CHAPTER THIRTEEN

Soliva's POV

Isang buwan na ang nakalipas.

One. Month.

Wala naman masyadong pag-atake ng mga 'alien'. Si Paulo pa lang ang huling protector na naka-usap ko. Hindi ko pa nga nadadala yun sa mansyon eh. Speaking, dumadaan kaya du'n si Rico? Isang buwan na rin akong hindi naka-daan du'n. Daming activities sa school. Epal pa 'tong si Trisha dahil kung sinu-sino ang pinapakilala sa'kin na mga lalaki.

"Nakakainis!" Sigaw na lang ni Trisha habang ako, naka-higa lang sa sofa. An hour ago pa kami naka-uwi.

"Problema mo?"

"Hindi ako naka-habol sa huge sale sa Sab-O Clothing! Daming chuchu ng principal sa'tin."

Speaking. "Ngayon ko lang nalaman 'yan. Gusto mo daan tayo bukas?"

Napa-lingon sa'kin si Trisha. "Himala, kailan ka pa nagkaroon ng interest sa mga design ni Ocampo? Pero, sige. Daan tayo."

~

"Ayan Sol oh! Ang ganda-ganda neto!" Sabay turo ni Trisha yung favorite niyang skirt. Oo nga, magaganda nga ang mga damit nila dito.

"Sol, may susukatin lang ako." Sabay pinakita niya sa'kin yung mga pants na gusto niyang sukatin.

"Sige, dito lang ako." Sagot ko sabay pumasok na siya sa fitting room.


"Oh my god. Si Sabrina ba 'yan?"

"Oo cyst, si Sabrina nga!"

"Hala, may mga bodyguard siya."

"Sana maka-selfie man lang natin."

Napalingon na lang ako sa mha nagbubulungan sa likod ko. Nandiyan daw si Sabrina? Napatingin na lang ako sa cashier at.

"Good morning po, Miss Sabrina."

Oh em gee. Si Sabrina nga! In fairness, artistahin ang aura niya. Pero bakit hindi ganyan yung aura niya before?

Nginitian lang niya ang mga saleslady dito. Taray, naka-shades pa ang lola niyo. Nasa loob na 'yan ng store niya ah. Tapos kinausap niya ang mga tao na nasa cashier at manager. Mukhang malabo na malapitan ko siya ah.

"Sol, lapit ka nga dito." Napalingon ako kay Trisha na naka-silip sa'kin.

"Nandiyan si Sabrina." Sabi ko na lang nang makapasok ako sa loob ng fitting room.

"So what?" Nagtaka ako sa sagot niya. "Bitch daw 'yan sabi ng mga chismosa sa internet."

"Talaga?" Tumango na lang siya. Well, bitchessa na daw talaga siya 10 years ago sabi nila sa'kin.

Nang makalabas na kami ni Trisha, mukhang gusto pa niya bumili ng dress ah.

"Hoy, may mga dress ka na." Sabi ko habang busing-busy siya sa pagsa-scan.

"Sira, hinahanapan kita ng sexy na dress."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?"

Lumingon siya sa'kin habang naka-hawak sa bewang niya. "Hahanapan talaga kita ng magiging boyfriend mo, Soliva. Kailangan mauna kang magpa-kasal, okay?" Sabay bumalik siya sa paghahanap ng dress.

Girl, nasa pangangib ang mundong 'to. Baka hindi na ko makapag-asawa neto.

Nilibot ko na lang ang mata ko sa store. Nang mapadpad ang paningin ko sa cashier, naka-tingin dito si Sabrina. Hindi ko sure kung sa'kin ba talaga siya naka-tingin ah. Pero nang tanggalin na niya yung sunglasses niya, boom, sa'kin nga naka-tingin.

"Hoy, magkakilala ba kayo niyan?" Bulong ni Trisha sa'kin. Gusto kong isagot sa kanya na she knows me 10 years ago pero syempre, umiling lang ako bilang pagtugon sa kanya.

"Kung maka-tingin kasi sa'yo, kala mo may malaking kasalanan ka sa kanya." Sabi na lang niya. Eh, ganyan na talaga tumingin 'yan.

"Eto Sol. Try mo 'to." Napatingin ako kay Trisha sa hawak niyang mga dress. Ang kulit.

