CHAPTER THIRTY ONE

Uni's POV

"Sino ang mga 'yan?" Tanong na lang ng asawa ni Bianca. Sabi ko kay Leandros, siya na ang maghatid kaso baka magka-issue pa daw kaya sinama ako.

"Naalala mo yung client ko na na-cancel ang kasal? Si Leandros 'yun." Sabi ni Bianca sabay tinuro niya si Leandros na nasa tabi ko ngayon. "Tapos, kilala mo naman si Uni 'di ba?"

"Eh. . . Oo naman. Sikat 'yan eh. Pero, 'di ko alam na friends pala kayo. Akala ko mag-asawa ang mga 'yan."

Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hindi ah."

"Nagmo-move on pa lang ako sa nangyayari. Hindi ako marupok." Sabi na lang ni Leandros. Napatingin tuloy ako sa kanya, hindi nga ba marupok 'to?

"Kailangan na din namin umalis agad." Sabi ni Bianca tapos uminom ng tubig.

"Ha? Saan na naman kayo pupunta?"

"Business trip." Sagot ko. Sana hindi mai-kwento ng bata ang nangyari kanina.

"Hindi ba pwedeng mamayang umaga ka na lang sumama sa kanila?" Tanong na lang ng asawa niya.

Tinignan muna kami ni Bianca bago niya kausapin ang asawa niya. "Urgent kasi."


Oo. Urgent na urgent ang pupuntahan natin. Pinatay na ni Mist ang anak ni Paulo. Okay lang ba na sumama si Bianca sa'min?


"Mama. . ." Napalingon kami sa hagdanan, nandun pa ang anak niya. "Bukas na po kayo alis."

Lumapit naman si Bianca sa anak niya. "'Nak, importante ang pupuntahan ni Mama ngayon. Babalik din agad ako."

Wala na kaming oras, baka kung ano na ang nangyari kay Paulo ngayon. "Kami na lang ang pupunta roon." Sabi ko na lang sa kanya.

Tumingin siya sa'kin. "Hindi. Kailangan ako du'n."

"Punta na lang kami dito bukas or mamayang tanghali. Magpahinga ka na lang muna ngayon." Madaling-araw na kasi, dapat tulog na ko kaso nawala din ang antok ko eh.

"Di nga?" Tanong na lang ni Leandros sabay tumayo na ko.

"Oo. Kailangan na tayo ni Paulo roon." Sagot ko sa kanya.

'Di ko alam kung natatakot ba sa'kin yung bata or yung asawa niya dahil sa dala ko ngayon. Pero, sinabi naman sa'kin ni Bianca na kilala naman nila ako as archer.

Nilapitan kami ni Bianca. "Mag-iingat kayo, ha?" Sabi niya sabay niyakap kami. Friendly hug ang binigay ni Bianca ah.



~~

Nasa playground nakita ni Fey ang anak ni Paulo, hawak daw ni Mist. Hindi ko na lang alam kung anong susunod dahil ayun lang ang sinabi ni Sab sa'min. Habang papalapit na kami papunta du'n, nakikita na namin si Paulo na. . . Galit na galit?

"Na-amoy mo ba ang na-amoy ko ngayon?" Tanong na lang ni Leandros kaya napa-hinto ako.

"Amoy? Ano'ng amoy?"

Tumigil din siya at lumingon sa'kin. "Amoy ihaw. Yun bang may iniihaw ngayon."

After niya sabihin yun, hinanap ko kung nasaan yung nag-i-ihaw. Bakit may gumagawa nu'n nang ganitong oras?

"Ayun. May usok du'n." Sabi na lang ni Leandros sabay may tinuro siya. Usok.

"Ano, susundan pa ba natin?" Tanong niya.

"Yeah. Dito din ang daan papuntang playground." Sabi ko saka na kami tumakbo.

Malapit na kami sa playground, nakikita na namin na may iniihaw doon. Tsaka tatlong lalaki, hula ko si Paulo yung isa. Pero 'di ko na kilala yung dalawa niyang kasama.

"Tumigil kayong dalawa."

Napahinto kami sa pagtakbo. Sino ba yun?

"Dito." Napalingon kami sa kanan, si Leo. "Hindi maganda ang mangyayari kapag nagpakita kayo sa kalaban."

