CHAPTER FIFTY FIVE

Karen's POV

"Ano na ang gagawin natin, Karen?" tanong na lang iyon ni Kevin sa akin nang makauwi na kami. Ang sarap talaga ng luto ni Bianca. No wonder sikat na sikat ang mga restaurant niya.

Dumiretso ako sa sofa at humiga. "Ano ba ang gusto mong mangyari?"

Tinignan ko siya. Napansin ko na hawak pala niya ang bato. "Actually, may gusto akong mangyari."

Bigla na lang ako bumangon. "Talaga?"

Tumango naman siya. "Kaso. . ." malungkot ang mukha niya nang tumingin sa akin. "Paano ka?"


Huh?


"Kapag sinabi ko ito ngayon, baka kung ano ang mangyari sa'yo."

"Mamamatay ba ako?" tanong ko na lang.

"H-hindi ko alam, siyempre." sagot niya tapos umupo siya sa tabi ko ngayon. "Baka hindi na tayo magkasama dahil lang sa hiniling ko."


Mukhang tungkol kay Ann ang ihihiling niya.


Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Kevin, kung tungkol 'yan kay Ann, go. I-wish mo diyan sa bato na 'yan."

I knew it. Gulat na gulat ang kapatid ko. "Huh?"

Saka ko siya ningitian. "Alam ko na 'yan, Kevin. Mahal na mahal mo si Ann mula noong teenagers pa lang tayo. Matindi din ang pinagdaanan mo nu'ng namatay siya."


Muntikan na siya mag-suicide nang malaman niyang namatay si Ann dahil sa pag-atake ng mga 'alien' sa store noon ni Sabrina. Nakakapag-tataka lang dahil hindi nakilala ni Soliva si Ann.

Kung sabagay, nakalimot pala si Sol.


"Mahal na mahal mo din siya noong hindi pa tayo nakalimot." dagdag ko pa. Na, kaagad din siya ngumiti.

"Ang galing 'di ba? Talagang magkikita din kami ni Ann." sabi na lang niya. Ang lungkot ng mga mata niya.

"Kailan ka hihiling?"

Sandali muna siya nag-isip. "Hindi ko alam. Mahaba pa naman ang oras na binigay sa atin eh."

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko. Dapat ba ako matuwa para sa kanya dahil magkikita sila ni Ann? Kung mangyari man iyon, ano na ang mangyayari sa amin?


Nandidito pa ba siya pagkatapos niyang humiling?


= = = = = = = = = =


Humiga na lang ako sa kama. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko muna makita ang bato na binigay sa amin. Baka kung ano pa ang masabi ko.

Sa totoo lang, natatakot na ako sa mangyayari kapag humiling na si Kevin. Ayoko maging selfish sa kakambal ko. May sarili siyang buhay. At naging Libra Protector siya kaya deserve niya ang magiging buhay na gusto niya. 

Alam ko na hindi na ako makakasama sa mundo na gusto niyang puntahan ngayon. Wala na siyang ibang inisip kundi si Ann. Kahit dati pa, noong hindi pa kami nakalimot.

Bibisitahin ko na lang si lolo bukas. Sana sumama sa akin si Kevin bago siya humiling.



~~~


"Kevin?" nandito ako ngayon sa labas ng kwarto niya. "Gising ka na?"

Aba, hindi sumagot.

"Kevin." kumatok na ako. Napatingin ako sa phone, tanghaling-tapat na. Bakit hindi pa siya gising?


Hinawakan ko ang door knob, hindi naka-lock ang kwarto niya. Himala 'to.

Dahan-dahan ako pumasok sa kwarto niya, baka kasi tulog pa talaga siya.

Kaso, walang laman ang kwarto na 'to. Pati yung furnitures dito, nawala din. Hindi ko naman narinig kanina na nag-alis si Kevin ng mga gamit.

Bumalik ako sa kwarto para kunin ang phone. Saan kaya siya pwede pumunta?

Hinanap ko sa contacts ang number ni Kevin. Kaso, bakit hindi ko makita? Never ko dinelete ang number niya.

"Pa'no nangyari 'yon?" tanong ko na lang sa aking sarili.

Hindi kaya. . . Humiling na siya?

Hala. . .

Ibig sabihin. . . Ako na lang ang mag-isa dito?



