CHAPTER FOUR
Soliva's POV
Taurus
> Rico Faustino-Caday, CPA
> May 1 po birthday ko. Labor Day.
> Accountant Manager po sa company kung saan du'n din nagwo-work si Harold kaso sa IT Department siya.
> May mga niligawan ako, may naging girlfriend pero may gusto akong ligawan ngayon eh.
> Ms. Ria Alice Caday. Our princess.
> Hmm, pa'no ba? 10 years ago, hindi tayo nagu-usap. Hanggang sa dumaan tayo sa training niya. Actually hindi training 'yun, parang naglalaro lang tayo na ewan. Lumusot tayo sa isang maze kaso paunahan makarating sa exit. Nauna ka nga makakita ng exit pero ang maganda du'n, nailabas ko rin ang kakayanan ko dahil na-stuck sina Karen at Kevin sa pader ng maze na 'yun. At, may naalala ako. Dinala mo kami sa isang cafeteria, if I'm not mistaken Virginia's Café yung pangalan at si lola Virginia ang name ng may-ari. Weird lang dahil kilala nila kami at alam niyang may mga kapangyarihan tayo. Hindi ko alam kung nabura din ba 'yun pero sana maalala mo siya. Nangako ka na babalikan mo siya after ng labanan natin kay Diemon. Ay, hindi ko ba nasabi sa'yo 'to? 10 years ago type ko si Bianca. Pero ngayon...
Pero ngayon ano? Gosh! Nakaka-bitin! Pero, totoo kaya yung nabasa ko sa internet? Hindi daw compatible yung Taurus tsaka Aquarius since, Aquarius naman zodiac sign ko. Ang gwapo niya kasi nu'ng nakita ko siya lalo na nu'ng malapit na niya akong halikan-
"Sol. May bisita ka."
Ay. "Sino daw?"
"Fey ang pangalan niya." Napatayo ako sa kama saka lumabas ng kwarto.
________
"Talaga bang sa gitna ng gubat yung mansyon na 'yun?" Tanong ni Fey habang naglalalakad kami. Yup! Papunta na kami sa mansyon, dala na ni Fey ang mga damit niya at doon muna siya titira.
"Fey, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Sinabi niyo sa'kin before na walang signal sa area na 'yun."
"No social media? Eh 'di ayos, hindi muna ako magpaparamdam sa kanila. And, mas healthy 'yun. May garden ba du'n?"
"May greenhouse daw du'n pero hindi ko na napuntahan. Check na lang natin 'pag nakarating na tayo du'n." Sana walang mangyari na masama sa kanya.
"Seryoso? Ang ganda naman ng mansyon niyo!" Ayan na lang ang nasabi niya nang makapasok na kami sa loob. Parang bago lang ang hitsura neto sa loob, pero tahimik. Dumating kami dito naka-sara lang yung pinto. Hindi naka-lock kaya nakapasok kami. Buti walang naka-discover sa area na 'to.
"Hindi kita masasamahan dito. Pero bibisitahin kita weekly kaya don't worry." Sabi ko habang naka-upo siya sa sofa. Ang laki pa rin ng ngiti niya. Sana all nakaka-ngiti pa ng ganyan.
"Problemado ka na naman." Lumingon na si Fey sa'kin.
"Kailangan kasi mahanap ko na yung iba pa nating kasama bago dumating si Syren."
"Ah. Yung kalaban ng mga Zodiac Protectors 'di ba?"
"Huh? Kalaban natin yun Fey!" Saka siya ngumiti sa'kin. Hays.
"Tara, puntahan natin yung greenhouse dito." Saka kami tumayo at pumunta sa garden.
_______
"Kung wala na talaga naka-tira dito, bakit ang gaganda pa rin ng pagtubo ng mga gulay dito?" Ayan na lang ang tanong ni Fey. Hindi ko sure kung nakapasok na ba ako dito dati pero, ang lawak ng greenhouse na 'to.
"Hindi ko rin sure Fey. Baka nga may nag-aalaga dito nang hindi ko alam."
"Di bale, may tao na dito ngayon sa mansyon kaya maalagaan na ang mga 'to."
"Hindi ka ba malulungkot kasi mag-isa ka lang dito?" Tanong ko habang naglalakad na pabalik sa loob ng living area.
"Sanay na ko mapag-isa. Lalo na nu'ng kinasal si Hannah." Nang mapasok na kami sa loob, tinour ko pa siya sa kusina, dining area tsaka sa naging kwarto niya noon.
"Bago ka umalis, kumain ka muna dito. Magluluto lang ako." Ayan ang sinabi niya nang matapos ko siyang tulungan maglagay ng mga damit niya sa cabinet.
"Ah. Sige, samahan na lang kita du'n." Sabi ko. Hindi kasi ako marunong mag-luto hehe.
"So, ano na plano mo ngayon?" Tanong niya habang naghihiwa siya ng gulay tapos ako, naka-upo lang habang umiinom ng juice.
"Kailangan ko muna sila mahanap ngayon. Mabuti nagpakita si Rico nu'ng isang araw."
"Si Rico? Ah, yung may ka-holding hands?" Tanong niya saka ako tumango. Kainis.
"Wag ka na malungkot diyan. Malay mo hindi naman talaga niya fiancé 'yun." Ayan ang sabi ni Fey habang nag-gigisa. Pa'no niya nasabi na malungkot ako?
