CHAPTER FIFTY EIGHT
Bianca's POV
Hinatid ko muna ang anak ko sa school. Wala ngayon ang asawa ko, business trip daw. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya. Malalaman ko naman 'yon dahil kilala ko ang secretary niya.
"Mama, ikaw din ang magsusundo sa akin mamaya?" tanong ni Cindy nang ihinto ko sa tapat ng gate ang kotse.
"Late ako uuwi, 'nak. Kay tita ka muna habang wala ako?"
Umiling siya. "Doon muna ako sa bahay ni Alicia. Alam niyo naman po iyon kung saan, 'di ba?"
Tumango ako habang nakangiti sa kanya. "Sige, susunduin kita roon. Huwag ka aalis sa bahay nila hangga't hindi ako dumarating, ha?"
"Opo!" nang isigaw niya iyon sa akin, agad naman niya tinanggal ang seatbelt at niyakap ako.
"Enjoy." sabi ko sa kanya nang makuha na niya ang pink niyang backpack sa backseat. Nag-wave muna ito sa akin bago siya lumabas ng kotse at agad tumakbo papasok sa loob ng campus nila.
Saan ba ako pupunta ngayon? Siyempre, hindi sa restaurant. Nangako ako na pupuntahan si Karen. Gusto ko siyang kumustahin. Kailangan kasama ko rin si Leandros para masaya.
"Paano mo nalaman ang address ni Karen?" tanong niya nang masundo ko siya sa bahay niya.
"Nakita ko kanina sa table namin, brown envelope. May nakasulat na Karen Olina ang nakasulat. Walang laman ang envelope na 'yon, naka-indicate rin ang address kaya..." sabi ko nang tumingin sa kanya, i-type mo na diyan ang address niya." napanguso ako sa phone na hawak niya.
Actually, hindi ko alam kung bakit nagpakita ang envelope na'yon sa pamamahay namin. Sinubukan kong i-contact si Karen nang maka-uwi ako galing sa bahay ni Leandros. Kaso, out of reach daw ang number niya.
"Bakit kailangan ko pa sumama?" Nagsimula na kong mag-drive. Si Leandros ang may hawak ng phone para tumingin sa waze.
"Kailangan ni Karen ng clown." sabi ko. Sakto na nag-red light kaya hininto ko ang sasakyan at dahan-dahan na tumingin siya kanya.
Hayun, naka-poker face ang loko. "Mukha ba kong clown sa paningin mo!?" tanong niya habang tinuro ang kanyang sarili.
"Oo naman! At least, hindi ako mapapagastos mag-hire lang ng clown. Alam kong hindi masaya si Karen ngayon, kaya..." sabi ko saka ko siya tinuro. "Kailangan ng clown." Ningitian ko siya.
"Hindi mo kailangan mag-costume, okay?" dagdag ko pa sa kanya. Hindi ko mapigilan na tumawa dahil sa hitsura niya ngayon. Ang sama ng tingin sa akin, kala mo, ang laki ng kasalanan ko sa kanya.
"Sige na, para kay Karen naman 'tong gagawin mo." sabi ko sabay binalik ko ang aking tingin sa traffic light, sakto na nag-go signal na. Inandar ko na ang kotse at niliko ito sa kanan.
"Malapit na tayo, sabi dito." sabi na lang ni Leandros kaya napatingin ako sa phone. Binagalan ko na ang pagtakbo ng sasakyan para masundan ko ang nasa waze.
"Dito." nang sabihin iyon ni Leandros, hininto ko na agad ang kotse. Hindi ko alam kung alin ba sa mga bahay na 'to ang bahay talaga ni Karen.
"Okay lang ba, i-park natin dito?" tanong ko sa kanya.
"Oo, pwede naman." sagot niya sabay tinanggal na ang seatbelt.
~~~~
"Heto?" tanong ko nang ituro ang puting gate na naka-open. Chineck ni Leandros ang papel na hawak niya.
"Oo, heto nga iyon." sagot niya. "Talaga bang naka-open ang gate na 'to?" tanong din niya.
Malaki ang bahay nila, halatang mayayaman ang nakatira dito. Ako ang unang pumasok, bumungad sa akin ang mga masasaganang bulaklak nila sa entrance pa lang. Nakita ko rin na naka-bukas ang isang pinto.
"Hindi ba marunong magsara ng pinto si Karen?" tanong ko.
"Baka may binili lang siya." napalingon ako sa sinagot ng lalaki na 'to. "O, bakit?" nagtaka pa siya.
"Kahit sino'ng tao na aalis ng bahay, dapat marunong sila magsara ng pinto." saktong pagsagot ko, may narinig kami na pagbagsak ng babasagin. Tunog ng baso. Alam na alam ko kasi si Justin, 'yon asawa ko, palagi nakakabasag ng baso.
