CHAPTER TEN
Ariusa's POV
"Kumusta na kaya ang mga 'yun?" Bigla na lang tinanong ni Rustan sa tabi ko. Ako ngayon ang nagbabantay kina Dorothea at Darren.
"Sana maayos lang sila. Kaya ni Soliva 'yun." Sagot ko saka siya ngumiti.
Konting tiis lang Soliva, matatapos din ito.
Soliva's POV
Cancer
> Bianca Lester. Oo, ganyan lang.
> July 2. Legit.
> Chef. Oo.
> PAKE NILA KUNG SINGLE AKO HA?!
> Hmm, si Cindy na lang ang pamilya ko ngayon.
> Grabe ka before Sol. Muntikan na tayo mamatay sa loob ng generator room na 'yun. Kung hindi tayo mamamatay sa init, mamamatay tayo sa lamig dahil sa kapangyarihan mo. Imagine, parang nasa Antartica ako nu'ng mga oras na 'yun. Buti nga nabuhay pa tayo nu'n. Marami pang nangyari sa'tin lahat. Ten years ago until now. Gusto kong ikwento in person para masaya, nakaka-tamad magsulat eh.
Sabi na nga ba eh!
"Miss Sol, problema mo?" Lumingon lang ako kay Leandros na nasa tabi ko. Nandito kami ngayon sa restaurant ni Bianca. And, OMG, all this time sa kanya pala 'to?! Ilang beses na kami kumakain ni Trisha dito eh.
"Sure ka bang restaurant niya 'to? Baka naman branch lang 'to ah."
Bigla na lang tumawa si Leandros. "Eto ang original na branch ng restaurant niya. Original meaning, mas madalas siya dito mag-trabaho." Saka na siya naglakad papunta sa loob. Sumunod naman ako.
"Interesado ka ba sa kanya?" Tanong niya saka kami umupo.
"Zodiac Protector 'yun. Cancer Protector." Pagka-sagot ko nu'n, nanlaki na naman ang mga mata niya.
"Hayan ka na naman, little weirdo." Bulong niya na narinig ko.
"Sige, ganyahin niyo ko. Kapag talaga nag-exist ang mga 'aliens' sa harapan niyo, bahala kayo sa mga buhay niyo ha?"
Tumawa na naman siya. Hobby niya siguro 'no? "Wag ka magalit, eto naman. Naniniwala naman ako sa'yo pero, hindi pa matanggap ng sistema ko about sa pagiging Protector ko, okay?" Saka na siya tumingin sa menu. "Ano ba gusto mo?"
"Ikaw bahala. Tutal, alam mo naman kung ano ang masasarap sa luto niya, 'di ba?" Sagot ko saka siya tumungo. Papuntahin ko kaya sila ni Rico sa mansyon? Alam naman ni Uni tsaka ni Troy ang daan eh.
After sabihin ni Leandros ang mga order namin sa waiter, nilibot ko ulit ang paningin ko sa restaurant na 'to. Masasabi kong pang-mayaman ang dating niya, pero yung presyo ng pagkain dito, alam mong kaya ng isang simpleng pamilya na umorder dito.
"So, miss little weirdo." Napalingon ako kay Leandros. "Wanna tell something?"
"Ano'ng alam mo kay Bianca? I mean, close ba kayo, ganun?"
Nag-isip muna siya. "The last time na magka-usap kami, masaya naman siya kaso moody. Pero kapag nandiyan na ang asawa't anak niya, nagiging masayahin siya."
Hala, may pamilya na pala 'to.
"K-kailan pa?" Bakit nauutal ka, Soliva?!
"Hmm. Ano'ng kailan pa? 4 years old na yung anak niyang babae. Ang cute nga niya eh." Sagot ni Leandros saka siya ngumiti. "Oh, speaking..."
Sinundan ko yung tingin niya sa likod ko. And... She's here!
"Hoy!"
"Aba aba aba! Kakahiwalay lang sa fiancé mo, may iba kana agad. Magaling kang kupal ka ah!" Sigaw ni Bianca sa kanya sabay binatukan niya si Leandros.
"Hindi ko girlfriend 'to. Kaibigan lang, chef." Sabay tumingin sa'kin si Leandros. "Si Soliva, isang pre-school teacher. And, this is Mrs. Bianca Lester-Rodriguez."
"Hello, nice to meet you po." Sabi ko na lang sabay nakipag-shake hands siya. Naka-ngiti lang siya sa'kin.
