CHAPTER FIFTY TWO
Rico's POV
"Sir?"
"Sir."
"Sir, ayos lang po ba kayo?"
Agad na ko nakabangon dahil sa boses na 'yun. Pero, napansin ko na wala ako sa bahay.
"Sir, ayos lang po ba pakiramdam niyo?"
Napatingin ako sa tabi ko, bakit may guard dito? Atsaka, nasaan ako?
"May kasama po ba kayo sir?"
Teka, hindi ko na alam ang nangyayari dito. "Actually-"
"My god, kuya. Ano'ng ginagawa mo diyan?"
Mukha ni Ria ang bumungad sa tabi ng guard ngayon. Dala-dala pa ang maleta niya.
"Ria?"
Nagtaka na rin 'to. "Ano'ng ginagawa mo? Bakit nakahiga ka diyan?"
"Nakita ko po ma'am, hinimatay si sir." sabi na lang ng guard sa kanya.
Hinimatay? Pa'no ako hinimatay?
Napakamot na lang sa ulo si Ria. "Hay nako kuya, ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung buhay lang talaga si Mama, bingo ka na naman sa kanya."
"Bakit?" ayan na lang ang naitanong ko.
"Sinasagad mo ang sarili mo sa trabaho. Porket hindi kayo okay ni Soliva ngayon, ganyan ka na. Magpo-propose ka pa mamaya sa kanya 'di ba?"
Bago pa ko sumagot, tinulungan pa ko ng guard na tumayo. "Sigurado po ba kayo na okay kayo sir?"
Tumango ako. "Okay lang ako kuya. Nandito naman yung kapatid ko kaya may kasama na ko."
"Sige po sir." saka na umalis ang guard. Hindi ko pa rin alam kung pa'no ako nakarating dito.
"Kuya, sure ka ba?" napatingin ako kay Ria. "Okay ka na ba talaga?"
"Oo, okay naman ako ah." pero marami akong tanong na gusto kong sagutin. Teka, nasaan ba sila?
"Kinakabahan ka 'no?"
Napatingin ako sa kanya. Kinuha ko na rin ang maleta niya at ako na ang naghila. "Saan?"
"Para mamaya."
"Ano'ng meron mamaya?"
Napalaki ang mga mata niya. "OMG. Kuya, hindi mo itutuloy ang pagpo-propose mo kay Soliva?"
Sinabi na niya kanina pero. . . "Ngayon ba 'yun?"
"I don't know. Basta, bago ako pumunta ng Canada, kailangan matuloy ang kasal niyo." sagot na lang niya habang naka-ngiti.
~ ~ ~
Nang makauwi kami sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto. Bahala na kung ma-weirduhan si Ria sa akin.
Nilock ko agad ang pinto at humiga. Tama, heto pa rin ang kwarto ko.
Inaalala ko kung ano ang nangyari. Ang alam ko, kakahiling ko lang kanina.
Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang maghiwa-hiwalay na kaming lahat matapos namin mag-dinner sa restaurant ni Bianca. Ang asawa ni Bianca ang naghatid sa amin dahil hindi na kaya mag-drive ni Paulo sa sobrang lasing.
Ang naalala ko, nakatingin lang ako sa bato nang makauwi ako sa bahay. Sinubukan kong tawagan si Soliva, kaso napansin ko na wala ang number niya. Pati na din ang iba ko pang mga kasama.
Ibig sabihin, wala na sila sa mundo na 'to.
Dalawang buwan ang lumipas bago ako mag-decide kung ano ba ang gusto kong ihiling sa bato na binigay sa amin.
"Sana makasama ko si Soliva ngayon." hayan ang nasabi ko.
After nu'n, nawalan na ko nang malay. At nagising na lang ako na nasa airport na.
Pero, yung Soliva kaya na sinasabi ni Ria sa'kin, siya kaya yung Soliva na kilala ko? Yun Soliva na naging Aquarius Protector?
"Kuya?"
Napatingin ako sa pinto. "Bakit?"
"Sama ka sa akin? Puntahan natin si Mama?"
Agad ako napabangon. "Sige, hintayin mo lang ako sa sala."