"Sol, dito siya papunta." After i-bulong ni Trisha, napa-lingon ako sa harapan ko at, papunta na nga siya dito.

"Ingat ka lang sa sasabihin niya ah. Favorite pa man daw niya mang-away." Bulong sa'kin ni Trisha. Bakit ako matatakot dito?

Huminto si Sabrina sa harapan ko. Naka-high heels at naka-red dress. Red lipstick din at kinulot ang buhok. "Have we met before?" Tanong niya.

Sayang sabihin tungkol sa pagiging Gemini Protector niya kaso nandito si Trisha sa likod ko, naka-kapit sa'kin na akala mo siya ang inaaway.

"Hindi. Bakit?" Ayan na lang ang naisagot ko.

Tinignan niya ko from head-to-toe at huminga pa nang malalim. "Don't lie to me miss. Alam kong nagkita na tayo."

Ano daw? "Sasabihin ko naman sa'yo kung nagkita ba talaga tayo o hindi. Pero miss, ngayon lang kita nakita in person." Ayan ang sinagot ko.

"Look, kung isa ka sa mga nambwisit sa'kin during-"

"OH MY GOSH!!"

Napa-lingon kaming lahat sa labas ng store. Hindi ko ba nasabi? Nasa tapat ng mall ang store ni Sab, may second floor pa kasi.

"Ano 'yan?" Tanong ng isa sa mga staff dito sabay may tinuro siya sa labas. Tinignan ko naman at.

Tatlong 'alien' ang paparating dito.

Kaagad naman nataranta ang mga tao dito sa loob. Si Trisha tumakbo papalayo at iniwan ako.

"A-ano 'yan?" Tanong na lang ni Sab.

"Ayan ang mga 'alien' Sabrina. Sila ang kaaway natin. At kailangan mapatay natin ang kumo-kontrol sa kanila." Kalmado kong sagot habang nakatingin sa labas.

Kaagad naman nagtaka sa sinabi ko. "What the hell are you talking about?"

Tinignan ko siya nang diretso. "Alam kong hindi mo na naaalala pero ikaw ang Gemini Protector." Nang sabihin ko 'yun, tumingin ako sa labas at.

"Sabrina, takbo!" Sigaw ko sabay kinuha ko ang kamay niya at tumakbo. Ready for aim ang isang 'alien' dito sa store.

"Oh my gosh! Ano ba ang nangyayari?!" Pasigaw na tanong ni Sab habang lumalayo kami sa store niya. Nakita na ba kami?

Lumingon ako sa store, sinira ng isang 'alien' du'n tapos umalis na sila. Kaya agad muna kami nagtago ni Sabrina sa isang puno. Mabuti na lang at lumayo na ang mga 'to.

~

"Hey, kanina pa tayo naglalakad. Sa'n ba ang punta natin?" Tanong na lang ni Sabrina habang naglalakad while holding her hand. Hindi po ako tibo ah.

"Sa mansyon ng mga Zodiac Protectors."

"Huh? Zodiac Protectors? Sino ang mga 'yun?" Hindi ko na lang sinagot yung tanong niya tutal, malapit na naman kami.

Nang makarating na kami, kaagad kong binuksan yung pinto, pumasok sa loob at... Himala.

Nandito si Rico.

"Oh." Turo na lang ni Uni. "'Di ba, siya yun sikat na fashion designer?"

"Talaga?" Tanong na lang ni Leandros sabay tumango si Uni.

Napa-tingin ako kay Rico. Hawak pala niya yung papel na nakita ni Fey before. Tumayo ito at lumapit sa'min ni Sabrina.

"Ikaw ang Gemini Protector, miss Sabrina." Sabay pinakita niya sa kanya yung papel at tinuro yung name niya.

"Wait, what the hell is this?" Tanong ni Sab saka niya tinuro yung papel. "Is this Mafia or something?"

"Pang-out-of-this-world po, ate." Sagot na lang ni Troy.

Si Bianca at Uni na lang ang nagpaliwanag kay Sabrina. And, ayun. Mukhang ayaw din niya maniwala.

"So, we need to kill Syren para matapos na 'to?" Tanong niya saka kaming tumango.

"Pero paano? I mean, isa ba 'yun sa mga tauhan niya? Yung giant bees na sumira sa store ko?"

