CHAPTER SIX


Virgo

> Troy Santival-Alvarez

> September 9 birthdate ko.

> Hmm. Isa na kong Pharmacist PERO! Nag-aaral ulit ako ng Med-Tech. Mali desisyon ko HAHAHAH!

> Lagpas na sa darili mo ang mga naging girlfriend ko. Sila naman ang nakikipag-hiwalay sa'kin. Type ko si Fey, no, crush ko siya 10 years ago. Pero, mukhang hindi niya ko type ngayon.

> Solong anak lang ako.

> Honestly, hindi tayo masyado nag-uusap before. Dikit ako lagi kina Leandros tsaka Fey. Pero mas madalas si Sabrina lalo na ngayon. Pero, hindi porket nawala na ang memory mo, hindi tayo pwede mag-usap. Kung gusto mo mag-tanong about sa'min, sa'kin ka lumapit. Para may pag-usapan tayo HAHAHAH!

~~

"Huh?" Ayan na lang ang nasabi ni Fey. "Mabuti naman at hindi siya tumuloy ngayon sa Hawaii." Nasa garden kami ngayon, weekend so as I promise, dito ako pupunta.

"Ang bilis niya kasi mag-desisyon kaya, ewan ko ba." Na-kwento ko sa kanya yung encounter namin ni Rico.

"Siya ba talaga ang Taurus Protector?"

"Oo naman! Sure na sure ako. Pero, alam mo ba, ibang-iba na talaga ang aura niya. Kahit ikaw din, hindi na yung aura mo noon."

Saka siya ngumiti. "Hindi ko gets."

"Hindi mo talaga ako maiintindihan kasi nawala ang memories niyo. Hindi ko nga lang naalala na nakasama ko na pala kayo 10 years ago." Saka ako yumuko.

"So, ano na plano mo ngayon?" Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

"Susuko na ko."

"Hmm. Baka wala naman talaga kalaban ang mga Zodiac Protectors? Kasi ang payapa pa ng mundo ngayon."

"Sa ngayon. Biglaan dumarating ang mga kalaban, Fey."

"Talaga? Hala, eh pa'no ako makakabili ng gamot neto?"

"Gamot?"

Saka siya tumango. "Oo, naubos na kasi. Pwede mo ba kong samahan bumili ng gamot?"

~~

"Okay lang naman na lumabas para may malanghap ka na fresh air from the city." Sabi ko habang naglalakad kami.

"Ano'ng fresh air from the city? Polluted area ang city, baka maaga ako mamatay kapag lumanghap ako dito." Saka kami tumawa. Maya-maya, napahinto kami sa isang drug store.

"Ba't walang tao dito?" Tanong na lang ni Fey. Napa-silip din ako, walang nagbabantay.

"Sandali lang ho!"

"Ayun, may sumigaw na lalaki sa loob." Sabi na lang ni Fey. Teka, familiar sa'kin 'yung boses na 'yun.

"Naku, ma'am. Sorry po sa pag-aantay. Nag-cr lang." Si ano 'to 'di ba?

"Okay lang. Meron ba kayo neto?" Tanong ni Fey sabay inabot niya yung reseta. Hindi ako nagkaka-mali.

Si Troy 'to!

"Meron ma'am. Wait lang po ah." Sabi na lang niya tapos naghanap na siya.

"You know him?" Tanong ni Fey saka ako tumango. "Same here."

"Ha?! Kilala mo siya?!" After ko sabihin 'yun, tumango si Fey. Sakto din ang pagbalik ni Troy at binigay 'yung gamot.

"Kailan ka pa umiinom neto?" Tanong ni Troy kay Fey.

"Almost a month na din." Sagot naman niya.

"Kailan pa kayo magkakilala?" Bulong ko kay Fey.

After niya iabot ang bayad, saka siya lumingon sa'kin. "Classmate ko siya nu'ng college kami. Parang dalawa or apat na beses ko siya naging classmate."

"Bagong friend mo?" Bigla na lang tanong ni Troy.