"Ano?"

"Kailangan niyo makita kung anong nangyari sa bata." Agad naman kami pumunta sa area niya.

May tinuro siya kaya napatingin kami. Sina Rico at Troy ang kasama ni Paulo at inaasahan ko na si Mist ang nasa harapan nila ngayon. Kaso, ano 'yung nasa harapan ni Mist?


"Yung anak ni Paulo." sabi na lang ni Leandros. 

Hinanap ko naman. "Nasaan?"

"Yung anak ni Paulo ang iniihaw ngayon." Pagkatapos niyang sabihin iyon, tinignan ko maigi ang nasa harapan ni Mist ngayon.



Kung titignan ngayon, parang lechong baboy ang pagkaka-ihaw. Pero, tao ang iniihaw? 


"Shit." Ayan na lang ang nasabi ko nang inikot ni Mist ang stick. Yung anak niyang babae ang iniihaw niya ngayon. Parang kanina pa niya iniihaw ang bata dahil medyo sunog na ang balat niya. Naka-tusok yung kawayan mula sa bibig hanggang sa pwet ng bata. Napalaki ang mga mata ko dahil the way niyang iikot ang kawayan, parang nagi-ihaw siya ng lechong baboy ngayon.


"Sinong siraulo ang gagawa niyan?" Ayan na lang ang natanong ko. "Demonyo."

"Galit na galit ngayon si Paulo." sabi na lang ni Leandros. Napa-tingin ako ngayon kay Paulo, makikita mo sa mga mata niya ang galit. 


"Hayaan niyo na ang leon ko ang pumatay sa demonyo na 'yan." 


Napa-lingon kami kay Leo na hinahaplos niya ang kanyang leon ngayon na natutulog. "Galit siya, baka hindi niya ma-kontrol ang kapangyarihan niya ngayon. Delikado para sa inyo ang blue flame niya kapag hindi siya kalmado."


Oo, hindi kalmado ngayon si Paulo. Sinong magulang ang hindi magagalit sa ginawa ni Mist? Mabuti na lang, hindi namin sinama si Bianca ngayon.


"Teka, bakit hindi kami pwede sumali sa kanila?" tanong na lang ni Leandros.


Lumapit si Leo sa amin. Tinapat lang niya ang mga kamay niya at. . . Ano 'to?


"Kita niyo 'yan?" Indigo barrier ang nakikita namin ngayon. "Hayan ang dahilan kaya hindi kayo makaka-sali sa kanila. Hindi nakikita ng mga kasama niyo na nandito kayo. Nasa ibang mundo sila, si Mist lang ang nakaka-kita sa lugar na 'to kaya may posibilidad na makita kayo kanina." Sagot niya. 

"Pero, bakit nakatayo lang sila?" tanong ni Leandros.

"Nakikipag-laban na sila sa demonyo. Nasa ibang mundo nga lang." Sagot niya. Ibig sabihin, kino-kontrol sila ni Mist ngayon.

"Papasok na ang leon ko. Siya na ang bahala sa babaeng 'yan. Pati na rin sa katawan ng bata, bago pa maluto." Pagkatapos niyang sabihin 'yun, naglakad na ang leon niya papasok sa loob.


"Makikita ba 'yan ni Mist?" tanong ko.

"Hindi naman kami nakikita eh. Ganun din ang leon ko, hindi siya makikita. Panoorin niyo." sagot na lang niya. Oo nga pala, sinabi pala iyon sa'min ni Cercan noon.


Dahan-dahan gumapang ang leon papunta sa loob ng barrier na 'to. Mukhang hindi nga napapansin ni Mist kahit na lumingon-lingon siya ngayon sa paligid niya. 


"Ano ba gagawin ng leon sa kanya?" tanong ni Leandros.

"Manood ka na lang diyan, Capricorn Protector." Ayan na lang ang sagot niya.


Isang malakas na rawr ang ginawa ng leon sa harapan ni Mist. Parang narinig na niya ang pag-rawr ng leon kaso, mukhang hindi niya makita. At yung barrier ngayon, tuluyan na nasira. Kaya naman bumalik din sa mundo na 'to ang tatlo. Kaso, bigla na lang sila natumba.


"Pwede na ba naming puntahan?" tanong ko.