"Ano'ng meron at kumain kayo dito?" Tanong ni Bianca sabay umupo siya sa tabi ko.
"Ah, naabutan kong lasing si Leandros nu'ng isang gabi sa convenience store." Sabi ko.
"Lasing? Siguro ayan yung araw ng kasal niya 'no?" Tanong niya sabay tumango si Leandros.
"And then, how do you know each other?"
"Matagal na kami friends neto ni Sol, 'di ba?" Sabay lumingon sa'kin si Leandros tapos tumango ako.
"Talaga? Eh 'di kilala mo si ex-fiancé niya?"
"Medyo." Sabay tumawa ako ng konti. Sakto din na dumating yung mga pagkain. Nag-order din si Bianca kasi hindi pa daw siya naglu-lunch.
"Girls, may tatawagan lang ako ah." Paalam ni Leandros namin sabay tumayo siya. Naiwan kaming dalawa kaya pwede ko na itanong 'to.
"Naniniwala ka ba sa mga 'aliens'? Nage-exist daw sila ngayon dito." Sabi ko na lang sabay lumingon siya sa'kin.
"Ayan din sabi nilang lahat. Tingin mo ba nakaka-takot ang mga 'yun?"
"Nakakatakot daw. Pero ang mga Zodiac Protectors lang ang makaka-talo sa mga 'yun."
Nanlaki bigla ang mga mata niya. "Sino ang mga 'yun?"
"Mga... May magical na powers na ewan ang mga 'yun." Sagot ko. Sol, ano'ng klaseng sagot 'yan?
"Talaga? Hala, kailangan na nila patayin ang mga 'yun. Kawawa naman ang mga bata kapag sumugod sila dito." Sabi na lang niya. Hindi ko naman alam kung sino si Cindy na naka-sulat sa journal book. Anak kaya niya 'yun ngayon?
"At alam mo ba na isa ka sa mga 'yun?"
Napa-tigil siya sa pag-nguya. "Huh?"
"Cancer Protector ka, Bianca. Nawala ang alaala niyo nang kinalaban natin si Harold noon."
Naka-tingin lang siya sa'kin pero naka-nganga na. "Huh?"
"Ayun, sinabi din niya." Napalingon kami kay Leandros. Habang siya, umupo na. "Ano, maniniwala ka ba sa weirdo na 'yan?"
"Kailan pa ko naging Cancer Protector?" Tanong ni Bianca.
"10 years ago. Kayo mismo ang nagsabi sa'kin dahil nawalan din ako ng memory."
"Huh?"
"Nawalan ang memories niya nang makarating siya dito sa mundo natin." Singit na lang ni Leandros. Nakaka-inis naman 'to eh!
"Wag ka nga malikot. Mas malilito si Bianca sa'yo eh." Sabi ko na lang sabay tumawa siya. "Gusto niyo bang pumunta sa mansyon?"
"Huh? May mansyon ka pa?" Tanong ni Bianca.
"Mansyon natin, Zodiac Protectors."
"Huh? Protector ka din?" Tanong ni Bianca sabay tumango ako.
"Lilipad ba tayo?" Tanong ni Leandros.
Juskopo. "Maglalakad lang tayo."
_____________
"Fey, may tao dito!" Sigaw ni Uni.
Oo, dinala ko na silang dalawa dito nang matapos na kaming kumain. Saktong din dahil nakita ko si Uni sa labas ng pinto.
"Teka, siya yung sikat na archer ah!" Sigaw na lang ni Leandros sabay tumakbo siya papunta kay Uni.
"By the way, bakit sumama 'tong kupal na 'to?" Tanong na lang ni Bianca.
"Capricorn Protector din 'yan. Kasamahan natin siya."
"Eh, ikaw?"
"Aquarius Protector." Sagot ko sabay tumingin kay Uni. "Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Uni.
"Ah, dito ako nagtra-training ngayon. Hindi ko lang sinasabi sa manager ko. Teka, isa ba 'yan sa mga kasamahan natin?" Tanong niya saka ako tumango.
"Aba, eh 'di ayos. Madami nga talaga tayo. 13 'di ba?" Tanong niya ulit saka ako tumango.
"Huh? Ang dami naman natin." Sabi na lang ni Bianca, ningitian ko siya kasi hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit 13 kami.
