CHAPTER FORTY
Dorothea's POV
"Pis?"
Lumingon naman siya at pinaupo ako sa tabi niya. "May sasabihin ako sa'yo."
Huminga lang ako nang malalim at pumunta na sa kanya. Mamaya na kasi ako aalis dito para puntahan ang mga Protectors. Kailangan na nila sanayin ang mga kapangyarihan nila.
"May problema ba?" tanong ko na lang sa kanya nang makaupo na ko.
"Kukunin ka ni Syren."
Napalaki ang mga mata ko sa kanya. "Hala! Huwag ka magbiro ng ganyan, Pis."
Ngumiti siya sa'kin. "Makakatakas ka naman mula sa kamay niya. Kaya lang, hindi ko makita kung ano'ng ginagawa ng mga Protectors habang nawawala ka."
Nakaramdam agad ako ng takot. "Pa'no niya ko kukunin? Tulungan mo naman ako na pigilan 'yun."
Sandali muna siya tumahimik. Tumingala siya at pumikit. Habang ginagawa niya iyon, napatingin ako sa bahay ni Prico, nandoon pa rin ang mga naunang Zodiac Protectors, nakikipag-kwentuhan sa isa't-isa. Parang ang normal naman ng scenario nito. Kasi ganitong-ganito sila bago pa dumating si Diemon sa buhay namin.
"Ikaw ang makakaharap niya bago ang mga Protectors."
Napatingin agad ako kay Pis dahil sa sinabi niya. Nakadilat na ang mga mata niya at diretso na ang kanyang tingin sa ilog.
"Pa'nong makakaharap? Lalabanan ko siya, ganun?" tanong ko tapos tumango naman siya. "Matatalo ko ba siya?"
"Hindi ko na nakita ang tungkol diyan." saka siya lumingon sa'kin. "Hayun ang gagawin mo kapag nakarating ka na sa mundo nila."
"Pis..." sabi ko na lang sabay napakamot ako sa ulo. "Ramdam ko ang lakas ng kapangyarihan niya nu'ng nakaharap ko siya. Baka hindi ko ulit kayanin."
Hinawakan niya ang mga kamay ko at tinitigan ang mata ko. "Darating agad kami kapag hindi mo na kinaya."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Darating? Teka, teka. Ano bang plano mo?"
"Nakadepende sa desisyon nila ang magiging plano ko."
"Huh?"
Ngumiti na lang siya sa'kin. "Kailangan mo siyang harapin para hindi ka niya mahuli."
"Pero mahuhuli niya ko dahil naglalaban kami, Pis." sabi ko sabay yumuko ako habang magka-hawak pa rin ang aming kamay.
"Hindi ka niya mahuhuli. Dahil darating naman kami." napa-angat ang tingin ko sa sinabi niya.
"Ano'ng gagawin niyo? Kayo ang makakatalo sa kanya? Hindi niyo na hawak ang Element niyo, natural na kapangyarihan na lang ang ginagamit niyo. Masyado siyang malakas para kalabanin niyo siya. Atsaka, utang na loob Pis, ayoko na matulog nang mahaba." sabi ko na lang sa kanya.
Huminga na lang siya nang malalim. "Hindi sila magkakasama ngayon dahil may mga ginagawa sila. Hindi pa nagigising ang anak ko."
Huminga na lang din ako nang malalim. "Kapag ba nakaharap ko na siya, makikita mo na ang susunod na mangyayari?" tanong ko saka siya tumango.
Bahala na.
~
Heto na nga, naglalakad na ko papunta sa mundo ng walang mahika. Nang makalabas na ko ng tunnel, agad din iyon nawala. Nilibot ko muna 'to, nasa gubat pa naman ako, gabi pa naman din ako nakarating dito. Nagsimula na ko maglakad pero naging alerto ako sa paligid. Kailan kaya siya susugod?
"Ikaw ba..."
Agad ako napalingon sa puno na 'yun at binato ko na ng bato galing sa lupa. Walang tao roon.
"Hinahanap mo din ba ang mga Protectors?"
Lumingon naman ako sa puno na nasa kaliwa ko dahil doon galing ang boses 'yun. Tinapat ko ang kaliwang kamay at pinilit kong ilutang ang puno. Pero, walang tao kaya binato ko na lang sa malayo.
"At ikaw rin ba..."
Napalingon ulit ako sa kanan, pinalutang ko ulit ang puno pero wala siya roon. Kainis.
