CHAPTER FIFTY NINE
Paulo's POV
Ano na ang mangyayari?
Si Kevin lang ang nakita ko rito. Hindi na niya ma-contact si Karen. Alam kong hindi naman namatay si Karen dahil humiling rin 'yon.
"Papa?"
Lumingon ako ngayon sa pinto ng kwarto namin, si Air. May times na tinatawag ko siyang Elle dahil kay Secret. But, mas sanay ako sa pangalang Air. "Nasaan po si Mama?"
"Nasa office lang, 'nak." sagot ko at lumapit sa kanya. "What do you want, 'nak?"
"Ice cream po." nakangiti siyang sumagot sa akin. "Sabi ni yaya, wala na pong ice cream sa ref."
Aba naman, bakit ba hindi nagsasabi si manang sa akin?
"Sige, I'll buy ice cream for you, okay? Strawberry 'di ba ang gusto mo?" tanong ko saka siya tumango. Hindi ko namalayan ang pagdating niya rito. Suot pa rin ang kanyang school uniform.
Nagpapasalamat talaga ako dahil natupad ang hiniling ko. Ang makasama ko ang mag-ina ko.
~~~~
"180 pesos po, sir."
Nang sabihin iyon ng cashier, naglabas ako ng pera at kinuha ang strawberry ice cream. Palabas na sana ako ng supermarket nang may humawak sa braso ko.
"Akala ko, hindi ka na magpapakita sa amin." boses babae siya. Tinignan ko ang babae na humawak sa kaliwang braso ko.
Naka-cap lang siya na itim at. . . Naka-uniform ng pang-teacher. Familiar sa akin 'yong uniform niya dahil kay Air.
Teacher ba 'to ni Air?
Agad din niya inalis ang ksnyang cap at. . .
"Sol?"
Ngumiti siya sa akin. "Kumusta?"
~~~
"Teacher Sol!" sigaw na lang ni Air nang sumakay na si Sol sa kotse. Muntikan ko na makalimutan na kasama ko pala ang anak ko.
"Oh, kala ko ba. . ." napatingin ako sa rear mirror nang hindi niya naituloy ang gusto niyang sabihin. Katabi niya ngayon ang anak ko at nakatingin siya sa akin.
Tumingin siya kay Air. "Akala ko ba, you're not feeling well." sabi na lang niya kay Air.
"I'm okay na po, teacher. And, Papa buy me an ice cream po." sagot naman ni Air sa kanya. Inandar ko ang kotse para maihatid ko si Air sa bahay. Panigurado, naroroon na si Secret.
Nang makarating na kami sa bahay, nag-aabang na pala si Secret sa gate. Akala ko, magagalit siya dahil kasama ko si Sol. Mabuti na lang, naka-uniform pa si Sol at si Air agad ang nagpakilala.
Mabuti na lang, hindi siya nagalit sa akin. Selosa pa naman din 'yon.
"Bakit ganoon ang sinabi ng anak mo?" tanong na lang ni Sol nang papunta kami sa isang cafeteria.
"Na alin? Na friends tayo since college?" tanong ko saka siya tumango. "I don't know."
"At ang weird lang, nakilala agad ako ni Secret." sabi pa niya. "Ni isang beses, never ko siya nakilala."
Sumakto ang paghinto ng kotse dahil nag-red light. Napatingin ako sa kanya dahil sa huli niyang sinabi.
"Nakilala mo na siya, Sol. Hindi mo lang naalala."
"Huh?"
"Muntikan na niya tayong patayin, Sol. Naging kanang-kamay 'yon ni Diemon at nagpanggap siya ang Aries Protector."
"Weh?!" sigaw na lang niya. "Eh, 'di ba si Harold ang Aries Protector?"
"Yup. Hindi namin namalayan na pinasukan na kami ng kalaban." nang sabihin ko 'yon, agad din nag-green light at inandar ang sasakyan.
"Saan tayo ngayon?" tanong ko. Hindi ako sinagot ni Sol, busy pala siya sa kanyang phone.
"Wait lang, ah. Hindi pa sila sumasagot eh." sagot niya pero hindi siya nakatingin sa akin.
"Sino ba 'yang kausap mo?"
