CHAPTER THIRTY TWO


Harold's POV


Nakapikit lang ako ngayon, naka-upo sa labas ng villa na tinutulugan ko ngayon, nilalanghap ang simoy ng hangin dito sa dagat. Fake news lang yung pagpunta ko sa Canada... Ulit. Nag-bakasyon lang naman ako dito sa isang beach resort, buti walang gaanong guest. Tahimik.

Bakit ba ko nandito? Gusto ko ulit makalimot. Nagulat ako nang maalala ko na ang lahat lalung-lalo na ang pagiging Aries Protector ko. At ang nakakatawa, ikakasal pa kami ni Karen. Mahal na mahal ko siya pero nang nakaalala na ko, nawala na yung pagmamahal ko sa kanya. Kasi naalala ko na kung sino dapat ang papakasalan ko.


"Harold."


Napa-dilat na lang ang mga mata ko at lumingon sa kanya. Isang babae ang naka-tayo at naka-tingin sa'kin ngayon.


"Sino ka, Miss?"

"Raina." sagot niya. "Isa ako sa mga kapatid ni Sky." 


Napa-tayo na lang ako sa sinabi niya. Sky? Siya ba 'yung lalaking muntikan na kaming patayin ni Fey gamit ang mga ahas niya?


"Ano, hindi mo pa rin naalala kung bakit ka nila kinuha?"


Ayan ang tanong ni Raina ngayon sa'kin. Hindi ko talaga siya kilala, pero sinabi naman niya na isa siya sa mga kapatid ni Sky. Naka-tingin lang siya sa'kin ngayon, hindi ko alam kung kailan niya ako aatakihin. Mas lalong hindi ko na alam kung pa'no ko ilalabas ang kapangyarihan ko. Alaala lang ang bumalik sa'kin.


"Ano'ng kailangan mo sa'kin?" tanong ko.

"Kailangan mong ilabas ang kapangyarihan mo, Harold." pagkatapos, bigla na lang siya tumakbo papunta sa'kin. Buti na lang naka-iwas pa ko, hahampasin na niya ako gamit ng tubig?


Tubig? Yung galaw niya, parang galaw ni Fey noon.


"Sino ka ba talaga? At bakit parehas kayo ng galaw ni Fey?" tanong ko na lang sa kanya. "Talaga bang kakampi mo si Sky?"

Naka-angat pa rin ang kamay niya kasama ng tubig. "Sasabihin ko na 'to sa'yo dahil mag-isa ka ngayon."


Ano na naman?


"Binuhay ulit kami ni Syren ngayon. Pero maniwala ka, mga patay na kami. Kaya sa mga oras na 'to, nakikipag-laban na ang mga kasama mo sa mga kapatid ko."

"Ano?!" sigaw ko na lang sa kanya.

"Nakita na kayo ni Syren. Nalaman niya na tinakas kayo ng unang Pisces Protector."


Unang Pisces Protector? Ayan ba yung mama ni Fey?


"Alam mo ba ang ginawa ni Saedon at Syren sa'yo nang nakuha ka ni Mist?" tanong na lang niya. Umiling na lang ako sa kanya, hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Ang huling nakita ko lang noon, pinatay ko si Thunder tapos nawalan na ko ng malay.

"Ginamit ka nila para patayin ang mga kasama mo makuha lang nila ang mga Element niyo."

"Ano?!"

Tumahimik muna saglit si Raina. "Ayun naman ang gustong mangyari ni Diemon sa simula pa lang, sa mga naunang Zodiac Protectors. Kaso, tumakas lang sila at binigay sa inyo ang mga Element nila. Nang malaman iyon ni Diemon, agad niya kayo hinanap."


Hindi ko na siya naiintindihan. 


"Nang namatay na ang mga unang Zodiac Protectors, pumunta agad si Dorothea dito sa mundong 'to para lang mabantayan kayo. Kung naalala mo, teenagers pa lang kayo nang makita niyo siya at sinabi na kayo ang mga Zodiac Protectors."


Oo, naalala ko nga 'yun.


"At naalala mo rin ba na kinuha ka ni Diemon noon?" tanong niya saka ako tumango. "Ang totoo niyan kasi..." Bigla na lang siya hindi nagsalita.

"Bakit?"

Binaba niya ang mga kamay niya kasabay na din ang pagbagsak ng tubig at ngumiti siya. "Sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo o kayo na lang, mahal na Hari?"

"Mahal na Hari?" tanong ko na lang sa kanya. Lumingon naman ako sa paligid ko, may ibang tao ba dito?

"Ang alin? Na siya ang anak ni Diemon?"


Anak ng... Ako? Anak ni Diemon? Anong kalokohan na naman 'to?! Atsaka, medyo familiar sa'kin yung boses na 'yun. Parang narinig ko na siya before. Nasaan ba kasi siya?


"Makinig ka, Aries Protector."


Napa-tingin ako sa likod ko. Si Arose 'to 'di ba?