~~~~~~


Papunta ako ngayon sa puntod ng lolo ko dala ang white lilies na galing sa garden niya. Heart attack ang kinamatay niya. At hayun din ang kinamatay niya noong hindi pa kami nakakalimot. Tumugma 'di ba?


Magmula nang mamatay si lolo, hindi na namin siya nadadalaw dahil busy na kami sa trabaho. Idamay ko na din noong nagpa-plano na kami ni Harold para sa kasal namin. Nagpapasalamat talaga ako dahil naudlot 'yon.

Hindi talaga kami tinadhana sa isa't-isa pero bakit nagka-gusto ako du'n?

Miss ko na Kevin. Kapag ganito na naglalakad kami, mag-aaway lang kami tungkol sa ginawa namin tuwing umaga.


Ngayon, nawala na siya sa mundo na 'to.

"Karen?"

Nahinto ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Lumingon naman ako sa likod.

"Leandros?"

Hayun siya, nakatayo. May dala din na white lilies. Naka-ngiti siya ngayon sa akin at naglakad na papunta dito sa kinatatayuan ko ngayon.

"Aba, sino dinadalaw mo dito?" tanong niya.

Naglakad na kami papasok sa loob ng memorial park. "Si lolo."

"Ah. Akala ko buhay pa ang lolo niyo dito."

Umiling ako at tumingin sa kanya. "Namatay din siya, heart attack. Ganun din ang kinamatay niya noong hindi pa tayo nakakalimot."

Nakita ko na tumango siya. "Nasaan pala si Kevin?"

Doon ako nahinto sa paglalakad habang si Leandros, nauna na.

Nasaan na ba kasi siya? Ayoko na nag-iisa ngayon.

"Karen."

Wala na makikipag-talo sa akin tuwing umaga dahil lang sa favorite mug namin.

"Karen."

Wala na magku-kwento sa akin tungkol kay Ann kapag pupunta kami sa favorite restaurant nila.

"Karen."

Alam ko kanina pa nagsasalita si Leandros. Napatingin na lang ako sa kanya, nandito na pala siya sa harapan ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong na niya.


Kailangan ko pala sagutin ang huling tanong niya sa akin.


Hindi ko na kaya. "Nawala na si Kevin dito pagkatapos niyang humiling."

Napakunot ang noo niya. "Huh?"

Ayoko na magsalita. Napalakas na ang hikbi ng pag-iyak ko. Wala na akong paki kung may makakita sa amin dito. 

Ang sakit na kasi.

Naramdaman ko na lang ang pag-yakap sa akin ni Leandros. "Tahan na, Karen."

Umiling ako. "Ayoko na ng ganito." sabi ko na lang sa kanya habang tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko. May bakas na ng luha ko ang damit ni Leandros.

"Ano ba naman 'to, nasaan ba kasi ang kapatid mo?"

"Nawala na nga kasi siya sa mundo na 'to, Leandros!" sinigawan ko na siya kahit na nakayakap pa rin ako. "Bakit ba ayaw mo maniwala?"

Napalakas na naman ang iyak ko. Sumasakit na ang ulo ko. . . Pati na mata ko.




"Ganun ba?" hayan na lang ang nasabi ni Leandros matapos ko i-kwento nang maayos ang nangyari kagabi.

"Humiling na 'yon. Baka doon sa mundo na pinuntahan niya, hindi ka na nage-exist." dagdag pa niya.

Nakatingin lang ako ngayon sa puntod ng lolo ko. Nag-sindi ako ng kandila at katabi na roon ang white lilies.

Huminga ako nang malalim. "Bumalik ulit ang lungkot ko noon namatay ang parents namin sa aksidente. Si lolo ang nag-alaga sa amin. At that time, kami lang ni Kevin ang magkakampi. Maswerte lang kami dahil may yaman pa na naiwan sa amin."

"Teka, ganyan ba ang nangyari sa inyo bago tayo maging Zodiac Protectos?"

Agad naman ako ngumiti sa tanong niya. "Weird but. . . Yeah."

