CHAPTER FIFTY ONE
Troy's POV
Dahan-dahan ko naidilat ang mga mata ko nang may marinig akong maingay. Familiar sa akin ang tunog na 'yun dahil ganun ang alarm ko.
"Hoy pare! Gumising ka na diyan."
Napatingin na lang ako sa lalaki na 'to. Hindi ko naman kilala.
"May pasok ka pa." sabi na lang niya habang nagbibihis. Bumangon na lang ako.
"Sino ka?"
Napatingin siya sa akin at ngumisi. "Boyfriend ako ni Sabrina Ocampo."
Sabrina Ocampo? Si Sab?! Boyfriend niya 'to? Teka, ano'ng ginagawa niya dito sa kwarto ko?
Maya-maya, narinig ko na lang na tumawa siya. "Tangina! Pare, okay ka lang?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Syempre, hindi ko liligawan ang crush mo. Alam mong magpo-propose ako sa girlfriend ko bukas eh."
Pucha, wala akong pake kung magpo-propose siya bukas. Hindi ko nga 'to kilala. Atsaka, sino ba ang crush ko?
Tumingin siya sa salamin habang inaayos ang buhok niya. "Alam kong inlove na inlove ka kay Sabrina. Pero, alam mo din na imposible na mahulog ang loob niya sa'yo."
Agad ko naman nakita ang phone ko na nasa side table. Nang i-open ko, mukha ni Sabrina ang lock screen. Tinype ko ang password, tama naman. Ano'ng nangyayari?
"Troy, pumasok ka na."
Napatingin na lang ako sa kanya. "Saan?"
Nakita ko na lang sa salamin ang pagkunot ng noo niya. "Tanga, sa pharma."
"Pharma?" tanong ko na lang sa kanya.
Lumingon na siya sa akin. Mukhang nagtataka na. "Lasing ka pa rin? May ginagawa kayong gamot ngayon sa lab. Kailangan ka na nila du'n."
Ah, so licensed pharmacist na talaga ako ngayon.
"Eh, saan ka pupunta?"
"Papasok na din." sagot niya sabay nilabas niya ang phone at nagty-type.
"Saan?"
"Ospital." saka siya ngumiti. "Mauna na ko sa'yo. Nagluto ako ng almusal, kumain ka." sabi na lang niya saka siya lumabas ng kwarto.
Pucha talaga, sino ba kasi 'yun?
May narinig ako na maingay, galing pala sa phone ko. May tumatawag, Vivianne ang pangalan.
"Hello?" tanong ko sa call sabay lumabas na ko ng kwarto.
[Hi, nandiyan pa ba si Bob?]
Napatigil ako. "Bob?"
[Oo. Umalis na ba siya?]
Teka, heto ba 'yung girlfriend niya? "Ah, oo. Kaka-alis lang. Bakit?"
[Ah, hindi siya kasi nagte-text sa akin kung ihahatid ba niya ako ngayon sa office.]
Hindi ko alam kung pa'no ko siya isasagot. "Akala ko ikaw ang ka-text niya kanina habang nagbibihis siya dito."
[What?]
Hala, mukhang galit na yung boses. "Oo, may katext siya kanina." nang maisagot ko 'yun, agad niya inend yung call.
Napansin ko na lang 'yung notification bar ko, may message.
Bob:
Pre, kapag tumawag sa'yo si Vivianne sabihin mo hindi ko napansin yung text niya. Susunduin ko si Avi ngayon. Salamat.
Tangina, babaero ata 'tong kasama ko. Bakit ko ba naging ka-close 'to?
Wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Mabuti na lang may breakfast meal ngayon sa table. Agad ko din nakita ang mga gamit sa kusina kaya gumawa na lang ako ng kape.
Hawak ko din ang phone ko kaya hinalungkat ko na. Una kong tinignan ang mga text ni Bob. Halos araw-araw ang text niya. Puro pagpapaalam na may ida-date siya na babae or ise-sex.
Tinignan ko na din yung gallery, mga pictures namin na nasa bar daw kami. Ang daming babae na nakadikit kay Bob tapos yung hitsura ko, parang naiirita na ewan. Ako naman ang nag-selfie.
Nakita ko din na may pictures ako kasama sina Mama at Papa sa bahay. Picture ni Papa na nasa lab niya. Tapos, mga kasamahan ko sa trabaho.
Hanggang sa napansin ko na lang ang mukha ni Sabrina sa isang album dito. 236 pics ang nakalagay. Nang maipindot ko 'yun, puro mukha ni Sabrina ang nandito. Mga pictures niya na nasa Paris siya, sa airport, pati na din ang mga interviews niya sa tv, naka-screenshot din dito.
Bakit ba parang baliw na baliw ako kay Sabrina?! Yung dating Gemini Protector!
Sa pagkaka-alala ko, humiling ako sa bato na binigay sa amin bago ako matulog. Teka, ano ba ang hiniling ko?
Sana, nandito pa sa mundong ito si Sabrina. Sana huwag na siya umalis
Anak ng. . . Ano'ng klaseng mundo ba ang napasukan ko?!