Nakita ko na ngumiti siya. "Si Sab."
Ha?
~~~
"Namiss kita, Paulo!" bigla na lang ako niyakap ni Troy habang hawak pa ang menu. Akala ko, cafeteria ang pupuntahan namin, restaurant pala.
"Grabe naman ang yakap mo, Troy!" ang higpit ng pagkakayakap sa akin.
"Hoy, baka hindi na makahinga 'yan." nang sabihin iyon ni Rico, agad naman ako kinalas ni Troy ar inayos ang damit ko.
"Sorry na, pare." tapos tinignan niya ulit ako. "Buhay ka talaga, pare!"
Hindi na ko nakapagsalita dahil sa nakikita ko ngayon. Si Sol, Sab, Rico at Troy ang nandito ngayon. Paano nangyari iyon.
"To be honest, hindi namin alam kung bakit kami nagkita-kita." sabi na lang ni Sab after niya uminom ng tubig.
"Ano ba ang nangyayari?" tanong ko.
"I don't know." sagot na lang ni Sab.
"Ang importante, magkakasama na tayo ngayon sa mundo na 'to." napatingin ako kay Troy.
"Parang, ang laki na ng pinagbago mo." sabi ko na lang sa kanya. Hindi lang siya, pati na rin ang mga 'to.
"Ilan taon na ba? Two years?" tanong na lang ni Sol.
"Three years na kamo." si Troy ang sumagot.
"Three years?" napatingin silang lahat sa tanong ko. Sumakto naman ang pagdating ng mga pagkain. Hinintay ko muna na ilagay ng waiter ang mga inorder nila.
"Ano'ng three years ang pinagsasabi niyo?" tanong ko.
"Ganito kasi." tumingin ako kay Sol. "Nang makauwi na ako galing sa restaurant ni Bianca, humiling na agad ako no'n. Kaso, dalawang taon na ang nakalipas, hindi na nag-e-exist ang mga pangalan niyo."
"Hanggang sa nakita ko si Sol na tumatawid. Same lang din ng araw na humiling ako. Kaso, when I woke up, two years had been passed." sabi na lang ni Sabrina.
"Sa kaso ko naman..." tumingin ako kay Rico. "Two months pa ang pinalipas ko bago ako humiling sa bato. Nagising na lang ako sa airport, sinundo ko ang kapatid ko. And then, hinanap ko agad si Sol nang malaman kong. . ."
"Nalaman mo ang alin?" tanong ko.
Nakatingin siya kay Sol ngayon. "Papakasalan ko pala siya."
Ah, eh 'di kinilig naman 'tong si Sol. "Congrats." sabi ko na lang sa kanya.
"Parehas lang din ang nangyari sa'kin." napatingin ako kay Troy. "After ko maka-usap si Sab, nag-adjust talaga ako sa mundo na 'to."
"Bale, isang taon na kayo magkakasama?" tanong ko sa kanila saka sila tumango. "Eh 'di, isang taon pa lang kayo magkakasama. Hindi three years."
"Sino ba ang sumagot ng three years?" tanong ni Sab pero nakatingin siya nang masama kay Troy.
"Sorry. Feeling ko kasi, three years na ang nakalipas dahil sa mukha ni Paulo ngayon." sabi na lang niya.
"Huh? Ano'ng pinagsasabi mo diyan?" tanong ko.
"Mas nag-mature ang mukha mo ngayon compare noong huli nating pagkikita." sabi na lang ni Sol.
"Kailan ka ba humiling?" tanong ni Rico.
"Nine months ago." napalaki ang mga mata nila. "Bakit?"
"Bakit ganyan ang oras mo?" tanong ni Troy. "Di bale, ang importante, magkakasama na tayo!"
"Gusto niyo, papuntahin ko rito si Kevin?"
"What?" tanong ni Sab. "He's here?"
"Yes." nakangiti ako nang isagot ko 'yon.
"Sige na. Papuntahin mo na siya. Pati na rin si Karen." nawala na lang ang ngiti ko nang banggitin ni Sol si Karen.
Mas maganda siguro kung si Kevin na lang ang magsasabi.
~ ~ ~ ~
"Alam kong hindi patay si Karen ngayon."