"Ang gumabay sa mga naunang Protectors noon?"
Lumingon na ko sa paligid ko dahil paulit-ulit ang sinasabi niya. Parang kahit saan ko siya naririnig. Pati sa itaas, napatingin na din ako. Tanging buwan lang ang nakikita ko ngayon.
"Nasaan ka?!" tanong ko na sa kanya. Sabi ni Pis, kailangan ko siyang kalabanin. Sana naman tulungan niya ko.
"Dito!"
Napatingin ako sa itaas. Hayun siya pababa sa'kin, may hawak siyang maliit na kutsilyo. Nagawa ko pa siyang pigilan dahil pinalutang ko siya. Kaso, nagpupumilit na isaksak sa kanan mata ko ang kutsilyo niya.
"Nasaan ang mga Protectors!?" tanong niya. Sirang-sira na ang mukha niya tapos pulang-pula na din ang mga mata niya. Pero, yung katawan niya parang ordinaryong tao. At doon ko lang napansin na tumutulo pa ang laway niya.
"Bakit ko sasabihin sa'yo?" hayan na lang ang nasabi ko sabay tinulak ko siya papalayo. Ano na ang gagawin ko?
"Nasaan sila!?" sigaw pa niya sabay mabilis niya kong sinugod. Ako naman, umiiwas sa pag-atake niya. Alam kong hindi pa niya nilalabas ang kapangyarihan niya. Pero yung hawak niyang kutsilyo, may lason na nakahalo.
Agad ako nakalayo at tinapat ko sa kanya ang mga kamay ko para gawin Gravity Wave. Hayun ang technique ko para hindi siya makatayo, makakaramdam siya na parang may umaapak sa kanya. Agad naman nangyari iyon kaso... Nakalipad siya.
"Alam ko na 'yang kapangyarihan mo, Dorothea!" sabi na lang niya sabay sumugod papunta sa'kin. Ang bilis niya!
Paano siya nakatakas?
"Harangan mo!"
Hindi ko muna nilingon kung saan galing yung boses na 'yun. Pero, nagawa ko siya harangan gamit ang puno na nasa tabi ko. Kasabay nu'n, nagawa ko lumipad papa layo sa kanya. Agad may humawak sa kaliwang braso ko at hinila ako papunta sa kanya.
"Mabuti na lang, nakita ka namin agad dito." napalingon ako sa kanya, si Vir. Tumingin siya sa'kin sabay ngumiti. "Okay ka lang? Sinaktan ka ba niya?" tanong niya. Ang gwapo niya talaga!
"Okay lang ako, Vir. Salamat." sagot ko sa kanya pero hindi pa niya ko binitawan. Nakatayo lang naman kami dito sa sanga ng puno na 'to. Lumingon-lingon ako sa paligid. "Ikaw lang ang nandito?"
"Hindi. Nandun si Arose." sagot niya sabay may tinuro siya kaya napatingin ako sa tinuro niya. Si Arose ang humaharap ngayon kay Syren.
"Nasaan ang iba?" napalingon siya sa tanong ko kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?"
"Narinig ko ang usapan niyo ni Pis. Hindi ko alam kung bakit." napalaki ang mga mata ko. "Binulong ko agad kay Arose 'yun kaya binabantayan niya kayo kanina nu'ng nag-uusap kayo."
"Hala, bakit hindi ko napansin 'yun?" tanong ko na lang. "Pero, alam ba nilang lahat na nandito ako?"
"Hindi. Bakit namin sasabihin 'yun? Eh 'di nag-alala na naman silang lahat sa'yo. 'Di ba, ayaw na ayaw mo na may kumakamusta sa'yo?" sabi na lang niya sa'kin sabay binalik niya ang tingin kina Arose at Syren. "Malalaman nila na nawawala kami kaya kailangan din namin bumalik."
Inaalala ko pa rin ang sinabi ni Pis sa'kin habang nakatingin ako ngayon sa dalawa na naglalaban. Todo iwas si Arose sa pag-atake ni Syren. Alam kaya niya na may lason ang hawak na kutsilyo ni Syren?
"Tignan mo..." sabi na lang ni Vir sabay sinundan ko yung tinuro niya sa itaas. May nakita na lang ako na mga 'alien' na lumilipad. Hindi ko alam kung saan sila papunta ngayon. "Nakita nila ang mga Protectors."