"Hindi ako malungkot. Iniisip ko lang kung pa'no ko siya kakausapin." Tumigil siya sa paggigisa tapos lumingon sa'kin. "Bakit?"
"Simula nu'n nakita mo siya, malungkot na 'yan mga mata mo Sol." Saka siya ngumiti sa'kin tapos nag-gisa ulit. "Hanapin mo kung saan siya nagta-trabaho ngayon."
"Sana madaling gawin 'yun."
"Check mo FB niya. You know his name 'di ba?" Natapos din ang pagluluto niya. "Nasabi ba niya sa'yo before kung saan siya nagta-trabaho?"
"Hindi ko alam yung name ng company na 'yun. Pero isa siyang Accountant. CPA siya." Sagot ko habang kumukuha na si Fey ng pinggan.
"Really? Eh 'di nice. CPA pala ang crush mo."
Napalingon ako sa kanya. "Hala! Pambata lang 'yung crush Fey."
Pumunta na ko ng dining area dahil nakahanda na ang kakainin namin na ginisa na ampalaya ang ulam! "Okay lang yan Soliva. Ayan ang nararamdaman mo sa kanya. Bakit? Inlove ka na ba du'n?"
"Agad agad? Hindi ah. Naalala ko lang yung sinabi niya sa'kin dati na close kami ng kapatid niya bago ako mawalan ng memories." Saka ako umupo at kumain.
"Close ba kayo ng kapatid niya?"
Umiling ako. "Hindi ko naman kilala yung kapatid niya. Hindi ko pa nga siya nakikita eh."
Ano na ang gagawin ko?
___________
Naglalakad lang ako sa labas ng mall ngayon. Around 5 ng hapon umalis na ko ng mansyon. Every weekend doon ako matutulog para naman may kasama si Fey. 7 in the evening na pero madami pa rin ang tao dito, puro mga barkada, family tsaka mag-jowa ang nakikita ko dito. Pa'no ko kaya hahanapin si Rico? Via FB?
"You know what, maghiwalay na lang kaya tayo."
Napatigil ako sa narinig ko. Sa'n ba galing 'yun?
"Mas mabuti nga. Wala naman nangyayari sa relasyon na 'to." Boses ni Rico 'yun! Napalingon ako sa isang cafeteria, nandun silang dalawa sa labas naka-upo.
Maya-maya, bigla na lang tumayo si babae at umalis. Napa-tayo na rin si Rico at hinabol si babae. Masundan nga.
Habang tumatakbo siya, ako naglalakad. Maya-maya, nalaglag ang panyo niya. Pinulot ko tapos...
"Rico! Panyo mo!"
Ay. Maling-mali ka du'n Soliva!
Napa-tigil si Rico sa pagtakbo tapos lumingon sa'kin. Hala, nagtaka na siya. Tapos naglakad na siya papunta sa'kin.
"Ako ba 'yun, Miss?" Tanong niya.
"Ah eh. Oo, sa'yo to. Nalaglag." Saka ko inabot sa kanya yung green na panyo. Hindi niya kinuha yung panyo. Naka-tingin lang siya sa'kin. Shit.
"Nagkita na ba tayo dati?" Tanong niya. Sasabihin ko na ba na siya ang Taurus Protector?!
"O-oo! Sa cafeteria, lumingon pa nga yung mga boss mo nu'ng sumigaw ako sa kausap ko." Sagot ko saka ako ngumiti.
Napapa-nganga na lang siya. "Ah! Oo. Atsaka, hindi ko mga boss 'yun. Mga ka-officemates ko lang siya. Mukha lang sila mga boss ko."
"Ah. Eh, ano'ng ginagawa nito du'n? Parang may business meeting kayo nu'n eh." Juskopo! Ang gwapo niya!
"Wala lang. Kwentuhan. Ayaw lang namin sa office." Saka siya ngumiti. Shit!
"Ah! Eto, kunin mo na 'yung panyo mo." Kinuha ko yung kamay niya tapos binigay ko yung panyo. "Sige. Una na ko. Bye!" Tapos tumalikod na ko sa kanya at naglakad. Ang gwapo nga niya!
"Miss sandali!" Napahinto ako sa sigaw niya. Napalingon pa ko sa kanya ngayon. Habang siya, naglakad papunta sa'kin.
"Bakit po?" Kalma lang Soliva!
Tumingin lang siya sa'kin nang seryoso. Hala. "Weird lang pero, parang nagkita na talaga tayo eh."
"Oo nga. Nagkita nga tayo sa cafeteria."
Umiling siya. "Before sa cafeteria. Parang kilalang-kilala na talaga kita." Hala! Nakaka-alala na kaya siya?
"Bukod sa cafeteria, nagkita na ba tayo dati?" Tanong niya. Oo, kilalang-kilala mo ko.
"Huh? I don't know. Ngayon pa lang kita nakikita. Alis na ko." Tatalikod na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko. Shit! Kalma Soliva!
Lumingon ako sa kanya. "Bakit po?"
"Ano'ng pangalan mo?" Saka siya ngumiti sa'kin. "My name is Rico."
_________
HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN?
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO.
COMMENT - FEEL FREE HAHAHA
FOLLOW - NIYO KO.
STAY SAFE AND PRAY, ALWAYS :)
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top