CHAPTER FIFTEEN

Soliva's POV

"Ano na ang gagawin mo ngayon?"

Napalingon ako kay Rico. After na malaman ni Niel tungkol sa pagiging Scorpio Protector niya, tulala lang siya. Hindi ko alam kung nagawa ba niya yung dapat niyang gawin sa store ni Sab.

Tumingin na lang ako sa kalye, traffic. Gabi na rin, naabutan pa ng rush hour. Tapos, mukhang uulan pa.

"Dinner muna tayo bago kita ihatid sa inyo." Sabi na lang ni Rico saka ako tumango. "Ano'ng problema, Soliva?"

"Hindi ko alam kung paano ko sila mahahanap. Lalo na si Harold."

"Mahahanap mo din sila." Lumingon ako kay Rico, naka-ngiti. "Hindi mo ba napapansin? Parang, may tumutulong sa'yo na gawin yung dapat mong gawin."

"Baka coincidence lang 'yun, Rico." Sagot ko saka ako napasandal sa bintana ng kotse niya.

Umiling lang siya. "May gusto talagang iparating 'tong tadhana sa'ting lahat eh."

"Eh! Bakit ba kasi nawala ang mga alaala niyo? Nakakainis." Huminga pa ko nang malalim. 'Di bale Sol, malapit na matapos 'to. Sina Karen, Kevin at Harold na lang ang kulang para madala mo sila sa mansyon. Speaking...

"Pwede after natin mag-dinner, daan tayo sa mansyon?" Sabi ko na lang kay Rico. Tumingin siya sa'kin at tumango.

Yung Passage River.

~~

"Oh, gabi na. Ano'ng ginagawa niyo dito?" Tanong ni Uni na, ano'ng ginagawa niya dito?

"Ewan ko sa kanya." Sagot ni Rico saka ako tinuro. Pumasok na agad ako.

"Gusto ko lang puntahan yung Passage River. Doon ko kayo dadalhin kapag nakumpleto na tayo." Sagot ko.

"Ah. Sige, hanapin ko lang yung flashlight, sasamahan kita." Sabi ni Uni saka siya tumingin kay Rico. "Sama ka?"

"Sige." Sagot na lang ni Rico.

"Oh, buti dito ka natulog." Sabi ko habang naglalakad na kami, si Rico ang nagbitbit ng flashlight.

"Wala naman masyadong gagawin kaya dito muna ako. 'Nga pala, may mga training area din dito kaso, kada training area, may operating room. Ginamit niyo ba 'yun?"

"Hindi ko alam pero panigurado ginamit din natin ang mga 'yun." After ko sabihin 'yun, napahinto na kami.

"Eto na 'yun, Sol." Sabi na lang ni Uni. May nakaharang talaga dito, hindi ko alam kung paano aalisin 'to. Wala naman harang dito noon na pumunta kami.

"Kailangan ba natin pumasok diyan?" Tanong ni Rico.

"Hindi ko alam." Sagot ko. "Huling punta natin dito, wala nang tubig na dumadaloy sa loob. Nu'ng may tubig na dito, pinapunta tayo ni Dorothea sa nakaraan natin. Ayan yung ipinangak na tayo at binigay sa'tin ang mga Elements nila."

"Nila?" Tanong ni Uni saka ako tumango. "Sinong nila?"

"Mga unang Zodiac Protectors na, galing sila sa ibang mundo."

"Oh 'di ba? Galing ka talaga sa ibang mundo."

Napalingon na lang kami sa nagsalita. Pustahan, si Leandros na naman ang nagsabi nu'n.

"Gabi na. Bakit nandidito pa kayo?" Tanong niya sabay tinuro ako ni Rico.

"Pwede mo ba ikwento kung ano'ng nangyari sa'min nu'ng ipinangak kami?" Tanong ni Rico. Teka, sasabihin ko ba?

"Actually, naghiwa-hiwalay din tayo kasi yung isa natin kasama, natinig niya yung sigaw ng mama niya. Ganun din ako kaya napahiwalay ako." Sagot ko. Pero at that time, kasama ko si Rico eh.

"Alam niyo..." si Leandros. "Saka muna natin problemahin 'yan. Matulog na tayo dahil may mga pasok pa kayo bukas 'di ba?" Saka siya tumingin sa'min ni Rico.

