CHAPTER SEVENTEEN

Soliva's POV

Libra

> Karen Marie Hernandez-Olina

> 3rd of October :)

> Former Customer Service Representative kaso tinamad na ko so, I resigned. Ako na ang nagbabantay/nagma-manage ng flower shop namin.

> Hmm. Wala eh, bakit? May ire-reto ka?

> Maraming nangyari sa'tin 10 years ago. Una na diyan is yung pagkikita natin sa gitna ng gubat, sisihin mo si Dorothea. Isipin mo na nasa loob ka ng bahay ni kuya, ganun ang scenario natin. Plus, pinag-training pa tayo. Ginawa natin yun para mapalabas ang mga kapangyarihan natin, kaso nung huling training natin namatay si Harold at pinasukan na tayo ng kalaban natin. Pero 'wag ka, buhay si Harold nu'n at binalikan tayo. Kaso nu'ng huling labanan natin kay Diemon, namatay si Fey. Kaya ang nangyari, ako ang naging Pisces Protector nu'ng mga oras na 'yun. Hindi ko alam kung pa'no nabuhay si Fey, siguro dahil sa necklace na binigay niya sa'kin. After nu'n, nalaman ng mga tao na nage-exist ang mga Zodiac Protectors. Hinahanap na nila tayo until now kaya naman, don't tell to others na isa ka sa mga 'yun. Okay? :)

Buti pa 'tong kakambal niya, ang haba ng sinabi.

Binasa ko na lang yung journal book tutal maga naman ang mata ko kakaiyak kanina. Pero...

Kinuha ng kalaban si Harold? At namatay si Fey? Ang weird lang kasi kinuha din ng kalaban si Harold. So dapat namatay din si Fey? Kaso... Niligtas daw kami sabi ni Ariusa.

