CHAPTER FIFTY THREE
Uni's POV
"Mag-iingat kayo, ha?" sabi ko sa kanilang lahat. . . Yung mga gising pa siyempre. Tulog na yung iba gawa nang lasing. Lalung-lalo na si Paulo na napadami ang inom.
"Mamimiss kita!" sigaw ni Soliva habang naka-yakap sa akin. Malapit na ko sa bahay and ako yung unang hinatid.
"Aww, I'm sure magkikita pa rin naman tayong lahat." sabi ko na lang sa kanya. Umiling-iling lang si Sol. "Huwag ka na nga malungkot diyan, Soliva."
"Sana nga magkikita-kita pa rin tayo." sabi na lang ni Fey. Kailangan lang namin mag-ingat sa mga sinasabi namin dahil nagdi-drive ang asawa ni Bianca. Hindi pa rin niya alam kung sinu-sino ang mga Zodiac Protectors.
"Oh, Uni. Nandito na tayo." nang sabihin iyon ni Bianca, nakita ko na nakatingin na pala siya sa akin. "Mag-iingat ka sa pupuntahan mo, ha?"
Tumango naman ako. "Naman oh! Palagi naman ako nag-iingat eh." hayan ang nasabi ko sabay tumawa ako.
Hindi ko alam kung bakit ako tumingin kay Niel. Nakadungaw lang siya sa bintana. Hindi ko alam kung may amats pa ba siya or wala na. Bigla na lang siya tumingin sa akin, tapos dumungaw ulit siya. May galit ba 'to?
"Salamat nga pala miss Uni sa autograph mo para sa anak ko ah." napatingin ako sa asawa niya.
"No problem. Next time, yayain ko siya na mag-archery kami." sabi ko na lang sa kanya habang naka-ngiti. Teka, makikita ko pa kaya ang anak niya?
~ ~ ~
Agad naman ako nag-shower nang makapasok ako sa bahay. Kinuha ko ang bag ko kung saan nandoon ang bato na nakuha namin. At humiga, dahil napagod ako ngayong araw na 'to.
Ano ba ang ihihiling ko dito?
Maya-maya, narinig ko na lang na tumutunog yung phone ko. May tumatawag pala.
Si Niel.
"Hello?" takte, bakit ba ko kinakabahan?
[Ano ihihiling mo diyan?]
Lasing ba 'to or inaantok na? "Bakit?"
Three seconds siya tumahimik. [Ano nga?]
Napabangon ako dahil sa tono ng boses niya. "Niel, lasing ka. Magpahinga ka muna. Bukas mo na ako-"
[Pa'no kung wala ka na dito sa mundo na 'to bukas?]
Teka, tama ba yung narinig ko?
[Pa'no kung hindi na ako namumuhay dito bukas dahil sa hiniling mo?]
Napapa-nganga na ako sa sinabi niya ah. "Bakit ba? Wala naman akong dapat i-share sa'yo." Kainis, sumasakit ang ulo ko ngayon.
[Hindi pwede. Dapat sinasabi mo sa akin kung ano ang ihihiling mo.] sabi na lang niya sabay narinig ko na tumatawa siya. May nakakatawa ba?
[Una na ako, Uni.]
Hindi ko na siya naiintindihan. Feeling ko lasing lang 'to kaya. . .
[Sana nasa mundo ako kung saan makikita ko si Uni. Sana bumalik kami sa dati. . . Noong teenagers pa lang kami.]
Teenagers? Ah, yun bang bago pa kami naging Zodiac Protectors? Nasa eroplano kami?
[I'm sorry kung nagkita tayo ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay ko bago ko maalala ang pagiging Scorpio Protector ko. Kainis.]
Huminga ako nang malalim. "Wala ka naman kasalanan, Niel. Sadyang wala na talaga akong nararamdaman para sa'yo."
Wala na ba talaga? Pero bakit naiinis pa rin ako?
[Okay, sige. Tamang-tama dahil naihiling ko na din sa bato na 'to.]
"Huh? Sinabi mo na?"
[Oo. Narinig mo naman 'di ba?] sagot niya saka siya tumawa. [Sige na, bigla ako nahilo.]
"Hoy, okay ka lang diyan?"
[Yes, I'm okay. Pahinga na lang ako ngayon.]
"Sure?" Uhm, Uni? Concerned ka masyado self?
Narinig ko na lang na tumawa siya. [Oo naman. Mag-iingat ka.]
And then, he ended the call. Okay lang siya 'di ba?
Napatingin ako sa bato na hawak ko ngayon.
Bukas na lang kaya ako humiling?
Tatawagan ko na lang si Niel bukas. Gusto ko na din matulog.
~~~
Shit, hindi ako makatulog.
Bakit ba hindi ako makatulog? Dahil ba sa sinabi ni Niel?
Teka, nangyari na ba yung hiniling niya?
Agad ko kinuha ang phone ko. Nagtaka ako dahil wala sa contacts ko ang pangalan niya. Tignan ko din sa call history dito, wala din. Hindi ko naman dinelete ang number niya ah. Atsaka, makikita ko dapat dito ang number niya.