"Karen!" hayan ang nasabi ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay nila. Nahinto na lang ako dahil nakita ko ang living area nila na makalat. Ang daming babasagin ang nagkalat sa buong living area na 'to.
"Ano'ng nangyayari?" tanong na lang ni Leandros.
Tumingin ako sa paligid, imposible na siya ang gumawa nito. Pati mga picture frame, nabasag na rin.
"Teka, tingin mo ba may nakapasok dito?"
Alam kong narinig din iyon ni Leandros. Boses 'yon ng lalaki na papasok dito sa bahay. Hindi ko alam kung sino siya kaya inabangan namin ang tao na iyon.
"Tumawag ka ng pulis."
Napatingin ako sa sinabi ni Leandros. "Ha?"
Pumunta siya sa pinto at sumilip. "Tumawag ka nga ng pulis, dali." kalmado niyang sabi sa akin.
Agad ko naman nilabas ang phone ko. Tamang-tama lang dahil may number ako ng police station malapit sa lugar na 'to. Binanggit ko rin ang address ng bahay ni Karen nang. . .
"Sino kayo?" tanong bigla ni Leandros. May limang lalaki na pumasok dito sa loob. Mga maskuladong lalaki na akala mo, mga sundalo. Napa-atras naman si Leandros papunta sa kinatatayuan ko ngayon.
"Bakit? Sino ba kayo, ha?" tanong ng isa nilang kasama habang may hawak siya ng baseball bat.
"Bumibisita kami." ako ang sumagot sa tanong niya.
"Ah, bisita pala." sabi ng isa nilang kasama na may hawak na tali. Saan niya nakuha 'yan?
Maya-maya, may narinig kaming police siren mula sa labas. Nagtaka naman ako sa mga 'to dahil agad sila lumabas. Nang makalabas sila ng pamamahay na 'to, sumilip si Leandros sa labas. Naririnig ko mula rito ang ingay ng pulis. Pati na rin ang putukan ng baril.
"Nahuli na sila." sabi ni Leandros habang naka-ngiti. "Hanapin natin si Karen."
"Tingin mo nandito lang siya?" tanong ko.
"Siguro. Baka tinago siya ng mga 'yon." nang sagutin niya iyon, agad naman niya umakyat sa hagdan.
Dahil narinig ko ang pagbagsak ng baso kanina, dumiretso ako sa formal kitchen nila.
Puro kalat ang naabutan ko rito. Malaki ang formal kitchen na ito. Heto ang kitchen na gustong-gusto ko. Napansin ko na lang na bukas ang daily kitchen nila kaya pumunta ako roon. Mas makalat dito. Bukas lahat ng cabinet, pati na rin ang ref.
Saan kaya nila tinago si Karen?
Palabas na sana ako ng daily kitchen nila nang mapansin ko ang pinto na ito. Naka-uwang lang siya. Alam kong pantry ito, medyo nakikita ko kasi ang loob. Hindi ko alam kung ano ang nag-adyak sa akin na puntahan iyon. At nang mabuksan ko nang maigi ang pinto...
"Oh my god! Karen!"
~~~~
Hinalo ko maigi ang corn soup na ginawa ko. Malapit na rin maluto 'to. Sana naman mabili ni Leandros ang mga gamot.
Oo, si Karen ang nakita ko sa loob ng pantry. Nakatali ang mga kamay at paa niya, 'yong bibig niya, tinakpan din. Wala siyang malay kaya tumakbo papuntang living area para matawag si Leandros.
Agad namin siya nakuha at dinala sa ospital. Nawalan daw siya ng malay, sabi ng doktor sa amin. Kailangan daw niya ng tamang pahinga.
Kaya heto ako ngayon, gumagawa ng corn soup para sa kanya. Tapos, nagpabili ako ng gamot kay Leandros. Mabuti na lang, walking distance ang bahay namin sa ospital kung saan nandoon ngayon si Karen.
Nang matapos ko nang lutuin ang corn soup, trinansfer ko ito sa cute na tupperware. Heto ang magiging lunch ngayon. Nilagay ko ito sa mini-tote bag, kasama na rin ang white bread na hiniwa ko sa anim. Bahala na mainggit si Leandros sa soup na ginawa ko.
~~~~
Nang makarating na ko sa second floor, nakita ko agad si Leandros papasok pa lang sa pinto pero huminto siya at tumingin dito.
"Bianki." sabi niya sabay kumaway sa akin. Nakita ko ang plastic bag na hawak niya, mukhang mga gamot ang laman, ah.
Sabay kami pumasok sa loob, private room ang kinuha namin para makwento ni Karen ang nangyari. Sakto na gising siya nang makapasok kami.
Dahan-dahan siyang lumingon sa amin, napalaki ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa akin.
"Bianca?" tanong niya. Lumapit ako sa kanya, nilapag ko sa side table ang dala ko at niyakap siya.
