CHAPTER FORTY TWO

Soliva's POV


Hindi pa rin kami maka-alis dito sa pwesto namin. Kung saan, dito namin nakita ang katawan ni Dorothea. 

Hindi pa rin matanggap ng utak ko na wala na siya.

"Paano na tayo neto?" tanong na lang ni Bianca.

"Gusto niyang ipasunog ang katawan niya, 'di ba?" tanong ni Harold saka siya tumingin kay Fey na, nakatingin sa katawan ni Dorothea.

"Sino ang magsusunog sa katawan niya?" tanong ni Karen. Sino ba ang pwede?

Napatingin ako kay Uni. Tapos, bigla na lang siya napatingin sa'kin. "Bakit Sol? Tingin mo ba, kaya kong sunugin ang katawan niya?"

"Kahit ako, hindi ko kayang sunugin si Dorothea, Sol." napatingin ako kay Paulo na nasa tabi ni Karen.

"Huwag mo na ko tanungin Sol, wala akong kapangyarihan." napatingin ako kay Harold.

"Tinatanong ba kita?"

Napatingin siya sa'kin. "Aba, tinatarayan mo na ko ngayon."

"So, ano na nga ang gagawin natin sa kanya?" tanong ni Troy.

"Ilibing na lang siya natin sa mansyon." si Rico na lang ang sumagot. Mas maganda nga ang suggestion ni Rico.

"Bakit Karen?" napatingin ako kay Paulo. Bakit nakatayo si Karen?

Hindi ko alam kung bakit siya tumitingin sa paligid. Maya-maya, napayakap siya sa sarili niya. "Kevin."

"Hoy, ano'ng nangyayari sa inyo?" tanong na lang ni Bianca. Katabi niya pala si Kevin na napayakap na din sa sarili niya.

Napatingin si Karen sa'kin. "Hindi mo ba nararamdaman?"

"Nararamdaman ang alin?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam ang sagot.

Bigla siya tumingin kay Sabrina. "Hindi mo rin ba nararamdaman 'yun?"

"The what?" oh di ba, pati siya napatanong din.

"Yung hangin." sagot na lang niya.

Napatingin ako sa paligid namin, medyo mahangin nga dito.

"Ouch!"

Napatingin kaming lahat kay Sab. Nakatingin siya sa palad niya na may dugo. Yung left arm niya, may sugat.

"Sab. Yung hangin." napatingin kami kay Kevin.

"Teka, hindi ko na kayo naiintindihan." sabi na lang ni Leandros. "Pa'no ka nagkasugat niyan?"

"May dugo ka na naman, Sab." sabi na lang ni Uni habang nakaturo sa right arm niya. "Ano ba ang nangyayari?"

"Nararamdaman namin ni Kevin na may karayom sa hangin na nararamdaman niyo ngayon." napatingin ako kay Karen. Kaya pala nakayakap silang dalawa sa mga sarili nila.

"Eh 'di, needle ang mga 'to?" napatingin kami kay Sab na... Puro sugat na ang arms niya. Yung mukha niya, nagkakaroon na din ng sugat. Yun bang paper cut ang sugat niya.

"Bakit kayo lang ang nakakaramdam niyan?" tanong ni Bianca.

"Sol." napatingin ako kay Kevin. "Sigurado ka ba na wala kang nararamdaman?"

"Teka, ano ba ang dapat kong maramdaman?"

"We don't know." napatingin ako kay Sab. "Ikaw na lang ang walang nararamdaman sa amin ngayon."

"Teka, kayong apat lang ba ang dapat makaramdam niyan?" tanong ni Rico.

Bakit kaming apat? Kami ni Kevin, Karen ako at Sabrina. Ano'ng meron sa aming apat?

"Sabrina, okay ka pa ba?" tanong ni Uni. Dumadami na ang mga paper cut sa katawan niya. Kahit yung pants na suot niya ngayon, nagkaka-paper cut na.

"May nangyayari talaga ngayon dito." sabi na lang ni Kevin habang tumitingin siya sa paligid niya.

