CHAPTER FORTY EIGHT

Troy's POV


Ang bango. Amoy kaldereta na niluto ni Bianca noon sa amin.


Teka, nagluluto ba si Bianca? Eh, kanina nasa labas kami ng masyon ah.

Agad ko naman naidilat ang mga mata ko. Nasa kwarto ako, dito sa mansyon. Pa'no ako nakapunta dito?

At, amoy kaldereta talaga.

Agad naman ako bumangon at lumabas ng kwarto. Pumunta na lang ako ng kusina tutal doon ko naman naamoy ang kaldereta.

"Aba, salamat naman at nagising ka." sabi na lang ni Bianca sa'kin habang nakita ko siya na nasa ref. Napansin ko na may araw. Tanghali na ba or umaga?

"Bakit? Ako pa lang ang gising?" tanong ko.

Tumango naman si Bianca. "Hindi ko alam kung ano'ng petsa na. Hindi ko din alam kung ilang oras na ba tayong tulog. Nagising din ako na nasa kwarto din. Chineck ko ang bawat kwarto, nakahiga din ang mga kasama natin."

"Pero, paano tayo nakapunta dito? Huling naalala ko lang, nawalan ako ng malay."


"Ako ang dahilan kaya nakapasok kayo dito."


Napatingin na lang kami sa likod ko. Isang babae, na kamukha ni Sabrina. Sino ulit 'to?

"Hoy Gem." hayun, buti sinabi ni Bianca.

"Nawalan kayo nang malay matapos bumalik sa normal ang katawan ni Harold. Hayun ang naabutan namin." sabi na lang niya habang nakangiti.

"Salamat." sabi ko sa kanya. Tapos tumingin ako kay Bianca. "Mag-thank you ka."

"Maraming salamat." sabi na lang ni Bianca. Bakit parang pilit naman 'yun?

"Gisinging niyo na ang iba niyong kasama. May importante kaming sasabihin sa inyo." nang sabihin ni Gem 'yun, saka na siya naglaho.

Ano ba 'yun?


~~~


Nang matapos na kaming kumain, hinihintay lang namin ang mga naunang Zodiac Protectors dito sa living room. Iniisip pa rin namin kung ano ba ang sasabihin nila.

Napatingin ako kay Harold, salamat naman at okay na siya ngayon.

"Ayos, kumpleto na din kayo."

Napatingin na lang kami sa pinto kasi doon galing yung boses na 'yun. Si Vir pala ang nagsalita. Kasama ang mga naunang Zodiac Protectors.

"May problema ba?" tanong ni Fey.

Umiling lang si Pis. "Gusto lang namin sabihin sa inyo na tapos na ang tungkulin niyo bilang mga Zodiac Protectors."

Ha?

"Simula ngayon, wala nang kalaban na gustong kumuha ng Element niyo." sabi na lang ni Lia. "At dahil diyan, may regalo kami na ibibigay sa inyo."

"Really? That's nice." napatingin ako kay Sab, naka-ngiti siya ngayon.

"Pero. . ." sakto din na nawala ang ngiti niya nang magsalita si Prico. "Kailangan niyo mamili sa magiging takbo ng buhay niyo."

Napatingin ako sa mga kasama ko, hindi din nila nagets.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Leandros.

"Ibig sabihin, kayo mamimili kung gusto niyo manatili sa mundong 'to. Or, hihilingin niyo na mapunta sa mundo na gusto niyo." sagot ni Sagi.

"Yun bang, pwede ko makasama ang asawa at anak ko?" tanong bigla ni Paulo. Tumango si Sagi.

Napatingin ako sa kanya. Namatay 'di ba ang asawa't anak neto? Ibig sabihin. . .

"Hoy." tumingin si Paulo sa akin. "Magpapakamatay ka?"

"Troy, ano ba 'yang pinagsasabi mo?" tanong na lang ni Bianca.

Hindi ko sinagot si Bianca. Nakita ko na lang na ngumiti si Paulo sa akin.

"Pwede din naman na bumalik kayo noong hindi kayo sinugod ni Silex." nang sabihin iyon ni Ariusa, naisip ko agad si Sol.

Kaso, maibabalik pa ba ang memorya ni Sol 10 years ago?

"Teka. Teka." sabi na lang ni Harold. "Kapag ba hiniling namin sa inyo 'yun, may posibilidad ba na hindi kami magkikita-kita?"

"Oo." sagot ni Arose. "Lalo na kung magkaiba ang mundo na gusto niyong puntahan."


Oh, shit.


Ibig sabihin, huling pagkikita na pala namin 'to. Kainis, simula nung bumalik ang memories ko, feeling ko ang tagal naming hindi nagkikita-kita. Sayang ang 10 years kung maghihiwalay kami!


"Bibigyan namin kayo ng mahabang panahon para mag-isip." napatingin ako kay Pis. "Kailangan matanggap niyo 'to at dito niyo sabihin ang desisyon niyo."

"At kailangan niyo din umalis dito kapag natanggap niyo na ang ibibigay namin sa inyo." sabi na lang ni Rustan.

"Bakit?" tanong ni Uni.

"Mawawala na 'tong mansyon. Binuo lang naman 'to dahil nandidito ang mga Zodiac Protectors." sagot ni Vir.

Napatingin ako sa paligid. Ang daming memories din dito, kasama si Dorothea.

Kaya ba mawawala 'to dahil wala na siya? Nakakalungkot.

"Kapag natanggap niyo na 'to, hindi na din kami magpapakita sa inyo." napatingin ako sa sinabi ni Brali.

"Hala, bakit naman?" tanong ni Karen.

Ngumiti si Niel sa kanya. "Tapos na ang tungkulin niyo bilang mga Zodiac Protectors. Alam namin na, hindi niyo na kami kailangan. Wala na gugulo sa mundo niyo."

Tumingin ako kay Fey, na nakatingin pala ngayon sa nanay niya. Sino pa ba, eh 'di si Pis. Matatanggap kaya niya?

"Oras na para matanggap niyo na 'to." sabi na lang ni Leo. Tapos ngumiti siya sa amin. "Maraming salamat dahil kayo ang tumalo kay Diemon noon."

"At salamat na din dahil nagawa pa namin makipaglaban kahit na. . . Kaluluwa na lang kami." sabi na lang ni Cercan habang nakangiti siya. 

"Mag-iingat kayong lahat, ha?" sabi na lang ni Pis sa amin habang nakangiti siya. Actually, lahat sila nakangiti sa amin ngayon.

"Salamat po." si Fey ang nagsabi nu'n. 


Unting-unti na sila lumalabo hanggang sa nawala na sila. Pero, may nakita kami. 13 na bato na lumulutang ngayon. Parang, ganyan din ang bato na nakita ko noon teenager pa ko.

Lumipad 'yun at bawat bato, nakatapat ngayon sa amin. Nilahad ko na lang ang kamay ko, sakto din dahil nasalo ko ang bato na 'yun.

Dito na ba kami hihiling?

"So. . ." napatingin kami kay Paulo. "Ano na ang plano?"

"I don't know." si Sabrina ang sumagot. "Gusto ko na umuwi."

"Safe na kaya umuwi?" tanong ni Bianca. "Bago tayo pumunta dito, ang gulo na ng city."

"Eh 'di tara, alamin na natin kung magulo pa rin ba." sabi ko na lang sa kanila. Pero, walang umimik. "Oh, bakit hindi kayo makapagsalita diyan?"

Nakita ko na lang ang mga hitsura nila, parang bagsak na bagsak.

"Once na umalis tayo dito, wala na ang mansyon." sabi na lang ni Sol. "Sayang, hindi ko na maalala ang mga nangyari noon dito."

"Eh 'di, hayun na lang ang hilingin mo." sabi na lang ni Karen.

Ngumiti si Sol sa kanya. "Hindi ko pa sigurado kung magugustuhan ko ba ang mundo ko bago ako mawalan ng alaala. Teacher pa rin naman ako, sabi niyo. Pero, hindi ko na alam kasi."

"Mahaba pa naman ang oras ang binigay sa'tin para makapag-isip." sabi na lang ni Fey. "Pero, oras na ba para umalis dito?" tanong pa niya habang tinitignan niya ang buong living area.

"Mamimiss ko yung greenhouse dito." sabi ni Bianca. Tapos, bigla na lang siya tumayo. "Magdidilig lang ako." saka siya umalis.

"Oh, kayo?" tanong na lang ni Leandros. "Ano pa ang gusto niyo gawin dito bago umalis?"

"Ako, papasyalin ko muna 'to." sabi na lang ni Soliva. "Tutal, wala naman din ako maalala noon. Atsaka, hindi ko din nalibot ang lugar na 'to."

"Tara, ako ang magto-tour sa'yo." nang sabihin iyon ni Rico, saka siya tumayo at tinayo si Sol. Tapos, naglakad na sila.


Mukhang sasamahan ko na lang si Bianca sa greenhouse.


