CHAPTER ELEVEN
Soliva's POV
"Gusto ko sumama sa field trip niyo, teacher Sol!"
Ayan ang sigaw sa'kin ni Troy. Nandito ako ngayon sa mansyon. Ang mga naka-tira pa lang dito ay sina Fey, Troy, Leandros at Uni. Hindi ko rin alam kung bakit nandito siya ngayon eh.
"Ano, Troy? Bata lang? Pwede mo naman puntahan ang mga 'yun eh. 'Wag ka na sumiksik sa mga bata, matanda ka na." Sabi na lang ni Uni habang pinupunasan niya ang bow niya.
Napa-lingon na lang si Troy sa kanya. "Bakit ba? Masaya maging bata 'no? Less stress, less worries."
Ganitong-ganito ang feeling nu'ng mga araw na nandito pa silang lahat. Maingay, nag-aasaran, may tumatawa. Ayan ang naabutan ko. Mabuti na lang masigla ang mansyon na 'to. Sayang nga lang dahil hindi ko naalala yung mga nangyari 10 years ago.
"Oh, ayan na si Bianca." Napalingon kami sa main door nang sabihin iyon ni Uni. Naka-ngiti sa'min si Bianca at may dala siya?
"Ano 'yan?" Tanong ko sabay tinuro ko ang echo bag niya.
"Ah, mga karne tsaka manok. And, some processing food na rin. Tutal, may greenhouse naman na inaalagaan ni Fey na pwede natin pagkuhaan ng mga gulay tsaka fruits. Napansin ko kasi na konti lang ang stocks dito kaya bumili na ko."
"Ah. Sa pagkaka-alala ko kasi, saglit lang kami tumira dito tapos sinugod na kami ng mga kalaban." Sabi ko na lang sa kanila.
"Ah, ganun? Okay lang 'yan. At least may mga stock na tayo. And, where's Fey?" Tanong na lang ni Bianca. Ganyan din kaya siya 10 years ago?
"Fey, okay ka lang?" Tanong na lang bigla ni Troy kaya napalingon kami. Nandu'n siya, parang hirap huminga kaya pinuntahan na siya ni Leandros.
"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tanong ni Troy saka naman siya tumango.
"Gamot? Bakit, ano'ng sakit mo, Fey?" Bigla na lang tinanong iyon ni Bianca.
Ngumiti lang si Fey papunta sa'min at umupo sa sofa. "Sakit na pwede na'ng gumaling ang isang tao."
"Huh? Ano? Cancer?" Lintek! Ganyan ba talaga si Bianca ngayon. Tumango naman si Fey.
"Hala! 'Di nga? Cancer, Fey?" Tanong na lang ni Uni.
"Hay nako, kakasagot lang eh. 'Wag niyo bigyan ng stress about dyan sa sakit sakit na 'yan. Baka hindi bumilis ang pag-galing niyan eh." Saway na lang ni Troy sa kanila. Napatingin ako kay Fey, medyo pagod na yung mukha niya pero alam mong okay pa siya.
"Naku, binigyan mo ko ng dahilan para magluto ng mga healthy meals. Simula ngayon ha? Puro gulay na ang kakainin natin!" Sabi na lang ni Bianca.
"Hala, ayoko ng gulay!" Sigaw na lang ni Leandros.
"Ano'ng ayaw mo ng gulay? Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo. Mygosh, dinaig mo na yung anak ko ah!"
"Speaking..." si Fey. "Alam niyo naman ang usapan natim dito 'di ba?" Saka siya tumingin kina Leandros at Bianca at tumango sila.
"Gusto ko man mag-stay dito kaso walang mag-aalaga sa anak ko tsaka sa restaurant. Nasa abroad ngayon yung asawa ko eh. Tapos hindi ko pa kayo mako-contact kasi walang signal dito." Sabi na lang ni Bianca.
"Ano'ng plano mo kapag na-kumpleto na tayo?" Tanong na lang ni Uni.
"Huling bilin sa'kin, magpapakita sila kapag dinala ko na kayo sa Passage River." Sagot ko. Takte, muntikan ko na kalimutan 'yun ah.
"Passage River? Sa'n 'yun?" Tanong ni Bianca.
"Dito lang din 'yun." Sagot ni Troy saka naman tumango si Fey.
"Nakita niyo?!" Gulat kong tanong saka sila tumango. Paano nila nalaman na Passage River 'yung nakita nila?
"Sa sobrang bored namin ni Fey, nilibot naman itong mansyon. Malayo sa greenhouse yung Passage River kaso may malaking bato na nakaharang du'n."
"Paano niyo nalaman?" Tanong ko.
