumusta na kaya sila?" Tanong ni Sol habang sinasanay na niya ang paglabas ng yelo galing sa kamay niya.

"Hindi ko alam. Pero sana okay lang sila du'n."

"Nah! Magiging maayos sila du'n, trust me." Lumingon ako kay Dorothea na naka-tingin ngayon kay Soliva.

Bakit hindi ako mapakali ngayon?

"Nandito na kami!"

Napalingon ako sa pinto at pumunta roon. Nang mabuksan ko 'yun, nakita ko na lang sina Niel at Leandros na bitbit ang kambal na walang malay.

"Hala, ano'ng nangyari sa kanila?" Tanong agad ni Soliva nang makapasok na sila sa loob.

"Katulad nu'ng nangyari sa'tin nu'ng nailabas ang kapangyarihan natin." Sabi ni Leandros. "Dalhin na natin sa kwarto ang mga 'to."

Nakatingin lang ako sa kanila habang umaakyat sila kasama si Dorothea at Soliva. Isasara ko na sana ang pinto nang may napansin ako sa paningin ko. Bakit gumegewang ang paligid? Hindi ako nakakaramdam ng hilo pero bakit ganito yung nakikita ko?

Pinikit ko sandali ang mga mata ko. Baka lang nahilo lang talaga ako. Pero nang maidilat ko na, ganun pa rin. Kaso, unting-unti dumidilim ang langit at may nakita ako na mga tao tumatakbo papunta rito. Hindi ko matukoy kung sino sila dahil ang labo at mukhang may sinabi siya, may tinuturo eh.

"Fey!" Ayan ang naririnig ko na galing sa kanila. Unting-unti na sila lumilinaw sa paningin ko pero bakit ang slow-mo ng lahat? Or mabagal lang sila tumakbo? Pero hindi, parang ang slow motion ang nakikita ko ngayon.

"Fey!" Boses ba 'yun ni Bianca? Mukhang siyabnga ang nagsalita. Kitang-kita ko na siya. "Si Sol!"

Gusto ko sana magsalita pero bakit hindi ako makapag-salita? Sila nga yung tumatakbo papunta dito. Pero bakit ganun ang hitsura nila?

"Sa 'taas!" Sigaw ni Uni habang nakaturo siya sa itaas. Hindi ko din alam kung bakit dahan-dahan kong sinundan yung tinuturo niya.

May nakita na lang ako na isang lalaki at. . . Bakit nakalutang si Soliva sa harapan niya?

"Ibalik mo sa'min si Soliva!" Sigaw ni Rico pero dahan-dahan niyang sinabi iyon. Hindi sa dahan-dahan, slow motion talaga ang pagkasabi niya.

Hindi siya nakinig. Maya-maya, nagiging yelo ang buong katawan ni Soliva. Nang mabalot na ang katawan niya, hinaplos niya iyon at nadurog na lang si Sol. Maya-maya, may naka-lutang na sa palad niya. Tinignan niya iyon nang mabuti, mahahalata mo sa kanya na masaya siya.

Dahan-dahan siya tumingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako maka-kilos. Wala na kong marinig na boses galing sa mga kasama ko.

"Ikaw ang isusunod ko, Pisces Protector!" Sinabi iyon pero slow motion tapos lumipad siya nang mabilis papunta sa pwesto ko ngayon. Bakit ganun?

"Si Storm ang kukuha kay Soliva."



"Fey!"

Huh?

"Hoy, Fey." Lumingon ako kay Niel. "Sino'ng tinitignan mo diyan sa 'taas?"

Ano yung nakita ko? Hindi na gumegewang yung nakikita ko ngayon. Nasaan sila? Nandiyan ba yung lalaki?

"Fey, sino'ng hinahanap mo?" Tanong ni Niel. "Atsaka, bakit nanginginig 'yan kamay mo?"

"Ano'ng nangyari?" Ayan na lang ang naitanong ko. Hindi ko din namalayan na nanginginig ang mga kamay ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko ngayon.

"Ano'ng nangyari? Pinag-buksan mo kami ng pinto. Dala namin ni Leandros ang kambal kaya pumasok kami at dinala sila sa mga kwarto nila. Pag baba ko, nandiyan ka pa sa pinto. Naka-silip ka sa labas at naka-tingin sa langit. Naka-nganga ka pa nga eh."

