CHAPTER FIFTY SIX
Kevin's POV
Nasabi ko na ang gusto kong mangyari. Pero, bakit ganito. . .
Hindi ako masaya.
Ngayon ko lang naramdaman ang hilo. Ano kaya ang ihihiling ng kapatid ko? Malaki ang kutob ko na hindi kami magkakasama.
Dahil ba sa hiniling ko or sa ihihiling niya?
Pero, magkikita kaya kami kapag nangyari ang hiniling ko? Hindi rin kasi ako sigurado.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nakatulog.
Nang magising ako, agad ako bumangon at lumabas ng kuwarto.
Pero, mukha ni Ann ang sumalubong sa akin nang mabuksan ko ang pinto.
"Ann?"
Ngumiti naman siya sa akin. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Teka.
"Ah, ano, okay lang."
"Talaga?" nang itanong niya iyon, hinipo niya ang noo ko. "Mabuti naman, wala ka ng lagnat."
Lagnat?
"Wala ako maalala. May nangyari ba?" tanong ko sabay lumabas na ng kwarto. Natigil na lang ako sa paglalakad dahil. . .
Wala ako sa bahay kung saan doon kami nakatira ni Karen.
"Babe?" napatingin ako kay Ann. "Ano'ng problema?"
"May nangyari ba dito?"
Halata sa mukha niya ang pagtataka. Mas lalo na ako dahil hindi ko alam kung ito pa ba ang bahay namin ng kapatid ko. "Bukod sa umulan kaninang madaling-araw, wala naman."
"Nasaan si Karen?"
Hindi ko alam kung ano ang nakakagulat sa tanong ko. Napalaki ang mga mata ni Ann.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Okay ka lang talaga?"
Napatingin ako sa mga kamay ni Ann ngayon. "Oo naman." ano ba dapat ang isasagot ko?
"Gusto mo bang puntahan natin siya?"
Mas lalo ako kinabahan sa tanong niya.
~~~~
Bakit pangalan ni Karen ang nakito ko dito?
Binaba ni Ann ang dala naming white lilies at nilagay niya iyon sa puntod ni Karen.
"Last month tayo pumunta dito dahil first death anniversary niya." sabi na lang ni Ann sabay tumingin sa akin. "Hindi mo ba naalala?"
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Niligtas ka ni Karen mula sa truck na babangga na sana sa'yo."
Napatingin ako sa kanya.
"Kasama natin siya sa pagpa-plano para sa kasal. Dahil, noong ikakasal na sana siya, ikaw ang tumulong sa mga plano nila. Kaso, umayaw ang lalaki."
Teka, hindi kaya si. . . "Si Harold 'yon, 'di ba?"
Mapait ang kanyang ngiti at tumango. "Kung pwede lang pumatay ng tao, malamang ako na ang papatay sa kanya."
Ganun din naman ang nangyari noong hindi pa namin maalala ang lahat. Nagsisimula pa lang ang ceremony pero natigil na iyon dahil inatake kami.
Naramdaman ko na lang ang kamay niya na nasa balikat ko. "Sabihin mo lang sa akin kung may iniisip ka, ha?"
Hindi ko alam kung paano ko matatanggap ang nangyari. Heto na ba 'yon?
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko ngayon. "Magiging okay ako, Ann."
Lumaki ang pag-ngiti niya. "Mabuti naman. Mararamdaman iyon ng anak natin kapag malungkot ka."
Ano? Anak?
Tinignan ko ang buong katawan ni Ann. Napatigil ako sa bandang tyan niya. Ngayon ko lang nahalata na buntis siya.
"Bakit parang gulat na gulat ka?"
Tinignan ko nang maigi si Ann. "Kailan pa?"
"Kev. . ." sabi na lang niya sabay huminga siya nang malalim. "Magpa-check up ka mamaya, ha? Sasamahan kita."
Hindi ko mapigilan na tumawa. "Bakit?"
"Kevin, 5 months na kong buntis. Ano ba? All this time, 3 months pa rin ang tingin mo dito?" tanong na lang niya sabay tinuro ang tyan niya.
"Sorry." sabi ko na lang sabay niyakap ko ang buntis. "Kailan ulit tayo kinasal?"