"May nakadikit na kahoy du'n. Nakalagay sa kahoy yung Passage River. Hindi namin ma-gets kung bakit tinawag na Passage River yun at bakit siya nakasarado?" Tanong na lang ni Fey.
"Hindi ko rin alam kung bakit ganyan ang naabutan niyo. Hindi naman siya naka-sarado eh." Sagot ko. May ibang tao kaya na dumaan dito? Or baka mga kasamahan ni Ariusa ang tumira dito?
~
So eto na nga, nagaganap na ang field trip ng mga bata. Hindi talaga ako nagsi-sisi dahil naging teacher ako. Nasasama ako sa mga ganito, pati retreat ng mga grade 7 to 10 nasasama ako.
Kasalukuyan kumakain kaming mga teachers ngayon dito sa fast food chain, maya-maya pupunta kami sa ocean park tapos last namin is amusement park. Yes naman! Nakaka-miss naman pumunta du'n!
"Teacher Sol!"
Napa-lingon ako sa mga bata na tumawag sa'kin. "Hello, kids. What are you doing here?"
Saka naman sila lumapit sa'kin. "Wala lang po. Kilala niyo po ba kami teacher Sol?"
Ang alam kong mga Grade 2 ang mga 'to dahil, naging estudyante na ata 'to ni Ems. "Hindi eh. Ano ba mga pangalan niyo?"
"Ako po si Ruby!" sabi ng batang naka-ponytail na suot ang rabbit na headband.
"My name is Redalline." sabi ng batang naka-braid ang hair tapos naka-salamin.
"Ako po si Air Danielle po." sabi ng batang straight lang ang buhok tapos naka-backpack na pink.
"Ah. Eh, nasaan ba ang parents niyo?" tanong ko.
"Nandu'n po yung sina Mama. Kaso, hindi namin makita papa ni Air." sabi na lang ni Redalline.
"Hala, baka maligaw ka. Hanapin natin papa mo, okay?" sabi ko na lang sabay tumango si Air. Hinatid ko muna yung dalawang bata sa mga magulang nila. Kailangan makita ko ang papa neto bago kami pumunta sa ocean park. Buti na lang, iisa lang ang bus naming mga pre-school at elementary department.
"Papa!" sigaw na lang ni Air habang naka-kapit lang siya sa'kin. "Hayun si Papa!" sabay tumakbo siya.
Sinundan ko kung saan tumakbo si Air at... Oh my gosh! Si Paulo ba 'to?!
"Papa!" sigaw ni Air sabay yumakap siya kay Paulo. Nagulat na lang si Paulo dahil naka-talikod ito at may kausap ata sa phone.
Binaba niya ang tawag at napa-yakap din siya sa anak niya. "Nak, sa'n ka galing?"
"Hinahanap kita eh!" saka niya binuhat si Air. Anak ba niya talaga 'to?
Lumingon sa'kin si Paulo at, "Hi ma'am. Sorry kung naistorbo yung oras niyo kakahanap sa'kin. Hindi ko napansin si Air."
Ngumiti lang ako sa kanya. "Naku, mabuti nga lang kasama niya yung mga friends niya. I'm teacher Soliva, hindi mo ko madalas nakikita sa elementary department dahil nasa pre-school department ako." sabay nakipag-shake hands siya sa'kin.
"I'm Paulo Agnoy. And, this is Air Danielle. My one and only princess." sabay hinalikan niya ang anak niya.
"Pa, I already say her name na. She knows me." sabi na lang ni Air.
"Ah. Eh 'di, you know each other na?" tanong ni Paulo saka siya tumungo.
"Tara? Nasa iisang bus naman tayo eh. Have you eat your lunch?" tanong ko saka tumango si Paulo.
Kasama kong naglalakad ang mag-ama ngayon. Pa'no ko kaya itatanong about sa pagiging Protector niya? Teka, kasal na kaya 'to? Kasi nakita ko sa kamay ni Bianca, may sing-sing siya.
"Nasaan pala ang mother ni Air?" tanong ko. Usually, mga nanay ng elementary department ang kasama sa field trip.
"Hmm. Pa'no ko ba sasabihin?" sabi na lang ni Paulo sabay tumingin muna siya kay Air. "Mamaya ko na lang sasagutin 'yan, teacher Sol. Ayokong marinig ng anak ko eh." saka siya ngumti at sumakay na sa bus. Bakit kaya?
~
Tapos na kami sa ocean park. Papunta na kami sa amusement park na, hindi naman kalayuan dito. Hindi ko naka-usap kanina si Paulo gawa nang magkasama pa silang mag-ama. Sana naman maka-usap ko siya ngayon.
Hays, nakaka-miss sumakay sa roller coaster. Sabi ng principal sa'min, mag-enjoy din daw kami. Pero, mukhang hindi ako makaka-sakay ng roller coaster dahil kailangan kong maka-usap si Paulo ngayon.
