CHAPTER THIRTY THREE
Arose's POV
"Nakita ko na siya."
Napa-tingin na lang ako kay Pis na naka-silip lang sa bintana. Kung tatanungin niyo kung nasaan kami, nandito kami sa ospital. Binabantayan namin ang anak niya, si Fey na natutulog ngayon kasama ang Gemini Protector na natutulog din sa sofa. Mukhang siya ang nagbabantay ngayon.
"Sino'ng siya?" tanong ko na lang. Maganda ang buwan ngayon kaya nasa bintana si Pis.
"Si Harold." sagot niya sabay lumingon siya sa'kin. "Kailangan na niya malaman ang totoo."
Nagtaka ako sa kanya. "Ano'ng totoo?"
"Nakalimutan mo na ba?" tanong na lang niya. Ang alin ba 'yun? "Siya ang anak ni Diemon."
Oo, muntikan ko na makalimutan. Napa-kamot na lang ako sa ulo ko, kainis. "Patawad."
Ayokong tumingin sa kanya kasi nahihiya ako pero, nagawa ko pa rin tumingin sa kanya at... Naka-ngiti siya ngayon sa'kin. Ngiting akala mo wala siyang problema.
"Bakit mo kinalimutan?" tanong na lang niya pero naka-ngiti pa rin siya.
"Patawad nga." sagot ko na lang sa kanya. "Pero, saan mo siya nakita? Atsaka, sino magsasabi sa kanya nu'n?"
"Malapit lang dito sa bansa nila. Atsaka..." kumunot na lang ang noo niya. "Ikaw ang magsasabi sa kanya tungkol du'n."
Napa-nganga na lang ako. "Huh? Ako?" tumango na lang siya bilang tugon. "Bakit ako?"
"Kasi ikaw ang Aries Protector. Tungkulin mo na protektahan siya mula sa pamilya niya." sagot na lang niya. Oo, pinangako nga namin 'yun. Pero kasi...
"Hindi mo ba kayang sabihin sa kanya, tama ba ko?" Utang na loob, Pis! Huwag mo basahin ang iniisip ko ngayon! "Patawad, hindi ko mapigilan. Naririnig ko kasi."
Huminga ako nang malamin bago magsalita. "Tingin mo ba matatanggap niya kung sino ba talaga siya? Lalo na siguro kung nalaman na ng mga kasama niya ang tungkol diyan."
Hindi na nakapag-salita si Pis. Lumapit na lang siya sa anak niya at hinaplos ang ulo.
"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo siya pinatakas sa palasyo ni Diemon noon." sabi ko na lang.
"Siya ang mamumuno sa mundong 'to. Ayokong makita ng anak ko na pinapatay na ng mga tauhan ni Diemon ang mga tao dito, katulad lang ng ginawa niya sa mundo natin." sabi na lang niya. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot kapag inaalala niya 'yun.
Kitang-kita ng mga mata namin kung pa'no pinatay ng mga tauhan ni Diemon ang bawat tauhan namin sa aming mga palasyo. Pati na rin ang mga iba pang oridnaryong tao na may kinalaman sa'min. Sinubukan naming protektahan sila pero dahil sa sobrang daming tauhan ni Diemon noon, hindi pa sapat iyon para matalo namin sila. Kaya nagawa pa naming tumakas at tinuloy ang plano ni Dorothea. Ayoko pa talaga mamatay pero, mukhang ganito na ang katapusan ng buhay namin.
"At may alam ka ba kung sino ang makakatalo sa kanya?" tanong ko.
Ngumiti siya sa anak niya. "Siya."
"Siya?" tanong ko na lang sabay tumingin ako sa Pisces Protector. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Lumingon siya sa'kin. "Kung hindi man tinakas ni Sarah si Harold sa palasyo ni Diemon, itutuloy pa rin natin ang plano ni Dorothea na ibigay sa mga batang 'to ang Element natin. Nakita ko na... Siya ang makakatalo kay Harold sa mundong 'to. Kung pa'no niya patayin si Diemon noon, ganun din ang gagawin ni Fey."
Ano ba ang ginawa ng Pisces Protector noon? Ah, bumuo siya ng espada gamit ang kapangyarihan ng mga Element nila. Sa pagkaka-tanda ko, ang mga Earth Element ang bumuo ng espada na 'yun para lang mapatay ni Pis ang asawa niya.
"Pero, nakita mo ba talaga ang batang 'yun ang magiging Aries Protector?" tanong ko saka siya tumango.
"Hindi ko alam kung bakit ganun ang nakita ko. May posibilidad kasi na bumalik siya sa pamilya niya lalo na kapag pinakita ng mga kapatid ni Diemon ang tungkol sa sarili niya pero... Isa siyang Aries Protector. Hindi siya tinakda na mamuno sa mundo ni Diemon."