Naramdaman ko ang mahina niyang palo sa braso ko. "Ano ba!"
"Bakit?" hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sa mukha niya. Ang cute niya magsungit.
"Hindi pa tayo kinakasal dahil binuntis mo na ako!"
Napa-nganga na lang ako sa sagot niya. Akala ko kasal na kami kasi may nabuo na.
"Babae po ang anak natin." dagdag pa niya saka ako niyakap. "Ano'ng ipapangalan natin sa kanya?"
Tumingin ako sa pangalan ng kakambal ko.
"Karina." nang sabihin ko iyon, tinignan ko siya. "Okay lang sa'yo?"
Tumango siya. "Kahit ano'ng pangalan, okay lang sa akin. Basta pambabae." sagot niya saka siya tumawa.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nahalikan ko siya. Asawa ko naman 'to kaya may karapatan ako na halikan siya, kahit na nasa public place kami.
~~~~
Four months na ang nakalipas, nanganak na si Ann. Healthy lumabas ang anak namin. Wala naman problema lalo na sa likod niya.
Malapit na mag-first month si Karina. Nag-a-adjust pa kami sa lahat. Pero, mabuti na lang nandiyan ang mga magulang ni Ann para i-guide kami. Muntikan pa kami mag-away dahil lang sa dumi ni Karina.
Kaya ang ending, ako na ang -grocery ng mga kailangan namin. Alam ko naman ang bibilhin pero, nag-lista pa rin ako.
"Pare?"
Natigil ako sa pagkuha ng gatas nang marinig ko iyon. Familiar sa akin 'yon boses niya.
"Dito, hoy."
Nasa kanan ko ang boses na iyon kaya lumingon ako.
Napa-nganga ako nang makita ko siya. "Paulo!"
Hayun siya, may bitbit na grocery basket na ang laman ay pagkain. Gamit ko ngayon ay stroller kaya siya na lang ang lumapit.
"Kumusta?" tanong ko saka niya ko niyakap.
"Heto, buhay pa." nang isagot niya iyon, saka siya tumawa. "Kumusta ka naman?"
Ngumiti ako sa kanya saka ko tinuro ang laman ng stroller ko. "Isa na akong tatay."
Lumawak pa ang ngiti niya. "Wow, congrats. Ilang months na?"
"One month pa lang next week." pagkatapos, kinuha ko ang gatas ang nilagay sa stroller. "Akala ko hindi ko na kayo makikita."
"Noong una, akala ko rin, ni isa sa inyo hindi na magpapakita." sagot niya. "Nasaan pala si Karen? Nagkita kayo?"
Doon na nawala ang ngiti ko sa tanong niya. At nakita niya din iyon.
"Huwag mo na lang isipin na patay siya." sabi na lang ni Paulo saka siya uminom ng kape, naikwento ko sa kanya ang nangyari sa akin mula nang magising ako.
Nasa cafeteria kami, sa labas ng mall, tinuloy muna namin ang pag-go-grocery, baka magalit si Ann. At the same time, nakapag-paalam ako sa kanya. Nandiyan naman daw ang mama niya kaya may kasama siya sa bahay.
"Alam mo, pag-uwi namin, hindi ko mapigilan na umiyak sa kwarto." sabi ko na lang sa kanya habang hinahalo ang inumin ko. "Hindi ko matanggap ang nangyari."
"Sa tingin mo ba, hayun ang hiniling niya?"
Na-angat ang tingin ko sa kanya. "Imposible naman na ihiling niya iyon."
Sandali muna siya nag-isip. "Baka, tinadhana talaga siya na mamatay sa mundong 'to."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"May kapalit lagi ang lahat, Kevin. Nasa sa'yo na kung paano mo siya tatanggapin." dagdag na lang niya.
Uminom muna ako bago itanong sa kanya 'to. "Ano ba ang hiniling mo?"
Agad naman siya ngumiti sa akin. "Makita ang pamilya ko."
Teka, patay na ang mag-ina niya, 'di ba?
"Noong una, akala ko imposible na mangyari iyon. May tama na ako dahil sa dinami-dami ng ininom ko na alak, hayun ang nabanggit ko habang hawak ko ang bato."
"Tapos?"
Ngumiti siya. "Nang magising ako, katabi ko na ang mag-ina ko."