Sa wakas, nakapagsalita na rin si Sol. Ang haba ng oras ng katahimikan dito nang ikwento ni Kevin ang nakita niya.
"May possibility na, magkita sila ng iba pa nating kasama." sabi na lang niya.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Rico.
"Hindi naman niya gustong mamatay, eh. Baka, magkikita lang sila ni Uni sa mundo na hiniling niya." sagot niya habang kumakain ng manok.
"Pero, pare." tumabi si Troy kay Kevin. "Congrats sa bago niyong baby, ah."
Nakita ko rin na ngumiti si Kevin. "Salamat, pare."
"Huwag ka na malungkot, ha?" sabi na lang ni Sol. "I'm sure, masaya na siya sa mundo na pinuntahan niya ngayon."
Ngumiti si Kevin sa kanya. "Sana nga, Sol."
"Pero, hindi mo pa rin naalala si Secret? Tama ba ako?"
Lahat sila, napatingin sa akin. Si Sol lang naman ang tinatanong ko, ah.
"Pare, huwag mo na i-brought up ang pangalan niya." sabi na lang ni Rico.
"Muntikan na niyang palitan si Harold sa pagiging Aries Protector." napatingin ako kay Troy.
"She is a real bitch, Paulo." sabi pa ni Sab.
"Nagbago na 'yong tao." sabi ko sa kanila. "Patawarin niyo na kasi. Mukhang hindi naman niya naalala tungkol kay Diemon."
"Sana nga hindi niya maalala." bigla na lang sinabi iyon ni Kevin. "Kasi kung maalala man niya, baka patayin niya tayo dahil sa ginawa natin sa kanya noon."
"Ha?" napatingin ako kay Sol. "May makakalaban pa tayo?"
Napansin ko ang paglaki ng mata ni Sab. "Oh, no, no! Hindi na! Wala na sa atin ang mga kapangyarihan nila."
Oo nga, paano kung isang araw, magising si Secret na may kapangyarihan pala siya? Papatayin niya ba kami na naririto ngayon?
Sinabi na namin sa inyo, payapa na ang mundo niyo.
Ha?
Wala na gagambala sa mundo niyo ngayon. Tapos na ang misyon niyo bilang mga Zodiac Protectors.
"Sino 'yon?" tanong ko habang nililibot ko ang kuwarto na 'to. Oo, nasa restaurant kami. Pero, nasa private area kami ngayon kung saan may pinto.
"Narinig mo rin?" napatingin ako kay Sol. "Boses ni Pis 'yon."
"Is that her voice?" tanong na lang ni Sab na, nakatingin din siya kay Troy. "You heard it, right?"
Agad naman tumango si Troy. "Kayo, narinig niyo boses niya 'di ba?"
"Oo." sumagot si Rico. "At, ang gaan sa pakiramdam nang sabihin niya 'yon."
"Hindi mo ba naramdaman 'yon, Paulo?" tanong na lang sa akin ni Kevin.
May dapat ba akong maramdaman?
Pagmamahal ni Secret at ang anak mo ang dapat mong maramdaman, Paulo.
"Nagsalita na naman siya." sabi ko sa kanila.
"Oh? Ano'ng sabi?" tanong ni Troy.
Naramdaman ng mga kasama mo ngayon na ligtas kayo. Isa nang normal na tao si Secret. Wala siyang kapangyarihan katulad noon. Kaya, huwag ka na mag-alala.
"Normal na tao na si Secret." sabi ko sa kanila. "Kaya, 'wag na raw tayo mag-alala."
"Okay. Maniniwala ako sa kanya." sabi na lang ni Sab. "Basta, masaya ang pamilya mo, ayos na 'yon."
Agad naman sumang-ayon ang mga tao rito. Lalung-lalo na si Sol dahil. . . Wala talaga siya naalala ten years ago.
Maraming salamat, Pis.
___________________________________________
HI. HELLO. KUMUSTA?
GALIT KAYO SA MGA LEO? LALO NA 'PAG AUGUST? Y?
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO
COMMENT - YOUR ANSWER HEKHEK
FOLLOW - NIYO NA RIN AKOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!
TWITTER : MissKleriita
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top