CHAPTER FORTY FIVE

Fey's POV


"Ano'ng nangyayari kay Harold?"

Hayan ang naitanong ni Bianca sa akin. Hindi ko namalayan na binitawan na ni Harold ang kamay ko. Nakita ko na huminto siya at nakatingala.

Ano ang nakikita niya?

"Fey." napatingin ako kay Bianca. "Yung braso ni Harold."

"Oh my god. No!" sigaw na lang ni Sabrina.

Tinignan ko ang braso ni Harold. Unting-unti na nagiging balat ng ahas na violet ang kulay.

"Bakit ganito?!" tanong ni Karen. Nakita ko na lang siya na nakatapat ang kamay kung saan nakatayo siya ngayon. "Hinarangan tayo."

"Si Syren ang humarang sa atin." bigla na lang sinabi ni Kevin na nakatapat din ang kamay niya.

"Pa'no mo nasabi?" tanong ni Niel.

Napatingin si Kevin sa amin. "Binulong ni Lia sa hangin."

"Paano natin makukuha si Harold?" tanong ni Uni. Sinubukan niya ipana sa pwesto ni Harold ngayon kaso...

"Dapa!" sigaw ni Troy. Yung arrow niya, nag-bounce back papunta sa kanya. Buti hinarangan agad ni Troy.

"Harold! Ano ba!" sumigaw na si Niel. Hindi siya lumilingon sa amin.


Ano ba ang dapat naming gawin? Hindi na kami makalapit sa kanya ngayon.


Susubukan ko na lang na gamitin ang tubig. Hindi ko alam kung may makukuha ba ako na tubig dito ngayon. Inangat ko na lang ang mga kamay ko na parang may binubuhat.

Nakita ko na lang sa reflection ng tubig na 'to ang sarili namin. Pati na rin si Harold na nakanganga ngayon habang nakatingala.


"Kinokontrol na siya ni Syren." sabi na lang ni Kevin.

"Pero, wala dito sa paligid natin si Syren ngayon." sabi na lang ni Soliva habang lumilingon siya sa paligid niya.

"Yari, hindi na natin makita ang kalaban." bulong ni Paulo na nasa tabi ko ngayon.

"Umalis ka diyan!" sigaw ko sa kanya. Pero, hindi pa rin siya lumilingon dito.


Naalala ko ang nangyari noon. Wala si Dorothea sa tabi namin. Wala din ang grupo ng mama ko. At kalaban din namin si Harold. Hindi ko na alam ang gagawin namin.


"Fey, anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Bianca.

Hindi ko alam kung bakit tumutulo na ang luha ko.

"Natatakot ako." hayan ang naisagot ko. "Hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa atin kapag kinuha siya ni Syren."

"Ano?! Papatayin mo na naman ba kami, ha?!" sumigaw na si Rico. Hindi pa rin siya lumilingon.

"Hindi ko pwedeng ibagsak sa kanya ang tubig na 'to dahil babalik sa atin." sabi ko na lang sa kanila.

"Hoy Syren!" sigaw ni Niel. "Tangina, kami ang harapin mo! Huwag mo idadamay si Harold sa plano mo!"

"Isa siyang Aries Protector! Hindi niyo siya kapatid!" sumigaw din si Sabrina.


Maya-maya, dumidilim na ang kalangitan. Nagkakaroon na ng kulog at kidlat dito. Lumalakas ang pag-ihip ng hangin ngayon. Nanginginig na ang mga kamay ko, pati na din ang mga binti ko ngayon. 

Ayokong ibaba ito, kailangan alam ni Harold na nandito kami sa likod niya. Ang dami na nangyari sa amin. Hindi pwede makuha siya ni Syren. Alam kong ayaw niya din na makuha siya ng kalaban namin. Alam namin na nahihirapan siya ngayon.

"Umalis ka na diyan, please." hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko. 

Kita namin dito ang nangyayari sa balat niya. Nagiging balat na ng ahas.

"Lumingon ka dito." nakatingin lang ako sa kanya. Sana marinig niya ako.


Maya-maya, dahan-dahan niyang binaba ang ulo niya. Nakatingin siya ngayon sa akin. Yung mukha niya, nagiging mukha na ng isang ahas. 

"Dito." bulong ko.

Bigla na lang siya lumingon sa amin. Salamat naman.

"Umalis ka na diyan!" sigaw ni Bianca. Saka na siya tumakbo papunta dito.

"Tumigil siya." sabi na lang ni Rico.

"Anong problema?" tanong ko. Hindi ko alam kung naririnig ba niya kami o hindi. 

Yung mata niya, nagiging mata na ng isang ahas. Pero, bigla na lang bumabalik sa dating anyo ng mata niya. 

"Hindi pa rin namin maalis 'to." sabi na lang ni Karen habang may tinutulak siya na hindi namin nakikita. Ganun din ang ginagawa ni Kevin sa kabilang side.

Kumukurap ang mga mata niya. Parang pinipilit niya na hindi dapat mata ng ahas ang anyo niya ngayon.

