CHAPTER THIRTY SEVEN

Pis' POV


Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento sa kanila ang nangyari. Pero, kailangan na nila malaman ang totoo.


"Sige na, Pis. Ikwento mo na." naririnig ko na naman ang boses ni Arose. Bakit ba napaka-demanding niya?

"Bakit ka naka-ngiti?" tanong na lang ni Bianca sa'kin. Umiling na lang ako, hindi naman nila maiintindihan.

"May nakikita ka ba na maganda?" tanong pa ni Rico.


Napa-tingin ako sa kanilang lahat. Nakikita ko pa rin ang mga dati kong kasama sa kanila. Ganitong-ganito ang pwesto, ang pakiramdam, pati na rin ang lugar na 'to. Dahil dito nila nalaman ng mga kasama ko na kaya ko makita ang hinaharap.


"Payapa pa ang lugar na 'to. Ang alam lang ng mga tao dito noon, kami, may mga natural na kapangyarihan kaya kami ang namumuno sa bawat bayan na sinasakupan namin. At, hayun siguro ang dahilan kaya kami naging Zodiac Protectors."

"Huh?" tanong ni Uni.

"Ano ba ang akala niyo? Na kami ang dahilan kaya kayo naging Zodiac Protectors?" tanong bigla ni Arose.

"Oo. Matagal na namin alam 'yun." sagot naman ni Harold.

Huminga lang nang malalim si Arose. "Hindi naman namin ginusto na maging Zodiac Protectors."

"Eh, bakit kayo naging Zodiac Protectors kung hindi niyo. . ." napa-tigil na lang si Karen. "Teka, hindi niyo ginusto?"

"Katulad din ang nangyari sa inyo noon, tinawag lang din kami. Yung mga punyetang bituin ang tumawag sa'min." sagot ni Arose.

"Simula nu'n, mas lumala pa ang kakayanan ko at doon na rin nakilala ang kalaban namin." dagdag ko pa. 


Alam ko na hindi nila naiintindihan. Kaya ipapakita ko na lang ang nangyari sa kanila. Mula nang nakita ko ang kalaban namin na si Diemon, na siya ang dahilan kung bakit napatay ang asawa ko, ang tatay ni Sagi at ang iba pang mga mahal namin sa buhay.


"Teka, nasaan 'to?" tanong ni Niel habang lumilingon sila sa paligid. 

"Masanay na kayo sa ginagawa ni Pis, ganito na ang kapangyarihan niya bago siya maging Pisces Protector." paliwanag na lang ni Arose sa kanila.


"Hala, kaninong palasyo. . . Totoong palasyo ba 'to?" tanong na lang ni Bianca. "Ang daming naman mga palasyo na naka-tayo dito!"

"Amaze na amaze ka, Bianki ah." napa-tingin na lang ako kay Leandros. 

"Sinong hindi ma-amaze dito? Ha? Ang payapang tignan oh!" sigaw na lang ni Bianca.

"Hoy, ang ingay mo. Baka makita ka ng mga tao doon." sabi ni Karen sabay tinuro niya ang mga babae na bumibili ng tinapay malapit sa gate ng palasyo ni Cercan.

"Hindi kayo mapapansin ng mga 'yan." napatingin sila kay Arose. "Hetong nakikita niyo ngayon, dito ang mundo namin noong hindi pa dumating si Diemon. Na may iba pa kaming kalaban noon bukod kay Diemon. Ang payapa, 'di ba?"


Leandros' POV


Tama si Arose, ang payapa nga dito. Hindi mo iisipin na nasa ibang mundo ka. Parang, walang away na nagaganap dito eh.


"May mga namumuhay dito na ipinangak na may kapangyarihan. Yung iba, ordinaryong tao lang katulad ni Sarah, asawa ni Prico. Nagkataon lang na lumaki kami sa pamilya na mataas ang posisyon at mayayaman na din katulad ni Vir." sabi na lang ni Arose. 


Masaya na naman ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon. Gusto ko na lang tumira dito, pwede kaya? Kaso, hindi naman ako dito naka-tira eh. Napa-tingin ako kay Pis na naka-upo ngayon sa wooden sofa, diretso lang ang tingin niya. Ganyan din kaya ang kapangyarihan ni Fey?


"Hindi niya magagawa ang ginagawa ko ngayon." bigla na lang nagsalita si Pis at tumingin sa'kin.

"Hala, naririnig mo ko?" tanong ko na lang sa kanya tapos tumango naman siya. "Astig."

"Hala, bakit ang dilim du'n sa part na 'yun?" tanong ni Karen sabay may tinuro siya, sa likod ng palasyo kung saan napapalibutan 'yun ng apoy.

Narinig ko na huminga nang malalim si Arose. "Diyan pa lang nakita ni Pis na paparating si Diemon. Pero, nu'ng panahon na 'yan, wala kaming kaalam-alam na idadamay niya pati ang mga mahal namin sa buhay. Kasama na du'n ang asawa ni Pis."

