CHAPTER FIVE
Soliva's POV
Lintek na ewan. Seryoso ba 'to? Nasa harapan ko ngayon si Rico, kumakain sa medyo fancy na restaurant. Sabi niya kumain muna daw kami then talk. Feeling ko kasi hindi siya maniniwala kapag sinabi ko sa kanya na-
"May problema ba Miss?" Bigla na lang siya nagtanong. Umiling lang ako saka kumain.
"Talaga? By the way, hindi ko alam kung anong name mo." Sabi na lang niya.
"Ah. Eh. S-soliva Angel Berglin ang name ko. Hehe." Bakit ka nauutal Sol?! Myghad!
Napa-titig na lang sa'kin si Rico kasi ang weird ko na siguro. "Okay ka lang?"
Tumango na lang ako tapos kumain ulit. Kapag ba sinimulan ko ang topic about sa "aliens", mawe-weirduhan ba ulit sa'kin 'to? Feeling ko kasi ang sungit niya. Although, hindi naman talaga siya masungit sa'kin before.
"Narinig mo ba kanina na nakipag-hiwalay sa'kin yung fiancé ko?" Napatigil ako sa pagsubo nang magsalita siya.
"Hindi ko intensyon na marinig 'yun. Dumaan lang ako tapos bigla ko na lang narinig 'yun." So, fiancé niya talaga 'yun? Hays.
Bigla na lang siya ngumiti. "Gumaan na ang pakiramdam ko nu'ng nakipag-hiwalay ako sa kanya. Simula nu'ng na-engaged kami, parang sinasakal ako na hindi ko maintindihan. Ayoko pa naman ng ganun."
"Pero minahal mo ba talaga 'yun?" Sol, what the heck?
Tumingin muna siya sa'kin within 3 seconds. Oo, binilang ko. "Mukha ba kami nagmamahalan?"
Wait, what?!
"Naki-usap lang ang mama niya na pakasalan ko siya dahil baliw na baliw siya sa'kin. During my college days, dikit ng dikit siya sa'kin. Sinabi ko naman na wala talaga ako gusto sa kanya pero, ang kulit."
Wala siyang binanggit na ganyan sa journal book.
"Hindi ko na naalala kung bakit ako pumayag. 2 years din 'yun." Saka siya ngumiti sa'kin.
"Pero bakit nga ba kayo naghiwalay?"
Tumingin siya sa'kin nang diretso. "Feeling ko ikaw ang dahilan kaya desidido siya maghiwalay."
"Ha?!"
Bigla na lang siya tumawa. "Simula nu'ng sumigaw ka sa cafeteria na 'yun. Nagiging iritable na siya. Hindi na niya ako kinakausap at kinukulit. Kaya, isang thank you sa'yo Miss Soliva." Sabi na lang niya. Pa'no nangyari 'yun.
"Pupunta ako sa Hawaii bukas ng tanghali." Hala.
"Bakit?"
"Magbabakasyon lang. Babalik lang ako dito sa Pilipinas after 3 months." Hala! Pa'no kung within 3 months, nagpakita na si Syren?! Myghad.
"Bakit Miss?"
Itatanong ko na 'to tutal aalis na rin siya bukas. "Naniniwala ka ba na nage-exist ang mga 'aliens' dito?"
"Aliens'? Ano 'yun?"
Shet!? Hindi niya alam! Patay tayo diyan!
"Mga malalaking bubuyog na kayang pumatay ng tao. Ganun. Tapos ang mga Zodiac Protectors lang daw ang kayang pumatay sa kanila."
"Zodiac Protectors? Ano 'yun? Mga sundalo na ganun ang code name?"
Huh? "Hindi. May mga kapangyarihan daw sila. Yung hindi nagagawa ng normal na tao."
Naka-tingin lang siya sa'kin. Maniniwala kaya 'to? "Hindi ko alam kung nage-exist ba talaga ang mga 'yan, Miss. Kasi hindi ko naman sila nakikita."
Hala, eh 'di hindi ko rin mapapapunta 'to sa mansyon. Wala na kasama si Fey.
______
"Sa'n ka ba nakatira? Ihahatid na kita."
Napalingon ako sa kanya nang makalabas na kami sa restaurant. After niya isagot 'yun, hindi na ko nagsalita pa. Ayun lang naman ang gusto kong itanong eh.
"Wag na. Kaya ko na mag-isa. Tsaka, kailangan mo na din magpahinga kasi may flight ka pa bukas 'di ba?" Sabi ko saka siya tumango.
"Sige, mauna na ko. Nice to meet you, Mister Rico." Sabay naglakad na ko nang mabilis.
"Sol!" Napahinto ako tapos lumingon sa kanya. At hayun siya, tumatakbo papunta sa'kin.
"Bakit ang lungkot ng mukha mo?" Saka niya hinawakan yung pisngi ko.