Inopen ko agad ang Facebook ko at sinearch ang pangalan niya. Hindi na nage-exist. Bakit ganun?
Napatingin ako sa bato na nasa side table ko ngayon. Kinuha ko at tinignan iyon nang mabuti.
"Nasaan si Niel?" tanong ko na lang sa bato. Alam ko naman na hindi magsasalita 'to.
"Nabura na ba siya sa mundo na 'to, ha?"
Uni, bakit ka umiiyak? Hindi ka dapat umiiyak.
"Nasaan nga siya? Tinarayan ko lang 'yun kasi naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit naging ganun 'yun!" sigaw ko na lang sa bato. Ramdam ko na ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.
"Gusto ko siya makita! Gusto ko magsimula ulit kami!"
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko 'yun. Magmula nang bumalik ang alaala ko, hindi ko na gaano nakakausap si Niel. Hindi ko din alam kung bakit.
Maya-maya, nakaramdam na ko ng hilo. Side effect ba 'to after mo humiling sa bato? Ganun ang nangyari kay Niel eh. Or ako lang?
Binalik ko na lang ang bato at phone sa side table, inayos ko ang mga unan at humiga. Itutulog ko na lang 'to.
= = = = = =
Tatlong taon.
3 years in English, walang nangyari after ko humiling. Nagising lang ako, wala na roon ang bato. Ordinaryong araw lang ang nangyari sa akin.
At tumuloy-tuloy na 'yun hanggang ngayon.
Tinuloy ko din ang buhay ko bilang archer dito sa Pilipinas. Kung may competition, sumasali naman ako. Kapag may events about archery, umaattend naman ako. May times na naging coach ako sa mga bata na gustong maging archer.
Nakaka-miss din pala na magkaroon ng kapangyarihan ang bow at arrow na 'to.
Nakaka-miss ang maging Sagittarius Protector, kasama sila.
Ngayon, naglalakad na ko papunta sa apartment ko. Siyempre, galing event ang lola niyo.
Napansin ko na may isang babae ang nakatayo sa labas ng building na 'yun, which is doon ako nakatira ngayon. Mukhang may hinihintay siya. Pwede naman kasi na pumasok siya sa loob.
Familiar kasi siya sa akin eh.
Bigla na lang siya lumingon dito at. . . "Uni?"
No way!
"Fey?"
Napa-nganga na lang siya nang lumapit pa ko sa pwesto niya ngayon. "Uni!"
Kaagad naman siya tumakbo at niyakap ako.
"Oh my gosh! Namiss kita!" sigaw ko na lang sa kanya. Hindi ko alam kung may nakakita ba sa amin ngayon. For sure, meron. Yung guard na nasa loob ng building na 'to.
"Kumusta? Ano'ng ganap natin?" tanong ko sa kanya. Thank you Lord, ang healthy na ng hitsura ni Fey ngayon.
"May hinihintay ako, kasama ko sa lab." sagot niya. "Ikaw, kumusta ka na?"
Pinakita ko sa kanya ang gamit ko. "Archery pa rin. Feeling ko nga, isa pa rin akong Sagittarius Protector eh."
Magsasalita na sana siya nang tumunog ang phone niya. Agad naman niya iyon sinagot.
"Hello? Ano, kaya mo na ba? Sure? Papunta na ba siya diyan? Oh sige, ingat ka ha?" hayan ang mga sinabi niya sabay binaba na ang phone niya at sinuksok iyon sa bag niya.
"May pupuntahan ka ba?" tanong ko.
"Actually, kakain kami sana ng kasama ko. Kaso, hindi siya okay. Kaya. . ." bigla na lang siya umakbay sa akin. "Tayo ang kakain sa restaurant na pina-reserved ko para sa kanya."
Hala siya. "Teka, boyfriend mo ba?"
Umiling siya. "Babae ang hinihintay ko. Papunta na daw ang boyfriend niya para alagaan siya. May sakit eh."
= = = =
"Ano? Hindi ka pa humihiling?"
Napatigil siya sa pagsubo ng kanin nang itanong ko yun. Tumango naman siya saka niya sinubo.
"Ang tagal na pala ng bato diyan sa'yo." sabi ko na lang sa kanya. Nginitian niya ako.
"Sabi naman ni Mama, mahaba naman daw ang oras natin. Hindi ko lang namalayan na tatlong taon na pala ang nakalipas." sabi na lang ni Fey sabay uminom ng tubig.
"In three years, ano ba ang ginawa mo?"
Sandali muna siya natahimik. "Nagpahinga ako ng isang taon. Last year lang ako nakabalik sa trabaho. Nakaka-panibago lang, parang nasa ibang mundo ako ngayon."
"Bakit naman?"
Lumingon muna siya sa paligid bago niya ako sagutin. "Hinanap ko ang mga kasama natin sa lahat ng social media, hindi na nage-exist. Hindi ko rin nakita ang pangalan mo."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. "Ano'ng wala? Active kaya ako ngayon sa lahat ng social media account, Fey. Check mo ngayon."
