CHAPTER THIRTY FIVE

Soliva's POV

"Sa wakas! Nagparamdam ka!"

Napa-tingin ako kay Karen, may kausap siya sa phone ngayon. Isa-isa niya kami tinignan habang naka-ngiti siya. 

"Sino ba ang kausap niya?" tanong ni Rico. Napa-tingin na lang ako sa kalangitan, dumadami na ang mga 'alien' na papunta dito.

Binalik ko ang tingin ko kay Karen at, naka-ngiti siya ngayon sa'min. "Dumiretso ka sa hospital kung saan na-confine si Lolo, kailangan na namin umalis dahil hinahabol na kami ng mga 'alien.'" sabi niya sabay binaba ang tawag. "Pupuntahan na tayo ni Harold."

"Tangina! Buhay siya!" sigaw na lang ni Bianca. "Pero, pa'no niya tayo makikita?"

"Hindi ko alam. Hindi ko din alam kung saan na tayo pupunta ngayon." pagka-sabi ni Karen, tumitira na ang mga 'alien' sa malayo. 

"Bahala na kung saan, basta lumayo muna tayo!" sigaw ni Troy sabay tinignan si Fey na bitbit niya ngayon. "Huwag ka muna bumitaw, Fey."

Agad naman kami tumakbo sa oras na 'to. Napa-tingin na lang ako sa likod namin, ang bilis nila! May isang 'alien' na medyo malapit na siya sa'min at mukhang handa na kaming tirahin. Kaya naman huminto ako at humarap sa 'alien' na 'yun. Tinapat ko ang dalawang kamay ko para lang mapigilan ko ang beam na lalabas sa kanya at the same time, kailangan mabalot na din siya sa yelo.

"Sol, sa 'taas!"

Napa-tingin naman ako sa 'taas, tatlo na 'alien' ang susugod sa'kin. Hindi ko pwedeng ihinto ang ginagawa ko dahil papatayin din ako. Maya-maya, nakita ko na lang 'yung tatlong 'alien' tumalsik sa malayo. Nang mabalot na sa yelo ang 'alien' na nasa harapan ko, agad ako lumayo. May humila na lang sa'kin sa kamay at tumakbo kami. Tumingin ako kung sino 'to, si Rico pala.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Nakaka-inlove talaga ang ngiti niya! Bakit ganun? "Ayos ka lang?"

Tumango lang ako. "Ikaw ba ang may gawa nu'n?" tanong ko saka siya tumango. 

"Tumingin ka lagi sa paligid mo." sabi na lang niya.

"Alam ko naman na may tatlong 'alien' na paparating sa'kin."

"Alam mo pala, bakit hindi ka umiwas?" Bakit ang taray mag-tanong nito?

"Kung iiwas ako, masasayang lang yung oras ko sa pagkalat ng yelo sa 'alien' na nasa harap ko kanina. Eh 'di, pinatay na ko." sagot ko agad sa kanya. Hirap makipag-usap kapag tumatakbo.

"Tigilan niyo na 'yan pag-aaway niyo." napa-hinto kami ni Rico nang makita namin si Paulo na tumatakbo papunta sa'min. Nang makalapit siya sa'min, agad niyang pinatong ang isa niyang kamay sa balikat ko at yung isang kamay niya sa balikat ni Rico saka siya umangat. Bumuo siya ng malaking apoy na asul at binigay niya iyon sa mga 'alien' then bumagsak na lang siya dito.

"Hoy, ayos ka lang?" tanong agad ni Rico sabay inalalayan na namin na tumayo siya.

Ngumiti muna siya saka siya napa-hawak sa likod niya. "Akala ko makakalipad na ko katulad noon."

"Mukhang hindi na tayo makaka-lipad unless kung tutulungan nila tayo." sagot na lang ni Rico saka na kami naglakad nang mabilis. Lumingon-lingon ako sa paligid, bakit wala ngayon ang mga kasama ni Ariusa? Kailangan na namin sila ngayon.

"Sol, yuko!" Boses ni Uni 'yun kaya naman yumuko ako. Pero, bakit ako lang?

"Ano ba'ng ginagawa mo, Soliva?! Tumakbo ka na!" sigaw na lang bigla ni Bianca.

