CHAPTER THIRTY

Leandros' POV

"So kailan kaya siya magpapakita sa'tin?" Tanong na lang ni Bianca habang nasa labas kami ng restaurant niya.

"Inaantok na ko, Bianki. Pwede matulog muna sa loob?" Sabi ko habang nagkakamot pa ko ng mata. Puyat ako kakabantay kay Fey eh.

"Hindi pwede." Sabi niya sabay binatukan ako. "Kailangan maging alert tayo." Saka siya lumingon-lingon sa paligid.


Kaya siya nagkaka-ganyan dahil sa sinabi ni Sab sa'min about kay Cloudia. Eh, nu'ng nakarating kami sa ospital, malalim ang tulog ni Fey kaya hindi namin natanong kung may nakita ba siya about Cloudia. Nang sinabi namin kay Bianca yun, kaagad niya ko hinila palabas ng ospital at pumunta dito sa restaurant niya. 11 p.m. na pero nandito pa rin kami.



Napa-upo na lang ako sa bench, buti nga may mau-upuan pa dito sa parking. Gusto ko na pumikit. "Miss mo na ba anak mo?"

"Syempre. Sino'ng magulang ang hindi mami-miss ang anak niya?"

"Aba malay ko. Tinatanong ko lang." Sungit talaga neto minsan eh.

"Pero. . ." Lumingon ako kay Bianca. "Alam na kaya ni Fey ang mangyayari after natin matalo si Syren?"

"Nasabi naman niya sa'tin na mamamatay siya bago pa natin siya makaharap. Baka hindi niya makita kung mananalo ba tayo sa kanya o hindi." Minsan ko na din inisip 'yan.

"Pero sana, hindi madamay ang mga tao na may connection sa'tin." Sabi na lang niya.

"Sana. Pero sana naman, magpakita na si Harold sa'tin. Hindi man natin mapigilan ang kamatayan ni Fey, sana man lang kasama natin si Harold."

Nabatukan na naman ako neto. "Hindi mamamatay si Fey, okay? Kainis 'to. Kumatok ka sa kahoy para hindi mangyari yun." Saka niya tinuro yung table na gawa sa kahoy. Sumunod naman ako sa gusto niya. Galit?

Napatingin na lang ako sa langit, cresent moon pa naman din ngayon gabi. Napaka-ganda ng buwan. Tapos yung ulap ang bilis gumalaw ngayon, kala mo mahangin or may bagyo na paparating kaso wala namang bagyo ngayon. So weird.


Weird.

Weird nga. Ang bilis talaga ng pag-galaw ng ulap ngayon.

"Bianki." Sabi ko sabay kinalabit ko siya.

"Ano?" Hindi ako nagsalita pero tinuro ko ang langit. Napa-tingin naman siya dun.

"Oh, ano'ng meron?"

Napa-lingon ako bigla sa kanya. "Hindi mo napapansin?"

Tinignan niya nang maigi ang langit. "Mabilis ang takbo ng ulap."

"Tingin mo normal lang 'yan?"

At sa wakas, na-realized na din niya. Saka siya tumingin sa'kin. "Nandito na siya."

Tumango naman ako. After nu'n, saka siya lumingon-lingon sa paligid. "Nasaan na kaya siya?"


"Nandito ako!"

Napatingin ako sa 'taas. Isang malaking bato ang papunta kay Bianca. Naharangan ko agad kaya unting-unti siya natutunaw.

"Jusko, ano 'yan Leandros?" Tanong ni Bianca saka siya tumingin sa itaas kung saan nandun ang kamay ko na nakaharang sa malaking bato.

"Ewan ko. Pero si Cloudia 'to, panigurado." Sagot ko hanggang sa natunaw na ang malaking bato. Kamao ni Cloudia ang hinaharangan ko ngayon.

"Epal ka talaga, Capricorn Protector!" Sigaw niya sabay lumayo siya agad sa'min. Parang bata.

"Tsk. Takot sa'kin." Bulong ko.


Nang makalayo na siya, agad din siya sumugod pero hindi kami inatake. Umikot lang siya nang umikot sa'min. Habang ginagawa niya 'yun, unting-unti nagkakaroon ng usok dito. Wala naman amoy, usok lang na unting-unti na kumakapal. Maya-maya, huminto siya sa harapan namin.

"Ano'ng gagawin niya?" Tanong ni Bianca habang hinanda niya ang water puppet niya. Siya lang naman ang pwede sumuntok diyan.

"Aba malay ko." Ayan na lang ang nasagot ko.

Tumingin siya sa'min sabay ngumiti. Maya-maya, nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang bibig. "Omo!"

Huh?

May tinuro na lang siya. "May anak ka na pala, Cancer Protector."

"Ano daw?"

Nagtuturo na lang siya sa likod namin. "Ayan oh. Anak mo 'yan 'di ba?"

Lumingon naman kami sa tinuturo niya sa likod. Nakita na lang namin na isang bata ang naka-tayo roon. Mukhang may hawak na teddy bear, mahabang buhok so I assume na isa 'tong babae. Tama?