Bakit kaya nangyayari ang mga 'to?

~~~~

So, nasaan kaya si Karen ngayon?

Joke, nasa Baguio daw siya ngayon sabi ni Kevin. Binigay naman niya sa'kin yung contact number niya pero, mas maganda kung personal ko siyang kakausapin. At para na rin madala ko siya sa mansyon. Si Harold na lang talaga ang problema ko ngayon.

"Sol, mauna muna ako ah." Sabi na lang ni Trisha sa'kin at kaagad naman siya lumabas ng faculty room. Uwi na ba ako? Or daan muna ako sa mansyon?

Uwi na lang siguro ako.

"Oh my god! Ano 'yan?!"

Napalingon ako sa boses na 'yun. Kakalabas ko lang ng gate ng school. Nakita ko ang isang babae, may tinuro sa langit. Tumingin naman ako at... Meteor ba 'to?

Hindi.

Blue flame 'to. Hindi ko alam kung saan 'to pupunta pero I'm sure hindi dito sa area namin. Para lang siya dumaan at nag-landing sa ibang lugar. Saka na lang ito sumabog.

Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang-kita namin yung kapal ng usok na akala mo, sumabog ang Taal Volcano.

"Hala! Meron pa!"

Napalingon ako sa langit at meron pa nga! Tatlong blue flame na paparating. Doon din papunta pwera lang 'tong isa.

Hala! Dito sa area namin papunta!

"Lumayo na kayo!" Sigaw ng mga guard sa'min. Mabuti na lang half-day ang mga students ngayon. Kaagad naman nag-takbuhan ang mga tao dito pwera lang si ate dito na nasa tabi ng poste.

"Miss!" Sigaw ko saka ko siya hinila. Naka-yuko siya habang naka-takip ang mga tenga niya. "Tara na." Saka na kami tumakbo.

Sinilip ko yung blue flame, pabagsak na nga siya dito pero sana hindi tumama sa mga tao lalo na sa school. Shaks!

"Ate, sa'n niyo po ako dadalhin?"

"Hindi ko alam miss basta sa-" Napahinto ako nang makita ko ang mukha niya.

No way! High way!


Si Karen pala 'tong hinihila ko?!


"Saan miss?" Tanong niya. Naka-nganga ata ako.

"Hindi ko alam. Basta malayo sa blue flame na 'yan!" Sigaw ko tapos tumakbo kami. Kainis, 'alien' kaya ang gumawa neto?

Hindi ko alam kung saan 'tong lugar na 'to, nasa isang eskinita. Pero safe naman kami dahil bumagsak na yung blue flame, rinig na namin yung pagsabog. Tinignan ko si Karen, naka-takip pa rin ang tenga at naka-yuko.

Sa isang ordinaryong tao, nakakatakot talaga na makarinig ng pagsabog. Pero kung isa ka nang Zodiac Protector, malamang sanay na ang tenga mo sa mga ganun tunog. Kaya naiintindihan ko siya.

"Wag ka matakot miss, I mean Karen, wala na yung pagsabog na 'yun." Sabi ko na lang sa kanya.

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya sa'kin. "Kilala mo ko?"

Tumango ako. "Matagal na kitang kilala, kayo ng kakambal mo."

"Pa'no mo nalaman na may kakambal ako?"

"Eh, kakasabi ko lang na matagal ko na kayo kilala. Kaso, kinalimutan niyo lang ako. Soliva ang pangalan ko." Saka ako ngumiti sa kanya.

"Sorry Soliva kung nakalimutan kita. Pero, nice to see you again." Saka siya nakipag-shake hands sa'kin. Sana hindi siya nag-sorry, hindi naman niya kasalanan kung bakit nakalimot siya eh.

Maya-maya, napatigil siya sa pakikipag-shake hands sa'kin. Parang may nakita siya na ewan sa likod ko. "Soliva..." saka niya tinuro.

Lumingon naman ako at... ANAK NG BUBUYOG NA HINAYUPAK NA EWAN!

May 'alien' dito! Naka-tingin sa'min! Isipin mo isang malaking na bubuyog na ewan ang naka-tingin sa'yo. Kainis, kadiri talaga hitsura neto! Maya-maya, may nabubuo siyang parang laser beam na ewan. Parang ganito yung nakita ko nang naka-harap ako kay Silex.

"Soliva!" Sigaw na lang ni Karen na nasa likod ko nang tumira na ang 'alien'. Masyadong maliwanag kaya hinarangan ko ang palad ko at pumikit. Pero...

"Ma-may kapangyarihan ka ba?" Tanong na lang bigla sa'kin ni Karen. Nilingunan ko siya, may tinuro, sinundan ko naman yung tinuro niya at...

"What the." Ayan na lang ang nasabi ko. Yung laser beam ng 'alien', naka-freeze at the same time, unting-unti na din nafe-freeze ang 'alien' hanggang sa nabalot na siya ng yelo.

Tinignan ko yung palad ko, umuusok na lang siya na parang galing sa freezer. Medyo ramdam ko yung lamig kaya ang gaan sa pakiramdam. Bumabalik na ba ang kapangyarihan ko?

"Soliva." Hala, nakita ni Karen 'yun. Lumingon ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya.

"Makinig ka." Bulong ko. Tumingin muna ako sa langit, baka kasi may 'alien' pa na naka-silip sa'min. "Kilala mo ba ang mga Zodiac Protectors?"

Tumango siya. "Binanggit sa'kin 'yan ni Kevin after mamatay ni Ann."

Tinignan ko ulit ang paligid ko. Dead-end naman 'to kaya wala naman makakarinig. "Ako, kayo ng kapatid mo ang mga Zodiac Protectors. Nakalimutan niyo lang ang mga nangyari 10 years ago. Isa din ako sa nakalimot pero, hindi ko lang naalala ang mga nangyari nu'ng teenagers pa lang tayo." Bulong ko.

"Ano?"

"Tayo ang mga 'yun. Tayo lang ang makakapatay sa mga 'alien' na 'yan." Saka ko tinuro yung 'alien' na sakto din ang pagkakabagsak niya.

"Pero ikaw lang ang nakapatay diyan eh." Sabi na lang niya.

"Oo pero kasama kayo ni Kevin sa papatay sa mga 'alien' pati na rin kay Syren."

"Syren?" Tanong na lang niya. Huminga na lang ako nang malalim. Kaya mo yan, teacher Sol.

~~~~

"Ano? Nangyari talaga 'yun Miss?" Tanong na lang ni Troy. Dinala ko na ang kambal dito sa mansyon. Nagulat na lang ako dahil pagpasok namin, kumpleto sila.

Tumango naman si Karen. "Kitang-kita ko sa mga mata ko na nag-yelo yung 'alien' na 'yun."

"Ibig sabihin, ayun ang kapangyarihan mo Sol?" Tanong ni Uni saka ako tumango. Nasa tabi ko ngayon si Niel, diretso lang ang tingin niya kay Uni.

"Hoy." Bulong ni Niel. "Siya ba talaga fiancé ko?"