Sandali muna nag-isip si Leo. "Sige, mukhang hindi na nila kaya. Ako na bahala sa demonyo."


Pagkatapos niyang sabihin 'yun, pinuntahan na niya ang leon na nasa harapan ni Mist ngayon. Habang si Mist, lumilingon-lingon pa rin sa paligid.


"Leo! Ano'ng nangyayari?" tanong na lang ni Rico. 

"Puntahan niyo na sila." utos na lang niya sa'min kaya tumakbo naman kami papunta sa kanila.

"Kayo, ano'ng nangyayari?" tanong ni Troy na naka-higa ngayon.

"Ano'ng nangyari sa inyo? Ang daming niyong sugat eh, nakatayo lang naman kayo du'n kanina." sabi na lang ni Leandros habang inaalalayan niya si Troy na umupo.

"Hindi namin matalo 'yang anak ni Santanas." sagot na lang ni Troy.

Naka-tingin lang ako ngayon kay Paulo. Halatang-halata sa mga mata niya ang galit habang naka-tingin siya nang diretso kay Mist. "Paulo."


"Ako na ang papatay sa kanya, Leo Protector. Para sa anak mo." sabi na lang ni Leo kasabay nu'n, naglabas siya ng blue flame galing sa kamay niya. Nang tumapat na siya kay Mist, sakto din na tumingin si Mist sa'min ngayon.


"Aba, may mga dumating na dalawa. Masaya 'to." sabi na lang niya. Yung anak ni Paulo!


Lalapitan na niya sana kami kaso tinapat na ni Leo ang blue flame niya sa mukha ni Mist. Bigla na lang siya napa-tigil sa pwesto niya.


"Ano 'to? Bakit may mainit sa mukha ko?" tanong niya sabay hinawakan niya ang mukha niya. "Bakit mainit ang mukha ko?"

"HIndi pa rin niya nakikita si Leo?" tanong ni Rico. Tumango na lang ako bilang pag-tugon.

"Ano 'to?!" sigaw na lang ni Mist. Si Leo naman, dahan-dahan niyang dinidiin yung blue flame sa mukha mismo ni Mist. "Umiinit lalo!"

"Tulungan mo ko, Sagittarius Protector." utos na lang ni Leo sa'kin. Iha-handa ko na ang pana ko kaso, may kamay na humarang sa'kin.


"Pwede ako na lang ang tutulong sa'yo? Tutal, anak ko naman ang namatay ngayon." sabi niya sabay naglabas siya ng blue flame sa mga palad niya ngayon.

"Sigurado ka? Baka hindi mo kayanin ang init niyan, Leo Protector." 

"Oo." sagot na lang niya sabay lumingon siya sa'min. "Lumayo muna kayo, please."

Dahan-dahan tumayo si Troy. "Magtatayo ako ng pang-harang pero kailangan natin lumayo. Baka hindi kayanin ang shield ko sa lakas ng kapangyarihan niya ngayon eh."



~


"Ano'ng ginagawa ng alaga mo sa anak ko?" tanong na lang ni Paulo. By the way, hayun si Mist. . . Isa na siyang abo.

"Nililinisan niya ang anak mo para naman maganda pa rin siya kahit wala na ang kaluluwa niya." sagot ni Leo. Dinidilaan kasi ngayon ng alaga niya ang katawan ng bata. In fairness, malinis na tignan ang bata ngayon. Hindi na siya mukhang inihaw, isa na siyang malinis na bata.


Agad nilapitan ni Paulo ang anak niyang babae na nasa lupa ngayon. At niyakap niya nang mahigpit.


"I'm sorry kung hindi ka pinagtanggol ni Papa." sabi na lang niya sa anak niya. Panigurado maririnig naman ng anak niya 'yung sinasabi niya ngayon. Hindi ako magulang pero ngayon pa lang, nasasaktan ako. Pa'no pa kaya si Paulo ngayon.


"Gusto mo ba maka-usap ang anak mo?"


Boses na 'yun ni Pis? Lumingon naman kami sa likod, nandun siya. 


"Ano?" tanong na lang ni Paulo.

Huminga muna nang malalim si Pis. "Pwede mo naman siya kausapin. Kaso, gusto ng anak mo na makita ka niya na umiiyak."