"Hindi mo ba nakita yung mga kasama natin na papunta dito ngayon?" Tanong ko kaya naman sumilip siya sa labas.

"Nandito na ba sila? Parang wala pa naman. Nakikipag-laban yun kay Thunder."

"Thunder?"

Tumango siya. "Sinabi iyon ng mama mo sa'min kaya pinuntahan namin sila roon."

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot ngayon. Napayakap tuloy ako sa sarili ko nang maalala ko 'yun.

"Fey."

Lumingon ako kay Niel. "Bakit?"

"Ano'ng nakikita mo?"

Sasabihin ko ba?

"Sabihin mo na bago pa mangyari 'yan."

Huminga muna ako nang malalim bago ako magsalita. "Nakita ko sila tumatakbo papunta dito. May tinuturo si Bianca, si Sol daw. Tapos, nakita ko may isang lalaki na naka-lutang habang nasa harapan niya ang katawan ni Sol. Nabalot sa yelo ang buong katawan ni Sol tapos, bigla na lang nadurog 'yun, nawala si Sol."

"Tapos?"

"Hindi ko alam kung ano yung nakalutang sa palad niya. Pero mukhang masaya ang lalaki na 'yun. Tumingin siya sa'kin, sinabi niya na ako na daw ang isusunod niya. May narinig pa kong boses habang papunta yung lalaki sa'kin, si Storm daw ang kukuha sa kanya."

"Storm? Ah, siya yung first love ni Sol. Patay na 'yun di ba?"

"Pinatay ni Rico 'yun pero bakit. . . Ganun ang nakita ko?" Tanong ko.

"Kung ayan ang nakita mo, sige. Kailangan mapigilan natin iyon. Pero, pa'no ba niya nakuha si Sol?"

"Hindi ko rin alam. Yung scenario na 'yun, parang. . . Late ko nalaman ang mangyayari? Hindi ko sure."

Sandali lang siya napa-isip. "Baka si Sol ang makakaharap niya tapos natalo siya. Kaya kailangan na natin abangan 'yun."

"Pero hindi pa nailalabas ang kapangyarihan natin."

"Okay lang. Kailangan hindi niya makuha si Sol. Kailangan hindi mangyari yung nakita mo." Sabi na lang niya saka ako ningitian.

Maya-maya, nagiging madilim na ang kalangitan. Ganito yung nakita ko kanina kaso, wala pa sila.

"Bakit Fey?"

"Ganito ang hitsura ng langit pero wala pa sila dito." Sagot ko habang naka-tingin sa langit.

Sumunod na ang kulog at hangin na akala mo, may paparating na bagyo dito ngayon. Saan kaya siya darating at paano niya makukuha si Sol?

"Mukhang nakikita ko na siya." Sabi na lang ni Niel sabay pumuwesto sa harapan ko. "Kailangan hindi niya makuha si Sol."

Nakita ko na si Storm, nakalutang lang siya sa ere at naka-tingin sa'min ngayon. "Nasaan si Soliva?"

"Umalis ka na. Hindi mo makukuha 'yun." Sabi na lang ni Niel.

"Makukuha ko siya dahil pagma-may ari ko iyon!" Sigaw niya sabay nagpalabas siya ng hangin na may kasamang kidlat. Hindi kami makaka-iwas ni Niel neto.

"Dapa!"

Napa-dapa naman kami at naka-yuko. Naramdaman ko na lang may hunarang sa tira ni Storm.

"Naka-habol!" Napatingin ako sa harapan namin ngayon, si Troy ang may gawa nu'n. "Late na ba kami?"

"Tama lang ang dating niyo." Sabi ni Niel.

"Ilabas niyo si Soliva!" Sigaw niya sabay naglabas ulit siya ng hangin na may kidlat sa'min.

"No, bitch." Sabi na lang ni Sab sabay naglabas din siya ng hangin papunta kay Storm.

"Alam ba ni Soliva ang nangyayari dito?" Tanong ni Troy sa'kin kaya umiling ako. "Huwag niyo siya ipapakita kay Storm. Puntahan niyo muna sa loob."

