CHAPTER NINETEEN

Soliva's POV

Nakatingin lang kami sa lagusan, hindi pa kami pumapasok sa loob.

"So ano, safe ba talaga na pumasok dito?" Tanong ni Leandros habang winiwisik ang kamay niya dahil sa putik

"Oo naman. Wala naman halimaw dito eh." Pagkasabi ko nu'n, agad naman humawak sa braso ko si Sabrina. Napatingin ako sa braso ko at sa kanya.

"'Wag ka mag-joke ng ganyan." Sabi na lang niya.

"Huh? Wala naman halimaw na lalabas dito eh." Napatingin ako sa pinaka-entrance. Mukha nga siya nakakatakot kasi madilim.

~~

Nagawan ng paraan ni Troy para lang magka-apoy kami bago pumasok dito sa loob. Naaamoy na namin yung tubig na umaagos dito. Sana naman dumating na si Ariusa.

"So eto na talaga yung Passage River?" Tanong ni Troy saka naman ako tumango.

"It's so creepy here." Bulong na lang ni Sabrina na naka-kapit pa rin sa braso ko.

"Ano'ng creepy? Wala naman lalabas na halimaw dito." Sabi ko na lang sa kanya.

"Ano'ng gagawin namin ngayon dito?" Tanong ni Harold.

Actually...

"Uhm, may tao ata du'n." Sabi ni Fey saka siya may tinuro. At...

Harold's POV

"Ariusa!"

Sigaw ng babae na 'to saka siya dahan-dahan lumakad papunta du'n sa nakita ng babae na nasa tabi ko ngayon. Hindi ko naman kilala ang mga 'to bukod kina Karen at Kevin.

"Pasensya na kung matagal akong hindi nagparamdam sa'yo."

Umiling lang yung babae. "Hindi, okay lang." Saka siya tumingin sa'min. "Eto nga pala si Ariusa, siya talaga ang Aquarius Protector sa mundo nila."

Ngumiti lang siya sa'min. Medyo kamukha niya yung babae. Napa-tingin siya sa'kin at...

Kilala ko ba 'to?

"I'm sorry pero..." Lumingon kaming lahat sa lalaki na 'to. "Sa'n ka galing?"

Ngumiti lang siya tapos tumingin siya sa ilog at tinuro lang niya. "Hanapin niyo diyan."

"Huh?"

Tumingin siya sa'min nang seryoso. "Nandiyan ang alaala niyo."

Ano'ng alaala? Hindi naman ako-teka.

Bakit parang sumusunod yung paa ko sa sinasabi niya? Tinignan ko siya, naka-ngiti lang siya sa'min habang etong si Sol ba 'yun? Nagtataka na rin siya sa nangyayari sa'min.

"Miss, ano'ng ginagawa mo?" Tanong ni Kevin. Akala ko ako lang ang naglalakad papunta dito.

Umiling lang siya. "Sila ang nagtutulak sa inyo papunta diyan."

"Ha? Sinong sila?" Tanong ko. Teka, tutulakin ba kami papunta dito sa ilog? Malalim ba 'to?

Bigla ako huminto, pati din pala sila. Akala ko didiretso na kami sa tubig. Napatingin naman ako sa-hoy! Ba't wala akong reflection sa tubig? Ako lang ba?

"Tubig ba talaga 'to?" Tanong ni Uni. Siya lang ang kilala ko dito dahil kakanood ko lang ng t.v. tungkol sa kanya. "Wala tayong reflection oh!"

Tinignan ko naman sila isa't-isa, wala nga din silang mga reflection sa tubig. Ano ba talaga ang...

Ano 'to?

Soliva's POV

"Aaah!"

Napa-angat ang tingin ko kay Sabrina. Lahat sila napapa-hawak na sa mga ulo nila.

"Ariusa, ano'ng nangyayari sa kanila?"

Ngumiti siya lang siya sa'kin. Tapos lumapit siya sa ilog, sumama ako sa kanya. Hinaplos lang niya ang tubig at...

"What the heck?!" Sigaw na lang ni Sabrina. Lahat na sila, nagwawala na dito. Umiiyak, nagagalit, nakatulala lang, sumisigaw. Hindi ko na alam kung normal lang ba 'to or what?

"Nalaman mo naman siguro na normal ang buhay nila kung hindi sila naging Zodiac Protectors." Napalingon ako kay Ariusa.

"Oo pero..." Napatingin ulit ako sa kanila na, nagwawala pa rin. "Ano'ng problema nila?"

"Unting-unti na nila naaalala ang mga nangyari simula nu'ng nakita nila ang lumulutang na bato sa harapan nila hanggang sa naging kalaban nila si Harold."

Napa-hinga ako nang malalim. "Sana maalala ko din yung nangyari ten years ago."

"Patawad talaga Soliva." Malungkot na tumingin sa'kin si Ariusa. "Sisihin mo si Silex kung bakit sinira niya ang memories mo kaya hindi na namin maibalik."

"Okay lang. Pero, bakit nawalan sila ng alaala? Ako lang ang nakaka-alala sa mga nangyari?"

"Soliva!"

Napalingon ako kay Karen at bigla na lang niya ko niyakap.

"Teka bakit? Ano'ng nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Humihikbi na kasi siya.

"Sorry kung hindi kita naalala agad. Sabi ko pa naman, hindi ka naming papabayaan." Sabi niya. May sinabi ba siya sa journal book?

"Pero." Pinunas muna ni Karen ang mga luha niya. "Seryoso ba talaga 'to?"

"Huh? Ang alin?"

