CHAPTER EIGHT
Soliva's POV
Hanggang ngayon, tulala pa rin ako sa ginawa ni Uni. Dalawang araw na ang nakalipas ah. Hindi ko ba alam kung makikipag kita ba ako sa kanya? Pero kailangan ko sabihin sa kanya about sa pagiging Zodiac Protector.
Nandito pa ako sa school, uwian na din ng mga bata. Tapos na din yung mga dapat kong gawin for this day. Naka-tunganga lang ako ngayon sa desk habang naka-open yung phone ko at naka-display ang number ni Uni. Text ko na lang siguro siya. Pero baka kasi hindi niya mabasa kaya tatawagan ko na lang.
Tatlong ring bago niya sagutin. [Hello?]
Lumunok muna ako bago mag-salita. "Hello? Si Miss Uni po ba 'to?"
Saglit lang siya tumawa tapos... [Ikaw ba si Soliva? Yung babae na pumasok sa dressing area sa event?]
"Ah, oo. Ako nga 'yun."
[Ayos, gusto ko rin kasi lumabas ngayon kaya, ite-text ko sa'yo kung saan tayo magkikita, okay? Teka, free ka ba ngayon?]
"Oo, pauwi na rin ako kasi tapos na ang klase ko."
[Wow, teacher ka pala. Nice nice, sige. See you later.] saka niya binaba yung call.
_______________
"Nice to meet you teacher Sol."
Kung hindi si Troy, si Uni naman ang magtatawag sa'kin ng "teacher Sol". Ayun, nagkita na nga kami. Naka-cap lang siya tsaka naka-shades, baka daw makita siya ng mga tao eh. Iba talaga ang sikat.
"So, may dapat ka bang sabihin?" tanong ni Uni sabay tumango na rin ako. Ready.
"Naniniwala ka ba sa mga 'aliens'?" tanong ko.
Bigla na lang siya nag-taka. I knew it. "'Aliens'? Ah, oo nabalitaan ko ang mga 'yan. Yan ba yung malalaking bubuyog na ewan 'di ba?" saka ako tumango.
"Actually gusto ko sila makita." saka siya ngumiti sa'kin. "Nakaka-takot daw 'yung dahil kaya niya pumatay ng tao pati na rin yung mga buildings na nandidito ngayon. Tawag nila du'n "little destructor" although hindi naman daw sila maliliit."
"Alam mo rin ba kung sino lang ang makaka-patay sa mga 'yun?" bulong ko saka siya umiling. "Mga Zodiac Protectors daw ang makakapatay sa mga 'yun."
"Ah weh? Gusto ko sila makilala." saka siya ngumiti.
"Isa ka sa mga Zodiac Protectors, Uni. Sagittarius Protector ka at 'yang pagpa-pana mo ang kapangyarihan mo." After ko sabihin 'yun, nanlaki agad ang mga mata niya.
"Hoy, hindi ka joker 'di ba?" tanong ni Uni saka ako umiling. "Imposible 'yan teacher Sol."
"Alam kong imposible kasi ayan din ang akala ko. Isa din akong Zodiac Protectors, isa akong Aquarius Protector. Labing-tatlo tayo actually, may nangyari sa'ting lahat before kaya nawala ang mga memories niyo about sa pagiging Protectors niyo."
"Wait wait. Pa'nong nawala ang memories? Never ko naman nalaman na isa akong Sagittarius Protector." sabi na lang ni Uni. Gusto ko i-kwento sa kanya 'yung mga nangyari noon kaso may mga tao pa dito. Kainis.
"Confidential ba 'yan?" tanong ni Uni saka ako tumango.
"Gusto mo ba makita 'yung mansyon?" tanong ko.
"Ano'ng mansyon?"
"Mansyon ng mga Protectors. Mansyon natin." Kaagad siya nagtaka sa sagot.