~ ~ ~ ~ ~
Mabuti na lang, marunong ako mag-take down notes. Nalaman ko na talaga kung ano'ng klaseng tao ako sa mundo na hiniling ko.
Isa pala akong researcher sa pharmaceutical company na 'to. Nu'ng una, familiar sa akin ang pangalan. Pero, nang makapasok ako, mukha ng Papa ko ang naka-display sa receiving area nila.
Wow, company na pala namin 'to!
Nabasa ko din sa notes ko kung ano ang mga gagawin, schedule for this week at nasama ang listahan ng mga babae ni Bob. Mukhang yare ako mamaya sa kanya dahil sa ginawa ko.
Nagawa ko nang maayos ang trabaho ko. Sakto din dahil hindi pa ko nakakapag-lunch. Hapon na ko umalis at namasyal-masyal sa kalye. Pinark ko muna yung sasakyan ko malapit sa mall dito. Sinabi kasi sa'kin ng guard kanina na kunin ko na daw ang kotse ko, baka malaman pa ni Papa na hindi ko ginagamit. Hindi ko nga alam kung pa'no ako nagka-kotse galing sa kanya.
Mukhang payapa na talaga dito ah. Masasaya na ang mga tao. Bumalik na talaga sa dati kung saan hindi sumugod ang mga kalaban namin noon.
Nasaan na kaya ang mga kasama ko? Malamang wala sila dito ngayon dahil iba ang gusto nilang mangyari. Sayang nga lang kasi hindi kami magkakasama.
Speaking, seryoso kaya yung sinabi ni Bob? Inlove daw ako kay Sabrina. Putek, pa'no nangyari 'yun? Gusto ko lang siya yayain na mag-dinner date dahil gusto ko siya kumustahin. Kasama pa nga dapat si Niel kasi gusto ko rin makausap 'yun.
Napatigil na lang sa isang bakery, mukhang masasarap ang tinapay nila ah. Makabili nga bago ako bugbugin ni Bob este umuwi pala. Parang, ayoko muna umuwi.
"Gosh, nagugutom ako."
Familiar sa akin 'yung boses na 'yun. Pero syempre, hindi na lang ako lumingon sa kanya.
"Urgh! Bakit ba kasi hindi natuloy nu'ng Troy na 'yun ang dinner date namin?"
Ang pangalan ko ay Troy pero common name siya, so hindi ako 'yun. Pero kasi, yung boses niya familiar talaga sa akin. Atsaka, maarte ang pagkakasabi niya sa pangalan na Troy. Baka may kausap lang 'to sa phone.
"Yung Troy na 'yun. Naging Virgo Protector lang, nakalimutan na ko."
Oh, hell. Totoo na nga ang naririnig ko ngayon!
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at. . . Shit.
"Sab?"
Naka-ngiti siya ngayon sa akin. "Hi."
Nandito siya sa mundo na 'to. Hindi siya umalis.
"Buti buhay ka." sabi ko na lang sa kanya. Hinila ko siya at umalis sa pila.
"Of course. Akala ko hindi mo ko maalala." sabi niya habang naghahanap ako ng lugar kung saan kami lang ang magu-usap. Baka marinig ng iba eh.
"And, itago mo muna ako mula sa crowd." dagdag pa niya.
"Bakit?"
"Ayoko muna magpa-interview ngayon. May mga reporters ako nakikita eh." sagot niya. So, totoong sikat siya na fashion designer ngayon.
Pumasok na kami sa isang restaurant kung saan walang gaanong tao. Napili namin na doon kami sa table kung saan may privacy kami, yun bang may pinto ganun.
After namin sabihin ang mga orders namin, hinintay muna namin maka-alis ang waiter at isara ang pinto. Saka na ko tumingin sa kanya.
"Isang himala talaga 'to!" sigaw ko sa kanya. Wala na makakarinig sa amin.
"I know right?" sabi na lang niya after niya uminom ng tubig. "I mean, ang laki ng pagbabago ng mundo na 'to."
Tumango ako sa kanya. "Parang nasa ibang mundo ako. Pero, ito pa rin yung mundo na kinalakihan natin. 'Di ba?"
"Yes." sagot niya habang nakatingala siya pero nakapikit. "Parang ako si Aurora sa Sleeping Beauty. Ang tagal kong nakatulog. When I woke up, I thought I was dreaming. But, its been 2 years already."
"Huh?"
Nagtaka din siya sa sinabi ko. "What?"
"Ano'ng 2 years ang pinagsasabi mo diyan?"
Napakurap ang mga mata niya. Tapos tinignan niya ko mula ulo hanggang sa paa. Oo, sumilip siya sa ilalim ng table para lang makita ang mga paa ko.
"Galing kang work, right?"
"Oo."
Bigla na lang siya nagturo. "Right. So, you know what date it is. You have your phone." nang sabihin niya 'yun, napatingin ako sa phone ko ngayon at chineck yung date.
"Oh, tapos?"
Ngumiti siya sa akin. "Naalala mo ba kung anong year nang magkahiwa-hiwalay na tayo?"
Tinignan ko ulit ang phone ko at. . . Hoy!