"Dito na kayo matulog. Bibigyan kita ng damit mo." Sabi na lang sa'kin ni Uni sabay napatingin ako sa suot ko ngayon, galing pala ako ng school.

~~

[Alam mo, ilang beses ka uma-absent.] Ayan ang sabi ni Trisha sa'kin. Kainis, napasarap ang tulog ko.

"Eh... Hindi talaga ako okay ngayon, Trisha." Totoo naman na hindi ako okay ngayon dahil 'di ko pa nahahanap ang kambal at Harold.

[Teka, buntis ka ba? May nangyari sa inyo nu'ng runaway groom na 'yun 'no?!] Sigaw ni Trisha. Takte, si Leandros ata tinutukoy neto.

"Hindi. Baliw." Sabi ko habang hinahanap yung susi ng apartment.

[Hindi daw pero hindi ka umuwi! Ah! Siguro yung nagsundo sayo kahapon! May nangyari sa inyo?!]

"Baliw ka. Walang nangyari sa'min! Mag-trabaho ka na diyan!" Sigaw ko sabay nag-end call na ko. Wala ba 'yun klase?

Napahiga na lang ako sa kwarto ko. Buti na lang naka-kain na ko ng almusal sa mansyon. Nandun kasi si Bianca, umalis daw ang mag-ama niya kaya doon muna siya. Chineck ko muna ang phone ko at...

Rico:

Naka-uwi ka na?

Hala! Bakit nag-text 'to?!

Me:

Oo. Hindi na ko naka-pasok. Gusto ko lang magpahinga ngayon.


Rico:

Ah. Sorry, kung hindi kita nagising. Maaga ka pala pumapasok.

Me:

Okay lang. Pumasok ka ba ngayon?

Rico:

Yes.

Buti pa 'to pumasok. Hays.

Rico:

Kumain ka mamaya ng lunch ha? Mamaya na kita kakausapin. Okay? :)

Hala. Boyfriend ko ba 'to?

Me:

Sige lang. TYT.

Hays.

~

Tutal, wala naman din ako ginagawa, nag-grocery muna ako. Aalis rin pala 'tong si Trisha, mukhang lunes nang madaling-araw na makaka-uwi dito. Tsk. Long weekend pa naman din kaya-

"Sol?"

Lumingon naman ako at... "Uy, Paulo!"

"Absent ka pala sa trabaho." Sabi niya nang makalapit na siya sa'kin.

"Eh, oo. May hinanap lang ako na tao."

"At sino naman 'yun?"

Tumingin muna ako sa paligid bago ko siyang sagutin. "Mga Zodiac Protectors."

"Sino ba nahanap mo?"

"Si Sab, binanggit ng anak mo tapos si Niel, yung architect sa store ni Sab."

"Ah." Ayan na lang ang nasabi niya. Hindi naman niya kilala ang mga yun pero..

"Gusto mong pumunta sa mansyon bago mo sunduin si Air?" Tanong ko tapos lumingon siya sa'kin.

"Mansyon?"

~~~

"Pa'no nagkaroon ng ganito dito sa gubat?" Ayan na lang ang nasabi ni Paulo nang makarating kami dito. Pina-iwan ko sa kotse niya yung mga binili ko tutal, hindi naman niya maipapasok ang kotse dito.

"Matagal na daw 'to nandito." Sabi ko sabay binuksan ko ang pinto and...

"Sol! Nandito sila." Ayan ang bungad sakin ni Troy.

"Huh?" Tumingin ako sa living area at... Sina Sab at Niel nandito!

Tumingin sa'kin si Sab. "Dinala ko na siya dito para maniwala 'yan." Teka, nandito ba si Uni?

Hala, teka may kasama pala ako. "Guys, kasama ko na si Paulo." Saka ko pinapasok si Paulo sa loob.

"Hello." Bati ni Paulo sa kanila. Ang nandito ngayon ay sina Sab, Niel, Troy at Leandros.

"Wait, kasama din natin 'yan?" Tanong ni Niel saka ako tumango.

"Nasaan yung iba?" Tanong ko.

"Si Uni, umalis muna pero bukas pa ata siya babalik dito. Si Fey naman..." napa-hinto si Troy. "Nagpapahinga lang sa kwarto."

"Teka, okay lang ba siya? Dalhin kaya natin sa ospi-

"Sinabihan na siya ni Bianca na magpa-check up kaso ayaw niya." Singit bigla ni Leandros.

"Hey..." si Sabrina. "Wala ba talaga sakit si Fey before? Or kahit isa sa'min?"

Umiling ako. "Lahat kayo, parang iba ang nangyari sa buhay ko. Parang, hindi kayo naging Zodiac Protectors."

"Magiging okay lang si Fey, Soliva. Malakas 'yan." Sabi na lang ni Troy. Sana walang mangyaring masama sa kanya bago pa sumugod si Syren.