Napangiti ako sa sinabi niya. Deserve naman niya iyon.
"Pero. . ."
"Pero, ano?" tanong ko.
Napatingin siya sa phone na nasa table namin. "Hindi ko na makita sa kahit ano'ng social media ang mga kasama natin. Ikaw lang ang nakita ko."
"Huh? Kailan pa?"
Binalik niya ang tingin sa akin. "9 months ago."
Napakunot ang noo ko sa sinagot niya. "Ganoon na ba katagal ang lahat?"
Nag-kibit balikat lang siya. "Honestly, hindi ko na alam kung paano nangyari iyon. Imposible na magkahiwa-hiwalay tayo."
"What do you mean?"
"Sa tingin mo ba, pupunta si Fey sa mundo kung saan nandoon ang mama niya?" bulong niya.
Teka, si Pis pala ang mama ni Fey.
"Hayun ba ang gusto niyang mangyari?" tanong ko.
"I don't know. I'm sure, ayaw ni Harold na pumunta sa mundo ni Pis." sagot niya habang naka-ngisi. "Anak siya ng kalaban. Baka kung ano ang mangyari sa kanya doon."
Sumandal na lang ako sa upuan. "Hindi ko alam kung dapat ba ako masaya sa nangyari sa akin o hindi."
"Hayan ka na naman, Kevin." sabi na lang niya sabay umiling. "Uulitin ko. Huwag mo isipin na patay si Karen. Nasa ibang mundo siya. Namatay siya dito dahil hindi ito ang mundo na hiniling niya."
Nakatingin lang ako nang diretso sa kanya ngayon.
"Hindi natin alam ang hiniling niya. Base sa kinuwento mo, na kinuwento din ni Ann sa'yo, gusto niya na sumaya ka. Baka nga, ganoon ang hiniling niya." dagdag pa niya.
Kahit noon pa, gusto ni Karen na sumaya ako. Pero, masaya na ba ngayon kung nasaan man siya?
"Nag-aalala ka 'no?" napatingin ako sa kanya.
"Siyempre. Sino ang hindi mag-aalala sa kapatid niya? Lalo na't kakambal ko iyon." natawa na lang siya sa sagot ko.
Huminga siya nang malalim. "Alam mo, kung labing-dalawa lang talaga ang mga Zodiac Protectors, hindi ko alam kung sino sa inyo ni Karen ang magiging Libra Protector."
"Ano? Naisip mo pa 'yan?"
Tumango siya. "Magmula no'ng maalala ko ang lahat, inisip ko na 'yon. Pati na din sa mundo ni Dorothea."
"Bakit? Ano meron sa mundo niya?"
"Kung gano'n din ba ang sitwasyon nila noong naging Zodiac Protectors sila." sagot niya saka siya ngumiti.
"Lawak talaga ng pag-iisip mo, Paulo."
Agad naman siya tumawa. "Kaya siguro matalino ni Elle, nagmana sa akin."
Teka. . .
"Si Secret pa rin ba ang asawa mo?" tanong ko saka siya tumango.
Nakita ko na tumayo siya. "Pa'no, kailangan ko na umuwi. Baka nasa bahay na ang mag-ina ko."
Tumayo na din ako. "Mag-iingat ka, pare." sabi ko na lang saka ko tinapik ang balikat niya.
"Ikaw din. Huwag ka na malungkot diyan, ha?" sabi na lang niya saka ako tumango. "Kunin mo ko bilang ninong ng anak mo."
Nakakagulat talaga 'to minsan. "Talaga? Ayos lang sa'yo?"
"Oo naman. Kapag nagkaroon kami ng pangalawang anak, kukunin kita bilang ninong." sagot niya saka siya ngumiti.
"Sige. Chat na lang kita kung kailan ang binyag." nang sabihin ko 'yon, agad naman siya tumango at naglakad na palabas ng cafeteria.
Kung nasaan ka man ngayon Karen, sana masaya ka sa hiniling mo ngayon.
_______________________________________
HI. HELLO. KUMUSTA?
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO
COMMENT - FEEL FREE~
FOLLOW - NIYO KOOOOOOO GOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!! HAHAHAHAHA!
TWITTER : MissKleriita
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top