Maya-maya, bumukas ang main door, sumilip si Fey sa'min. "Oh, ang daming tao ah."
"Kasamahan natin sila. Si Leandros atsaka si Bianca." Sabi ko na lang sa kanya. May nilabas siyang papel, binasa niya yun tapos tumingin sa kanilang dalawa.
"Oo, si Leandros ang Capricorn Protector habang si Bianca naman ay isang Cancer Protector." Sabi na lang ni Fey.
"At ako ang Sagittarius Protector, sabi sa papel." Sabi na lang ni Uni sabay tinuro niya yung papel.
~
"Gusto niyo bang libutin muna 'to?" Tanong ni Fey nang makapasok na kami sa mansyon. Naka-nganga pa rin ang dalawa.
"Ganito ba ang mansyon mo sa kabilang mundo, Sol?" Tanong ni Leandros na, nagtaka rin sina Uni at Fey.
"Ano'ng kabilang mundo? Sabi ko nga sa'yo, dito sa mundo na 'to nage-exist ang mga Zodiac Protectors! At tayo ang mga 'yun!"
"Pero wala talaga ako maalala na naging Cancer Protector ako." Sabi na lang ni Bianca.
"Kahit kami rin naman, wala din maalala eh." Sagot naman ni Uni. "Pero, malay mo talaga na tayo ang Zodiac Protectors na sinasabi niya." Sabay turo sa'kin.
"Feeling ko naman, tayo ang mga 'yun." Sabi na lang ni Fey. "May listahan ng mga Protectors dito. Hindi naman sulat ni Sol 'to."
"Naalala ko pa nu'n si Bianca, siya ang taga-luto namin dito." Pagkasabi ko nu'n, napalingon si Bianca.
"Weh? So, meaning dito na talaga ako natira? Dati pa?" Tanong niya saka ako tumango.
"Ayun ang sinabi niyo sa'kin before. At naalala ko pa nu'n, naiirita ka pa nga kay Sabrina eh."
"Sino'ng Sabrina? Kaaway ba 'yun?" Umiling lang ako sa tanong ni Bianca.
"Nasaan si Troy?" Tanong ko.
"Pumunta sa store nila para kumuha ng gamot. Atsaka, mukhang kukuha na din ng mga damit. Ayaw na niya umuwi sa kanila. Walang damit na naka-stock dito, kakatapos pa naman naming mag-ayos ni Troy sa greenhouse."
"Wait, may greenhouse dito?" Tanong ni Bianca saka tumango si Fey. "Hala, gusto ko makita. Sumama kayong lahat sa'min" napatawa kami kaya sumunod naman kami.
~
Napahiga na lang ako sa kama ko sa sobrang pagod. Doon muna titira si Leandros kasi hindi pa siya okay. Si Bianca naman, gustong-gusto tumira sa mansyon kaso kailanhan din niya umuwi dahil may sarili na siyang pamilya. Sana naman hindi pa sumugod dito yung mga 'alien' na 'yun kundi, mamamatay na kami.
Napa-lingon ako sa phone ko nang bigla itong umilaw. May nag-chat, si Rico. Tsk, isa pa 'to. Ayaw din niya maniwala.
Rico:
Hello.
Me:
Hello din.
Rico:
Pagod ba?
Me:
Sobra! Nakita ko na sina Leandros at Bianca.
Rico:
Sino ang mga 'yun?
Me:
Si Leandros ang Capricorn Protector tapos si Bianca naman ay Cancer Protector.
Rico
Hayan ka na naman.
Me:
Bakit? Kayo naman talaga ang mga Protectors na nakasama ko.
Rico:
Kailan ka ba titigil tungkol sa mga ganyan?
Me:
Hanggang sa mamatay si Syren.
Rico:
Hay.
Me:
Sumama ka kasi sa'kin. Punta tayo sa mansyon. Makikilala mo sila.
Rico:
Huh? Mansyon?
Me:
Oo para malaman mo na kayo talaga ang zodiac protectors. Nawalan lang kayo ng memories about du'n.
Chat mo na lang ako 'pag gusto mong pumunta du'n. PERO KAILANGAN MONG PUMUNTA DUN!!!
Anytok naas me
Bjjlknjn
Niihhyt
Nayt.
Rico:
Ano'ng oras?
____________________________________
HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN KAYO?
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO
COMMENT - FEEL FREE LANG GUISE
FOLLOW - NIYO NA KO. GOOOO!!
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top