CHAPTER THIRTY SIX
Uni's POV
Oo, si Harold ang nakikita namin ngayon. Yung kamay na pinang-harang niya sa knife ni Syren, may bolang apoy doon.
"Sumama kayong dalawa sa'kin." sabi na lang ni Syren na, unting-unti na siya nagiging demonyo. Nagkaka-buntot na lang siya, may anim na sungay sa ulo niya pati na rin sa noo niya, yung balat niya, balat na ng ahas lalung-lalo na ang mga mata niya. Mata na ng isang ahas. "Isama mo siya habang namumuno ka sa mundong 'to."
"Hinding-hindi kami sasama sa'yo." sagot ni Harold sabay tinulak niya sa malayo si Syren at tumingin sa'min. "Kailangan na natin umalis!"
"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Paulo sabay pinuntahan niya si Dorothea at binuhat.
Sandali muna napatahimik si Harold. "Hindi ko rin alam." sagot niya sabay binuhat na din niya si Fey. Agad ko pinuntahan si Fey at chineck ang heart beat niya. Hala.
"Ano?" tanong na lang ni Harold.
"Ang bagal mag-pump ng puso niya. Hindi ako nurse ah pero... Hayan oh!" sigaw ko na lang sa kanya pero naka-tingin pa rin ako kay Fey.
"No way. Okay siya kanina." sabi na lang ni Troy na nasa tabi ko na pala. "Fey, gumising ka." sabi niya habang niyugyog niya ang balikat ni Fey.
"Kailangan natin maka-alis dito. Saan tayo pupunta?" tanong ni Bianca. Saan na ba kami upunta ngayon?
"Harold! Si Syren!" sigaw na lang ni Karen. Nakita na lang namin siya na lumipad papunta dito. Ang bilis niya!
"Kukunin ko na ang mga Element niyo!" sigaw niya. Pa'no na kami?
"Patawad, hindi mo makukuha sa kanila ang mga Element namin."
Napa-hinto na lang siya sa paglipad. Lumingon-lingon siya sa paligid niya. "Nasaan ka? Mukhang alam ko kung sino ka ah!"
"Ah talaga? Buti ka pa. Kasi kami, hindi ka na namin kilala. Buti na lang nagpakita ka sa kanila. Nice to meet you." sagot na lang niya. Nandoon siya, naka-tayo sa sirang pinto or entrance ng salon na 'to.
"Ikaw!" sigaw na lang niya. Nakitingin na siya ngayon kay Arose.
"Nakikita niya si Arose?" bulong ni Soliva. Lahat pala kami, nasa tabi na ni Harold at tabi ni Paulo. "Di ba, hindi nila nakikita ang mga Zodiac Protectors?"
"Hindi ko alam." sagot ko na lang.
"Patayin na lang kita para hindi mo sila matulungan." pagkasabi ni Syren, nailabas niya ang dila niya na, bigla na lang humaba at lumaki. Papunta iyon kay Arose at nahampas sa kanya. Kaya napa-yuko kami dahil yung ceiling, pabagsak na sa'min. Kaso...
"Bakit kayo naka-yuko?" napa-angat na lang ako nang marinig ko yung boses ni Sagi. Si Sagi nga 'tong nasa tabi ko! "Hinarang na ng kambal para hindi kayo matamaan."
Napa-tingin naman ako sa taas, yellow na barrier nga 'tong humarang sa'min. At hayun silang dalawa, naka-angat ang mga palad nila at naka-talikod sila sa isa't-isa.
"Dito kayo dumaan." sabi ni Sagi sabay may pinana siya sa right side ko. Nagkaroon na ng daan, parang tunnel na nasa lupa ang ilaw ganun.
"Hindi ko makita ang Aries Protector, tapos plano niyo pang itakas ang mga 'to?!" sabi na lang ni Syren. Susugurin na sana kami kaso hinarang siya ni Rustan.
"Ano pang tinatayo niyo diyan?" tanong niya sabay tumingin siya sa'min.