"Ibig sabihin ba nu'n, kusa siyang aalis sa palasyo ni Diemon para lang maging protector siya?" tanong ko saka siya tumango. Maya-maya, naglakad siya papunta sa'kin.
"Pis, ang lapit mo masyado." sabi ko na lang sa kanya sabay napa-atras ako ng konti.
"Makikita mo ang nakita ko tungkol kay Harold." nang sabihin niya iyon, napa-tingin agad ako sa mga mata niya.
Espesyal ang mga mata ni Pis, natural na sa lahi nila ang makita ang mangyayari. Ma-swerte ka kung willing siyang ipakita sa'yo kung ano man ang nakita niya sa hinaharap. Tinitigan ko lang ang mga mata niya... Sa sobrang ganda ng mata niya, parang napupunta ako sa ibang mundo.
"Nasa likod mo na si Harold." bulong na lang ni Pis. Kaya naman dahan-dahan kong nilayo ang mukha ko sa kanya. Nilibot ko muna ang nasa paligid ko; mapula ang kalangitan, puro mga apoy ang makikita mo dito. Kung iku-kumpara siya sa apoy na meron ako sa palasyo, mararamdaman mong hindi payapa ang lugar na 'to. At least sa palasyo ko, payapang apoy ang nararamdaman ng mga tao roon. Hindi nila kakayanin 'to kung dito sila titira.
"Kailangan mahanap ko sila."
Napa-lingon ako sa boses niya, ang Aries Protector. Nakita ko siya na dahan-dahan siyang lumalabas sa teritoryo nila. Sa mukha pa lang niya, mahahalata mong siya na ang susunod sa yapak ni Diemon. Pero heto siya, tumatakas.
"Tinawag siya ng mga bituin sa panaginip niya, inutos sa kanya na lumayas siya sa palasyo at hanapin ang mga Zodiac Protectors." sabi na lang ni Pis.
"Ano'ng mangyayari kung hindi siya sumunod?" tanong ko habang naka-tingin pa rin kay Harold na nakalabas na din ng gate.
"Ang mga bituin mismo ang papatay sa kanya. Ayaw na ayaw niyang mamatay nang maaga." sagot na lang niya. Naalala ko nu'ng tinawag kami ng mga bituin na 'yan, kung pwede ko lang sila patayin, matagal ko na ginawa.
"Nakita mo na ba kung nasaan ang mga Zodiac Protectors?" tanong ko.
"Kung nasaan si Fey ngayon, nandun din sila. Babae pala ang Aries Protector sa mundo nila." sabi na lang niya. Bakit babae?
"Lumingon ka dito. Ganito ang mangyayari kung nagkita-kita sila." napa-lingon naman ako kay Pis sabay tumingin ako sa tinuro niya.
Nasa gitna sila ng labanan, mukhang sinugod sila ni Diemon dahil nandoon ang mga bangkay ng tauhan niya. Aba, nagawa pala nilang patayin ah. Ibig sabihin na net, ligtas na ang mga tao dito sa mundo nila?
"Hindi ikaw ang Aries Protector!" sigaw na lang ng Aquarius Protector, si Soliva 'di ba? "Ang kapal talaga ng mukha mo na sabihin 'yan!"
"Bakit ba ayaw niyo maniwala sa'kin?!" pasigaw na tanong ni Harold sa kanila. Teka, nasaan ba ang Aries Protector nila?
"Fey!" boses 'yun ng Capricorn Protector, si Leandros. Siya lang ang natatandaan ko na pangalan, kainis. "Hindi na niya nakaya." Lumingon ako sa kanya, may bitbit siyang babae na puro sugat. Sino ba 'yan?
Nakita ko na lang ang pagka-gulat sa mga mata ng Pisces Protector. Maluha-luha na ang mga mata niya. "Hindi."
"Ang babaeng bitbit ni Leandros, siya ang Aries Protector." napa-lingon na lang ako kay Pis. "Si Harold ang pumatay sa kanya. Alam ng mga batang 'yan na siya ang anak ni Diemon, kalaban nila si Harold."
Grabe naman.
"Fey." sabi na lang ng Taurus Protector, si Rico. "Gagawin mo na ba?"
May nakikita na lang ako sa mga palad niya, may iniipon galing sa mga kasama niya kahit du'n sa babaeng bitbit ni Leandros. Lahat sila, nagtataka na sa ginagawa niya.
"Ikaw ang dahilan kaya nagkaka-gulo dito." sabi na lang ng Pisces Protector kay Harold. "Ikaw ang dahilan kaya namatay ang kasama namin." Isang espada ang nabuo niya. Agad niya iyon hinawakan at tumakbo agad papunta kay Harold.