"Mama!"
Sumigaw na lang si Ria sabay nilapag na niya ang bulaklak sa puntod ng magulang namin.
"Ria, nandito ang katawan ni Mama?" tanong ko sa kanya. Sa pagkaka-alala ko kasi, kinuha ng 'alien' ang katawan ni Mama. Pero, hindi na namin alam kung saan iyon dinala.
Napatingin siya sa akin habang hawak ang phone niya. "Hala kuya, ikaw kaya ang nag-asikaso neto."
"Ah?"
"Hay naku po." sabi na lang niya habang napakamot siya sa ulo niya. "Ayan ang problema kapag fino-focus mo ang sarili mo sa work."
Wala na akong alam sa sinasabi niya. "Pasensya naman."
Ngumiti lang siya. "Okay lang. Actually, nakalimutan ko na din kung pa'no mo nahanap ang katawan ni Mama. Ni hindi pa rin natin alam kung pa'no siya namatay eh."
"Hanggang ngayon?"
Tumango siya. "Chinop-chop ang katawan ni Mama. Kaya, nagkasundo tayo na icre-cremate na lang natin si Mama. Kaya yung abo niya, nasama sa libingan ni Papa."
Ah, ganun pala ang nangyari. Pero, bakit hindi niya naalala na kinuha ng 'alien' si Mama? Atsaka, ano'ng klaseng mundo ba 'tong napuntahan ko? Talaga bang dito ako?
"By the way. . ." napatingin na lang ako kay Ria. "Nakita ko si Sol sa school."
"Sol? As in Soliva Berglin?"
"Oo nga kuya. Yung girlfriend mo."
Huh?! Girlfriend ko siya? Dito?!
"Hoy, kuya. Okay ka lang?" tanong na lang ni Ria habang kinakalabit niya ko.
Tumango ako. "Pupuntahan ko siya. Ikaw na lang magdala ng kotse." sabi ko na lang sa kanya at tumakbo na palabas ng sementeryo na 'to.
Hindi ko na naiintindihan ang lahat. Parang ang laki ng pinagbago ng lugar na 'to. Kahit rin sa bahay, pati na rin si Ria.
Hingal na hingal na ko. Mabuti na lang kabisado ko ang lugar na 'to. Hapon na din kaya dumadami na ang mga tao lalung-lalo na ang mga estudyante.
Nandito lang din ang school na pinagta-trabahuan ni Soliva. Siya lang ba ang nandito sa mundo na 'to?
"Excuse me, kakagising ko lang po."
Boses ba 'yun ni Sabrina?
Lumingon na lang ako sa kaliwa. Sa wakas, nakita ko na din siya. Silang dalawa na ang nandito sa mundo na 'to.
"Sol!" sigaw ko. Napangiti na lang ako nang sabay silang lumingon sa kinatatayuan ko dito. Mainit ngayon pero mahangin.
Nakita ko na naka-nganga na lang si Sab. "Oh my god. Is that. . ."
"Rico?" tanong na lang ni Soliva.
"Oh my god! Si Rico nga!" nang isigaw iyon ni Sab, agad ko naman sila pinuntahan.
"Parang ang tagal natin hindi nagkita ah." sabi ko na lang sa kanya.
"I know right! So, how are you?" tanong na lang ni Sab.
Gusto ko ikwento sa kanila mula umpisa. "Kakagising ko lang."
Bigla na lang sila nagulat sa sinagot ko. "You mean, kakawish mo lang kahapon?" si Sab ang nagtanong.
"Hindi ko alam kung kahapon or kanina lang ako humiling, ganun." sagot ko agad sa kanya. "Nagising na lang ako sa airport, ginising ako ng guard du'n. Akala nila masama ang pakiramdam ko."
Naka-nganga pa rin sila. "Bakit parang gulat na gulat kayo?"
Nakita ko na lang na kumurap si Soliva. "Alam mo bang dalawang taon na ang nakalipas mula nang maghiwa-hiwalay tayo."
"Ano?! Ganun ba katagal ang naitulog ko!?" tanong ko na lang sa kanila. Kaya pala parang nag-iba ang lahat - mula kay Ria hanggang sa bahay. Pati na din ang nangyari kay mama.