~~~~~~~~~~~~~~


Alam niyo ba kung ano ang ginawa namin sa mansyon? Nagkalat lang naman. Literal na nagkalat.

Siyempre, nainis si Bianca sa amin dahil magliligpit na naman daw siya. Kaso, pinigilan na namin siya maglinis dahil masasayang lang ang effort niya. Maglalaho din naman ang mansyon.

Nang makarating kami sa city, ang ayos-ayos. Akala mo, walang siraan ng building ang nangyari dito. Parang walang nangyari. Ang galing.

Nag-dinner muna kami sa restaurant ni Bianca, libre niya daw. At the same time, nagsulat lang naman kami sa diary na ginawa noon ni Rico para kay Sol nu'ng wala na siya maalala.


Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nakatingin sa kisame habang hawak ko ngayon ang bato na binigay sa amin. Teka, ano ba ang mundo na gusto ko?

Noong hindi pa namin nakalaban si Harold, naalala ko na nag-aaral ako. Pero, hindi ko na maalala kung ano'ng course 'yun.

Ngayon, licensed pharmacist na ko. Masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon. 

Hala, magdi-dinner date pa pala kami ni Sabrina! Muntikan ko na makalimutan.

Teka, nasaan na ba ang phone ko? Kailangan ko ma-imbitahan 'yun bago pa mag-wish 'yun.

Pero teka, nag-wish na ba siya? Pa'no ko malalaman?


"Kapag ba hiniling namin sa inyo 'yun, may posibilidad ba na hindi kami magkikita-kita?"

"Oo. Lalo na kung magkaiba ang mundo na gusto niyong puntahan."



Ugh! What should I do?!?!?! Help!


Ah! Hayun na lang kaya ang i-wish ko. . .


"Sana, nandito pa sa mundong 'to si Sabrina. Sana huwag na siya umalis." bulong ko na lang sa bato na hawak ko ngayon.


Teka, bakit nahihilo na naman ako?


Siguro, kulang lang ako sa tulog. Or baka, napadami ang inom ng alak. Kasalanan 'to ni Leandros.


Sige. Matutulog na lang ako.


___________________________________


HI. HELLO!

OHMIGOSH! HAYAN NAAAAA! HAHAHAHA


VOTE - KUNG NALUNGKOT KAYO NG BERI SLIGHT. KUNG HINDI, PA-VOTE NA DIN

COMMENT - YOUR KEME THOUGHTS.

FOLLOW - NIYO KOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!


ARIGATOU :*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top