"Oo." Sagot ko na lang tapos tinignan ko si Uni. "Former fiancé mo pala." Saka ko tinuro si Niel.

"Oh? Hello sa'yo fuckboy." Sabi na lang ni Uni.

Nanlaki agad ang mga mata ni Niel. "Hoy, hindi 'no. Sino naman ang nag-kwento sa'yo?"

Hindi sumagot si Uni pero tumingin siya kay Sabrina na naka-ngisi ngayon.

"Naniwala ka naman sa mga kasamahan ko?" Tanong na lang ni Niel.

"Rumors are just rumors. Pero, mukhang totoo naman kasi lalo na nu'ng dinala mo yung pokpok mong engineer." Sagot na lang ni Sab. Hindi na lang umimik si Niel.

Napa-tingin ako kay Fey na nagbi-bilang sa'min. "Isa na lang ang kulang, maku-kumpleto na tayo. After nu'n, ano na ang next?"

"Hindi ko alam. Hindi ko na naka-usap si Ariusa eh."

"Teka?" Si Rico. "Yung Ariusa ba na nakita mo, siya ba ang dahilan kaya kami nakalimot?"

"Hindi ko alam. Pero ang sabi niya si Pis ang gumawa nu'n. Pero, hindi ko pa rin alam kung bakit-" Napahinto ako at tumingin kay Rico. Sandali...

Muntikan na din mawala ang mga alaala niya nu'ng dumating si Silex. At ang naka-alis lang nu'n ay sina Ariusa at Prico. Ibig sabihin...

"Bakit?" Tanong na lang ni Rico dahil naka-tingin lang ako sa kanya.

"Tama!" Sigaw ko na lang at napatayo na din. Kaagad naman nila kinugalat.

"Okay ka lang Sol?" Tanong ni Bianca.

"Sila. Sila ang magpapa-alala sa inyo ang mga nangyari sa inyo noon. Na kayo talaga ang mga Zodiac Protectors." Sabi ko na lang. Tama ako 'di ba?

"Sinong sila?" Tanong ni Leandros.

"Ang mga may-ari ng Elements. Elements kung bakit may mga kapangyarihan tayo."

"Ikaw lang ang may kapangyarihan, Sol." Sabi na lang ni Kevin, tumango naman si Karen.

Umiling lang ako. "May mga kapangyarihan kayo. Hindi niyo lang nailalabas. Hindi ko alam kung bakit lumabas ang kapangyarihan ko kanina."

Tahimik lang sila na naka-tingin sa'kin. Mukhang ayaw na naman nila maniwala kaya umupo na lang ako. Nakaka-dismaya talaga ang mga reaction nila.

"Anyway..." Napalingon kami kay Karen. "Kasal ko na next week. Lahat kayo pupunta ah."

"Teka teka." Si Kevin. "Ang bilis naman? Atsaka, hindi ko pa kilala yung mapapangasawa mo."

"Surprise na lang sa'yo. Pati na rin sa inyo." Sagot niya habang naka-ngiti sa'min.

"Clue na lang kung sino siya." Sabi na lang ni Paulo.

Sandali muna siya nag-isip. "Basta, magiging Mrs. Garcia ako next week."

"Tsk. Common surname naman niyan." Sabi ni Leandros saka kami tumawa.

Ang dami naman nag-asawa sa grupong 'to. Kainis. Sana all.


Dorothea's POV

"Ano?! Imposibleng mangyari iyon, mahal na reyna!" Sigaw ko kay Pis. Kakagising ko lang tapos ayan agad ang bumungad sa'kin. Nakakaloka!

"Tsk. Ingay mo talaga." Bulong ni Arose na narinig ko din.

"Natural na mangyayari iyon, Dorothea. Kailangan lang natin pigilan 'yun." Sabi na lang niya habang naka-ngiti sa'kin. Nilibot ko ang kwartong 'to. Nasaan ba ako?

"Ano'ng klaseng lugar ba 'to?" Tanong ko sa kanila. At, bakit sila lang ang nandito? Si Darren, tulog na tulog sa kabilang kama.

"Saka ko na sasabihin sa'yo ang mga nangyari. Pero sa ngayon, kailangan na natin puntahan ang mga 'yun." Sagot ni Pis.

______________________

HI. HELLO. KUMUSTA?

HELLO PO SA MGA FAN NG SEVENTEEN HEKHEK

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - KUNG FAN KAYO NG SEVENTEEN

FOLLOW - NIYO KO GOOOO

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top