"Yup. Si Soliva, pre-school teacher sa school ng pamangkin ko ngayon."

"Nice. Kain na din tayo, nandito na din yung kapalitan ko. Libre ko na." Sabi na lang niya. Ohmygosh. Totoo ba 'to? Magkakilala nga talaga sila.

__

Nandito kami sa isang restaurant malapit sa isang mall. Tahimik lang kami kumakain. Mukhang hindi niya maalala na isa siyang Virgo Protector. At magkakilala lang sila ni Fey nu'ng college.

"Okay ka lang Sol?" Napalingon ako kay Fey pati na rin kay Troy na naka-tingin na sa'kin.

"Ah! Oo, okay lang ako. May iniisip lang." Saka ako sumubo, pa'no ko tatanungin about sa protectors?

"Pa'no pala kayo nagka-kilala ni Fey?" Napa-angat ang tingin ko kay Troy.

Hala. Iku-kwento ko ba 'yung inventing story ko?

"Kasi-"

"Nagka-usap kami sa school ni Helly." Singit agad ni Fey.

"Bakit? Siya ba ang teacher ni Helly?"

"Hindi. Bumi-bisita lang si Sol sa room ni Helly. Nagkataon na nagbayad ako ng tuition, kausap ni Sol si Helly." Agad naman napa-tango si Troy. Lumingon ako kay Fey, tapos etong si Fey, kinindatan ako. She saved me!

"Teka lang, cr lang ako." Saka tumayo si Troy at umalis.

"Nababaliw ka na talaga Fey." Pagkasabi ko nu'n, agad siya tumawa.

"Natataranta ka na Sol. Teka, pa'no mo nakilala si Troy?"

"Virgo Protector 'yan." Nanlaki agad ang mga mata ni Fey.

"Hala, bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?" Bulong niya.

"Eh kasi, ang saya ng usapan niyo. Atsaka, mukhang hindi niya maalala na isa siyang Virgo Protector. Parang sa'yo."

"Gusto mo itanong ko sa kanya about sa 'aliens'?" Tanong niya sabay tumango na ko. Sakto din na dumating si Troy.

"May weird akong itatanong sa'yo, Alvarez." Nang sabihin iyon ni Fey, napa-inom ako ng tubig.

"Fey, weird ka na talaga simula nu'ng college tayo." Saka siya tumawa. "Joke, ano ba 'yun?"

"Naniniwala ka talaga na nage-exist ang mga 'aliens' ngayon?"

Saglit lang siya napatingin kay Fey. "Ang dami ko na nababasa na mga blogs about diyan. Yung hitsura daw nila, parang bigger version ng bubuyog 'di ba?" Napa-tango naman ako.

"Maniniwala lang ako kapag nakita ko na sila." Dagdag pa niya.

"Eh, naniniwala ka ba na nage-exist ang mga Zodiac Protectors?" Tanong ko.

"Hoy." Si Troy, "tumutulad ka na rin kay Fey ah. Pero, baka nga nage-exist talaga sila. Kasi hindi pa naman sila kumakalat dito. In some areas lang. 'Di ba sila ang makaka-patay sa mga 'yun?" Saka ako tumango. Lahat tayo makaka-patay sa mga 'aliens' na 'yun Troy. Nakalimutan niyo lang.

"Eh, pa'no kung nalaman mo na isa ka sa mga Protectors?" Napalingon ako sa tanong ni Fey.

"Hmm. Eh 'di masaya. Kaso, wala naman ako kapangyarihan. Pa'no mangyayari iyon?" Sagot naman ni Troy na, napa-ngiti kami ni Fey.

"Hoy, number mo nga Fey." Sabi na lang ni Troy nang matapos na kami kumain.

"Iwas muna ako sa phone, Troy."

"Huh? Bakit ba?" Ningitian na lang siya ni Fey. Friends naman sila pero bakit ayaw niya sabihin na may sakit siya?