Ano ba ang dapat kong maramdaman?

"Soliva." napatingin na lang ako kay Karen na mukhang nag-aantay ng sagot galing sa'kin.

Hindi ko rin alam ang isasagot ko.

Humangin na naman dito. Napatingin na lang ako sa langit dahil natapat ang sinag ng araw sa'kin. Habang humahangin ngayon dito, may nakikita ako na may lumilipad na alikabok.

Pero mukhang hindi siya alikabok.

Bakit may shine ako na nakikita sa paligid? Yun bang sumasabay sa pag-ihip ng hangin.

"Sab, sa'n galing ang mga sugat mo?" tanong na lang ni Troy.

"I don't know." napatingin ako kay Sab. Dumadami na ang mga paper cut niya.

Agad ako lumapit sa kanya. Alam kong may kinalaman ang hangin na 'to sa mga paper cut niya ngayon.

"What?" tanong na lang ni Sab sa'kin.

Hindi ko siya pinansin. Tinagnan ko lang ang mga paper cut na nasa mukha niya ngayon. Humangin na naman. At iyon ang dahilan kaya siya nagkaka-paper cut.

"Bakit ka ngumingiti diyan?" tanong ni Uni sa'kin.

Pero paano nangyari na sa pamamagitan ng hangin, nagkaka-paper cut si Sab?

Patuloy pa rin ang pag-ihip ng hangin but this time, mas malakas na siya. 

Tinapat ko na yung kamay ko sa tapat ng mukha ni Sab dahil yung pag-ihip ng hangin, papunta sa kanya. Gumawa ako ng yelo mula roon. At mukhang alam ko na kung bakit nagkaka-paper cut si Sab.

"Karayom?" tanong na lang niya. "Masyado silang maninipis."

Tinuloy ko lang ang ginawa ko. Marami kaming nakikita na karayom sa loob ng yelo na binuo ko. Pero bakit si Sabrina lang ang nakakaranas ng paper cut?

"Kailangan na natin umalis dito bago pa lumala ang mga sugat ni Sab." sabi na lang ni Leandros sabay kinuha niya ang katawan ni Dorothea.

"Si Syren na naman ang may pakana neto." Sa wakas, nagsalita na din si Fey. "Bumalik na tayo sa mansyon bago pa niya malaman na-

"Huwag." napatingin agad kami kay Karen. "Paparating na siya dito."

In fairness, mukha pa rin siyang ahas. Yung balat niya pati na rin ang mga mata niya, mata na ng ahas. Nagkaroon din siya ng buntot, pero 'di ko alam kung bakit hindi siya gumagapang na parang ahas.

"Ano na ang gagawin natin?" tanong ko. Napatingin ako kay Sab, punong-puno na ng paper cut ang buong katawan niya. Buti hindi pa siya natatamaan sa mata.

"Lumayo muna tayo." sagot ni Bianca. 

"Pa'no tayo makakalayo?" tanong ni Troy habang niyakap na niya si Sab. Ang daming dugo na lumalabas galing sa mga paper cut. "Palalim na ng palalim ang mga sugat niya."

Habang papalapit siya dito, mas lumalakas pa ang hangin. At mas bumibilis ang pagkakaroon ng paper cut ni Sab. Tinuloy ko pa rin ang paggawa ng yelo para lang mabawasan pero, wala din.

"Vir!" sigaw bigla ni Troy. Si Vir ba 'tong nasa harapan namin ngayon?

"Ano'ng nangyari sa Gemini Protector?" tanong na lang niya habang nakatingin kay Sab.

"Nagkakasugat siya dahil sa hangin." ako na lang ang sumagot.

"At mukha siya ang may pakana." dagdag pa ni Paulo. Hindi niya tinuro si Syren pero nakatingin lang siya sa kalaban namin.

Napatingin si Vir sa katawan ni Dorothea. "Ako na ang bahala sa kanya. Lumayo muna kayo dito."

"Saan kami pupunta?" tanong ni Fey. "Mukhang alam na niya kung nasaan ang mansyon."