"We don't know. Ako nga kahapon lang ako humiling. Kakagising ko lang din." sabi na lang ni Sabrina.
"Ano ba kasi ang hiniling mo?" bigla na lang tinanong iyon ni Soliva.
Napatingin na lang ako sa kanya. "Na nandito ka pa sa mundong 'to."
Katawan ko na mismo ang kusang lumapit sa kanya para lang maabutan ko ang labi niya.
"Oh my god!" sigaw na lang ni Sabrina.
Hindi ko na lang siya pinansin. Naipikit ko na lang ang mga mata ko at hinawakan ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay.
"My virgin eyes! Oh wait, my eyes are not virgin but, oh my god!" sigaw pa ni Sab.
Heh, hindi na pala virgin ang mga mata ni Sabrina. Naramdaman ko na kumapit na si Soliva sa batok ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, parang gusto ko na matikman ang dila niya. Kaya, pinipilit kong ipasok ang dila ko sa loob.
Teka, hindi ba siya marunong humalik? Ibig sabihin ba neto. . .
"Sol, I have to go."
Nang marinig ko ang bulong ni Sab kay Sol, ako na ang bumitaw sa halikan namin. Nakita ko na naka-ngisi si Sab.
"Aalis ka na?" tanong na lang ni Sol.
Tumango siya at tumingin sa akin. "Hoy, madaming hotel dito. Du'n kayo mag-check in. Okay?"
Tumango na lang ako. Bakit ako magpipilit na mag-check in kung pwede naman sa bahay gawin? Joke lang.
"See you soon, guys!" sabi na lang ni Sabrina sa amin saka kami kumaway sa kanya. At, napatingin na din kay Soliva.
"Tara na?" tanong ko na lang sa kanya sabay hinawakan ko ang kanan kamay niya.
"Saan?"
"Magche-check in este, kakain." pucha, bibig mo talaga Rico. "Kakain tayo sa restaurant. Hindi ka pa nagugutom?"
"Hindi pa ko naglu-lunch."
"Oh? Eh 'di tara na. Kailangan mo na kumain." sabi ko sa kanya sabay naglakad na kami.
Lumapit ako sa kanya para ibulong 'to. "Tapos, check in tayo mamaya."
Bigla na lang niya ko pinalo sa braso. Nagpanggap na lang ako na masakit pero, mahina lang 'yung pagkakapalo niya. Atsaka, ayoko gawin iyon sa hotel. Gusto ko sa bahay, mas feel ko ang privacy namin.
Napatingin na lang ako kay Soliva. Nakangiti siya ngayon habang naghahanap kung saan kami pwede kumain.
Bakit ba kasi hindi niya maalala ang mga nangyari sa amin 10 years ago?
Nakita ko na lang na tumingin siya sa akin. "May problema ka?" tanong niya kaya umiling ako.
~~~
"Ah, ganun pala ang nangyari sa'yo." sabi na lang niya habang kumakain siya ngayon ng ice cream. "Buti alam mo pa kung pa'no pumunta dito."
Tumango ako. "Ang laki ng mga pinagbago habang pauwi kami ni Ria sa bahay. Pati na din ang pagpunta dito."
Huminga siya nang malalim. "In 2 years, wala naman kalaban na nagparamdam dito."
"Syempre, natalo na natin si Syren 'di ba?" tanong ko saka siya tumango. "Sinabi na ng mga naung Zodiac Protectors na wala na gugulo sa mga buhay natin."
"Pero, nakakapag-tataka lang kasi."
"Ano 'yun?" tanong ko sabay uminom ng tubig.
"Wala na sa balita tungkol sa mga Zodiac Protectors." sagot niya. "Mula nang magising ako, hindi ko na nakita sa internet about sa mga 'aliens' na sumira sa lugar na 'to."
"Hanggang ngayon?" tanong ko saka siya tumango.
"Kahit ang mga pangalan niyo, hindi na din nage-exist sa kahit anong social media na meron ako ngayon." dagdag pa niya.
Heto ba ang kapalit sa mga hiniling namin? Hindi na talaga magpapakita ang iba naming mga kasama?