Napakurap siya sa akin, saka niya nilabas ang phone. "Ah, nandito nga ang pangalan mo ngayon."
"See? Kailan mo huling sinearch ang pangalan ko?"
Tumingin siya sa akin. "2 days ago."
"Eh? Online naman ako araw-araw. Pa'no nangyari iyon?"
Sandali muna siya natahimik. "Humiling ka na ba sa bato?"
Tumango ako. "3 years ago pa."
"May kinalaman kaya iyon sa pagwala mo dito?" tanong niya sabay tinuro ang phone niya. "Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita ang pangalan ng iba pa nating kasama."
"Ano ba kasi ang hiniling nila? Ang mawala sa mundo na 'to?" tanong ko.
"Pwede din. Kaya siguro, hindi na nage-exist ang mga pangalan nila." sagot niya. "Pero, bakit ngayon ko lang nakita ang pangalan mo dito? Kung dito ka lang din mamumuhay."
Wala na kong maisip na dahilan kaya nag-kibit balikat na lang ako.
"Ano ba kasi ang hiniling mo?" tanong niya bigla.
Uhm, teka. . . Sasabihin ko ba sa kanya?
Nahihiya ako. "Pwede secret na lang? Saka ko sasabihin sa'yo kapag ready na ko." sagot ko. Gosh, feeling ko namumula na ang pisngi ko.
Narinig ko na tumawa si Fey. "Sige. Basta sabihin mo sa akin kung ano 'yun ah." sabi na lang niya saka ako tumango.
Tinuloy na lang namin ang pagkain namin. Masaya na ko dahil may kasama ako ngayon dito.
"Bago umalis si Niel dito, okay na ba kayo?"
Napatigil ako sa pag-nguya at tumingin sa kanya. Umiling ako.
Huminga siya nang malalim. "Alam mo ba, tumawag pa 'yun sa akin nang maka-uwi ako sa bahay noon."
"Bakit daw?"
Naghiwa siya ng karne. "Ang naalala ko lang na nasabi niya, gustong-gusto niya na makasama ka ulit katulad noon. Hindi naman kasi niya inaasahan na ganun ang magiging takbo ng buhay niya."
"Sana nasa mundo ako kung saan makikita ko si Uni. Sana bumalik kami sa dati. . . Noong teenagers pa lang kami."
Hanggang ngayon, nage-echo pa rin sa utak ko yung sinabi niya.
"Wala naman tayong kasalanan kung bakit naging ganun ang takbo ng buhay natin. Niligtas lang tayo ng Mama ko." napatingin ako kay Fey. "Kung hindi tayo naging Zodiac Protectors, hindi tayo magme-meet. Hindi mo makikilala si Niel."
Bakit ganun? Parang ang sakit naman nu'ng huling sentence niya.
"Uni, bakit ka umiiyak?"
Bigla na lang ako naalarma sa sinabi niya. Oo, umiiyak ako. May luha na dumaloy sa pisngi ko eh.
Hindi ko na kaya, gusto ko na umiyak. "H-hindi ko alam, Fey."
Tinakpan ko na lang ang mukha ko at tuluyan na ko umiyak. Wala na kong pake kung makita man nila ako na umiiyak ngayon. Hindi ko na kayang pigilan.
Naramdaman ko na lang si Fey, nakayakap sa akin. Niyakap ko siya. . . Gusto ko lang ng kayakap habang umiiyak ako ngayon.
= = = = =
"Kung hindi man ako mapupunta dito sa mundo na 'to after ko humiling, this will be the last na pagkikita natin."
Lumungkot bigla ang mukha ko at lumingon sa kanya. "Naman Fey eh!"
Bigla na lang siya tumawa. "Ipagdasal mo na sana mapunta ako dito sa mundo na 'to para makita pa kita."
Nahinto ang paglalakad namin nang makarating na kami sa building na 'to kung saan ako nakatira ngayon.
"Ipagdadasal ko talaga 'yun sa maraming santo ngayon. Baka pati sa buddha, ipagdadasal ko na din 'yun." sabi ko na lang sa kanya.
"Baliw ka talaga!" sigaw niya saka ako niyakap. Yumakap na din ako sa kanya.
"Naniniwala pa rin ako na magkikita kayo ni Niel." sabi na lang niya nang bumitaw na kami sa pagkaka-yakap.
Umiling lang ako. "Imposible na 'yun, Fey. Magfo-focus na lang ako sa sarili ko ngayon."
Tumango siya. "Pa'no. See you soonest." sabi niya sabay naglakad na siya papalayo.
"Ingat, Fey!" sigaw ko sa kanya at nag-wave na din. Nang makita ko na nag-para ng taxi at sumakay, pumasok na ko sa loob ng building na 'to.
Ano na kaya ang mangyayari sa akin?
_____________________________________
HI. HELLO. KUMUSTA?
VOTE - PARA MAGKAROON NG LABLAYF SI UNI BEBE
COMMENT - KUNG ANG ZODIAC SIGN MO IS SAGITTARIUS
FOLLOW - NIYOOOO KOOOOO GOOOOO~
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top