"Nandoon ang mama mo sa mansyon, Fey. Hinihintay niya kayo roon." sagot ni Vir saka siya bumuo ng harang gamit ang lupa na inangat niya. "Dalian niyo na. Umalis na kayo."

Agad naman kami tumakbo. Ramdam pa rin namin ang hangin kaya patuloy pa rin ang pagsusugat ni Sab.

"Saan kayo pupunta?" oo, boses na 'yun ni Syren. Mas binilisan pa namin ang pagtakbo dahil narinig lang namin na sinira niya ang harang na binuo ni Vir.

"Takbo lang mga bata." boses ni Vir 'yun pero hindi namin siya makita. "Kami ang bahala sa inyo."

"Ano na naman ang pinagsasabi nu'n?" tanong na lang ni Harold. Wala nang sumagot sa'min dahil wala din kaming idea.

"Dito." kung hindi ako nagkaka-mali, boses ni Gem 'yun. "Sa kanan."

Lumiko naman kami sa kanan, pero wala kami makitang pathway dahil sa mga puno na 'to. Hindi ko nga alam kung makakalabas ba kami ng city neto or masu-stuck dito.

Napahinto na lang kami nang sumulpot sa harapan ni Troy si Gem. "Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong niya habnag nakatingin siya kay Sab.

"Yung hangin." si Karen ang sumagot. "Iyon ang dahilan kaya ang dami niyang sugat."

"Maninipis na karayom ang laman ng hangin na 'yun." sumagot na ko. "Hindi ko alam kung bakit si Sabrina lang ang naapektuhan."

"Tarandatado talaga si Syren." bulong na lang niya. Tapos napatingin siya sa aming lahat. "May halong lason ang mga karayom na 'yun."

"What!?" sigaw na lang ni Sabrina. "Buti hindi pa ako namamatay!"

Tumango lang si Gem. "Ginawa na ni Ariusa ang trabaho niya. Kaya lang..."

"Kaya lang ano?" tanong ni Uni.

Patingin-tingin si Gem sa paligid niya. "Bakit wala pa siya dito?"

"May nangyaring masama ba sa kanya?" bigla ko na lang natanong. Naalala ko kasi si Dorothea, hindi nagsasabi kung saan siya pupunta.

Tumingin siya sa'kin. "Hindi ko alam. Pero isa na siyang kaluluwa. Hindi siya basta-basta buburahin ni Syren dito hangga't nasa iyo pa ang Element niya."

"Sigurado ka?" tanong ko ulit saka siya tumango.

"Nakikita niyo ba ang mga puti na 'yan?" tanong ni Gem saka siya may tinuro sa lupa. "Diyan ang daan niyo papuntang mansyon. Nag-hihintay na si Pis roon."

Nang matapos niyang sabihin iyon, napatingin siya sa katawan ni Dorothea na bitbit ni Leandros ngayon. "Sunugin niyo na rin ang katawan niya kapag nakarating na kayo roon."

"Bakit namin susunugin?" tanong ni Paulo.

"Kukunin iyan ni Syren. Gagamitin niya ang katawan ni Dorothea para makalaban kayo. Alam niyo naman naman na malakas 'yang babae na 'yan." sagot ni Gem sabay lumipad siya at bumuo ng hurricane.

"Sige na. Umalis na kayo dito bago pa niya kayo maabutan." nang sabihin iyon ni Gem, agad naman kami tumakbo at sinundan yung mga puti na sinasabi niya. Parang snowflakes ang dating.

"Hayun ang mansyon. Malapit na tayo guys!" sigaw ni Uni. Oo, nakikita na namin ang mansyon. At kita na rin namin si Pis na lumingon-lingon sa paligid niya.

"Nandito na kami!" si Rico ang sumigaw. Napatingin si Pis sa'min nang makalapit na kami sa kanya.

"Tulungan mo naman siya." sabi na lang ni Fey sabay tinuro si Sab.