"Hala. Kailangan ko na sila puntahan." Hayan na lang ang nasabi ko. Napatingin ako kay Arose na, nakatingin na pala siya sa'kin. Sinipa niya papalayo si Syren at pinuntahan kami dito.
"Ihahatid ka na namin sa kanila. Kailangan nila malaman na-
"Hindi." agad sila nagulat sa sinabi ko. "Bumalik na kayo sa mundo natin. Ako na ang haharap sa mga 'to."
"Dorothea..." lumingon ako kay Vir. "Sigurado ka?" tanong niya kaya agad ako tumango.
"Hoy..." napatingin ako kay Arose, pati na rin sa likod niya. Baka kasi lumilipad si Syren papunta dito. "Huwag ka na makipag-laban sa mga 'yan. Puntahan mo na lang ang mga bata. Klaro?"
"Opo, mahal na prinsipe." nag-bow down pa kayo saka na ko lumipad. Nang makalayo ako, lumingon ako sa kanila. Wala na pala sila doon. Sana naman nakabalik sila nang maayos.
Responsibilidad ko sila. Alam kong kailangan nila ng gabay ko lalo na't si Syren ang kalaban nila sa mundong ito.
Napahinto na lang ako dahil humarang na sa daan ang mga 'alien' na 'to. Kakaiba na sila ngayon, lumaki na ang katawan, mas lalo pumula ang mga mata nila na parang mata na ng isang tao. Makikita na sa mga antenna nila ang kuryente at lason roon. Kailangan hindi ko mahaplos ang mga 'yan dahil mamamatay ako.
Nang sumugod na sila sa'kin, agad ako nagpalutang ng dalawang puno at sunud-sunod kong binato sa kanila. Napatay ko naman sila kaso may sumunod pa na batch na sumusugod ngayon. Kainis, mauubos ko ang mga puno dito!
Agad ako lumipad papalayo kaso narinig ko na lang ang tunog nila mula sa likod kaya agad ako lumiko. Kaso may mga 'alien' na naka-abang, pati na rin sa kabila. Napapalibutan na nila ako!
"Aaah!" napasigaw na lang ako dahil naramdaman ko ang kuryente na dumaloy sa katawan ko. Hindi ko alam kung pa'no ko pa nagagawang makita ang ilaw mula sa antenna nila. Inangat ko ang kanang kamay ko nang dahan-dahan, ginawa ko ang Gravity Wave para matigil ang pag-kuryente nila sa'kin.
Namatay din sila kaya natigil ang pag-kuryente nila sa'kin kasabay nu'n, napagbagsak na din ako sa lupa. Ramdam ko pa ang nginig ng buong katawan ko, kasama ang ulo ko. Pero nagagawa ko pa makakita nang maayos.
Dahan-dahan akong tumayo. Pero agad din ako bumagsak dahil na panginginig ng katawan ko. Kaya gumapang na lang ako papunta sa puno na malapit sa pwesto ko. Buti na lang nagawa ko pang umupo nang maayos.
Napatingin ako sa kalangitan ngayon. Gustong-gusto ko na sila makita na kumpleto, gusto kong sabay-sabay kami kumain katulad noong mga bata pa sila. Pero, mukhang imposible na din mangyari iyon dahil may mga sarili na silang ginagawa. Hindi ko mapigilang ngumiti kapag naalala ko kung paano nila kontrolin ang kapangyarihan nila. Mahahalata mo talaga na isa lang silang ordinaryong kabataan. Hindi katulad ng mga naunang Zodiac Protectors, simula nang ipinangak sila, may sumpa o kapangyarihan sila na kailangan nilang kontrolin.
Narinig ko ulit ang tunog ng mga 'alien', hindi ko alam kung saan na sila papunta. Pero panigurado pupuntahan na nila ang mga Protectors. Gugustuhin kong puntahan ang mga 'yun pero hindi na ko makatayo nang maayos. Mabuti hindi nila ako nakita dito.
Gusto ko na pumikit. Gusto ko na matulog ulit, kailangan ng pahinga ang katawan ko. Ramdam ko pa din ang panginginig eh.
"Mahal na reyna..." bulong ko habang dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko.
~~~~
VOTE - KUNG ALAM NIYO KUNG ANONG NANGYARI HAHA
COMMENT - ANSWER?
FOLLOW - NIYO KO GOOOOO!!!
ARIGATOU! :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top