"Snake!" sigaw na lang ni Sabrina. Sa daanan na binigay ni Sagi, doon lumabas ang mga ahas. Ang bilis nila gumapang sa'min kaya napa-atras kami.
"Huwag kayo umatras, meron pa dito sa likod ko." sabi na lang ni Rico kaya napa-lingon kami. Ang daming ahas na ang bibilis nila gumapang. Parang multo lang si Sagi nang dumaan ang mga ahas sa paanan niya.
"Pis!" sigaw na lang ni... Brali?
"Whoah, shit. Ano 'to!?" sabi na lang ni Niel kaya napa-kapit sa'kin. Pero inalis ko din ang kapit sa kanya. Eww!
"Ano ba!" sigaw ko sa kanya.
"Binabaha na tayo!" sigaw din niya sa'kin sabay tinuro yung sahig na... Bakit ganito?
"Inaangat kayo ni Pis gamit ang tubig para hindi kayo tuklawin ng mga ahas." napa-lingon ako sa boses ni Ariusa. Nasa tabi niya si Pis na naka-luhod ngayon habang ang right hand niya, nasa sahig... Actually hindi na sahig 'tong inaapakan namin. Tubig, naka-tapak kami sa ibabaw ng tubig.
"Gawin mong yelo 'to para makalakad sila nang maayos." utos na lang ni Pis kay Ariusa kaya lumuhod naman siya, ginaya niya ang pwesto ni Pis. Bakit niya pinagawa 'yun?
"Dahil kayang lumangoy ang mga ahas na 'to, Uni." napa-lingon ako kay Pis. Hindi naman ako nagsalita ah. "Patawad, naririnig ko 'yang tanong mo." sabi na lang niya sabay ngumiti siya sa'kin.
Napa-tayo na si Ariusa. "Hayan, makakalakad na kayo. Sundan niyo na lang si-
"Aba! Nandito ka na naman, Pisces Protector!" sigaw ni Syren. Susugod na siya kay Pis kaso may sumuntok sa kanya.
"Ano, pwede na ba silang umalis?" tanong na lang ni... Si Cercan 'to, 'di ba?!
Tumango si Ariusa tapos tumingin sa'min. "Doon kayo dumaan, ligtas kayo roon. Kailangan niyo magpahinga lalung-lalo na si Fey."
"Safe ba diyan?" tanong ni Bianca habang naka-tingin siya sa tunnel na 'yun.
"Ako na bahala sa inyo." napa-lingon na lang ako sa lalaki na 'to kasama ang alaga niya. "Lakad na." utos na lang niya kaya naglakad kami. Akala ko madudulas kami kasi yung ginawa ni Ariusa, kala mo, magi-ice skating kami. Parang lupa lang siya, ganun ang feeling.
"Maraming salamat sa pagbalik mo, Harold."
Napa-hinto kami sa paglakad at lumingon kami kay Pis. Naka-ngiti siya ngayon. "Alagaan niyo muna siya."
"Opo." sagot agad ni Harold. Wait, ano'ng meron?
"Tara na." sabi na lang ni Leo kaya naman naglakad na kami. Nang nasa entrance na kami ng tunnel, huminto si Leo. Nag-labas siya ng apoy na kulay asul at tinapat lang niya 'yun sa wall.
"Wow, ang ganda." bulong na lang ni Karen. Naging light blue ang pader pero parang may ilaw yung background niya, ganun. Basta ang ganda, tama lang ang liwanag niya.
"Pupuntahan na lang namin kayo kapag pinalayo na namin si Syren, okay?" napa-lingon ako sa likod ko. Si Vir pala 'to. Tinapat niya ang kamay niya sa'kin tapos bigla na lang may umangat galing lupa. Na-realized ko na lang na pader pala 'tong nasa tapat ko ngayon. Mabuti na lang naka-pasok na ko.
"Uni, tara na." sabi na lang ni Leandros kaya naman naglakad na ko. Saan naman bang patungo 'to?
~~~
"Kumusta na?" tanong ko na lang kay Prico.