"Pina-yuko ako ni Uni eh!"

"Stupid! Run!" sigaw na lang ni Sabrina. Napa-angat na lang ang tingin ko nang makaramdam ako ng hangin. Kasi naman gumagawa ng ipo-ipo si Sabrina ngayon. Samantalang si Bianca, isa-isa na niyang sinusuntok ang mga 'alien' tapos hetong si Uni, nasa likod lang ni Sabrina, doon niya ginagawa ang trabaho niya.

"Kailangan na natin tumakbo, Sol." napa-tingin ako kay Karen. "May masakit ba sa'yo ngayon?"

Umiling ako. "Hindi pwede na iwanan natin sila."

"Makakahabol kami, don't worry!" si Sabrina ang sumagot sa tanong ko. Lumingon siya sa'min at nagawa pa niyang mag-hair flip.

Napa-hinto si Bianca sa pagsuntok at tumingin kay Sabrina. "Alam mo, tigilan mo 'yan. Hindi bagay sa'yo."

Napa-nganga na lang si Sab sa kanya. "Why? Mahangin eh kaya ifli-filip ko 'tong buhok ko."

"Mahangin daw. Malamang ikaw ang may kagagawan neto."

"Alam niyo, kapag hindi kayo tumigil, ipapana ko 'to sa inyo." sabi na lang ni Uni sa kanila sabay pinana niya ang apat na 'alien' na malapit sa kanila. After nu'n saka na sila tumakbo papunta sa'min kaya naman tumakbo na din kami ni Karen.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kami tumatakbo sa gubat na 'to. Madaling-araw pa lang kaya madilim. Pero salamat sa buwan, yun na lang ang nagiging ilaw namin ngayon. Hindi pa rin sila nababawasan, padami sila nang padami. Kaya naman kami, todo pigil lang sa mga 'to. Si Kevin pa rin ang bumibitbit kay Dorothea samantalang kay Fey, si Niel naman ang nagbitbit ngayon dahil si Troy, tumutulong na sa'min.

"Sol, ayos ka lang?" tanong ni Karen nang bumagsak ako dahil sa 'alien' na muntikan na kong kunin.

"Oo, ayos lang." sagot ko habang inalalayan niya ko na tumayo. Dumadami na din ang sugat ko katulad sa kanila.

"Hindi na ko nakakatulong sa inyo." napa-tingin ako kay Karen. "Hindi ako makakabuo ng hangin nang hindi kasama si Kevin."

"Ayos lang 'yun." Ayan na lang ang naisagot ko.

"Niel, saan na tayo?" tanong na lang ni Troy kaya huminto sila ni Kevin.

Lumingon-lingon si Niel sa paligid. "Pare, bayan na 'tong tatakbuhin natin."

"Hindi dapat natin madamay ang mga tao diyan." sabi ni Bianca habang nanununtok siya ng 'alien'. Pa'no na?

"Sol!"

Napa-tingin ako kay Karen dahil boses niya 'yun at.. Hoy!

"Kumapit ka sa'kin!" sigaw ko sa kanya sabay kinuha ko ang dalawang braso niya at hinihila pababa. Nakatali ang mga paa ni Karen sa antenna ng 'alien' ngayon.

"Tulong!" sigaw ko na lang. Grabe, ang lakas ng 'alien' na 'to para makuha si Karen. Baka masama ako sa kanya.

"Kapit ka lang Karen." sabi na lang ni Troy kasama si Paulo at sabay naming hinila si Karen pababa. Ayaw pa rin bitawan ng 'alien' si Karen.

"Karen, kumapit ka lang sa kanila. Ako na bahala sa 'alien'!" sigaw ni Uni. Maya-maya, may arrow na tumama sa 'alien' kaya naman nabitawan niya si Karen na, agad din nasalo.

"Buti hindi pa niya nilalabas ang kapangyarihan ng 'alien' na 'yun." sabi na lang ni Troy. Sa'kin pala nakapatong si Karen ngayon at medyo mabigat siya.

"Kuryente ba ang lalabas sa antenna niya?" tanong ni Paulo sabay inalalayan niyang tumayo si Karen.