Napatingin ako sa kanya. "Nakahiling ka na ba?" tanong ko.

Malungkot siya na tumango habang nakatingin sa malayo. "Naalala mo pa si Vicky?" tanong niya kaya tumango ako. "Nagising ako sa alarm ng phone. Notif iyon, death anniversary niya ngayon."

Ha?

"Ang hiniling ko, sana mapunta ako sa mundo kung saan nagka-ayos na kami ni Vicky. Hindi ko alam kung bakit ganito ang napuntahan ko." habang nagsasalita siya, may tumutulo na luha mula sa kanyang mata. 

Ang lungkot ng mata niya.

Napatingin na lang siya sa akin at bigla ngumiti. "Karen, ang weird mo."

"Ngayon lang kita nakitang umiiyak." nang sabihin ko iyon, agad niya pinunasan ang mga mata niya.

"Pwede naman ako umiyak 'di ba?" tanong na lang niya habang nakangiti.

"Oo naman. Hindi ka naman manhid." matapos kong sabihin iyon, napansin ko ang hawak niya na white lilies. "Gusto mo puntahan natin siya?"

Dahan-dahan nawala ang mga ngiti niya. Mukhang iniisip pa niya kung pupuntahan ba namin siya o hindi.

Simple siyang tumango. "Tara."



"Okay ka na niyan?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng memorial park.

Ngumiti siya at tumango. "Medyo."

"Eh 'di good." hayan na lang ang nasabi ko.

"So, sa'n ka ngayon niyan?" napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya ngayon sa relo niya. "5:30 na pala."

Napatingin ako sa langit, crimson sky ang kulay. Humahangin din ngayon kaya mas nage-enjoy ako na maglakad.

"Alam mo ba, paborito namin na gawin ni Harold 'to noon."

Nakita ko na naka-nganga siya. "Ha?"

"Noong boyfriend ko siya." tumingin ako sa daan. "Kapag ganito yung kulay ng langit, mas gugustuhin pa namin na maglakad kaysa sumakay sa kotse niya."

"Talaga?" tanong niya saka siya tumango. "Malambing ba sa'yo si Harold noon?"

Ni-recall ko ang mga nangyari noon sa amin. "Hindi siya kasing lambing ng kapatid ko kay Ann. Mabait naman siya. Mainitin nga lang ang ulo pero kaya mo naman pakalmahin, ganun."

Nakita ko na tumatango siya. "Masakit ba kasi hindi na natuloy ang kasal niyo?"

"Noong hindi pa ako nakaka-alala, masakit. Pero, mas inisip ko pa ang mga nangyayari sa paligid. Lalo na noong inatake tayo ng 'alien'. Lalo na nu'n naka-alala na ko." sagot saka ako ngumiti. "Nagpapasalamat talaga ako dahil naka-alala ako!"

Narinig ko na tumawa si Leandros kaya napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko na nag-bright ang mukha niya compare kanina.

"Feeling ko, masakit sa ulo si Harold kapag tuluyan mo siya naging asawa." sabi na lang niya habang pinunasan niya ang mga mata niya. "Sorry, natawa ako."

"Eh 'di ayos. Naka-ngiti ka na din." nang sabihin ko 'yon, saka niya ako tinignan kaya napahinto ako sa paglalakad, pati na din siya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang talaga siya sa akin.

"Leandros." sabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita.

Winave ko na ang mga kamay ko sa harapan niya. "Hoy, okay ka lang?"

After three seconds, nakapagsalita na din siya. "Kain tayo?"

Uhmmm. . . "Sige. Saan ba?"

Bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko. "Kahit saan. May malapit naman na restaurant dito." after niya sabihin iyon, agad na kami tumakbo.



Ano'ng nangyayari?



____________________________________________


HI. HELLO. KUMUSTA?


NAKAPAG-UPDATE NA DIN! MAY KA-BALENTAYNS BA KAYO NOONG SUNDAY?


VOTE - KUNG MERON KAYO KA-BALENTAYNS

COMMENT - FEEL FREE~

FOLLOW - NIYO KO PARA MAGKA-JOWA KA HAHAHAHAHAHAHAHAH!!!


ARIGATOU! :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top