"Eh, eto. . ." napa-lingon kami kay Soliva. "Ano'ng nangyayari dito?" saka kami napa-tingin sa tinuro niya.


Lahat sila, yung mga naunang Zodiac Protectors, nakikipag-labanan ngayon kay Diemon. Kaso, etong si Diemon, may mga kasama siya. Hindi ko naman alam at kilala ang mga 'to.


"Sino ang mga 'yan lalo na siya?" napa-tingin ako kay Soliva saka niya tinuro si Diemon, pati na rin sila.

"Nakalimot siya, remember?" sabi na lang ni Uni. "Sol, siya si Diemon. Nakalaban natin siya 10 years ago." after sabihin iyon ni Uni, napa-atras na lang si Sol dahil sa takot.

"Patay na 'yan, Sol. Huwag ka na matakot." hayan na lang ang nasabi ko. At, mukhang nawala naman sa mukha niya ang takot.

"Oh my God! Oh my God! Oh my God! Oh my God! Oh my God!" napa-tingin na lang kami kay Sabrina. Pinapalo na lang niya si Troy.

"Ano'ng problema mo?!" pasigaw na siya nagtanong.

"May apoy na papunta dito stupid!" sigaw ni Sabrina sabay tinuro niya ang langit. "Build something!"


Napa-tingin naman kami sa langit. Uulan ng mga bolang apoy dito sa'min!


"Huwag!" sigaw ni Arose na ayun ang dahilan kaya tumigil si Troy sa pagsuntok sa lupa. "Hindi 'yan totoo."

"Ano'ng hindi totoo? Papunta na sa'tin!" sigaw ni Harold. "Sige na Troy, ituloy mo na 'yang ginagawa mo!"

"Sisirain niyo ang bahay ni Prico kapag ginawa niyo 'yan." sakto din na sabihin ni Pis 'yan nang bumagsak na sa'min ang bolang apoy na. . . Tumagos lang sa'min. Ano 'to, parang invisible kami ngayon?

"Alaala na lang 'tong nakikita niyo ngayon kaya kumalma kayong lahat." sabi na lang ni Pis. 


"Ano'ng gagawin natin, Pis?" napa-tingin ako kay Lia. "Nakuha niya ang asawa mo. Alangan naman na patayin natin-"

"Hayun lang ang naiisip kong paraan para hindi sila makarating sa bawat bayan na sinasakupan natin." sagot agad ni Pis sa kanya na, kinagulat iyon ni Lia kasi napa-nganga siya ngayon. Nandoon lang naman silang dalawa sa malaking bato, busy yung iba na magpatayan.

"Ano'ng pinagsasabi mo diyan? Asawa mo siya. Bakit mo siya papatayin?" tanong pa niya.

"Siya ang magiging dahilan para lumakas lalo si Diemon. Lalo na't may susunod pa sa yapak niya." pagkatapos na lang sabihin ni Pis, nilahad na lang niya ang kanan. Hanggang sa may nabubuo na lang siya na ewan, na agad sila nagulat.

"Ano'ng ginagawa mo, Pis!?" pasigaw na tanong ni Leo sabay tumakbo siya papunta sa kanya.


"Hinihigop ni Pis ang mga Element namin para lang mabuo niya ang espada." sabi na lang ni Arose sa'min. Ramdam namin ang kapangyarihan ng mga Element, mainit pero sarap sa pakiramdam. 

"Wait." sabi na lang ni Paulo. "Hayan ba yung espada na binuo ni Fey noon para lang patayin niya si Diemon?" napa-tingin tuloy ako sa espada na hawak ngayon ni Pis.

"Oo nga! Ganyan na ganyan nga ang ginamit niya before!" sigaw ko na lang. Sayang, hindi naalala ni Soliva ang nangyari.

"Oo, ayan nga 'yun." sabi na lang ni Pis sa'min.


"Pis! Itigil mo 'yan!" sigaw ni Sagi sa kanya habang tumatakbo siya papunta kay Pis. "Po-protektahan ng asawa mo si Diemon kapag sinubukan mo siyang patayin!"

"Ang asawa ko ang papatayin ko, hindi si Diemon!" sigaw ni Pis saka siya tumakbo papunta sa lalaki na 'yun. Na nakikipag-laban pala si Arose sa kanya.

"Tumabi ka diyan!" sigaw agad ni Pis kaya naman napa-lingon si Arose at, gulat na gulat ang loko. Takte, kamukhang-kamukha niya si Harold.

"Ano'ng ginagawa mo?!" agad niya pinigilan si Pis kaso nasipa naman siya papalayo. Sakto din na nasaksak na ni Pis sa puso ang asawa niya.


"Pagkatapos kong gawin 'yan, diyan ko nakita na may susunod sa yapak ni Diemon." pagkasabi ni Pis, nakita na lang namin ang mukha ni Diemon, nagiging mukha na ni Harold.

"Tangina, tatay mo pala 'tong kalaban natin, pre." sabi na lang ni Niel kay Harold.

