CHAPTER FIFTY SEVEN

Leandros' POV


Grabe, ang dami kong nakain kaysa kay Karen. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o hindi. Pero, sabi naman niya, ayos lang naman.


Basta, naka-ngiti siya habang kumakain kami, ayos na din sa akin 'yon.


Nagising ako sa alarm ng phone ko. Akala ko nakatulog ako dahil sa pagod. Hayun na pala ang effect ng hiniling ko, dahil nakita ko na may singsing ako na suot sa darili. Ibig sabihin, magkasama na kami ni Vicky. Kasal na kami.

Pero, nanginig ang mga kamay ko nang mabasa ko 'yon notif sa cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit napunta ako dito sa mundo na 'to, wala namang Vicky na sasalubong sa akin. May pangalang Vicky, pero, nasa puntod na pala.


Bumalik na ako sa bahay. Hindi ko alam kung kaninong bahay 'to. Dito ako nagising, eh. Umupo na lang ako sa sofa. I-check ko na lang ang mga gamit dito, baka nga sa akin.


Paakyat na sana ako ng hagdan nang may pumindot sa door bell. Tumingin ako sa digital watch ko, 8:30 na ng gabi.


Lumabas ako at pumunta sa gate para buksan. At siya ang naka-pindot ng door bell.


"Hoy! Leandros!" bati na lang ni Bianca sa akin habang may hawak siya na papel at naka-ngiti.

"Buhay ka?!"

Bigla na lang nawala ang ngiti niya. "Ayaw mo na mabuhay ako, Leandros?"

"Hindi, ah. Joke lang 'yon."  sagot ko. "Tara, pasok ka muna." Gumilid ako para makapasok siya. Tinuro ko din ang main door, baka lumiko kasi 'to.

"Hoy, sa'yo ba talaga 'to?" tanong niya nang makapasok ako. "Ang laki naman masyado kung ikaw lang ang nakatira dito."

"Actually, diyan sa sofa na 'yan." tinuro ko ang sofa nang makarating ako sa kinatatayuan niya ngayon. "Diyan ako nagising after ko humiling."

"Ah." Hayan na lang ang nasabi niya habang nililibot pa ng kanyang mata ang bahay na 'to. Ganoon ba kaganda ang bahay. . . Ko?

"Pwede ka umupo, Bianki." nang sabihin ko 'yon, dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Naka-poker face na ang dating Cancer Protector.

"Naalala mo pa pala 'yan nickname mo sa akin." 

"Aba, siyempre! Ikaw lang naman ang kilala kong 'Bianki' sa mundong 'to." sabi ko na lang sa kanya.

Napa-buntong hininga siya at umupo sa sofa. "Nagkita kayo ni Vicky?"

Umiling ako. "Patay na 'yon." sagot ko saka ako umupo sa single couch.

"Hayan ka na naman, eh. Alam naming lahat na bitter ka kay Vicky, huwag mo patayin 'yon tao."

Napangiti ako nang mapait sa kanya. Nilabas ko na lang ang phone at ipakita sa kanya ang notif na nabasa ko. Actually, naka-set as reminder na pala 'yon sa calendar. Tinutok ko sa mukha niya ang phone.

"Hindi ako nagbibiro."

"Hoy." mahinang sabi niya. "Bakit?"

Nilayo ko na ang phone sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit. Hiniling ko lang na makasama ko si Vicky." tumingin ako sa kanya. "May mali ba sa hiniling ko?"

"Hayun 'di ba ang gusto mo?" tanong niya saka ako tumango. "Baka magkasama na talaga kayo, Leandros."

Hindi siya tumingin sa akin, sa kamay ko siya nakatingin. 

Ah, yung singsing.

Tinuro niya ang ring finger ko. "Ano 'yan?"

"Uhm, singsing?"

Napakurap siya sa sinagot ko pero yung tingin niya, nasa kamay ko pa rin. "Kasal ka na?"

"Eh, may singsing na 'ko nang magising ako dito."