"Giant bees?" Tanong na lang ni Leandros. "Sol, may narinig kasi kami kanina na pagsabog kaya nagtipon kami dito. Du'n ba galing 'yun?"

"Oo. Tatlong 'alien' ang umatake sa store ni Sab. Akala ko nga, makikita kami kasi ready na niya kaming itira."

"So, isa ka nga sa mga Zodiac Protectors Sabrina." Sabi na lang ni Fey.

"And? Sino naman kayo?" Tanong niya.

"Mga Zodiac Protectors din." Sagot na lang ni Bianca.

Umiling na lang si Sabrina. "Hindi pa rin ako naniniwala sa inyo-"

"Pero iba ang pakiramdam mo kay Soliva kanina 'di ba?" Tanong na lang ni Troy saka napatingin si Sab sa kanya. At tumingin din siya sa'kin.

"Yeah. I don't know kung nagkita na ba talaga kami eh."

"Ayan lang ang proof na kilala natin si Soliva before." Sabi na lang ni Fey.

"So, pa'no natin tatalunin yun?" Tanong na lang ni Sab sa'kin na... Hindi ko rin alam kung paano.

"And, nasira pa yung store ko. I'll call Niel for this." Sabay nilabas niya yung phone.

"Walang signal dito, Sabrina kaya hindi mo siya matatawagan." Sabi na lang ni Bianca na kaagad din binaba ni Sab at tumingin sa kanya.

"Oh, ano?" Ang taray talaga ni Bianca.

"May problema ka ba sa'kin miss?" Tanong ni Sab.

"Wala naman. Pero kasi, kung paano ko naramdaman kay Soliva 'to, ganun din ang naramdaman ko ngayon na kausap kita."

"Huh?" Nagtaka na rin kami. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa'kin before pero, ayaw na ayaw nila sa isa't-isa.

"Naiirita ako sa'yo." Ngumiti na lang si Bianca saka siya umalis.

Huminga na lang ako nang malalim at "Sab, ganyan na ganyan ka sa kanya bago pa mawala ang memories niyo."

Nanlaki agad ang mga mata niya. "What?! Gosh, do I need to approach her and say sorry?"

"Chill, moody talaga 'yan." Sabi na lang ni Leandros.

"Oh shut up, mister." Sabay nag-cross arm na lang si Sab. "I need to talk Architect Niel now."

Niel? Hindi kaya...

"Sino 'yun?" Tanong ko.

"Siya ang nag-design sa store ko. Architect Niel Zoron. Why?" Sagot niya. Hindi kaya...

"Scorpio Protector si Niel." Napalingon kami kay Rico, hawak pa rin niya yung papel.

"What?! Eh 'di kasamahan natin 'yun?" Tanong na lang ni Sab saka ako tumango.

"At, siya ang boyfriend mo Uni." Sabi ko na lang na, kaagad din nila kinagulat.

"Ha?! Ako? Nagka-boyfriend?! NBSB ako, pa'no nangyari 'yun?"

"Ikakasal na dapat kayo kasi nag-propose siya before tayo makipag-laban." Lumaki pa lalo ang mga mata niya.

"Naku. Sana ganyan din sitwasyon ko, Uni." Sabi na lang ni Leandros sabay tumawa kami.

Ariusa's POV

"Pis! Umaatake na ang mga tauhan ni Syren."

Agad naman lumingon si Pis kina Vir at Prico. Naka-dungaw lang kasi siya sa bintana.

"Hindi pa ba tayo kikilos?" Tanong na lang ni Prico.

"Hindi pa sila kumpleto, Prico. At hindi pa kaya ni Dorothea na gamitin ang kapangyatihan niya." Agad niyang nilapitan si Dorothea at hinaplos ang noo. Si Darren, hindi pa rin siya nagigising.

"Nag-aalala na talaga ako para sa kanila. Lalo na kay Fey." Ayan na lang ang nasabi ko saka siya huminga nang malalim.

Kaya mo 'yan, Soliva. Hindi ka naman pababayaan.

____________________________________

HI. HELLO.

VOTE - KUNG OKAY SA INYO

COMMENT - FEEL FREE

FOLLOW - NIYO KOOO! GOOO!

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top