"Tumigil ka. Hindi ako natutuwa." ang seryoso talaga neto ni Harold.


"At, dito ko din nakita ang mangyayari kung hindi tinakas ni Sarah si Harold sa kamay ni Diemon noon." diretso lang ang tingin niya. Pero, dahan-dahan niyang inangat ang right arm at naka-turo doon.


Nag-iba na din ang paligid. Parang nasa city siya na magulo, yun bang sira na ang mga building, may mga nakakalat na bangkay, at mga 'alien' na patuloy pa rin sa pagsira at pagpatay dito. And, teka, sila pa rin ba ang kalaban niya?


"Bakit tayo ang kinakalaban ni Harold?" tanong na lang bigla ni Kevin. Napa-tingin ako sa grupo ni Pis, nagiging mukha na ni Fey. Ganun din yung iba lalo na si Prico na nagiging mukha ko na. Kaso, sino yung babaeng bitbit ko?

"Ah. Yung bitbit ng Capricorn Protector, dapat siya ang Aries Protector." sabi na lang bigla ni Arose. Hindi ko na nakita ang mukha dahil gasgas na masyado, lumapit na ko, hindi ko na makita ang pinaka-face eh.

"Sino'ng may gawa niyan?" tanong ni Rico.

"Si Harold." sagot ni Pis. Oooh. . .


"Hindi ikaw ang Aries Protector! Ang kapal ng mukha mo para sabihin 'yan!" napa-lingon kami kay Soliva na puro sugat na. Kitang-kita mo sa mukha niya na galit na galit siya.

"Bakit ba ayaw niyo maniwala sa'kin?!" tanong na lang ni Harold. Huh?

"Fey!" sigaw ni Leandros which is, ako 'yun. Kaso yung nakikita namin, may bitbit siya na babae. "Hindi na niya kinaya."

"Hindi." napa-lingon kami kay Fey. Parang paiyak na siya.


"Teka, ano'ng nangyayari dito?" tanong ni Harold kay Pis. Teka, medyo nahihilo na ko sa mga nangyayari.

"Nalaman ng mga kasama mo na anak ka ni Diemon. Kaya galit na galit sila sa'yo dahil ikaw ang pumatay sa kasama nila. Dahil gustong-gusto mo makuha ang Element ng Aries Protector." sagot ni Pis. 

"Mismo ang bituin na ang nagsabi na ikaw ang Aries Protector. Ayun ang dahilan kaya tinakas ka ni Sarah." dagdag pa ni Arose. Tadhana na talaga ang nagsabi?


"Fey. Gagawin mo na ba?" napa-lingon kami kay Rico na kausap si Fey. Habang etong si Fey, nakalahad ang kamay niya at may binubuo.

"Espada ulit ang gagawin niya?" tanong ni Bianca kay Pis kaya tumango siya.

"Ikaw ang dahilan kaya nagkaka-gulo dito. Ikaw ang dahilan kaya namatay ang kasama namin." sabi na lang ni Fey after na mabuo ang espada.

Nakita na lang namin si Harold, nag-iba na ang hitsura. Tumulad na siya kay Diemon noon. "Ibigay mo na sa'kin ang Element niya!" sigaw niya tapos tumakbo siya agad papunta kay Fey.

Napansin ko si Troy, bumuo agad ng shield para lang maharangan ang mga kasama niya which is, kami pala 'yun. "Hindi ikaw ang Aries Protector! At hinding-hindi namin ibibigay ang mga Element namin sa'yo!" sigaw na ni Fey sabay tumakbo na din siya papunta kay Harold.


"Uni, kumain ka na ba?" 


Nakita na lang namin si Dorothea na nasa tabi lang ni Arose. Kasabay nu'n, unting-unti na nagiging bahay ang paligid. Tapos hayun pa rin si Fey, mahimbing ang tulog.


"Bakit kayo naka-tayo diyan?" tanong pa niya sabay tumingin siya kay Arose at Pis. "Pinakita niyo sa kanila ang nangyari?"

"Oo. Para matapos na." pagkasabi ni Arose, bigla na lang sumulpot si Sagi sa likod niya.

"Tara na. Kain na tayo." sabi na lang niya.

"Hala, kailan ka pa dumating?" tanong ko.

"Kanina pa kami nandito. Dito na sa labas nagluto si Cercan ng pagkain." sagot niya.

"Kumain muna kayo. Ako muna ang magbabantay sa anak ko." sabi na lang ni Pis sabay ngumiti siya.


Ano na mangyayari pagkatapos namin malaman 'yun? Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko yung mga nakita ko. Sandali.



~~~~


HI. HELLO. HAPPY HALLOWEEN.


STAY SAFE GUISE LALO NA'T MAY KALMADONG BAGYO NA PAPARATING ! ! ! (11-01-2020)

*HAPPY BIRTHDAY JEONGYEON <3


VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO GOOOOOO!!!


ARIGATOU :*




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top