"Oo." sagot ni Troy at inalalayan na kong tumayo. "Ayos ka lang?" tanong niya sa'kin saka ako tumango.

"Karen, okay ka lang?" tanong ni Kevin habang bitbit pa rin niya si Dorothea na naka-pikit na.

"Oo. Saan na tayo ngayon?" tanong na lang niya.

"Wala na tayong choice. Kailangan natin dumaan du'n." sabi na lang ni Kevin. Yes, no choice na talaga kami.

"Niel, kunin ko muna si Fey." sabi na lang ni Troy.

"Kaya mo pa?" tanong na lang ni Niel habang inalalayan ko siya na ibigay si Fey kay Troy.

"Kaya ko pa naman. Yung tuhod mo kasi, kanina pa nanginginig."

Napa-tingin na lang si Niel sa mga tuhod niya. "Epekto ba 'to na hindi nailabas ang kapangyarihan ko?"

"Oo eh." sagot ko na lang sa kanya. At mukhang naintindihan naman niya 'yun.

"Oh eh 'di, ano pang ginagawa natin? Tara na." sabi na lang ni Bianca after niya suntukin ang huling 'alien' at tumakbo. Ganun na din kami, tumakbo na. Wala nang 'alien' na malapit sa'min, pero alam namin may paparating pa.

"Nasaan si Harold?"

Sino 'yun? Familiar sa'kin yung boses niya.

"Nasaan ang Pisces Protector?"

Napa-hinto na ko sa pagtakbo nang marinig ko 'yun.

"Nasaan ang mga Zodiac Protectors?"

Akala ko, ako lang ang nakakarinig. Mukhang sila din dahil huminto sila sa pagtakbo.

"Nasaan ang mga Element niyo?"

Nangagaling sa likod ang boses na 'yun. Dahan-dahan kami lumingon para alamin kung nandiyan na ba siya. Dumami lalo ang mga 'alien' na papunta dito, yung iba tumitira na sa malayo. At sa wakas, nakita na namin ang pinaka-kalaban namin na naka-tayo ngayon sa likod ng 'alien'

Si Syren.

"Tara na. Kailangan na natin magtago." kalmadong sabi ni Paulo. Wala na kaming magagawa kaya tumakbo na kami sa bayan na 'to. Or, city dahil puro building ang makikita dito at may mga tao pa na naglalakad ngayon. Hindi ko alam kung napapansin ba nila kami or hindi.

"Aah!" ayan na ang mga naririnig namin nang tumira na ang mga 'alien' sa malayo. Rinig din pala dito.

Maya-maya, nagpa-sabog na ang 'alien' sa isang building dito. Buti malayo pa kami diyan, yung mga tao dito kanyang-kanya na ang takbo.

"Taena, ang daming 'alien' ngayon ah!" sigaw na lang ni Niel habang tumatakbo na kami. Napapansin naman kami ng mga tao pero dahil nagkaka-gulo na, wala na din silang paki kung bakit madami kami sugat.

Napansin ko na lang si Uni na hinanda ang pana niya gamit ang anim na arrow. "Teka, subukan ko lang 'to." sabi na lang niya sabay huminto siya pati na rin kami. Umapoy ang arrow niya at tinira na lang niya sa nagkukumpulan na 'alien' sa harapan namin.

"Nice job, Uni. Pero madami pa rin sila." sabi na lang ni Bianca kaya naman tumakbo na lang kami.

"Fey, kapit ka lang sa'kin, ha?" buling na lang ni Troy kay Fey. Nakita ko na lang na, kumunot ang noo niya. Salamat sa mga pagsabog na naririnig namin ngayon, nagigising na siya.

"Nasaan si Harold?" tanong na lang bigla ni Fey, pero naka-pikit pa rin siya.

"Hindi namin alam. Kailan ba 'yun magpapakita sa'tin?" tanong na lang ni Paulo sabay tumingin kay Karen.

"Hindi naman niya sinabi kung nasaan siya. Sabi na lang niya pupuntahan na lang tayo." sagot naman niya.

"Guys, dito muna tayo magtago." sabi na lang ni Kevin sabay tinuro niya ang isang salon na naka-open lang ang pinto. Mukhang wala yung tao dito or nakalimutan lang nilang i-close?