Binaba ko ang mga kamay ko kasabay na din ang pagbagsak ng tubig. Lumapit ako sa kanya. Hahawakan ko na sana siya kaso naramdaman ko na lang na may barrier dito.

"Kailangan mong umalis diyan." sabi ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito. May humahawak sa katawan ko." sabi niya.

"Hindi namin makita kung ano ang nakarang diyan sa katawan mo." sabi ko sa kanya. "Nagiging ahas ka na, Harold."

"Ayoko." sabi na lang niya habang umiiling siya. "Ayoko sumama sa kanya."

"Ano ba naman 'to!" napatingin ako kay Bianca. Lumapit siya dito at sinusuntok niya ang barrier gamit ang Water Puppet niya.

"Maki-cooperate ka!" sigaw na lang ni Bianca kay Harold. "Baka ikaw ang makakasira ng harang na 'to!"

"Hindi ko mailabas ang kapangyarihan ko."

"Ha?! Pa'no nangyari iyon!? Ikaw pa nga ang nagligtas sa amin noong-

"May humahawak sa braso ko ngayon! Hindi ko alam kung ano 'to!" natigil na lang sa pagsusuntok si Bianca nang sumigaw si Harold habang umiiyak.

"Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon!" dagdag pa niya. Naging mata na ng ahas ang mga mata niya ngayon. "Gusto ko na matapos 'to! Nahihirapan na ako!"

"Lahat tayo nahihirapan, Harold." sabi na lang ni Niel na nasa tabi ko ngayon. "Ang pwede nating magawa ngayon ay lumaban."

"Paano ako makikipag-laban kung hinihila ako ng kalaban natin?!" tanong ni Harold habang umiiyak siya. "Hindi ko na maprotektahan ang sarili ko. Hindi ko kayo mapo-protektahan. Paano ako makakabawi sa inyo?!"

"Fey, nag-iiba na ang boses niya." bulong ni Bianca sa akin.

"Umalis muna kayo diyan sa barrier. May susubukan lang ako." sabi na lang ni Niel. Kaya lumayo kami.

Dinikit ni Niel ang mga kamay niya sa barrier. Kung kanina, hindi namin makita, ngayon nagkaroon na ng magenta na kulay. Nakita ko din na nagkakaroon ng crack ang barrier na 'to.

"Subukan mong kunin si Harold, Fey." utos na lang ni Niel sa akin. "Pero, mag-iingat ka. Baka malason ka dahil sa balat na meron siya ngayon."

Kumuha ako ng tubig at binalot ko iyon sa kamay ko. Nagsilbing gloves ang binuo ko.

Nang may makita akong butas, lumapit na ako sa tabi ni Niel. Dahan-dahan kong pinasok ang mga kamay ko para maabot si Harold. 

Nahawakan ko na ang braso niya. Napansin ko na parang hinihigop ng tubig na meron ako ngayon ang balat ng ahas. Nawala na sa part kung saan ko siya hinawakan. Pero ang kapalit, nagkakaroon siya ng sugat.

"Sige pa, Fey." sabi na lang ni Niel. Tinuloy ko na lang ang paghila sa kanya kahit na nahihirapan ako ngayon. Parang may pumipigil sa katawan niya na sumama sa akin.

"Tulungan kita." sabi na lang ni Bianca na nasa likod ko ngayon. Pinipilit namin na hilain si Harold palabas. Gusto din ni Harold na makawala diyan sa pwesto niya. Pinipilit niyang maglakad ngayon.

"Lapit na." sabi na lang ni Niel. 

Nailabas na namin si Harold. Napatumba siya, parang nanghihina. 

"Ano'ng ginawa ni Syren sa balat niya?" tanong na lang ni Uni.

"May gagawin lang ako sa kanya." matapos kong sabihin iyon, hiniga ko siya nang maayos. Nakapikit lang siya ngayon.

Hinaplos ng tubig na meron ako ngayon ang buong braso niya. Nahigop ang balat ng ahas at nagsilabasan na ang kanyang sugat. Hindi ko alam kung meron din ba sa binti niya ngayon dahil naka-pants siya. Tinuloy ko na lang pati sa upper part ng katawan niya. Hindi ko na kailangan alisin ang polo shirt niya dahil nakikita ko na nahigop ang balat ng ahas. Pataas ang ginawa kong paghaplos sa kanya hanggang sa mukha niya.

Nang matapos ko na alisin ang balat ng ahas sa katawan niya, tinapon ko sa malayo ang tubig na naka-kabit sa kamay ko ngayon.

"Ang dami niyang sugat, Fey." sabi na lang ni Soliva. Nakita na nila ang sitwasyon ni Harold ngayon.

Napatingin na lang ako kay Niel, wala na ang barrier. Nadurog na niya siguro.

"Don't worry. Ako na ang gagamot sa kanya." sabi na lang ni Leandros sabay kinuha niya ang kamay ni Harold at sinimulan na niyang gamutin.