Napatingin siya kay Harold na, eto naman si Harold napa-tingin din kay Karen. Galit na galit ang hitsura niya.

"Bakit ikaw papakasalan ko?!" Tanong nila sa isa't-isa.

"You were madly inlove in each other." Casual na sagot ni Kevin sa kanila.

"Putangina talaga oh! Pa'no nangyari yun? Ha?" Tanong na lang ni Harold.

"And, eww. Hindi kita type!" Sigaw na lang ni Karen. Kung bumalik na talaga ang mga alaala nila, sina Uni at Niel ay...

"Tsk. Fuckboy talaga." Sabi ni Uni

"Hoy. Walang nangyari sa'min!" Sigaw ni Niel.

"Sana pala hindi kita sinagot noon. Hayup, may pa-surprise surprise ka pang nalalaman." Sabi ni Uni tapos napatingin pa siya sa kamay niya. "Naku, mabuti na lang talaga naka-limot ako!"

"Ariusa!"

Napa-lingon kami kay Fey. "Nasaan si Mama at Dorothea?"

"Nasa mansyon na sila. Hinihintay na kayo." Sagot ni Ariusa. Ngumiti naman si Fey at... Nawalan ng malay. Buti nasalo agad ni Harold.

"Walang sakit si Fey noon, hindi naman siya mamamatay ngayon 'di ba?" Tanong ni Troy.

"Hindi pwedeng mamatay si Fey." Sagot ni Ariusa saka siya huminga nang malalim. "Pumunta na tayo sa mansyon, hinihintay na nila kayo doon."

Ariusa's POV

Sakto din ang pagdating namin dito sa kweba kung saan dito nila tinago si Harold. Nakakainis, hindi ba niya nabasa yung sulat ni Arose sa kanya? Naman oh!

"Anak ng..." Ayan na lang ang nasabi ni Arose nang makita namin si Harold, may malaking bolang apoy sa mga palad niya. Habang si Fey naman, naka-harang sa mga kasamahan niyang walang malay.

Nang ibibigay na ni Harold ang malaking bolang apoy, ako na mismo ang nagpigil sa kanya. Pero mukhang nakita niya din kami kaya bigla siya sumugod sa'min. Hinarang siya ni Vir pero mukhang nasira din.

"Tsk. Lakas talaga ng kapangyarihan na binigay sa'yo ni Syren ah!" Sabi na lang ni Vir.

"Yung mga bata..." Bulong ni Pis sa utak namin kaya agad naman sumugod ang kambal. Nakita ko na lang na nawalan ng malay si Fey.

"Hindi niyo sila makukuha!" Sigaw ni Harold. Pero may halong boses ni Saedon at Syren. Tsk. Halatang kino-kontrol nila si Harold.

Nilutang na ng kambal ang mga katawan nila. Halatang hindi na alam ni Harold ang gagawin niya. Tumingin lang siya sa'min at tumakbo papunta dito.

"Kailangan makuha natin ang katawan ni Harold." Sabi na lang ni Sagi. Kaso mukhang hindi niya magagawang i-pana si Harold. Madadamay katawan niya.

"Sige, i-pana mo." Sabi na lang ni Gem.

"Ano'ng gagawin mo Gem?" Tanong ni Sagi. Unting-unti na nagiging puti ang buhok niya.

Maya-maya lang, nilutang niya si Harold. "Kailangan umalis ang kapangyarihan nina Syren at Saedon sa katawan niya. I-pana mo na sa utak niya." Utos ni Gem.

Nanlaki agad ang mga mata ni Sagi. "Hoy! May apoy 'tong-"

"Just do it! Akong bahala kay Harold dali!" Sigaw ni Gem. Mabilis ang pagtira ni Sagi kay Harold.

"Ako na bahala diyan" Sabi na lang ni kuya Rustan saka siya lumipad para saluhin si Harold.

"Hoy teka, sa'n kayo pupunta?" Tanong ni Cercan. After kasi masalo ni kuya Rustan si Harold, tumakbo agad sina Pis at Arose.

"Susundan lang namin yung magkapatid na 'yun!" Sigaw ni Arose.

"Babalik agad kami!" Sigaw din ni Pis hanggang sa hindi na namin sila makita.

"May halong lason ang lugar na 'to." Napalingon kami kay Niel. "Kailangan na natin alisan sa katawan nila."

"Sige, tutulungan na kita." Sabi na lang ni Cercan. Tinutulungan lang din namin sila kahit papano pero yung iba sa'min, hinihintay sina Arose at Pis.

"Ariusa!"

Lahat kami lumingon sa boses ni Arose. Si Fey na ang huling ginagamot ni Niel ngayon.

"Ano'ng nangyari sa inyo?" Tanong agad ni Prico saka namin pinuntahan ang dalawa. Naka-akbay na si Pis kay Arose. Agad din naman kinuha ni Prico si Pis.

"Nakatakas si Syren." Ayan lang ang nasabi ni Pis habang naka-pikit siya.

"Si Saedon lang ang napatay niyo?" Tanong ni Leo saka sila tumango.

"Nakakainis." Bulong na lang ni Arose.

"Ano na ang gagawin natin, Pis?" Tanong ni Cercan habang inaalalayan niya si Niel.

Huminga lang nang malalim si Pis saka siya tumingin sa mga bata na naka-higa ngayon, lalung-lalo na si Fey.

"Ayokong gawin 'to pero kailangan na nating gawin." Sabi na lang niya.

"Ang alin?" Tanong ko.

Malungkot lang siya na tumingin sa'kin.

_________________________________

HI. HELLO. KUMUSTA?

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO GOOOOO

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top