CHAPTER SEVEN
Soliva's POV
Sinabi ko na kay Troy about sa pagiging Virgo Protector niya. As I expected, hindi talaga siya naniniwala.
"Imposible talaga 'yan, teacher Sol." Napa-ngiti ako sa kanya about du'n sa "teacher Sol" niya. "I mean, hanggang fiction books lang ang mga ganyan."
"Ako rin naman, ayoko din maniwala nu'ng una. Pero, kayo mismo ang nagpalabas sa'kin ng kapangyarihan ko before."
"So kailangan ko bang maniwala tungkol diyan?" Saka ako tumango.
"Actually, tatlo na kayo na nahanap ko. Si Fey, isa siyang Pisces Protector."
Nanlaki agad ang mata niya. "Ha?! Si Domingo, protector din?" Naka-ngiti ako habang tumango. "Wow!"
Tama naman 'tong ginawa ko na ipaalam ko sa kanya about du'n. Pero, hindi ba tama na nag-uusap kami dito sa drug store niya? Partida, hindi pa niya ako pinapasok sa bahay niya na nasa gilid lang naman ng store nila.
"Kung ganun nga, nasaan si Fey? Nandoon sa condo unit niya?"
"Nandu'n sa mansyon natin."
"Ha? Mansyon? As in literal na mansyon?!"
Tinignan ko siya nang diretso. Buti walang harang dito sa store niya. "Gusto mo makita 'yung mansyon natin?" Bulong ko.
Bigla na lang lumapit yung mukha niya sa'kin kaya napa-atras ako. "Mamaya, 'pag dumating na 'yung kapalitan ko dito." Bulong din niya saka siya lumapit. Umalis siya at binuksan ang t.v. "Manood na lang tayo ng news muna."
"Samantalang, pang-limang trophy ang naiuwi ng ang ating pambato sa archery na si Uni Sacrinto."
Uni? Medyo familiar 'yun sa'kin ah. Napalingon ako sa t.v. at... Nasaan ang mukha ni Uni?
"Tch. Bakit ba tungkol sa sports ang naaabutan ko?" Pipindutin na niya sana ang off button ng remote nang pigilan ko 'to.
"Wag mo io-off!" Sigaw ko.
"Eh 'di hindi ko io-off! 'Wag mo ko sigawan!" Saka niya binitawan 'yung remote. Puro ibang players ang pinapakita, si Uni ba talaga ang narinig ko or ka-pangalan niya?
"Bakit ba? Mahilig ka din ba sa sports?" Tanong ni Troy sa'kin.
"Si Uni, kasamahan natin 'yun."
"Ha? Sino diyan?" Saka siya napatingin sa t.v.
"Teka, ang daming chuchu netong reporter na 'to-Hayun si Uni!" Sigaw ko sabay tinuro ko na talaga yung t.v. nang malaman ni Troy kung sino siya. Limang medal ang suot niya at isang malaking trophy ang hawak niya.
"Wow! Sure 'yan na malakas siya 'no?" Nag-kibit balikat lang ako. "Sure 'yun. Imagine, lagi siyang champion! Pambato 'yan ng bansa natin 'no."
Napalingon ako sa kanya. "Fan mo siya 'no?" Saka ko siya ningisian.
"Eh.." napa-kamot sa ulo ang Virgo Protector. "Saktong fan lang kasi magaling siya."
"Pa'no ko kaya siya kakausapin? Feeling ko, mahihirapan akong i-approach siya. Sikat na sikat talaga siya ngayon oh!" Sabay turo ko sa t.v. na ini-interview si Uni ngayon.
______
"So, heto na nga po ang mansyon ng Zodiac Protectors." Saka ko binuksan yung pinto. "Pasok!"
Mas lalo lumaki ang mga mata ni Troy nang pumasok na siya. After namin mapanood 'yun sa t.v., sakto din na dumating yung kapalitan niya kaya pumunta kami dito. Inilibot niya ang paningin niya sa buong living area. Amaze na amaze ang loko.
"Gosh, dito ba tayo nakatira noon?" Tanong na lang niya na hindi pa inaalis niya ang ngiti niya.
"Oo, 10 years ago daw naka-tira na tayo dito." Nang sabihin ko 'yun, napatingin si Troy sa'kin. "Bakit?"
"Nag-"daw" ka. Meaning hindi ka sigurado?"
"Kasi-
"Kasi wala siya maalala." Napalingon kami kay Fey na naka-apron siya ngayon. "Nauna siyang mawalan ng memorya tungkol sa pagiging Aquarius Protector niya."