Pumasok naman kami sa loob. Dahan-dahan binaba ni Troy at Kevin sina Fey at Dorothea habang kami, naka-abang lang sa labas, si Paulo ang nagbabantay sa may pinto ngayon. Yung mga 'alien', mukhang hindi na nila alam kung nasaan kami dahil sa iba na sila pumunta.

"Ano, sinundan tayo?" tanong ni Kevin.

"Hindi na. Sa iba na pumunta ang mga 'yun." sagot ni Paulo.

"Eh nakikita mo pa si Syren?" tanong ko.

"Mukhang wala."

"Tanga, nandiyan!" sigaw na lang ni Uni sabay hinanda niya ang pana niya at tinutok sa pinto. "Papunta siya dito!"

"Ano!?" tanong na lang ni Paulo sabay nasira agad ang pinto. Na, ayun ang dahilan kaya wala kami makita ngayon, malakas ang pagkaka-sira niya sa pinto.

"Dito lang pala kayo nagtatago." sabi na lang niya, si Syren. "At hayun ang Pisces Protector." sabi pa niya sabay naglakad na siya papunta dito at...

"Aah!" sigaw na lang namin. 

Napadapa na lang kaming lahat ngayon. Hindi namin alam kung bakit, yung feeling na may umaapak na malaking paa sa likod ko. Pinipilit kong tumayo pero may pumipigil talaga! Pati rin sila, hindi sila makatayo ngayon. Nakita na lang namin si Syren, dahan-dahan naglalakad papunta kay Fey na naka-higa ngayon.

"Huwag mo siyang ha-hawa-hawakan!" sigaw na lang ni Paulo.

"Wala ka magagawa, Leo Protector. Kukunin ko na siya, ha?" sabi na lang niya. Huminto siya sa tapat ni Fey at lumuhod. May nakita na lang kaming bato na kulay purple, nilutang niya at dahan-dahan niyang nilalapit yun sa puso ni Fey.

Bigla na lang may bumato sa ulo ni Syren. Napa-hawak na lang siya sa ulo niya at lumingon sa likod niya. "Sino 'yun?"

"Hikaw?" tanong na lang ni Bianca tapos may tinuro. Sinundan ko naman 'yun, may hikaw akong nakikita. Ayan ba 'yun nambato kay Syren?

"Ibaba mo si Fey!" sigaw ni Niel. Napalingon na lang ako kay Syren, nakalutang ngayon si Fey. Pero, bigla na lang tumalsik sa malayo si Syren.

"Sino ba 'yun?!" tanong na lang niya.

"Shit, si Fey." bulong na lang ni Troy habang pinipilit niyang tumayo. Nakita na lang namin na naka-lutang pa si Fey. Nang pabagsak na siya, may sumalo. Kaso hindi si Syren. Hindi namin makita dahil sa area na 'yan, madilim.

"Ibigay mo sa'kin 'yang babae na 'yan!" bumuo ng maliit na knife si Syren at isasaksak na niya sana kay Fey kaso may pumigil, kamay ang pumigil sa kanya.

At nagkaroon ito ng apoy.

"Tangina, kaibigan. Nagpakita ka na rin." bulong na lang ni Niel sabay tumayo na siya. Eh?! Nakatayo na siya?! "Tumayo na kayo, wala na yung umaapak sa'tin." sabi niya sabay tumayo na kami at... Oo nga 'no!

 "Ano'ng kailangan mo sa kanya?" kalmado niyang tanong kay Syren. Patayo niyang sinandal sa kanya si Fey habang ang kaliwang kamay niya ang nagpigil sa atake ni Syren.

"Alam mo naman na, isa siya sa dahilan para mamumo sa mundo namin. Pati na rin sa mundong ito, ikaw ang mamumuno kung sasama ka sa amin." sagot na lang niya.

Oo, totoo na 'tong nakikita namin. At sana makita din ito ni Fey dahil hayun ang gusto niyang mangyari...



Ang magpakita si Harold.



~~~

HI. HELLO. KUMUSTA MODULES? HEKHEK

VOTE - KUNG NAMISS NIYO SI HAROLD HIHI

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KOOOOOO!!!! *ROAD TO 600 AHIHIHI*

ARIGATOU :*









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top