Bakit parang ang tagal na naming hindi nagkita?
"Sali ako!" sigaw ni Leandros. Naramdaman ko na papalapit na siya sa amin kaya bumitaw na ko sa pagkakayakap sa kanya at lumingon sa kanya. Sakto na huminto siya.
"Joke lang. Alam ko namang miss niyo na ang isa't isa. Take your time lang, girls." sabi na lang niya tapos humakbang siya papalayo.
"Dito ka lang." hindi ako 'yon, si Karen ang nagsabi no'n. Kaya naman agad siya pumunta kay Karen para mayakap.
Malambing pala 'tong kambing na 'to. Ngayon ko lang nakita.
"Kilala mo ba ang mga 'yon?" tanong ko agad sa kanya nang maubos na niya ang dala kong corn soup.
Umiling siya. "Kahapon pa sila nasa bahay. Hindi ko alam kung ano ang gusto nila makuha sa bahay. Basta nila ako tinali at kinulong sa pantry." sagot niya habang naka-tingin sa tupperware na halos ubos na ang corn soup.
"Tatawagin ko sana si Leandros kaso sinira nila sa harapan ko ang phone." dagdag pa niya tapos inangat niya ang tingin sa akin, pati na rin kay Leandros. "Paano niyo nalaman ang address ng bahay namin?"
"Actually, nakita ko lang na may brown envelope sa dinning table namin. Pangalan mo at address ng bahay niyo ang nakalagay." sagot ko.
Dahan-dahan siyang ngumiti sa akin. "Nangyari talaga."
"Ang alin?" tanong ni Leandros.
"Humiling ako, sana may magligtas sa akin na dating Zodiac Protectors." sagot niya habang nakangiti siya.
"Hawak mo ba ang bato? Kailan ka humiling?" tanong pa niya.
"Kung hindi ako nagkakamali, kaninang madaling-araw ako humiling. Oo, madaling-araw iyon. Nakita ko sa digital clock sa loob ng pantry ang oras, eh."
"Hawak mo ba ang bato?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin. "Ginawa kong necklace ang bato na iyon."
"Kaya pala naabutan natin na wala siyang malay." napatingin ako kay Leandros. "Ganyan ang nangyari sa akin after ko humiling. Nahilo ka 'no?"
Nakita ko na tumango si Karen. "Ang gaan sa pakiramdam after ko ihiling iyon. Pero, agad ako nahilo pagkatapos. Hindi ko na alam ang ginagawa ng mga kidnappers sa bahay."
Kung sa bagay, nahilo rin ako after ko mag-wish.
"Pero, sabi ni Pis, ihihiling natin sa bato kung alin mundo ang gusto nating puntahan." sabi ko na lang sa kanya.
"Eh, ayoko umalis sa mundo na 'to." sabi na lang ni Karen sabay bumuntong-hinga siya. "Akala ko, ako lang ang natitira dito matapos mawala si Kevin. Mabuti na lang, nandito si Leandros. Pati na rin ikaw, Bianca."
Hindi ko mapigilan na ngumiti sa kanya. Miss na ba ako ng batang 'to? Kasi ako, miss na miss ko na kasi siya. Lahat sila, actually.
"Akala ko, hindi gagana ang hiniling ko." dagdag pa niya.
"Buti na lang, hayun ang hiniling mo." sabi na lang ni Leandros. "Ang importante, magkakasama na tayo sa mundo na 'to, okay?"
Nakita ko na tumango si Karen at ngumiti. "Salamat talaga."
"Pag nakalabas ka na ng ospital, doon ka muna sa amin tumira." sabi ko na lang sa kanya. "May extra room pa naman sa bahay kaya-"
"Doon ka na lang sa bahay ko." napatingin ako kay Leandros. "Sayang naman ang mga kuwarto roon."
"Hoy." tumingin silang dalawa sa akin. "Alam mo ba 'yang sinasabi mo, ha?"
"O, bakit?" tanong pa niya. "Parang hindi tayo tumira noon sa mansyon, ah."
"Okay lang sa akin, Bianca." napatingin ako kay Karen. "Pwede rin ako sa inyo, 'di ba?" Nakita ko na lang na nakangiti sa akin si Leandros.
Naiintindihan ba ako ng mga batang 'to? Oo, bata ang tawag ko sa kanila dahil ako ang pinaka-matanda dito ngayon.
___________________________________________________
HI. HELLO. KUMUSTA?
'TAAS ANG MGA PAA SA MGA CANCER DIYAN!!! HELLO SA INYOOOOO!!!
VOTE - KUNG MAMI-MISS NIYO SI CHEF BIANCA
COMMENT - FEEL FREE~
FOLLOW - NIYOOOOOOOOO KOOOOOOOOOOOOOOOO GOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!
TWITTER : MissKleriita
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top