Tumingin siya sa'kin nang seryoso. "Ikaw ang papalit sa posisyon ni Diemon kung natuloy niya ang plano niya na kunin sa'min ang mga Element. At ang makakalaban mo sana ay ang anak ng Pisces Protector."

Anak ng Pisces Protector? "Si Fey ba 'yang tinutukoy mo?"

Tumango siya. "At ang nakaka-gulat pa du'n, ang anak ng Pisces Protector ang makaka-talo sa'yo."

"Teka, hindi naman ako kalaban ah! Atsaka, imposible na anak ako ng Diemon na 'yun." sabi ko na lang sa kanya. Mukha ba kong kalaban sa paningin niya?!

"Ganyan din ang iniisip ni Fey nang malaman niya na isang Pisces Protector ang totoo niyang magulang." sabi na lang ni Arose.

"Pero, paano mo nalaman na anak ako ni Diemon? At bakit ako ang naging Aries Protector kung anak ako ng kalaban?"

"Hayun ang nakita ni Pis. Ang ginawa lang naman namin ay kunin ka at ilayo ka sa kanya. Dahil sa huli, ang anak ng Pisces Protector ang mananalo."

"At hayun din ang dahilan kaya ka nila kinuha ng magkakapatid." Napa-lingon agad ako kay Raina.

"Teka, kalaban ka ah!" sigaw ko na lang sa kanya. "Kayo ang kumuha sa'kin!"

Nabatukan na lang ako bigla ni Arose. Ang sakit! "Huwag mo nga sigawan ang alalay ko."

"Alalay? Kalaban namin 'yan, hoy!" sigaw ko saka ko siya tinuro.


Hindi niya ko pinansin, tumingin lang siya kay Raina. "Sinigawan ka. Alam mo naman na ayoko inaapi ang mga tauhan ko lalung-lalo na kapag babae." sabi niya saka siya tumingin sa'kin. Napa-tingin ako kay Raina na naka-ngiti lang siya sa'min.

"Ano'ng gusto mong gawin ko sa batang 'to? Patayin ko na ba?" tanong na lang ni Arose.

"Hoy! Bakit mo ko papatayin!? Siya ang patayin mo!" sigaw ko saka ko tinuro ulit si Raina. Tapos, binatukan niya ako... Ulit.

"Ang kulit. Alalay ko 'yan." kalmadong sagot sa'kin ni Arose.

"Pa'no nangyari 'yun?!" tanong ko na lang saka ako napakamot sa ulo ko. Totoo ba 'tong nakikita ko ngayon?

"Ang pamilya namin matagal na naglilingkod sa pamilya ng Aries Protector. Pinakiusapan ako ng mahal na hari na sumama ako kay Sarah para lang itakas ka." sagot na lang ni Raina.

"Pero bakit kampi mo ang mga kalaban namin?" tanong ko.

Huminga muna siya nang malalim. "Tumakas lang din ako sa kaharian ni Diemon noon. Sumang-ayon lang naman ako na sumama kay Sarah dahil kabisado ko ang lugar na 'yun kung saan ka nilagay. Nang mamamatay sila, bumalik ako kay Diemon hindi dahil gusto kong bumalik."

"Eh, bakit ba?"

"Gusto kong tumulong sa inyo kahit na hindi na talaga ako buhay ngayon." sagot niya saka siya ngumiti. "Nang bumalik na ko kay Diemon, alam kong kamatayan na ang nag-hihintay sa'kin. Sumapi lang ako sa katawan ng batang 'to para lang makuha ako ni Syren."

"Kung hindi pa namin nasabi sa'yo, si Raina ang nagturo ng daan kung saan ka dinala ni Mist. At doon din nangyari ang plano ni Pis." sabi pa ni Arose.


Ba't ganun? Parang pakiramdam ko isa ako sa dahilan kaya nagkaka-gulo ngayon?


"Mahal na Hari, hindi pa niya nailalabas ang kapangyarihan niya. Malapit na ba magpakita si Syren sa kanila?" sabi na lang ni Raina.

Napa-tingin na lang ako sa palad ko, hindi ko na maalala kung pa'no ang pakiramdam na may apoy sa palad ko.

"Alam mo, umalis ka na." napa-tingin ako kay Arose na, diretso ang tingin sa malayo. "Kailangan mo na tumulong sa kanila bago pa mamatay ang anak ng Pisces Protector."

"Huh?"

"May sakit ang anak ng Pisces Protector. Bago pa matalo si Sky, mamatay siya sa sakit niya. At ang nakaka-tawa..." tumingin siya sa'kin. "Mukhang kukunin ka na naman nila."


Ayoko.


"Makinig ka Harold." napa-tingin ako kay Raina. "Naka-depende na sa desisyon mo ang mangyayari sa inyong lahat. Lalung-lalo na kay Fey."

"Bakit?"

"Hmm... Sabihin na lang natin na, nasa kamay mo ang magiging buhay niya." sagot na lang ni Arose. Mas lalo na ko nalilito sa kanila.