"Si Prico lang ang makakapag-pagaling sa kanya. Pero, makakatulong 'to para maprotektahan siya mula sa lason ni Syren." sabi ni Pis. Nakita na lang namin mula sa palad niya na may tubig na nakalutang. Dahan-dahan niyang pinatong iyon sa ulo ni Sab.

Napatingin ako sa paligid, hindi na mahangin ngayon. Ibig sabihin ba nito, hindi na kami hinahabol ni Syren?

"Hinahanap pa niya kayo." napatingin ako kay Pis. "Kaya kailangan ko kayo ilayo hangga't hindi niyo pa nailalabas ang kapangyarihan niyo." dagdag pa niya sabay tumingin siya kay Harold at Fey.

"Hindi ko alam kung pa'no ko ilalabas ang kapangyarihan ko." sabi na lang ni Harold habang nakatingin pa rin sa palad niya.

"Paano ko ba mailalabas ulit ang kapangyarihan ko?" tanong na lang ni Fey.

"Fey, nailabas mo na ang kapangyarihan mo." napatingin kami kay Niel. "Hindi mo ba naalala?"

Umiling lang siya. "Hindi ko na naalala."

"It's okay." sagot bigla ni Sab habang nakangiti. "Nanghina ka at that time habang kalaban mo si Sky. Sakto din nailabas ni Niel ang kapangyarihan niya kaya siya mismo ang pumatay sa snake boy na 'yun."

"Mukhang nandiyan na siya." napatingin kami kay Pis. Nakatingin siya ngayon kung saan kami dumaan kanina. "Bago ulit kayo makita ni Syren, kailangan gumaling na ang mga sugat ni Sabrina."

Naramdaman ko na naman ang hangin. Napatingin ulit ako sa katawan ni Sabrina, hindi na dumagdag ang paper cut sa balat niya. Effective siguro ng ginawa ni Pis.

"Kailangan niyo sunugin ang katawan ni Dorothea bago pa niya makita na bitbit niyo pa 'yan."

"Tulungan mo na lang ako Uni sa pagsunog sa kanya." sabi na lang bigla ni Paulo. Napatingin tuloy ako kay Uni na, naka-nganga ngayon sa kanya.

"At kailangan..." sabi pa ni Pis sabay inangat niya ang dalawang kamay niya. Kasabay na din ang pag-angat ng tubig na nasa harapan namin ngayon.

"Kailangan hindi ka niya makuha, Harold." sabi niya sabay lumingon siya kay Harold. "Kung ayaw mo mangyari ang pinakita ko sa'yo."

Pagkatapos, sabay niyang binaba ang mga kamay niya kaya pabagsak sa amin yung tubig. Teka, babaha ba dito?!

"Oh, bakit kayo nakatayo diyan?"

Naidilat ko agad ang mga mata ko. Teka, wala naman akong naramdamang tubig na bumagsak dito. Meron ba?

"Nakalayo na kayo kay Syren. Galing ni Pis, 'no?"

Lumingon naman ako sa boses na 'yun. Si Prico 'to, 'di ba? Hayun siya, nakasandal sa main door habang nakangiti.

"Dalhin niyo na ang Gemini Protector sa loob." utos niya sabay tumingin siya kina Paulo at Uni na nasa likod ko lang.  "Yung dalawa diyan na may kapangyarihan ni Sagi at Leo, gawin niyo na yung pinapautos ni Pis."

"Nasaan siya?" tanong na lang ni Fey.

Huminga muna siya nang malalim. "Sila muna ni Arose ang nakipag-laban kay Syren habang nagpapahinga kayo."

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Hindi naman kami nakipaglaban ngayon pero, hindi pa rin namin matanggap na patay na si Dorothea. Ang bilis lang ng pangyayari.


Matatalo pa ba namin si Syren?



________________________________


HI. HELLO.


KUMUSTA NAMAN? BUSY LANGS HIHI.


VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KOOOOO GOOOOOOOOOO!!!


*DEAR FUTURE KIDS PROLOGUE AY NAKA-PUBLISHED NA PO, YES. OO*


ARIGATOU :*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top