Agad naman kami tumayo ni Niel at pumasok agad sa loob. Nakita na lang namin sina Leandros at Soliva sa hagdanan.

"Huwag ka muna lumabas Sol." sabi na lang ni Niel.

"Huh? Bakit?" tanong naman ni Sol.

"Boses ni Sab ba 'yung narinig namin?" tanong pa ni Leandros. Sasabihin ko na sana ang nangyayari kaso bigla na lang pumasok si Troy sa loob.

"Oh, hello sa'yo Troy." sabi na lang ni Leandros.

Kalmadong pumasok si Troy sa loob at ni-lock yung pinto. Tapos humarap siya sa'min. "Kapag sinabi kong dapa, dapa ha?"

"Huh?"

"Bitch!" boses ba 'yun ni Sabrina?

"Dapa!"

Napadapa kaming lahat. Puro pagsabog ang naririnig namin. Sira na naman ba ang mansyon?

"Nice one, Troy." boses ni Dorothea na ang narinig ko.

"Anak ng, ano'ng nangyayari dito?!" sigaw na lang ni Leandros. Napa-tingin ako sa buong paligid, nasira yung living area except lang sa second floor dahil iyon ang hinarang nina Dorothea at Troy.

"Si. . . Storm ba 'yan?" tanong bigla ni Soliva na naka-tingin siya ngayon kay Storm.

"Makinig ka, Sol." sabi ni Troy na naka-hawak siya ngayon sa balikat ni Sol. "Patay na 'yan. Huwag na huwag ka sasama sa kanya."

"Huh?"

"Mamamatay ka Soliva kapag sumama ka sa kanya." ayan ang sinabi ko.

"Bakit ako sasama sa kanya?" tanong niya.

"Baka lang sumama ka sa kanya. Mahirap na, mahal na mahal mo pa naman din." sabi ni Niel.

"Nasaan na ang Aquarius Protector?" tanong na lang ni Storm. Agad naman pinayuko ni Leadros si Sol.

"Wala siya dito." si Sabrina ang sumagot na, naka-lutang din siya ngayon.

"Nasaan nga?!" sa sobrang inis niya, nagpalabas siya ng malakas na hangin papunta sa'min. Mas tinibay pa ni Troy ang shield niya.

Pumikit muna ako dahil ramdam na namin ang lakas ng hangin na nilabas niya. Nang maidilat ko ang mga mata ko, nag-slow motion na naman ang nasa paligid ko. Nakita ko si Sol, lumipad siya papunta kay Storm. Hahawakan na sana ni Storm ang kamay ni Sol kaso naunahan siya. Si Sol ang humawak sa kamay niya tapos unting-unti na nababalot sa yelo si Storm. Nang tuluyan na siya nabalot sa yelo, nakita ko si Rico na biglang lumipad at sinipa si Storm saka ito nadurog. Ang weird kasi katulad siya nu'ng nakita ko kanina, ang slow motion ng lahat.

"Fey!" lumingon ako kay Niel. "Ano'ng nangyayari sa'yo?"

"Bakit?"

"Diretso ka na naman naka-tingin kay Storm." after niya sabihin iyon, napa-tingin ako kay Soliva na naka-yuko pa rin.

"Sol, ikaw ang makaka-talo kay Storm."

"Huh?" ayan na lang ang nasabi ni Sol. "Okay ka lang, Fey?"

"Ikaw lang ang makaka-talo sa kanya."

"Fey, ano'ng joke na naman 'yan?" tanong ni Troy sa'kin.

Kay Sol lang ako naka-tingin. "Makinig ka, kailangan mong lumipad papunta sa kanya. Kailangan mo siya mabalot sa yelo. Darating si Rico para durugin siya."

"Ano? Ako? Lilipad? Pa'no?"

"Aquarius Protector!" boses na iyon ni Storm.

"Shit, nakita na si Sol." sabi ni Niel.

"Itago niyo siya!" sigaw ni Sab.

"Gawin mo na, Soliva!"

Nang maisigaw ko 'yun, agad siya lumipad. Naramdaman din namin ang lamig galing sa pakpak niya. Hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari dahil nakaramdam na ko ng hilo. Hindi na kaya ng mga mata ko. At pakiramdam ko, babagsak na ko.

"Fey!"



~~

HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN?

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO GOOOO~

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top