"Fey, nakuha na natin si Harold." napatingin ako kay Paulo. "Pero, paano natin malalaman kung nasaan si Syren?"

Tumingin ako sa paligid, madilim, may kidlat at kumukulog na din. Alam kong nandito pa rin siya.

"Hinahanap mo ba ako, Pisces Protector?"

Nang marinig ko ang boses niya, lumilingon-lingon ako sa paligid. Nasaan siya?

"Hindi ko alam kung bakit niyo kinukuha si Harold sa amin. Pati ang dating Aries Protector, kinuha niya si Harold noong hawak na siya ni Diemon."

Napatingin ako sa kanila. Pati na rin kay Harold.

"Gusto ni Harold na matapos 'to. Pero, ayaw naman niya pumunta sa aming mundo para matuloy ang plano ni Diemon."

Wala na akong pake sa mga sinasabi niya. Kailangan mahanap namin siya ngayon. Baka makuha na naman niya si Harold.

"Dito."

Sa likod ko, nakita ko siya malapit na sa akin. Nakita ko ang kamay niya malapit na sa mukha ko. Kukunin na niya sana ako nang may asul na apoy ang humarang sa harap ko.

"Alis diyan!" boses iyon ni Paulo. Hinawakan niya ang kamay ni Syren, sinunog at sinipa niya sa malayo.

"Hindi siya si Syren!" sigaw ni Uni sabay hinanda na ang pana niya. "Nasa likod ni Niel!" tinama na niya si Syren pero...

"Alien'!" sigaw na lang ni Bianca. Akala namin si Syren.

Maya-maya, dumami na ang mga Syren ngayon sa paligid namin. Nagsimula na sumuntok si Rico nang may lumapit sa kanya. Si Sol, binabalot niya sa yelo kung sino man ang gustong humawak sa kanya.

"Nakakainis! Nasaan na siya?!" tanong na lang ni Bianca.

"Nandito lang ako, Cancer Protector." sumagot si Syren pero madaming boses.

"Ako na." pumunta si Sabrina sa harapan ko. Gumawa na siya ng ipo-ipo kaya naman lumakas ang hangin ngayon dito. Kinalat niya iyon sa paligid. Wala akong makita kaya napapikit na lang ako.

"There he is." nang sabihin iyon ni Sabrina, naidilat ko ang mga mata ko.

At hayun siya, nakatayo sa harapan namin. Yung balat ng katawan niya, balat na ng ahas. Kita din namin na nilalabas ang dila niya katulad ng ahas. Nakangisi siya ngayon.

"Sa wakas. Nakaharap ko na kayo mga hangal na Zodiac Protectors." 

"Ah. Shit, hayan na siya." bulong na lang ni Niel.

"Nakakatuwa, malalakas pa din ang mga nagbigay sa inyo ng Element kahit na patay na sila. Ibang klase talaga ang kapangyarihan ng Element na 'yan." sabi niya saka siya tumawa.

"Hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng maibigay ng Element niyo para masakop namin ang mundo." dagdag pa niya.

"Huh? Baliw ka ba?" tanong na lang ni Kevin. "Hindi mo na masasakop 'to. Talo ka na."

"Mahina ka na Syren. Hindi pa namin nagagamit nang buo ang kapangyarihan namin." dagdag pa ni Karen.

Napalaki ang mga mata niya. "Paano niyo mapapalakas ang kapangyarihan niyo? Hindi ba nakalimot na kayo? Patay na ang taong gumabay sa inyo noong hindi niyo pa ang pagiging Zodiac Protectors niyo!"

Si Dorothea lang ang makakaalam kung paano namin mako-kontrol 'to.

"Humihingi ako ng tawad sa inyo dahil, aaminin ko, ako talaga ang pumatay sa kanya." 

"Ano?!" tanong na lang ni Rico.

"Ginamit ko ang kapangyarihan ko para hindi malaman ng Pisces Protector ang mangyayari kapag nakalaban ko siya." dagdag pa niya.

Kaya pala hindi malaman ni Pis, mama ko, ang mangyayari kay Dorothea.

"Kaya kung hindi niyo na kayang kontrolin ang kapangyarihan niyo, ibigay niyo na lang sa akin. Pati na din si Harold."

"Hay nako, ang kulit mo. Hindi nga ako sasama sa'yo."

Teka, boses ba iyon ni Harold?

"Anong sabi mo?" tanong na lang ni Syren.

May nakita na lang ako na apoy na nasa tabi ko lang.

"Ang sabi ko, ayoko."

Tumingin si Harold sa akin, tumingin ako sa braso niya. Wala na sugat. Ang galing ni Leandros.

"Bakit ka nakangiti diyan?" tanong na lang niya sa akin.

Kasi nagbalik ka. "Wala lang." nang sagutin ko iyon, ngumiti na din siya.


"Tara. Tapusin na natin 'to."



____________________________


HI. HELLO. KUMUSTA?


VOTE - KUNG OKS BA?

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KOOOOOOOOOOOOOOOOOOO~~~~~


ARIGATOU :*



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top