CHAPTER FORTY NINE
2 YEARS LATER . . .
Soliva's POV
Kakatapos lang ng klase ko, first day of school ng mga bata ngayon. Ang normal na talaga ng buhay. Nakakatuwa.
Simple lang naman ang hiniling ko sa bato nang makauwi ako sa unit. Sana wala na gugulo sa mundong ito. Dahil dito ko itutuloy ang buhay ko.
After nu'n, saka ako nawalan nang malay. Nagising na lang ako, nasa kama na ako.
Nagising na lang ako dahil sa ingay ni Trisha. Nanonood pala siya ng K-drama sa labas ng kwarto ko. Tinanong ko siya kung ano'ng nangyari. Nakatulog lang daw ako dahil sa pagod.
After nu'n, hinanap ko agad ang diary na sinulat nila. Thank God dahil nasa book shelve ko pa. Chineck ko din ang laman, hindi nabura.
Pero, inisip ko, nandito pa rin kaya sila?
Agad ko kinuha ang phone ko at isa-isa ko sila na hinanap sa FB.
Hindi na nage-exist ang mga pangalan nila. Hindi ko na din makita ang last conversation namin ni Rico.
~
Nasa kalye ako ngayon, hinihintay na makatawid.
Dalawang taon mahigit na ang nakalipas, wala na pagpaparamdam ang kalaban. Payapa na nga ang lahat.
At tapos na din ang tungkulin ko bilang Aquarius Protector.
"Come on. Let's walk."
Nagulat na lang ako nang may humila sa kamay ko at sinamahan ako na tumawid. Babae ang humahawak ngayon sa kamay ko.
Nang makatawid kami, humarap siya sa akin at ngumiti. "Ang lalim ng iniisip mo ah."
Hala. . . Totoo ba 'to?
"Sabrina!"
Wala na akong pake kung marinig nila na sumigaw ako. At wala na din akong pake kung magkayakap kami ngayon sa gilid ng kalsada.
"Oh my god. It feels like 10 years." sabi na lang niya habang magkayakap kami. "I mean, more than 10 years na tayong hindi nagkita."
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. "Akala ko hindi ka na nabubuhay dito."
Kumunot naman ang noo niya. "What do you mean hindi ako nabubuhay dito?"
"Kasi, nang magising ako noon, hinanap ko ang mga pangalan niyo sa FB, hindi na nage-exist. Lalo ka na dahil sikat ka na fashion designer."
"Oh." sabi na lang niya. "Actually, kakagising ko lang. Na-bored ako sa condo kaya lumabas ako. Sakto din na nakita kita."
"Huh? Kakagising mo lang?" nagtaka ako. Napatingin ako sa watch ko, 3 p.m. na ah.
"Yeah. Kasi, kakatapos ko lang mag-wish sa bato na binigay sa atin. And after that, nahilo na ako." sagot na lang niya.
"Ha?!" sigaw ko sa kanya. "Sigurado ka?"
"Yes. And, it's kinda. . . Hmm. . . Weird? Or ngayon ko lang napansin?" sabi na lang niya sa akin sabay nilapitan niya ako. "Nag-matured ang mukha mo."
"Sab, dalawang taon na ang nakalipas mula nang magkahiwa-hiwalay na tayo."
Nang sabihin ko 'yun sa kanya, nanlaki ang mga mata niya. "Wait, what?! Are you serious?!"
"Oo." sagot ko na lang sa kanya. Naka-nganga pa rin siya. "Ibig sabihin ba neto, kahapon ka lang humiling?"
"Parang ganun na nga." sagot niya na, mukhang hindi rin siya sigurado.
"Ano ba ang hiniling mo?"
Napatingin siya sa akin. "Hiniling ko na. . . Sana pagdilat ko, nandito ako sa mundo kung saan isa akong kilalang fashion designer. At the same time, sana nandito din sa mundong 'to ang mga naging kaibigan ko when I became Gemini Protector. Kahit isa lang."
Pero, nagkakapagtataka, bakit hindi ko mahanap ang pangalan niya 2 years ago, kung dito siya mapupunta?
Nilabas ko agad ang phone ko at sinearch ang pangalan niya. Hala, nandito na pala!
"Sab, nag-open ka ba ng account mo sa social media ngayon araw na 'to?" tanong ko habang nags-scroll ako.
"Not yet. Nangapa pa ko dahil nag-iba ang hitsura ng condo unit ko ngayon."
Napatingin ako sa kanya nang sagutin niya 'yun. "Parang, iba na nga ang nakatira. But, I checked everything. Obvious na ako ang may-ari."
Ano ba ang nangyayari?
Nakita ko na ngumiti na lang si Sab sa akin. "Don't be stressed about it. Since 2 years ka na namumuhay dito after mo humiling, wala naman nagparamdam na kalaban 'di ba?"
"Wala naman."
Lumaki lalo ang ngiti niya. "That's good! Magagawa na natin ang gusto nating gawin. But, kinda sad dahil hindi na nage-exist dito ang iba pa natin kasama."
"Baka nasa ibang mundo na ang mga 'yun. Lalo na si Paulo."
Kumunot ang noo niya. "What about Paulo?"
"Gustong-gusto na niya makasama ang mag-ina niya. Eh 'di ba, nakilala na natin siya, patay na ang asawa niya. Tapos, pinatay pa ng kalaban natin yung anak niya."