"Tsk. Madamot ka pa rin 'no? Sa'yo na nga lang Sol. Number mo?" Saka niya inabot yung phone sa'kin. Binigay ko naman yung number ko.

"Same lang ba kayo ng tinitirahan ngayon?" Tanong ni Troy sa'min.

"Yup. Kaya kung may kailangan ka, i-text mo lang si Sol. Magka-lapit lang kami ng tinutuluyan ngayon." Sagot ni Fey.

"Nice nice." Sabi na lang ni Troy.

"Hindi ka talaga nag-aaral ngayon?" Tanong ko bigla sa kanya.

"Huh? Nag-aaral? Tapos na ko mag-aral. Isa na kong pharmacist ngayon. Yung drug store na pinuntahan niyo, sa'min 'yun." Sagot ni Troy. Pero, nakalagay sa journal book na nag-aaral siya ng med-tech.

"Dito na ko. Hoy Fey! Magkikita pa tayo ah! Nice to meet you teacher Sol!" Sigaw niya sabay tumakbo na siya.

"Ingat ka!" Sigaw namin sa kanya.

"Alam mo bang type ka ni Troy dati." Sabi ko na lang sa kanya habang naglalakad papuntang mansyon.

"Huh? Kahit noon, type niya ko?"

Napalingon ako sa kanya. "Bakit?"

Saka siya ngumiti. "Ang weird lang kasi nu'ng graduation namin, nag-confess siya na gustong-gusto niya ko. I rejected him dahil... Wala lang." Saka siya tumawa.

Ang galing! Tumugma sa sinabi ni Troy!

"Pero, okay naman siya 'di ba?" Tanong ko saka siya tumango. "Bakit ayaw mo sa kanya?"

"Hindi naman sa ayaw ko. Parang ayaw ng tadhana na maging kami, ganun na feeling. Atsaka, feeling ko may nag-iisang babae na mababaliw sa kanya." Sabi na lang niya. Inaalala ko kung may nabanggit ba siya sa journal book. Parang wala naman. Or baka isa du'n sa napunit?

Madilim na nang makarating na kami sa mansyon. Nag-decide ako na dito muna matulog since long weekend naman. At, wala din si Trisha. Nandito ako ngayon sa naging kwarto ko noon. Nakaka-miss din pala kahit na hindi ko sila naalala.

"Sol?"

Napalingon ako sa pinto. "Bakit?"

Pumasok siya at umupo sa tabi ko dito sa kama. "Okay lang ba kung sabihin natin kay Troy na siya ang Virgo Protector?"

"Bakit ka nagpa-paalam? Kailangan niya talaga malaman na siya ang Virgo Protector. Pero..."

"Pero ano?"

"Pero baka kung ano'ng gawin niya kapag nalaman niya about du'n. Or, ewan ko lang. Kasi hindi ko talaga siya kilala mula nu'ng dumating ako dito."

"What do you mean?"

Huminga ako nang malalim. "Nu'ng mga oras na 'yun, parang nagising na lang ako na nandito ako sa mansyon. Lahat kayo masayang kumakain. Nu'ng nagsisigaw ako, inangat ako ni Dorothea tapos nawalan na ko ng malay."

"Sol, wala naman kaming kapangyarihan."

"Ayan din ang alam ko nang magising ako dito sa kwartong 'to. Pero, kusa na lang lumabas ang kapangyarihan ko sa tulong ninyong lahat." Tinignan ko si Fey nang diresto. "Baka ganun ang gawin nila sa'tin para matalo natin si Syren."

Napatahimik lang si Fey matapos kong sabihin 'yun. "Pero, kulang pa kami 'di ba?" Tanong niya sabay tumango ako.

Sana naman mahanap ko na sila bago kami atakihin ni Syren.

~~

HI. HELLO. KUMUSTA?

IPAGDASAL PO NATIN ANG ATING BANSA DAHIL ANG SHIT NA PO TALAGA NG SISTEMA. HEHE.

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - JUST FEEL FREE GUISE

FOLLOW - NIYO KO. HIHI

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top