"Anak mo 'yan, Cancer Protector!" Sigaw na lang ni Cloudia pero naka-tingin pa rin kami sa bata.

Unting-unti na siya naglalakad, hindi pa namin makita ang mukha niya dahil madilim. Parang siyang silhoutte kung titignan mo ngayon.

"Cindy?" Napalingon na lang ako kay Bianca. Hindi ko na kasi maalala yung mukha ng anak niya pero alam kong babae ang anak niya.

Nang makita na namin siya nang malinaw, nagkakamot siya ng mata. Bitbit ang teddy bear niya at naka-pantulog. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya at tumingin sa'min.

"Mama?"

"Cindy! Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong na lang ni Bianca na parang paiyak na siya.

Agad naman ngumiti si Cindy sa kanya. "Mama, naka-uwi ka na pala."

Umiling lang si Bianca. "Hindi ito ang bahay natin. Bakit ka nandito?"

Pupuntahan na niya sana si Cindy kaso bigla na lang nawala ang bata.

"Oopsie. Hindi mo pwedeng lapitan ang anak mo."

Lumingon kami kay Cloudia na, hawak na niya ngayon si Cindy. Samantala ang bata, parang wala lang sa kanya ang nangyayari ngayon.

Lumuhod si Cloudia para mapantayan niya si Cindy tapos hinaplos pa niya ang buhok ng bata. "Ako yung nakita mo sa panaginip, isang babae na naka-higa sa ulap."

"Talaga po ba?" Tanong na lang ni Cindy na parang amaze na amaze siya sa kalaban namin.

Tumango lang si Cloudia. "Kaibigan kami ng mama mo."

"Hindi! Sinungaling ka! Kalaban ka namin!" Sigaw na lang ni Bianca. Lalapit na sana siya kaso. . .

"Bianca, ano'ng nangyari sa'yo?" Tanong ko nang muntikan na siya madapa.

"Hindi ko alam. Feeling ko may pumipigil sa paa ko." Sagot niya. Sinubukan ko din maglakad kaso, may pumipigil nga din sa'kin. Eto ba yung epekto ng usok na ginawa niya?

"Alam mo ba Cindy, parehas kami ng mama mo, may powers kami." Sabi na lang ni Cloudia sa bata na mukhang paniwalang-paniwala naman ang bata sa kanya.

"Talaga po ba?" Tanong ng bata saka naman tumango si Cloudia habang naka-ngiti. "Eh 'di magkakaroon din ako ng powers katulad kay mama?"

"Oo naman. Kaya lang, nasa mama mo ang kapangyarihan mo." Sabi na lang niya.

"Cindy! Huwag ka maniniwala sa kanya!" Sigaw na lang ni Bianca. Takte, hindi ako makalakad.

Tumingin naman si Cindy sa kanya. Kaso mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ng mama niya kaya tumingin siya kay Cloudia at naka-ngiti. "Paano natin makukuha kay mama ang kapangyarihan ko po?"

"Sa totoo lang, medyo malakas ang kapangyarihan mo Cindy. Kailangan kita alalalayan para mabitbit mo ang kapangyarihan mo."

"Gaano po ba kabigat?" Takte, mukhang malapit na maniwala si Cindy sa kanya.

"Cindy, huwag ka makikinig diyan!" Sigaw pa rin ni Bianca habang sinusubukan pa rin niyang maglakad.

"Mas mabigat pa sa malaking bato. Pero, huwag ka mag-aalala, tutulungan kitang bitbitin 'yun, okay?" Sabi niya saka niya ningitian ang bata.

"Yey! Makukuha ko kay mama ang kapangyarihan ko! Makakalipad po ba ako?"

Tinignan ni Cloudia nang maigi ang bata. "Isa ka sa sasakop sa mundong ito, Cindy. Kaya kailangan na natin makuha ang Element ng mama mo."


Hindi ko alam pero may kutob ako na hindi si Cindy 'yan. Kino-kontrol na ba ni Cloudia ang utak ng bata?

"Anak mo pa ba 'yan?" Tanong ko kay Bianca. "Mukhang kino-kontrol na siya ni Cloudia."

"Kainis. Cloudia! Huwag mo idadamay ang anak ko sa kalokohan mo!" Sigaw na lang ni Bianca.

Lumingon si Cloudia sa'min pero mukhang hindi siya susunod sa gusto ni Bianca. Nilahad niya ang kanan palad niya, hindi ko alam kung ano'ng binubuo niya.

"Cindy! Huwag ka makinig sa kanya!" Sigaw na lang ni Bianca.

Maya-maya, may nabuo siyang mahabang kutsilyo. At ibinigay niya iyon kay Cindy.

"Cindy! Huwag mo kukunin 'yan!" Utos ni Bianca sa kanya. Kaso hindi niya sinunod. Kinuha ng bata ang kutsilyo saka siya lumingon sa'min.