Tumingin na siya sa akin. "Alam mo ba kung bakit ako nandito?"

"Speaking. . . Bakit nga ba? Paano mo nalaman ang bahay na 'to? Humiling ka na ba?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot. Pero, may nilabas siya galing sa tote bag niya. Brown envelope.

"Hindi ko alam kung bakit nasa table 'to ng asawa ko. Sinundan ko 'yon address, hindi ko alam na ikaw ang nakatira dito." sabi na lang niya.

Inabot niya sa akin ang envelope. Hindi naman niya binuksan. Kinuha ko at tinignan ang address, mukhang sinulat lang, ah.

"Humiling na ako, Leandros."

Inangat ko ang aking ulo sa kanya. "Ha?"

Masaya siyang tumango. "Humiling na nga ako."

"Pwede i-share?"

Huminga muna siya nang malalim. "Hiniling ko na sana, kasama ko ang pamilya ko. At kailangan, may makausap ako na kahit sino na Zodiac Protector dito."

"I-ibig sabihin, ako 'yon hiniling mo na makasama sa mundo na pinili mo?" tanong ko habang tinuro ko ang aking sarili. "Ang sweet mo naman, Bianki."

"Gago." bigla na lang ako binatukan sa ulo. "Wala akong binanggit na pangalan. Kahit sino nga, eh."

Hinilot ko na lang ang aking ulo. "Ang bigat talaga ng kamay mo, Bianki."

Bigla na lang siya tumawa. "Bigat ba? Sabi ng anak ko, magaan lang ang kamay ko."

"Malamang, anak mo 'yon! Kailangan maging mahinhin ka sa kanya! Eh, sa'kin?! Brutal, gano'n?!" sigaw ko na lang sa kanya. Langya, umecho pa ang boses ko.

Grabe naman ang tawa nito. "Sorry na, Leandros. Namiss ko lang mambatok lalung-lalo na kay Harold."

Speaking of Harold. "Alam mo bang nagkita kami ni Karen kanina sa memorial park."

Nahinto na lang siya sa pagtawa at tumingin sa akin. "Talaga? Nandito siya?"

"Oo. Dinalaw niya ang lolo nila."

"Eh, si Kevin? Nasaan daw siya?"


Ah. . . Kailangan ko na mag-kwento.




"Ha?! Hindi sila magkasama?!" pasigaw ang pagkaka-tanong ni Bianca habang hawak pa niya ang cookie na kakagatin na niya sana.

"Oo nga." sagot ko. "Hindi rin niya alam kung bakit ganoon ang nangyari." dagdag ko ba bago ako uminom ng juice. Nandito pa rin kami living area, naglabas ako ng cookies at juice na nasa ref bago ako mag-kwento. Nakaka-amaze lang dahil may stock pala ang bahay na 'to.

"Pwede ba 'yon? Kambal sila, sabay sila naging Libra Protector." sabi na lang ni Bianca.

"Hindi porket kambal sila, parehas sila ng gusto." sagot ko. "Lalo na't, hindi pa humihiling si Karen ngayon."

"Hmm?!" hindi pa 'to makapag-salita dahil kumagat pa siya ng cookie. Hinintay ko muna na lunukin ang kinain niya. "Bakit?"

"Hindi ko alam. Ayoko muna alamin ang dahilan niya. Baka nga, hindi pa siya ready after mangyari kay Kevin."

Sandali muna siya natahimik. "Baka, ayaw niya ang nag-iisa."

"Lahat naman tayo, ayaw mamuhay mag-isa." sabi ko na lang sa kanya.

"Oo naman. Lalo na't sa kaso nilang dalawa."

"Dalawa?" tanong ko saka siya tumango.

"Hindi mo ba naalala? Namatay ang parents nila sa aksidente." sabi na lang niya. Umiling ako. Hindi ko alam kung hindi ko ba talaga naalala or hindi lang nai-kwento ng kambal sa akin.