"Pero. . ." napatingin ako kay Sol. "Nang magpakita si Sabrina kanina, chineck ko agad ang phone ko kung nage-exist na ba ang pangalan niya sa internet. Kumalat na ang pangalan niya ngayon, lalo na't isa siyang sikat na fashion designer." sabi na lang niya saka siya ngumiti.
"Eh 'yung akin? Nage-exist na ba?" nang itanong ko 'yun, agad niya nilabas ang phone niya. Tapos, bigla na lang siya ngumiti.
"Hala! Nandito pa ang pangalan mo, Rico!" sigaw niya saka niya tinapat ang phone sa mukha ko. Hindi ko gaano nakita pero sure 'yun na account ko 'yun. Tapos chineck niya ulit, kaso bigla na lang. . .
"Ano 'to?" tanong na lang niya.
"Bakit?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Pero, pinakita niya sa akin ang phone niya. At, heto ang nakita ko. . .
In a relationship with Soliva Angel Berlgin
~~~~~
"Ah, ganun ba?" sabi na lang ni Sol nang maikwento ko sa kanya ang sinabi sa akin ni Ria. Naglalakad kami ngayon papunta sa bahay niya. "Sa totoo lang, never ko pa nameet ang kapatid mo."
"Huh? Kahit dito?" tanong ko saka siya tumango. "Kung hindi mo pa siya name-meet, pa'no niya nasabi na girlfriend kita ngayon?"
"Hindi ko din alam. Naguguluhan na nga ako eh." sagot na lang ni Sol. Sabay huminto siya sa isang gate. "Dito na ko, salamat sa late lunch dash early dinner."
"Sunduin kita bukas." sabi ko na lang sa kanya.
Umiling siya bigla. "Mangapa ka muna sa sitwasyon na meron ka ngayon. Saka na lang tayo magkita kapag nakapag-adjust ka na sa mundo na 'to."
Nagtaka ako sa sinabi niya. "Bakit?"
"Eh, baka kasi iba na pala 'yung Rico na ginagawa mo dito compare noong kalaban pa natin si Syren. Ganun kasi ang nangyari sa akin mula nang magising ako. Although, isa pa rin akong pre-school teacher." sagot na lang siya saka siya ngumiti.
"Kung sabagay. Sige, saka na lang kita susunduin kapag nakapag-adjust na ko dito. Naninibago pa rin ako hanggang ngayon." sabi ko na lang sa kanya.
"See? Sige, magpapahinga na ko. Ikaw din." sabi na lang siya saka siya kumaway at pumasok na sa loob.
Hindi ko pala dala ng kotse ko, magta-taxi na lang siguro ako.
"Rico!"
Hindi pa ko nakakalayo sa gate nila kaya agad ako nakapunta. Lumabas si Sol na nakangiti.
"Tignan mo." sabi na lang niya sabay may pinakita sa akin sa phone.
Isang picture ni Sab na natutulog ngayon. At ang kumuha ng picture ay si Troy. Oo, account nga ni Troy 'to!
"Nandito si Troy sa mundo na 'to!" sigaw na lang ni Sol. "Ang saya saya!"
Oo, kitang-kita mo sa mukha niya na masaya siya. Masaya naman ako dahil nandito pa ang mga kasama namin.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kaya hinila ko na siya papunta sa akin at hinalikan siya. . . Sa noo.
"Pahinga ka na, okay?" sabi ko na lang sa kanya saka siya tumango. "Good night."
Aalis na ko kaso bigla na lang siya humarang sa dinadaanan ko at hinala ako para lang mahalikan niya ko sa labi.
Nang matapos niya kong halikan, ngumiti siya sa akin. "Good night." saka siya tumakbo at pumasok sa loob.
Kainis. Gusto ko pa siya halikan.
________________________________________
HI. HELLO. YES! HAHAHAH!
VOTE - KUNG MAMI-MISS NIYO SI RICO BEBE!
COMMENT - FEEL FREE~
FOLLOW - NIYO KOOOOOOOOO!
*oi, season na pala ng Aquarius ngayon hekhek*
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top