"Ha?" pati kami, nagtataka na sa sinabi niya.

Ngumiti na lang siya sabay tumingin siya sa likod niya. "Pa'no ba 'yan, ayaw umiyak ng papa mo."

"Hindi po pwede! Kailangan umiyak ni Papa!"


Hala, boses ba 'yun ng bata? Anak ba ni Paulo 'yun?



Sa likod ni Pis, isang batang babae ang sumilip sa'min. "Papa."

"Anak?" nang tinanong yun ni Paulo, agad naman pumunta ang bata papunta sa kanya at niyakap siya.


Teka, niyakap? Eh, nandito yung katawan niya ah.


"Papa, magkikita na pala kami ni Mama sa heaven." sabi na lang ng anak niya. Sino ba ang mama neto?

"Iiwanan mo na si Papa?" tanong ni Paulo na unting-unti na dumaloy ang luha niya.

"Eh kasi, pinatay ako ng babae kanina. Sabi niya dadalhin niya ko kay Mama kaya sumunod po ako." si Mist ang tinutukoy niya, panigurado. "Akala ko po, mag-isa na lang ako. Sabi ng queen, makakasama ko daw si Mama kaso kailangan ko muna mag-bye-bye sa'yo." Nang sabihin iyon ng bata, bigla na lang umiyak si Paulo.

"Kailangan mo na bang mag-bye-bye kay Papa?" tanong na lang ni Paulo saka tumango ang anak niya.

"Promise me na, tatalunin mo ang mga monsters. Kasama sila!" sabi ng bata saka kami tinuro.

"Ano?"

"Sinabi sa'kin ni queen na isa ka daw Leo Protector. You protecting people, Papa! Kaya naman, kailangan kong sumama kay Mama para safe daw ako sabi ni queen."

Napapa-ngiti na lang si Paulo sa anak niya. "Sino ba 'yang queen na 'yan?"

"Siya po!" sabay tinuro ng bata si Pis. "She is a queen, Papa! Siya ang nag-save sa'kin nu'ng kinuha ako nu'ng monster sa room ko po."


"Kukunin ni Mist ang kaluluwa ng bata. Gagamitin niya ang katawan ng bata para lang makuha ang Element niyo." boses iyon ni Pis pero hindi siya nagsasalita. Feeling ko lahat kami nakarinig nu'n, especially si Paulo.


"Papa, bakit po?" tanong bigla ng anak niya.

Umiling lang si Paulo, malungkot ang mukha niya ngayon pero naka-ngiti siya sa bata. "Magi-ingat kayo ng Mama sa heaven, ha?"

"Opo! Kailan po kayo susunod?"

"Hala, pinapatay na ba niya si Paulo?" tanong na lang ni Leandros. Baliw talaga 'to.

"Oo naman. Kaso, matatagalan pa ko makaka-punta ng heaven. Magkikita rin tayo du'n, okay?" sagot na lang niya sabay niyakap niya ang bata.


Makikita mo sa mga mata niya na malungkot siya pero, nagagawa pa niyang ngumiti.


"Sige po, Papa. Take care po dito." nag-wave sa kanya ang bata saka na siya pumunta sa malayo. Unting-unti na siya nawawala sa paningin namin.


"Okay lang na umiyak ka, Leo Protector." sabi na lang ni Pis na nasa tabi niya ngayon. "Hindi lang ikaw ang nawalan, ang mga kasamahan mo nawala din ng mahal nila sa buhay. Kahit kami rin, namatayan kami dahil lang sa kalaban."

"Ituloy mo buhay mo, Leo Protector." sabi na lang ni Leo. "Magagalit ang mag-ina mo kapag nalaman nilang namatay ka dahil hindi ka lumaban."


Ngumiti na lang si Paulo sa kanila.


"Paulo." napalingon kami kay Troy. "Sino ba ulit asawa mo?"

Huminga muna siya nang malalim. "Simula nu'ng bumalik ang alaala ko, nagulat ako at the same time, natuwa."

"Huh? Sino ba kasi?" tanong ko.

"Si Secret."


Secret?


Ay! Yung kalaban namin noon!


"Hala!?"



~~~~



HI. HELLO. KUMUSTA?


VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO GOOOOOOO~


ARIGATOU :*




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top