"Alam mo, hindi biro mamuhay mag-isa. 'Yon bang wala ang magulang sa tabi mo. Swerte nga nila dahil naabutan pa nila ang parents nila. Ako, wala." sabi na lang niya.

"Nakilala mo naman siya, 'di ba?" kaya ko natanong 'yon dahil naalala ko ang ginawa ng mga naunang Zodiac Protectors sa amin noong mga baby pa lang kami.

Tumango siya. "Oo, pero. . . In realistic, sana. Makasama ko siya."

"Proud 'yon sa'yo kasi isa ka sa nagligtas sa mundo na 'to. Atsaka, may apo na siya. Mas lalo matutuwa 'yon." nang banggitin ko ang 'apo', bigla na lang siya ngumiti sa akin.

"Na-touch ako do'n. First time 'yon, ah!" sigaw na lang niya sa akin.

"Grabe, ngayon ka lang na-touch sa akin?" patampo kong tanong. Pero siyempre, joke lang 'yon.. . Hehe.


"O'nga pala, bakit ka pa nandito? Hindi ka pa hinahanap sa inyo?" tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa wall clock na nasa tapat namin. 10:30 na ng gabi.

"Umalis 'yon asawa ko. Si Cindy, nasa bahay ng lola niya. Kaya, pwede ako gumala kahit saan." sagot niya saka siya tumingin sa akin. "Puntahan natin si Karen bukas."

"Okay lang naman sa akin kaso. . . Hindi ko alam 'yon bahay niya." sagot ko. "Na-check mo na ba kung sinu-sino ang nandito?"

Napakurap na lang ang mga mata niya sa tanong ko. "Hindi pa."

"Tawagin mo kaya sila." nang sabihin ko 'yon, agad naman niya nilabas ang phone. Lumaki na lang ang mga mata niya habang nagso-scroll.

"Bakit?" tanong ko.

"Nasaan ang mga number nila?" tanong niya.

"Ha?"

Tumingin siya sa akin. "Wala dito ang mga number nila. Pwera lang sa inyo ni Karen."

"Pa'no nangyari 'yon? Baka na-delete mo."

Umiling siya habang naka-kunot pa ang noo. "Hinding-hindi ako nagde-delete ng number na kilala ko."


May na-realized lang ako, ibang unit ng phone pala ang nahawakan ko magmula nang magising ako. Pero, nang mai-type ko ang password, na-unlocked naman. 

Bakit gano'n?


"Hindi ko rin makita ang social media accounts nila except sa inyo ni Karen."  sabi pa niya sabay tumingin na sa akin. "Bakit gano'n?"

"Wala din akong alam, Bianki." sagot ko na lang sa kanya.

"Tawagan ko na lang si Karen para ibigay niya sa'tin ang address ng bahay ni. . . la." 

Ngumisi ako sa last word na sinabi niya. "Alam mong siya na lang ang nag-iisa sa bahay nila ngayon, eh."

"Kaya nga." sabi na lang niya. "Pero, bahay pa rin nila 'yon, Leandros."

Ayoko na makipag-away sa mas matanda sa'kin ng two years.

"Sige. Umuwi ka na. Ihahatid na kita." sabi ko na lang at tumayo na.

"May kotse ako, Leandros."

Nagsimula na ko maglakad papunta sa pinto kung saan nandoon ang carport. "May kotse dito. Hayun ang ginamit ko kanina nang pumunta ako sa memorial park."

"Aba, kailan ka pa natuto mag-drive?" tanong niya. Alam kong sumunod siya sa akin.

Nang makarating na ako sa pinto, lumingon ako sa kanya. "Tagal na. Hindi ko lang sinabi sa inyo."



~~~~~~


HI! HELLO! NAKAPAG-UPDATE NA DIN HUHU

SHAWTOUT SA MGA CAPRICORN DIYAAAN!! MGA MANHID DAW KAYO, SABI...


VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!! MWEHEHEHE



TWITTER : (yes po, buhay po ako sa Twitter) MissKleriita


ARIGATOU :*





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top