"Huh?" Tanong na lang ni Troy.
"Nabura ng kalaban natin ang memorya niya about sa pagiging protector niya. Ganun din siguro ang nangyari sa'tin." Saka siya ngumiti. Halatang nalilito pa rin siya.
"Maniwala ka na lang kay Soliva, hindi naman niya tayo i-istorbohin kung hindi naman totoo ang tungkol du'n."
"Ibig sabihin, naniniwala ka talaga na nage-exist ang mga Zodiac Protectors?" Tanong ni Troy saka naman tumango si Fey. Bigla na lang dumukot si Fey sa bulsa niya at may nilabas siyang naka-fold na papel.
"May nakita ako sa drawer ko, ewan ko kung sino ang nagsulat neto pero." Saka siya naglakad papunta sa'min. "Listahan 'to ng mga protectors." Saka niya inabot kay Troy. Tinignan ko naman yung papel, hindi ko naman sulat.
"Hala, nandito talaga yung pangalan ko!" Sigaw ni Troy sabay tinuro niya yung papel kung saan naka-sulat ang name niya. "At, nandito din ang name mo Fey. Ikaw si Soliva, 'di ba?" Tanong niya saka ako tumango.
"At, nandito din yung pangalan ni Uni." Dagdag pa niya. Speaking, pa'no ko siya kakausapin? Tsk!
~
"May nakita ka na ba ngayon araw na 'to?" Tanong ni Fey saka ako tumango. Dito na kami nag-dinner ni Troy, tama lang pala dahil gutom na gutom na kami. "Si Uni, yung nagpa-pana."
"Hmm? Si Miss Archer pala." Sabi na lang ni Fey saka ako tumango at uminom ng juice.
"The best ka talaga mag-luto Fey." Singit ni Troy. "Bakit ba dito ka nakatira ngayon?"
"Ayoko lang sa city." Saka siya sumubo.
"May sakit ka ba?" Napahinto siya sa pagsubo ng kanin at tumingin sa kanya nang diretso. Then, she smiled.
"Cancer?" Tanong ulit ni Troy. Saka naman tumango si Fey.
"Pa-stage 1 pa lang kaya gagaling pa ko." Sabi na lang ni Fey saka siya ngumiti. Kung sabagay, malalaman naman ni Troy yung sakit niya dahil sa gamot na binili namin sa drug store niya.
"By the way." Si Troy na napalingon kami sa kanya. "Laging may pa-fan meeting si Uni. Check mo sa official website niya yung date tsaka yung lugar kung saan magaganap yung fan meeting niya." Saka ako tumango at tinuloy yung pagkain ko.
"Tsaka, hoy Domingo. Dadalhan kita ng gamot dito. Sasabay ako kay Sol para bisitahin ka dito tsaka, 'pag may free time ako, mago-overnight ako dito tutal may kwarto naman 'di ba?" Sabi na lang niya saka ako tumango. Salamat naman at may kasama na Fey.
______
Sagittarius
> Maria Unica Victor-Sacrinto a.k.a. Uni
> December 5th
> Occupation? Archer ako. So, pa'no 'yun? Char, agent ako sa America kasama si Vicky, fiancé ni Leandros. Pinapa-punta lang kami doon kapag may meetings, or special assignment na medyo malapit 'yun dito sa bansa. Kumikita pa naman ako don't worry.
> Status? HAHAHA! Ikakasal na ko kay Niel.
> Solong anak lang.
> Hindi tayo close na close kasi 10 years ago, nagfo-focus talaga ako sa paga-archery. Tapos sumingit pa si Niel sa buhay ko, joke. Marami tayong pinagdaanan noon Sol. Kung maalala mo man, mabigat siya para sa'tin dahil mga teenagers pa lang tayo nu'n kinalaban natin si Diemon. Nakaka-trauma siya promise. May part pa du'n na nakuha ni Diemon si Harold at namatay si Fey. Pero, salamat naman dahil natalo natin siya. Okay lang kung hindi mo naalala ang mga nangyari. Gagawa tayo ng masasayang memories kasama sila, okay?
Binasa ko muna ang journal book na 'yun bago ako pumunta sa fan meeting event ni Uni. Nakakaloka, umabsent lang ako para dito at, nagbayad pa ko. Kailangan ko pa mag-register sa website na 'yun para maging member. Kasi may discount daw 'pag member ka, sayang naman 'di ba?