At nakita ko siya, sa merry-go-around, mukhang binabantayan niya ang anak niya.
"Bakit hindi ka sumama?" tanong ko saka siya lumingon.
"Nandiyan naman yung mga classmates niya kaya, okay na ko dito." Nang tumapat na yung sinasakyan ng anak niya, saka siya kumaway.
"So, nasaan pala yung mama niya?" tanong ko.
"Namatay si Secret nang ipinangak niya si Air." Diretsong sagot niya. "Sinabi ko naman kay Air 'yun kaso, mukhang ayaw niya maniwala. Baka next month, sa birthday niya, dadalhin ko siya sa libingan ni Secret."
"Ah. Eh, hindi ko alam ang sasabihin ko-"
"It's okay." sabi na lang niya bigla. "Nu'ng una hindi naging madali sa'kin ang maging single parent hanggang sa, nasasanay na ko. Ayoko lang talaga na lumayo ang loob ng anak ko sa'kin 'pag dating ng araw."
Madrama na masyado. Kailangan ko na itanong 'to. "Naniniwala ka ba na nage-exist ang mga 'aliens' dito?"
Lumingon siya sa'kin, halatang nagtaka siya. "Huh? 'Aliens'? Parehas kayo ng anak ko na nagtanong sa'kin niyan."
"Weh?" Tanong ko sabay tumango siya. "Eh, kasi-"
"OHYMYGOD!"
Napalingon kami sa sumigaw, mukhang galing yung sigaw na 'yun sa roller coaster. May napansin ako na may umuusok galing du'n. At, may nakita akong lumilipad na ewan, papalayo na kasi kaya hindi ko na napansin. 'Alien' kaya 'yun?
"Teka, Paulo kunin mo muna 'yung anak mo." sabi ko agad sabay tumakbo siya sa pinaka-entrance ng merry-go-around. Buti huminto na sa pag-ikot kaya agad naman niya nakuha si Air.
Unting-unti nagtitipon ang mga tao sa labas ng amusement park. Kaagad din kami pinabalik sa bus, mabuti safe kaming lahat pati na rin yung ibang estudyante namin dito.
"Ano daw ang nangyari?" tanong ko sa kapwa kong teacher.
"May unknown specie na nagpakita daw. Tapos sinira niya yung riles ng roller coaster. Mabuti na lang wala pang sumasakay sa ride na 'yun. Kundi, mamamatay sila." Napa-lingon ako kay Paulo na nasa tabi ko lang. Sumakay na silang lahat, pati na rin ang mga bata sa bus na naka-assign sa'min. Nagpahuli pa kami ni Paulo.
"Siguro 'alien' ata ang umatake du'n." bulong ko sa kanya.
"Sino ang pwedeng pumatay du'n?"
"Tayo."
Saka siya lumingon sa'kin. "Tayo?"
Tumingin ako nang diretso sa kanya. "Isa ka sa mga Zodiac Protectors na papatay sa mga 'alien' na 'yun. Isa akong Aquarius Protector, nawala ang memories mo about sa pagiging protector mo Paulo."
"Huh?"
"Tara na po." sabi na lang ng bus driver sa'min. Hindi ko na siya naka-usap hanggang sa pagdating namin sa school.
"Teacher Sol, are you okay po?" tanong na lang bigla ni Air sa'kin.
"Oo naman. How about you?"
"I'm already fine po. Friends na po ba kayo ni Papa?"
Napa-nganga na lang ako sa tanong niya. "Ah. Alam mo kasi-"
"Yes, baby. Friends na kami ni teacher Sol." singit agad ni Paulo saka niya binuhat si Air. Tapos, tumingin siya sa'kin. "Pupunta ako sa school sa lunes. Pwede mo kong maka-usap." sabi na lang niya saka ako tumango at umalis.
~
Pag-uwi namin ni Trisha sa bahay, kaagad ako dumireto sa kwarto at hinanap yungg journal book. Alam ko kasi isa siyang CEO pero, teka nga.
Leo
> Paulo Alfonso-Agnoy
> August 1
> As of now, ako muna ang nagma-manage ng business namin.
> Secret.
> Solong anak lang ako.
> Hmm, wala naman masyado. Hindi ko na maalala kung nag-usap ba tayo dati o hindi. Ayun lang.
Anak ng tinapa't daing? Ayan lang ang nakalagay sa journal book. Bakit ganyan lang kaikli? Hindi ba kami close dati?
________________________
Hi. HELLO. HAPPY INDEPENDENCE DAY.
VOTE - KUNG OKAY SA INYO
COMMENT - GO LANGS
FOLLOW - NIYO KO BWAHAHAHA!
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top