Hinakawan ni Cloudia ang kamay ng bata. Habang ang bata, naka-tingala sa kanya. "Tara, kunin na natin sa mama mo ang kapangyarihan mo. Sunod na natin siya."

"Opo." Sagot na lang ng bata sa kanya. Mukhang kino-kontrol na ni Cloudia si Cindy.

"Ibaba mo 'yang kutsilyo Cindy!" Sigaw pa rin ni Bianca.

"Manahimik ka. Hindi na nakikinig sa'yo ang anak mo." Sabi na lang ni Cloudia sabay tumingin siya kay Cindy. "Susundan mo lang ang gagawin ko, okay?"

Tumango naman ang bata sabay tumingin siya kay Bianca. "Mama, kukunin ko na ang kapangyarihan ko!" Sabi na lang niya sabay naglakad na siya papunta dito habang hawak niya ang kutsilyo at kayakap niya ang teddy bear niya.

"Kunin mo ang Element nila Cindy!" Sigaw ni Cloudia sabay napabilis ang takbo ng bata papunta sa'min.

"Masusunod po." Sagot na lang ni Cindy. Ang sama ng tingin niya ngayon sa mama niya.

"Hoy, bata! Tumigil ka!" Sigaw ko sa kanya. Hindi pa rin kami naririnig!

"Cindy ano ba!" Sigaw na lang ni Bianca habang pinipilit pa rin namin na maka-lakad dito.

"Ibigay mo na 'yang Element niyk sa'kin!" This time, boses na ni Cloudia ang narinig namin galing kay Cindy.

Bigla na lang tumigil si Cindy nang malapit na niya isaksak ang kutsilyo sa ulo ng mama niya. May tumama ba kay Cindy? Ano'ng nangyari?


"Punyeta ka, Sagittarius Protector."


Napadako ang tingin ko kay Cloudia. Isang umaapoy na arrow ang naka-saksak sa kanya ngayon kaya nasusunog na siya.

"Ikaw din ang pumatay sa'kin eh!" Sigaw niya. Nakita ko na lang si Uni, mukhang ready pa siya na pumana ulit.

"Ano, eepal ka pa ha?!" Tanong na lang ni Uni saka niya tinira ulit si Cloudia.

Unting-unti na nawala ang usok na nakapalibot sa'min. Kaya naman nakalakad na kami. Si Bianca naman, agad niyang niyakap si Cindy at inalis ang kutsilyo sa kamay ng bata.

"Cindy, naririnig mo ba si mama?" Tanong na lang niya habang naka-tingin siya sa anak niya.

Maya-maya, kumurap-kurap ang mga mata ni Cindy. Tapos napatingin na lang siya kay Bianca at ngumiti. "Mama!"

"Oh my god! Salamat naman." Sabi na lang ni Bianca saka niya niyakap at umiyak. Halatang walang alam ang bata sa nangyayari ngayon.

"Papatayin kita!" Boses ba 'yun ni Cloudia?

"Mama!" Napatingin ako sa bata at sinundan ang tingin niya. Si Cloudia, isasaksak na niya ang kutsilyo sa likod ni Bianca.

Malas niya dahil hinarang ko ang mukha niya na unting-unti natutunaw.


"Uni!" Sigaw ko kaya naman pinana niya sa bandang puso. At dahil nasusunog na siya agad ko pinalayo ang mag-ina. Muntikan pa madapa si Bianca pero mabuti na lang nakahawak si Cindy sa kanya.


"Mama, bakit ako nandito?" Tanong ni Cindy nang makapasok kami sa loob ng restaurant niya. Tuluyan na naging abo si Cloudia.

"Hindi ko rin alam anak. Ang importante, safe ka na ha?" Sagot na lang ni Bianca saka niya niyakap si Cindy.

"Buti nakapunta ka Uni." Sabi ko na lang sa kanya.

"Kailangan na natin puntahan si Rico at Paulo." Sabi na lang niya.

"Huh? Bakit?" Tanong ko.

Napatingin na lang siya sa mag-ina na nakikinig sa kanya ngayon. Ayy, bawal pala mag-kwento kapag may bata dito.
"Ihatid mo muna kaya sila."

"Huh? Bakit?" Tanong namin ni Bianca.

"Magpahinga muna kayo ni Cindy." Sagot ni Uni.

"Teka, bakit? Ano'ng nangyayari kina Paulo tsaka Rico?" Tanong ko.

Huminga muna nang malalim si Uni. "Dumaan ako sa ospital para bisitahin si Fey. Sinabi niya sa'kin na kukunin ni Cloudia ang anak ni Bianca. Habang papunta ako dito, tinext ako ni Sab. Pinatay ni Mist ang anak ni Paulo, sabi ni Fey."

"Huh?"

Tumingin muna si Uni sa mag-ina bago siya tumingin sa'kin. "Patay na ang anak ni Paulo. Pinatay ni Mist ang bata."



~~~~~

HI. HELLO. KUMUSTA?

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO GOOOOO

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top