Maraming supporters si Uni, halos mga babae na teenagers at mga ka-edad ko ang pinaka-marami. Siguro 'yung iba dito, aspiring archer din. At infairness, ang tagal niya magpakita!
"Miss Soliva?"
Napalingon ako sa likod. Hala! "Rico?"
Tumango siya at nag-smile. "Fan ka pala ni Sacrinto."
Fan ka ba talaga, Sol? "Ah. Hehe. Ikaw, bakit nandito ka?"
"Ah, magkikita kasi kami ng friend ko nu'ng college. Manager siya ni Uni kaya dito ako pinapunta."
"Weh? Ibig sabihin, ilang beses mo na nakikita si Uni kung friends kayo ng manager niya?" Tanong ko saka siya nag-nod. Naku po, baka marinig ng mga Uniranious; uhm... Fandom name daw. Kaya naman tinulak ko siya papalayo sa crowd.
"Pwede mo ba ako papuntahin kay Uni? Hindi talaga ako fan niya, but I know her eh. Gusto ko lang siya maka-usap."
"Close ba kayo ni Uni?"
Umiling lang ako. "Naalala mo yung sinabi ko sa'yo about sa Zodiac Protectors? Isa siyang Sagittarius Protector kaya-"
"Ayan ka na naman, Sol. Imposible talaga 'yang sinasabi mo about sa Zodiac Protectors."
"Nasa sa inyo na 'yun kung maniniwala ba kayo o hindi. Basta sinasabi ko lang na may kalaban na gustong sakupin ang mundong ito. At tayo lang ang mkakatalo sa kanya, mga Zodiac Protectors, tayo 'yun." Sabi ko sa kanya. Seryoso siyang naka-tingin sa'kin.
"What if kung hindi siya naniwala?"
"Eh 'di hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo." Pagkasabi ko nu'n, agad niya ko hinala at ewan ko kung saan kami papunta.
"Hoy, ano'ng ginagawa mo?"
"Hindi ko alam kung saan ang dressing area nila. Nandu'n panigurado si Uni pati ang manager niya." Napa-ngiti agad ako sa sinabi niya. He helped me.
Maya-maya, napahinto kami sa isang tent kung saan may palabas-pasok na mga tao. May lumabas na isang lalaki at naka-ngiti dito sa'min.
"Hoy Mr. CPA, kumusta naman?" Pumunta siya sa area namin tapos niyakap siya.
"Okay lang pre. Teka, nandiyan ba si Uni? Gusto kasi niya kausapin eh." Saka ako tinuro ni Rico.
"Teka, fan ka ba? Naku, bawal ka pumasok basta-basta."
Umiling lang si Rico. "Best friend niya 'yan. Atsaka, si Uni nagpapunta sa kanya dito." Saka niya ako ningitian. Ang gwapo niya talaga.
"Talaga? Parang wala naman sinabi si Uni sa'kin ah. Pero sige. Pero miss, saglit lang ah kasi magsa-start na kami."
Saka ako ngumiti sa manager. "Okay po! Thank you!" Agad ako tumakbo papunta sa loob ng tent. Nakita ko siya, umiinom ng tubig habang nagpo-phone.
"Uni?"
Agad siya lumingon sa'kin. "Oy, hello. Teka, isa ka ba sa mga tao sa labas?"
"Hi-hindi ah. Actually, matagal mo na kong kilala. Pero, alam kong hindi mo na ko maalala."
"Talaga? Ano ba name mo?"
"Soliva. Soliva Berlgin." Saka ko siya ningitian.
"Uni! Oras na!" Sigaw ng staff ata sa labas ng tent. Hala, hindi ko na siya makaka-usap!
"Ay, oo!" Uminom ulit siya at tumayo. Lumapit siya sa'kin at inilahad ang kamay. "Ibibigay ko sa'yo yung number ko. Pahiram ng phone." Agad ko naman nilabas at binigay sa kanya.
After niya i-type, naka-ngiti lang siya nang iabot sa'kin. "Text or call mo ko 'pag may free time ka. 6 months lang ako dito sa Pilipinas kasi magta-traning ulit ako sa States." Saka ulit siya ngumiti. "See you." At lumabas na siya.
Grabe, isa talaga siyang superstar.
________________
HI. HELLO. MUSTA?
SANA OKAY LANG KAYO :)
VOTE - KUNG OKAY LANG SA INYO
COMMENT - FEEL FREE HEKHEK
FOLLOW - NIYO KO
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top