"Ibigay mo sa akin ang Element niya!" sigaw niya kaya tumakbo na din siya papunta sa kanya.
"Hindi ikaw ang Aries Protector! At hinding-hindi namin ibibigay ang mga Element namin sa'yo!" sigaw na lang ng Pisces Protector. Lahat ng mga kasama niya, naroroon sa pwesto ni Leandros. Agad naman gumawa ng harang ang Virgo Protector. Alam siguro nila na malakas ang kapangyarihan ng espada na 'yan lalung-lalo na kapag galit na galit na ang may-ari.
Malapit na si Harold at ang Pisces Protector na umatake sa isa't-isa kaso...
"Fey! Wake up!"
Kumurap bigla ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng Gemini Protector. Nakita ko na lang ngayon ay kwarto. Nandito pa pala kami sa ospital. Napa-lingon ako sa kama ng Pisces Protector, nakita ko na lang na naka-upo siya.
"What? May nakita ka ba?" tanong na lang ng Gemini Protector. Si Sabrina 'to 'di ba?
"Yung anak ni Paulo." sagot niya.
"Yung anak ni Paulo? Ano'ng mangyayari? Come on, para masabi natin sa kanila about-"
"Pinatay na ni Mist." pagka-sabi ng Pisces Protector, nanlaki agad ang mga mata ni Sabrina.
"What do you mean? Patay na ang anak ni Paulo? Teka, paano? Kailangan malaman niya about diyan."
Naluluha ang Pisces Protector habang naka-tingin siya kay Sabrina. "Please, kung sino man sa kanila ang malapit sa kanya, sabihan na niya si Paulo. Hindi maganda ang ginawa ni Mist sa bata."
Nagmadaling kinuha ni Sabrina ang gamit at may hinanap. "Okay. Calm down, try kong tawagin si Uni." Cellphone ata ang nilabas niya at mukhang may tinawagan.
"Puntahan mo na si Harold." napa-lingon ako kay Pis. "Pupuntahan ko muna si Paulo."
"Hoy, mas mabuti na ikaw na lang ang magsabi kay Harold tungkol du'n." sabi ko na lang.
"Sabihin mo muna sa kanya. Susunod ako sa inyo." sabi na lang niya saka siya nawala. Hay nako.
~~~
Pinuntahan ko si Harold, kasama si Raina, yung alalay ko nu'ng nabubuhay pa siya. Nang masabi ko sa kanya 'yun, halatang-halata sa mukha niya ang pagka-gulat. Hindi naman niya kasalanan kung bakit ganyan ang buhay niya. Buti na lang, nagpakita din si Pis sa kanya at nagawa pa niyang kausapin. Pasalamat pa nga siya dahil niligtas siya ni Pis, takot rin pala sa kamatayan 'to.
"Ano 'yung pinakita mo sa kanya?" tanong ko na lang nang maka-alis na ang sasakyan ni Harold.
"Pinakita ko lang sa kanya kung ano'ng mangyayari kung hindi siya magpapakita sa mga kasama niya." sagot na lang niya.
"At mukhang takot na takot siya sa nakita niya ah." sabi ko na lang. Narinig ko na lang na tumawa si Raina sa likod ko kaya lumingon ako sa kanya.
"Mauuna na po ako, mahal na hari." nag-bow down siya sa'kin saka siya naglaho. Hindi ko alam kung bakit "mahal na hari" ang tawag niya sa'kin. Hari na ba ako?
"Tinuturi ka lang niya na hari pero ang totoo, prinsipe ka pa rin." Heto na naman siya.
"Hilig mo talaga basahin kung ano'ng iniisip ko." sabi ko na lang sa kanya kaya napa-tawa siya.
"Gusto mo ba na mamuhay tayo sa kabilang mundo?" Napa-hinto siya sa pag-tawa at tumingin sa'kin nang seryoso. Hindi ko alam kung bakit ko natanong 'yun sa kanya.
"Syempre naman. Bakit? Gusto mo ba na mamuhay tayo sa kabilang mundo?" lumingon ako sa kanya at... Naka-ngiti siya sa'kin.
Kung pwede lang, Pis.
"Puntahan na natin ang mga bata para makita mo ang mangyayari sa kanila kapag dumating si Harold." sabi na lang niya sabay hinawakan niya ang kamay ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang palad niya. Ang gaan sa pakiramdam. At... Bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko?
~~~~
HI. KUMUSTA? HEHE
MAY TWITTER NA KO! FOLLOW NIYO KO, CHECK NIYO SA PROFILE KO PARA SA LINK.
VOTE - KUNG NA-GETS NIYO NA ANG PANGYAYARI
COMMENT - KUNG NALILITO KAYO HIHI
FOLLOW - NIYO KOOOO~~~ (ROOD TO 600 FOLLOWERS HEKHEK)
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top