Hinaplos niya ang buhok ni Fey. "Gagaling naman siya, Uni. Kailangan niya mag-ipon ng lakas para mapatay niyo si Syren.
Kaya pala gumamot ni Prico, sila ni Leandros. Nagawang gamutin ni Leandros si Dorothea kanina kaya naman gising na siya ngayon, umiinom ng soup na gawa ni Gem. Marunong pala siya magluto.
"Gem, hindi mo pa rin sinusunod yung sangkap ni Cercan." sabi na lang ni Dorothea.
"Aba, pasalamat ka pa nga dahil kaya ko kayong gawan ng pagkain habang wala pa siya." sabi na lang ni Gem. By the way, hindi ko alam kung kaninong bahay 'to pero dito nga kami napunta. Ngayon, nandito kami sa living room nila. Nakahiga na ang iba sa'min, nakatulog na.
"Sana si Bianca na lang ang pinagluto mo. Mas masarap pa siya magluto kaysa sa'yo." napa-nganga na lang ako sa sinabi niya. Ang harsh naman neto.
"Hindi muna kita aawayin dahil may sugat ka. Pero, kapag magaling ka, mag-tuos tayong dalawa." sabi na lang ni Gem.
"Ganyan ba 'yung buhok niya?" tanong ko kay Prico. "May puti-puti?"
"Ah. Nasa lahi na nila 'yan. Sign 'yan na galit na galit na siya." bulong na lang niya. "Magpahinga ka na, Uni."
Umiling lang ako sabay tumingin sa bintana. "Maya-maya, hindi ko pa ramdam yung antok ko." Ang ganda ng buwan na 'to, bigla na lang naging pink. Hala, bakit ganyan 'yan?
"Nandito pala kayo sa pamamahay ko. Bahay namin ni Sarah nu'ng nabubuhay pa kami." napa-lingon ako sa kanya.
"Hala, ibig mong sabihin, nandito kami sa mundo niyo?" tanong ko saka siya tumango. "Bakit kami dito pinapunta ni Pis?"
"Ilalayo muna nila si Syren. Gagawa talaga yun ng paraan para lang makuha ang mga Element namin. Kaya kayo nandito para makapag-pahinga lalung-lalo na si Fey." sagot niya sabay tumingin kay Fey.
"Element namin?" tanong ko sa kanya.
Napa-lingon siya sa'kin. "Kami ang nagmamay-ari niyan, Sagittarius Protector. Pinakita namin sa inyo noon na binigay namin 'yan nu'ng pinangak kayo sa mundo niyo." sabi na lang niya. Oo, naalala ko 'yun. Na nakita lang ako ni mommy sa daan. Kung hindi bumalik ang mga alaala ko, hindi ko malalaman na ampon pala ako.
"Sino ulit si Sarah?" tanong ko sa kanya.
Bigla na lang siya ngumiti. "Asawa ko 'yun."
Napa-ngiti ako nang isagot niya 'yun. "Pwede pala kayo mag-asawa."
Napa-tingin siya sa'kin. "Oo naman. Kaya nga naging anak ni Pis si Fey dahil nag-asawa si Pis. Sina Niel at Sagi lang ang hindi pwede magka-tuluyan."
"Bakit?"
"Delikado ang kapangyarihan ni Niel, sinumpa iyon sa kanya eh. Yun bang kahit anong mahawakan niya, malalagyan niya ng lason na, pwede mong ikamatay 'yun. Nang matanggap namin ang mga Element, mas lalong lumakas ang kapangyarihan niya. Kailangan niya ma-kontrol 'yun, kaya yung garden ng kambal sa palasyo nila, ginawa niyang training ground. Mabuti nga nu'ng naging Scorpio Protector na siya, kaya niya maghawak ng baso na hindi nalalagyan ng lason."
Napa-yakap ako sa unan habang nakalatag na ang kumot. "Eh, yun sa kanila ni Sagi? Bakit hindi sila pwede magkatuluyan?"