Tumango na lang siya. "Oh yes. Hirap siguro nu'n." sagot niya.
Hay.
"May asawa ka na, Sol?" napatingin ako sa tanong ni Sab. Naka-ngiti siya ngayon.
"Wala ah. Baka ikaw ang may asawa na."
"Excuse me, kakagising ko lang po." nang sagutin niya iyon, napatawa ako.
Nawala ang pag-alala ko dahil nandito si Sabrina.
"Sol!"
Akala ko ako lang ang nakarinig, si Sabrina din pala. Kaya lumingon kami sa likod para harapin kung sino yung sumigaw.
"Oh my god. Is that. . ." sabi na lang ni Sab.
"Rico?"
Napalo pa ko ni Sab nang tanungin ko 'yun. "Oh my god! Si Rico nga!"
Hindi pala siya umalis sa mundong 'to. Hayun siya, tumatakbo papunta sa amin.
Ngumiti siya sa akin nang makarating siya dito. Tumingin din siya kay Sab. "Parang ang tagal natin hindi nagkita ah."
"I know right!" sagot naman ni Sab. "So, how are you?"
"Kakagising ko lang."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya at tumingin kay Sab. Naka-nganga din pala siya.
"You mean, kaka-wish mo lang kahapon?" tanong ni Sab.
"Hindi ko alam kung kahapon or kanina lang ako humiling, ganun." sagot na lang niya.
Hala, kung si Sab kahapon lang humiling, etong si Rico kanina lang humiling.
"Nagising na lang ako sa airport, ginising ako ng guard du'n. Akala nila masama ang pakiramdam ko." dagdag pa niya. "Bakit parang gulat na gulat kayo?"
"Alam mo bang dalawang taon na ang nakalipas mula nang maghiwa-hiwalay tayo." nang sabihin ko sa kanya 'yun, siya naman ang naka-nganga ngayon.
"Ano!? Ganun ba katagal ang naitulog ko?"
"We don't know." sagot ni Sab. "Ako nga, kahapon lang ako humiling. Kakagising ko lang din."
"Ano ba kasi ang hiniling mo?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin nang seryoso. "Na nandito ka pa sa mundong 'to."
Nang sagutin niya iyon, agad siya lumapit sa akin. Hala. . .
"Oh my god!" sigaw na lang ni Sabrina nang mahalikan ako ni Rico.
HALA! YUNG LABI NIYA! DIKIT NA DIKIT SA LABI KO!
"My virgin eyes! Oh wait, my eyes are not virgin but, oh my God!" sigaw pa ni Sab! Aaahhh!
As in, sinakop na niya ng labi niya ang labi ko! Hindi ko maipikit ang mata ko para naman manamnam ko ang halik niya! My god!
Hindi ko na kaya, napahawak ako sa batok niya. At sa wakas, naipikit ko na din ang mga mata ko. Teka, ginagalaw na niya ang labi niya!
Atsaka, may dila na parang kumakatok sa labi ko! Parang gusto niya pumasok sa labi ko! Hoy! Oh my god! Siya ang first kiss ko! Hindi ko alam kung pa'no humalik! Kailangan ko mag-practice!
"Sol, I have to go."
Buti bumulong si Sab sa akin, dahilan para matigil ang halikan namin ni Rico. Nakita ko na lang na naka-ngisi si Sab.
"Aalis ka na?" tanong ko na lang sa kanya.
Tumango siya. Tapos tumingin siya kay Rico. "Hoy, madaming hotel dito. Du'n kayo mag-check in. Okay?"
Napatingin ako kay Rico. Hala! Sumang-ayon siya?!
"Don't worry Sol. . ." binalik ko ang tingin ko kay Sab. "Magcha-chat naman tayo since you found my account on social media."
Nang sabihin niya 'yun, lumapit pa siya sa akin. "Kwento mo sa akin kung ano'ng nangyari sa pre-honeymoon moment niyo, ha?"
"Sabrina!" sigaw ko na lang sa kanya habang siya, tumatawa. Namumula na ata ang mukha ko sa hiya!
"See you soon, guys!" sabi na lang ni Sab sabay kumaway sa amin at tumakbo na.
Salamat naman at nandito pa si Sabrina. Masaya na ako.
"Tara na?"
Napatingin ako kay Rico, hawak niya ang kanan kamay ko. "Saan?"
"Magche-check in este kakain." nang sagutin niya 'yun, sinamaan ko lang siya ng tingin. "Kakain tayo sa restaurant. Hindi ka pa nagugutom?"
Huminga na lang ako nang malalim. "Hindi pa ko naglu-lunch."
"Oh? Eh 'di tara na. Kailangan mo na kumain." nang sabihin niya iyon, naglakad na kami.
"Tapos, check in tayo mamaya." nagulat na lang ako sa binulong niya. Kaya napalo ko ang braso niya. Braso niya na matigas na. . . OMG!
Kung masaya ako ngayon, sana masaya din ang iba ko pang kasama sa desisyon na ginawa nila ngayon.
Miss na miss ko na silang lahat.
_________________________________________
HI. HELLO.
VOTE - KUNG MAMI-MISS NIYO BA SI SOL <3
COMMENT - KUNG PWEDE NA BA AKO MAG-SPG NA GENRE AHAHAHAHHAA!
FOLLOW - NIYO KOOOOOOOOOOOOOOOOO GOOOOOOOOOOOOOO!!!!
ARIGATOU! :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top