~~~

"Naku, pasensya ka na. Sana nasa bahay ka na ngayon kasama ang anak mo." Ayan na lang ang nasabi ko habang nasa loob kami ng kotse ni Paulo. Sana all may kotse.

"Si Air ang nagsabi na ihatid kita kaya ihahatid kita." Ayan na lang ang sagot niya. After nu'ng nangyari sa mansyon, agad din kami umalis ni Paulo dahil susunduin pa niya si Air. Tapos, hinatid lang niya sa bahay ang bata at... Ako naman ang hinatid.

"Ayaw mo mag-online English tutor?" Tanong na lang bigla ni Paulo.

"Ayoko. Saka na lang siguro 'pag may anak na ko." Sagot ko tapos napa-tingin ako sa mga tao na naglalakad at tumatawid. Iba talaga ang mga nagta-trabaho sa mga building dito. Mga naka-corporate attire, yung iba simpleng t-shirt at jeans lang katulad ni Kevin ngayon.

Kevin?

"Bakit?" Tanong na lang bigla sa'kin ni Paulo habang sinusundan ko si Kevin. Sa'n ba papunta 'to?

"Sol, sino'ng tinitignan mo diyan?" Tanong ni Paulo. Pumasok si Kevin sa building na 'to.

"Ano'ng klaseng company 'yan?" Tanong ko sabay tinuro yung mataas na building na 'yun. Doon pumasok si Kevin eh.

"BPO company 'yan. Bakit ba?"

"Samahan mo ko bukas after mong sunduin si Air."

"Bakit? Pwede ko-"

"Diyan pumasok si Kevin sa loob." Ayan na lang ang nasabi ko. Naka-nganga lang si Paulo sa'kin saka siya tumango.

~

Nang makauwi na ko, inayos ko muna ang mga binili ko tapos pumunta ako sa kwarto. Mabuti wala si Trisha ngayon!

Libra

> Kevin Marcus Hernandez-Olina

> October 3

> Mass Communation ang grinaduate namin ni Karen, kaso hindi ko alam kung bakit nasa BPO company ako.

> Bukod kay Karen? Si Ann :)

> Hindi ko na maalala kung pa'no tayo nag-usap nu'ng teenagers pa lang tayo. Mas madalas kayo mag-usap ni Karen eh.

ABA WOW!

Hindi ko alam kung kanino ang mas maikli? Kay Paulo ba or sa kanya?! Wow!

Fey's POV

Hindi ko alam kung ano 'tong nakikita ko? Alam kong nananaginip lang ako dahil nakatulog ako.

Kweba ba 'to? Sino ba ang mga naka-higa dito?

Si Soliva ba 'to? Bakit puro duguan sila?

Si Bianca at isang lalaki lang ang gising sa kanila. Nakilala ko halos yung iba dito, nakahiga sila.

"Fey..." Lumingon ako kay Bianca saka niya ko tinuro. "Pati rin ikaw Fey, lumalabo na din."

Napatingin ako sa sarili ko. Totoo ba 'to? Bakit parang lumalabo na ang katawan ko?


Tumingin ako kay Sol, may tinuturo siya sa likod ko. Lumingon naman ako.

Sino ang mga 'to? Kalaban ba namin? Sumisigaw ako pero hindi ko alam kung ano yung sinisigaw ko. Sumigaw rin yung isang nilalang na katabi ng isang lalaki. Teka, malaking bolang apoy ba 'tong nakikita ko sa palad niya?

Dahan-dahan niyang pinapunta sa'min ang apoy at...

Ano 'to?!

__________________

HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN?

VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO

COMMENT - FEEL FREE LANG HO

FOLLOW - NIYO KO SIGI NAAAAA

STAY SAFE :)

ARIGATOU :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top