"Dalawang taon na pala ang nakalipas!?" sigaw ko sa kanya. Sakto din na kumatok ang waiter at binuksan ang pinto dala-dala ang mga pagkain namin.
Hinintay ko muna na makalabas ang waiter. Si Sabrina, mukhang gutom na gutom ah.
"Nakapag-almusal ka ba kanina?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Hapon na ko nagising."
Nang kami na lang ni Sab ang naiwan, naitanong ko 'to sa kanya. "Ano'ng nangyari sa loob ng dalawang taon?"
Uminom muna ng tubig si Sab. "I don't know. According kay Sol, wala naman kalaban na nagparamdam. It means we are now living in a peaceful world."
"Si Sol?"
Tumango siya. "Yes. Namuhay siya within 2 years bago niya ko makita at si Rico."
"Si Rico? Nandito din siya!?" napalaki na lang ang mga mata ko.
"Yes! They are now having their pre-honeymoon na."
Ano daw? "Pre-honeymoon?"
Tumango siya habang ngumunguya. "Yes. Nag-French kiss sila sa pavement kanina. I was like watching a live porn kanina."
Anak ng. . . Buti na lang kaming dalawa lang ang nandito ngayon. "Mag-asawa na ba ang mga 'yun?"
"Hmm. . . Maybe not now. But soon. Don't worry, invited naman tayo sa wedding nila. And, I will going to make a wedding gown just for Soliva only." sagot niya saka siya nakangiti sa akin.
Ang ganda pala neto kapag naka-ngiti. Mula nang makilala ko 'to, ang sama lagi ng tingin sa ibang tao. Hindi mo alam kung sino ba ang kaaway neto. Gumanda siya noong nagiging blonde na ang buhok niya dahil sa kapangyarihan na meron siya noon.
"May asawa ka na ba?"
Napatingin ako nang diretso dahil sa tanong niya.
"Hoy, ano'ng asawa ka diyan? Kakarating ko lang sa mundo na 'to." sagot ko sa kanya.
"So, may asawa ka na ba sa mundo na 'to?"
Pa'no ko sasabihin sa kanya na ang lock screen ng phone ko ay mukha niya? At, sinabi din ni Bob na inlove na inlove daw ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng tao ang nandito. Hindi nga ibang tao kasi ako rin naman 'to.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging output ng hiniling ko.
"Ah, so may asawa ka na nga."
Napakurap na lang ako sa sinabi niya. Bigla na lang siya yumuko at naghihiwa ng karne. Nakita ko na lumungkot yung mukha niya.
Napatingin ako sa phone ko ngayon, ipakita ko kaya sa kanya 'to.
"Oo, heto nga siya eh." sabi ko saka ko tinapat sa kanya ang phone na naka-display ang lock screen.
Nang inangat niya ang kanyang ulo, napalaki ang mga mata niya. Pati na din ang bibig niya.
"Hey! Is that me!?" tanong na lang niya habang nakaturo sa phone. "Bakit nandiyan ang picture ko?!"
Nilayo ko ang phone at nilapit ko ang mukha ko sa kanya para lang maidikit ko ang labi ko sa labi niya nang mabilis.
Malapit na ang mukha namin sa isa't-isa. Hindi ko mapigilan ngumiti dahil namumula na ang mga pisngi niya ngayon.
"You. . ." sabi na lang niya sabay napahawak siya sa labi niya.
"Sarap ba?" tanong ko sa kanya habang nakangiti ngayon.
Hayan, naiirita na siya. "What?"
"Bitin 'no? Sige, tatagalan ko." nang sabihin ko 'yun, agad ko naman hinalikan ang labi niya.
Hinihintay ko na masipa niya ko para matigil 'to. Pero. . . Mukhang ayaw niya.
Labi ko na ang unang bumitaw sa paghahalikan namin. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko. Tinignan ko ngayon si Sab, pulang-pula na ang mukha niya.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Pero, bigla na lang niya ko sinampal. Yung malakas na sampal na muntikan pa ko matumba, ganun.
Tumingin ako sa kanya, nakayuko siya ngayon. "Sorry." sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Bigla na lang siya tumayo at lumapit sa akin. Tapos, bigla na lang kumandong at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Sab? Ayos ka lang?" tanong ko bigla sa kanya. Hindi naman siya mainit para magka-lagnat.
Unless, ibang init ang pinag-uusapan dito.
"Uwi na tayo." sabi na lang niya.
"Sure ka? Hindi mo na tatapusin 'tong pagkain?" tanong ko saka siya tumango. "Buti na lang nadala ko pa yung kotse ko dito."
Tinignan ko yung mukha niya, nakangiti pala siya sa akin ngayon.
Mukhang totoo nga ang sinabi ko sa kanya ah. Siya talaga ang asawa ko.
_______________________________________________
HI. HELLO. KUMUSTA?
VOTE - KUNG MAMIMISS NIYO SI TROYSSKIEEEE~
COMMENT - KUNG PWEDE NA BA AKO MAG-SPG NA STORY? BWAHAHAHHAHAHA!
FOLLOW - NIYO KOOOOOOOOOOOOOO~
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top