"Hindi ko pa nailalabas ang kapangyarihan ko." sabi ko na lang habang naka-tingin ako sa palad ko ngayon.

"Ang Scorpio Protector at ang anak ng Pisces Protector din, hindi pa nila nailalabas ang kapangyarihan nila." sabi na lang ni Arose.

"Paki-usap, kumilos ka na Harold. Malapit na magpakita si Sky sa kanilang lahat. May possibility na maulit ang nangyari sa kanila."

"Maulit? Ano ba nangyari nu'ng dinala mo sila du'n?!" sigaw ko na lang sa kanya.

"Susunugin mo silang lahat. Wala nang malay ang mga kasama mo pwera lang kay Niel, Bianca at Fey. Naka-harang si Fey nang ibibigay mo sa kanila ang gawa mong bolang apoy. Kung hindi lang dumating nang maaga si Ariusa noon, abo na ang mga kasama mo." sagot na lang niya.


Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Bakit ko gagawin yun lalung-lalo na kay Fey? Bakit ba kasi hindi ako gumising sa katinuan ko noon? Mas lalo akong nawalan nang gana para puntahan sila ngayon. Alam kong naalala nila ang ginawa ko sa kanila lalo na si Fey.


"Harold! Ano'ng nangyayari sa'yo?!" tanong ni Raina nang napa-upo ako sa lupa kaya pinuntahan niya ko. "Ayos ka lang?"

Umiling lang ako sa kanya. "Ayoko magpakita sa kanila ngayon."

"Huh? Hindi pwede, kailangan ka nila doon." sabi na lang ni Raina saka siya napa-tingin kay Arose. "Heto na ba ang sinasabi ko sa inyo, mahal na hari."

"Tsk. Dapat si Pis ang gumagawa neto." sabi na lang ni Arose.


"Patawad kung nahuli ako."


Napa-lingon na lang ako sa boses na 'yun. Isang babae na naglalakad papunta dito ngayon. Siya ba yung mama ni Fey?


"Nanghina na 'tong bata. Ano na?" tanong na lang ni Arose nang makarating na siya dito.

Umupo siya sa tapat ko ngayon. "Nag-aalala na silang lahat sa'yo ngayon. Bakit daw hindi ka nagpakita sa kanila matapos niyong maalala ang mga nangyari?"

Umiling lang ako sa kanya. "Nahihiya ako."


Ngumiti lang siya sa'kin. Maya-maya, pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at... Ano 'tong nakikita ko?


"Taena, ang daming 'alien' ngayon ah!" sigaw ni Niel habang tumatakbo sila ngayon dahil hinahabol sila ng mga 'alien'.

"Teka, subukan ko lang 'to guys." sabi ni Uni sabay huminto siya at pinatay ang mga 'alien' na malapit na sa kanila saka ulit siya tumakbo.

"Nice job, Uni. Pero madami pa rin sila." sabi na lang ni Bianca. 

"Fey, kapit ka lang sa'kin, ha?" sabi na lang ni Troy habang naka-piggy ride si Fey sa kanya. Halatang-halata na sa mukha niya na may sakit siya.

"Nasaan si Harold?" tanong na lang ni Fey pero naka-pikit pa rin siya.

"Hindi namin alam. Kailan 'yun magpapakita sa'tin?" tanong na lang ni Paulo.

"Guys, dito muna tayo magtago." sabi na lang ni Kevin na bitbit din si Dorothea. Bakit ang daming sugat ni Dorothea?

Nagtago sila sa isang salon. Mukhang hindi na sila nakita ng mga 'alien'.

"Fey, ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong na lang ni Karen habang ginigising niya si Fey na nasa likod pa rin ni Troy. At, hindi na siya magising.

Hindi.

"Fey, wake up. Hahanapin pa natin si Harold, wake up." sabi ni Sabrina habang niyuyugyog niya si Fey. Hiniga naman siya ni Troy at ginigising din.

"Fey!" sigaw na lang ni Rico. Hindi pa rin siya magising.


"Ayan ang mangyayari kapag hindi mo sila pinuntahan."


Napa-tingin na lang ako kay Pis. Panaginip lang ba 'yun? At, bakit umiiyak ako?


"Kumilos ka na, Aries Protector!" napatayo na lang ako nang isigaw sa'kin 'yun ni Arose. Napa-takbo na lang ako nang batukan pa niya ako. Tangina ang sakit!


Kung ganun ang mangyayari, kailangan ko na pigilan 'yun. Bahala na kung wala akong kapangyarihan ngayon.



~~~~~


HI. HELLO. KUMUSTA? HIHI.


VOTE - KUNG NAMISS NIYO SI HAROLD. KUNG HINDI, PA-VOTE NA RIN.

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO GOOOOOO~~~


*MORE STORIES TO COME KAYA. . . PA-ABANG PO HEHE.


ARIGATOU :*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top