"Dahil nga du'n sa sumpa niya. Alam naman namin na gusto nila ang isa't-isa bago pa lang kami maging Protector. Kaya naman kapag gusto nila mag-usap, kailangan pumagitna si Ariusa. Siya ang magpipigil sa mga kamay ni Niel sa pamamagitan ng yelo."
"Eh di, hindi niya pwedeng hawakan si Sagi? Maka-holding hands ganun?" tanong ko saka siya tumango. "Ang hirap naman nu'n."
"Mahirap talaga. Pero dahil namatay na kami, pwede na nila mahawakan ang isa't-isa." sabi niya sabay ngumiti siya. "Wala ka na bang nararamdaman sa Scorpio Protector niyo?"
Umiling lang ako. "Hindi ko alam yung dahilan eh. Dahil ba nalaman ko ang mga pinagkakagawa niya ngayon or dahil nakalimot ako kaya hindi ko na maalala yung pakiramdam na mainlove sa kanya. Or baka hindi ko siya minahal noon pa?" Ayan na lang ang naisagot ko.
"Alam ko na yung sagot diyan." napa-tingin ako sa kanya. "Tulog ang kasagutan sa tanong ko!"
Nang sabihin niya 'yun, napa-hikab na lang ako. "Tama, tulog nga ang sagot dito. Good night na." sabi ko sa kanya sabay humiga na ko at pinikit ko na ang mga mata ko.
"Pa'no nangyari 'yun? Na anak ka ni Diemon!?"
Huh? Sino'ng anak ni Diemon?
"Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'yun. Ayan yung sinabi ni Arose sa'kin." alam kong boses ni Harold 'to kaya napa-bangon na ko. Ididilat ko na sana ang mga mata ko kaso yung araw ang bumungad sa mga mata ko! Hirap dumilat!
"Dapat tinanong mo sa kanya kung bakit ikaw ang anak ni Diemon." boses 'yun ni Leandros.
"Hoy Uni, good morning." sabi na lang ni Bianca sabay nakalahad ang kamay niya para itayo ako. "Kain na."
"Bakit may naririnig akong "anak ni Diemon"? Sino'ng anak ni Diemon ang sinasabi niyo?" tanong ko sa kanya habang nagsisimula na kong iligpit ang pinaghigaan ko.
"Si Harold, anak siya ni Diemon."
Napa-lingon kami sa pinto nang may narinig kami na ibang boses. Si Arose ba 'to?
"Di nga?" tanong na lang ni Niel.
"Oo nga." sabi na lang ni Arose habang kinakamot ang buhok niya. "Ayaw niyo maniwala?"
"Imposible eh." sabi na lang ni Troy.
Nakita ko na lang na huminga nang malalim si Arose. "Pis, ikaw na mag-kwento sa mga batang 'to."
"Ayun ang dahilan kaya siya kinuha ni Sky noon. Si Harold ang papatay sa inyo noon kung hindi lang pinigilan ni Ariusa ang pag-atake niya para kay Fey."
Napa-hinto ako sa pag-tiklop ng kumot. Ano bang nangyari noon? Nawalan na ko nang malay pero oo, nakita ko si Harold. Nakalaban namin siya pero, alam namin na hindi siya iyon, na kinokontrol lang siya ng kalaban kaya nangyari 'yun.
Nakita ko na lang si Pis, nasa pinto katabi si Arose, pumasok siya dito at umupo sa sofa. Teka, hindi ko na napansin si Dorothea. Nasaan 'yun?
"Kung hindi kinuha ni Sarah si Harold noon, malamang, isa na si Harold ang makakalaban niyo. Ay hindi, si Harold pala, ang magiging pinaka-kalaban niyo."
~~~~
HI. HELLO. KUMUSTA?
HINDI AKO OKAY, PERO OKAY NA KO KASI NAKASAMA NA NILA SI HAROLD BEBE HEKHEK.
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO
COMMENT - FEEL FREE~
FOLLOW - NIYO KOOOO!!! *ROAD TO 600 FOLLOWERRS LEEET'SSS GOOOOWWWW!!!*
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top