Agad ko hinawi yung kamay niya tapos pilit na ngumiti. "Hindi ah. Nababaliw ka na. Sige na, uwi na ko. Ingat ka bukas. Bye!" Nag-wave lang ako saka ako tumakbo. Mabuti na lang hindi ako naka-heels ngayon.
Naka-uwi naman ako nang safe. Ako lang mag-isa ngayon dahil umuwi sa Laguna si Trisha. Sana pala dito ko muna pinatulog si Fey. Kumusta na kaya 'yun du'n? Okay naman siguro siya 'no?
Naka-higa na lang ako ngayon sa sofa, scroll lang sa news feed. Inadd ko na si Fey sa FB pero mukhang matatagalan niya ako i-accept dahil nandun siya ngayon sa mansyon. Chineck ko din mga pictures niya, wala ni isa du'n ang mga kasamahan namin. Parang hindi talaga niya kilala ang mga 'yun.
Waaa! What should I do? Pa'no ko pa hahanapin 'yung iba? Si Rico, nasa Hawaii na bukas. Basahin ko na lang 'yung journal book, baka sakaling may makuha akong info.
Chineck ko muna yung messenger, may mga nag-message request pero napatayo ako nang makita ko ang pangalan niya.
Rico Caday
Hi! :)
Accept ko na? Syempre yes!
Sineen ko lang yung chat niya. Patayo na ko nang makita ko ang name niya sa screen ng phone-SHET! TUMATAWAG ANG LOKO!
Sasagutin ko ba?
Syempre no. Joke.
"Hello?" Napangiti pa ko.
[Dapat ba kong tumuloy bukas?] Huh?
"Hala, bakit hindi ka tutuloy? Hawaii 'yun, dapat i-enjoy mo na 'yan. Sayang naman kasi." Sana all, nakakapag-Hawaii.
[Weird lang kasi.]
"Why?"
[After kita maka-usap, parang ayoko nang umalis.] Saka siya tumawa. Luh, nabaliw.
"Alam mo, nasa sa'yo na 'yan kung gusto mo pumunta kasi kung ako sa'yo..." Ay, bwiset ka Soliva!
[Oh? Ano? Tutuloy ka ba o hindi?]
"Sy-syempre. Hindi ko itutuloy." Kaya mo 'yan Sol!
Narinig ko siyang tumawa. Gwapo niya siguro 'pag tumawa 'to. [At bakit?]
"Kasi baka wala sa Hawaii yung magiging buhay ko du'n. Atsaka, baka wala din du'n yung mapapangasawa ko. Nag-aksaya lang ako ng oras tsaka pera du'n. Kasi hindi ako kasing-yaman mo hahahaha."
[Hmmmm. Sige.] Maya-maya, may narinig na lang ako na may pinunit siya.
"Ano 'yun?"
[Ticket ko papuntang Hawaii.]
"Pinunit mo?!" Sigaw ko na lang. Buti na lang wala dito si Trisha kundi, mai-inggit 'yun sa'kin dahil kausap ko ang Taurus Protector. Hihi.
[Yup. Baka nga nandito sa Pilipinas ang mapapangasawa ko. It's getting late, kailangan mo na magpahinga. May tatapusin lang ako then matutulog na din.]
Bakit niya sinabi sa'kin 'yun? "Ah. Oo nga haha. Sige, magpapahinga na din ako. Good night."
[Good night. Accept mo ko ah.]
"Yeah. Mamaya. Haha. Good night po."
[Good night.] Sakto din na namatay dahil na-lowbatt na yung phone ko.
SHET NA MALAGKET! MAINGGIT KA TRISHA DAHIL KILALA NA NIYA AKO! Oh wait, hindi pa niya alam na siya ang Taurus Protector.
Bago ako humiga, tinignan ko muna 'yung journal book nila. Chineck ko maigi yung bawat page nito. Pero, may napansin agad ako.
Bakit parang may napunit na page dito? Oo, may pinunit nga. Pero sino nagpunit nito?
Virgo
> Troy Santival-Alvarez
> Pinaka-gwapo na nilalang sa Earth. HAHAHAHAHAHA! Joke lang, mahal ka namin Soliva!
At hanggang dyan lang ang naka-sulat dahil napunit na ang kalahating papel. Oh, wait.
May nakasulat pala sa likod:
Sol! Sorry! Epal lang talaga 'tong si Paulo! Mali pala yung info na nabigay ko! 'Di bale, nasa next page yung legit na info ko. Hoping na mabasa mo siya.
________
HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN?
OKAY PA BA KAYO? SANA ALL HAHAHAHAH! INGAT KAYO PALAGI :)
VOTE - KUNG ISA KANG TAURUS/AQUARIUS. KUNG HINDI NAMAN, I-VOTE MO NA RIN KUNG OKS SA'YO 'TONG CHAPTER NA 'TO. HEKHEK
COMMENT - KUNG INCOMPATIBLE BA TALAGA ANG TAURUS AT AQUARIUS EHEHE. FEEL FREE LABG GUISE.
FOLLOW - NIYO KO FOR MORE STORIES :)
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top