CHAPTER ONE

Soliva's POV

Naka-dungaw lang ako ngayon sa bintana. Buti weekend na, nakaka-pagod mag-trabaho. Pero mas nakaka-pagod mag-isip kung ano'ng gagawin ko matapos ko malaman 'yun.

Wala ako maalala na isa akong Aquarius Protector 10 years ago. Pero natatandaan ko pa kung pa'no ko nakita si Ariusa mula sa painting, nilabas ang kapangyarihan ko, kung pa'no namatay si Storm tapos naging kalaban namin si Harold. Huling nakita ko lang, may paparating na apoy sa'min. Naka-tayo lang si Fey sa harapan namin. Napa-pikit na lang ako nu'ng mga oras na 'yun at boom, nag-iba ang lahat.

Soliva, ayun ang kapalit ng pagligtas ni ate Pis sa inyo, ang makalimutan ang nangyari lalung-lalo na sa pagiging Zodiac Protectors nila.

Niligtas pala kami ng mama ni Fey. Pero bakit ganun ang nangyari?

Wala na silang kapangyarihan. At ikaw lang ang magpapagising sa kanila.

Ako daw ang magpapa-gising sa kanila? Ano ba gigisingin ko? Kapangyarihan nila? Hindi ko nga malaman kung ano ang kaya kong gawin, sila pa kaya?

Umalis na lang ako sa bintana, pumunta na lang sa table ko dahil gagawa ako ng lesson plan.

Kukuha na ako sa mini book shelve ng libro nang may napansin ako na kakaibang libro. Not sure kung libro ba talaga 'to kasi makapal yung cover pero hindi ito gaano makapal.

Binuklat ko naman at eto ang nakalagay sa first page:

Zodiac Protectors
Aries
Taurus
Gemini
Cancer
Leo
Virgo
Libra
Scorpio
Sagittarius
Capricorn
Aquarius
Pisces

Wait, pa'no ako nagkaroon neto?

AY!

Alam ko na kung kanino 'to galing! Kay Caday! Rico Caday! Yung accountant nila na maganda yung ngiti. Shax.

Sabi niya, mga basic info daw ito tungkol sa kanila. Hindi ko rin alam kung ano ang silbi neto hahaha. Pero, maniniwala ako na may silbi din ito balang araw. Binalik ko ulit sa book shelve at sinimulan ko na ang pag-gawa ng lesson plan.

"Sol!" Sigaw ni Trisha mula sa kusina.

"Bakit?"

"May idea ka ba kung sinu-sino ang mga Zodiac Protectors?" Napatigil ako sa pagsusulat. Naka-open lang yung pinto ng kwarto ko kaya naririnig ko siya.

"Ba't mo sa'kin tinatanong 'yan?" Tanong ko nang maka-labas na ko ng kwarto at kumuha ng tinapay.

Lumapit si Trisha sa'kin tapos may pinakita siya sa phone niya. "They are so active pero hindi sila nagpapa-kita." Sabi niya.

According sa headline na nakita ko sa phone niya, may tinalo sila na mga 'alien' sa Batangas. Medyo malapit na rin yun dito sa Manila. Sino kaa ang gumagawa ng fake news na 'to?

"Baka hindi naman talaga Zodiac Protectors ang tumalo sa mga 'yan. Baka nagpapanggap lang ang mga 'yun."

"Waaa! Tss, gusto ko lang naman sila makilala. Alam mo ba, simula nu'ng nag-exist sila sa mundong 'to, gusto ko na makipag-kaibigan sa kanila. Lalo na siguro du'n sa Taurus Protector."

"Taurus Protector? Ano meron sa kanya?" Sa pagkaka-alam ko, si Rico ang Taurus Protector.

"Gwapo daw eh. Hahahahaha!" Hala, nabaliw na.

"By the way, bago ko kalimutan, samahan mo ko sa ospital ah. Magpapa-general check up ako, okay lang?" Tanong ni Trisha habang naka-ngiti sa'kin.

"Okay lang." Ayan na lang ang nasagot ko habang ngumunguya ng tinapay.

~

"So around 3 or 4, kunin na natin yung results. Bale, lunch muna tayo after netong last na ipapa-test sa'kin." Tumango na lang ako sa sinabi ni Trisha. Sinamahan ko na siya sa ospital.

Hindi ko nai-kwento kay Trisha na pre-mature ako nailuwa ng mama ko. Baka madulas pa ko sa pagiging Aquarius Protector ko.

"Nauuhaw ako. Bili lang ako ng water, you want ba?" Tanong ko.

"Oo. Hoy, balikan mo ako ah." Ayan na lang ang nasabi niya sabay tinawag na siya ng nurse for the last test na... Ewan ko kung ano 'yun hehe.

Pa'ni ko kaya sila makikita? I mean, panigurado wala na kong communication sa kanila. Hmmm... Basahin ko kaya yung journal book na binigay sa'kin ni Rico?

"Wag po kayo mawalan ng pag-asa Miss Domingo, gagaling po din kayo."

Napahinto ako sa isang private room, naka-open yung pinto eh. Tapos medyo malakas pa yung boses na narinig ko.

"Okay lang ako dok kung hindi ako maka-survive sa sakit na 'to. Ang importante, masaya na ang kapatid ko." Teka, medyo familiar sa'kin yung boses. Bigla na lang lumabas ang doktor tsaka nurse du'n sa kwarto na 'yun. Sakto din na hindi ito naka-sarado kaya sinilip ko kung sino ang pasyente dito.

Teka.

Medyo namumukhaan ko yung side view niya. Maya-maya, humarap na siya sa pinto at ngumuti sa'kin.

"May kailangan ka ba Miss?"

Teka! Kilala ko na siya!

Teka! Si ano 'to di ba...

Yung...

Pisces Protector!

May sakit si Fey?!

TEKA!

Ano'ng sakit niya?

~

HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN KAYO? HOPE YOU FEELING WELL.

BETTER TO READ THE BOOK 1 & 2 BEFORE YOU PROCEED DITO SA BOOK 3 OKAY? :)

VOTE - COMMENT - FOLLOW NIYO DIN AKO HEHE

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top