____________
Napa-nganga na lang si Uni sa nakita niya. Yup, agad ko siya dinala dito sa mansyon. Gabi na kami nakarating dito. At, infairness ang ganda niya pala sa labas pa lang.
"Seryoso? Nakatira ako dito? I mean, yung mga Zodiac Protectors?"
Kaagad ako tumawa sa sinabi niya. "Dito tayo naka-tira 10 years ago. Sayang nga lang dahil hindi ko na naalala yung mga nangyari noon."
Napa-tingin siya sa'kin. "Bakit naman?"
Naglakad na kami papunta sa main door. "Bago pa kayo mawalan ng alala tungkol sa pagiging Protectors niyo, ako 'yung unang nawalan ng memories tungkol dito. At, ang hirap lang kasi parang, nasa ibang mundo ako."
Pag-bukas ko ng main door, nagulat na lang ako dahil nakita ko sina Troy at Fey, nagtatawanan.
"Hala, may tao pala dito." sabi na lang ni Uni sabay pumasok kami.
"Si Uni 'to 'di ba?" masayang tanong ni Troy saka ako tumango.
"Hello, I'm Troy Alvarez. And this is Engineer Fey Domingo." sabi na lang ni Troy sabay nakipag-shake hands sila.
"Umm, sila ba talaga ang may-ari or caretaker?" bulong ni Uni.
"Hindi. Si Troy yung Virgo Protector at si Fey naman ang Pisces Protector. Wala din maalala ang mga 'yan. Atsaka pala si Rico, Taurus Protector din siya pero never pa niya nakita 'tong mansyon dahil hindi naman siya naniniwala tungkol du'n." paliwanag ko.
"Rico? Ah, teka. Kilala ko 'yun eh." sabi na lang ni Uni.
"Friend daw 'yung ng manager mo." sagot ko saka siya tumango.
"Ayos, kasama natin ang pinaka-magaling na archer ng Pilipinas." sabi na lang ni saka napa-ngiti si Uni.
"Hala, hindi naman. Pero teacher Sol..." tawag na lang sa'kin ni Uni. "May mga kapangyarihan ba talaga kami?"
Tumango naman ako. "Isa kayo ang nagpalabas ng kapangyarihan ko noon. Hindi ko lang alam kung paano na natin papalabasin 'yun. Hindi pa naman sapat ang pagpapana ni Uni para matalo natin si Syren."
"And, sino si Syren?" tanong ni Uni.
"Sabi ni Ariusa, huling kalaban natin 'yun. Anytime siguro, susugurin na niya tayo."
Huminga nang malalim si Fey. "Mukhang marami ka pang gusto sabihin tungkol sa mga 'yan."
"Oo pero kailangan mahanap ko muna 'yung iba."
Ningitian na lang ako ni Fey saka siya lumingon kay Uni. "So nandito ka na rin. Ito-tour na kita sa buong mansyon since ako naman ang unang nakapunta dito. Pwede ka rin matulog dito since dito naman talaga tayo natulog noon. May mga na-discover kami ni Troy dito like, training areas."
"Weh? Training area? Pwede dito na lang ako tumira?" tanong na lang ni Uni.
"Huh? Sure ka? Iiwanan mo ang city?" tanong na lang ni Fey.
"Ayy. May mga paparating na competition eh." malungkot na sagot ni Uni.
"Pwede ka naman dumaan dito kung gusto mo." sabi ko na lang. Saka naman ngumiti si Uni
_______________
Late na kami naka-uwi ni Uni dahil doon pa kami nag-dinner. Si Troy, doon daw matutulog kasi marami daw tao sa bahay nila. Tinawagan ko na din si Trisha na late ako makaka-uwi. Mabuti na lang may susi ako ng apartment namin. Gusto ko kumain ng snack kaya dumaan muna ako dito sa convenience store.
Hindi ko alam kung magfi-file muna ako ng leave bukas or magpapa-late or ititigil ang pagtuturo ko? Medyo nakaka-pagod na 'to ah. Teka, ilan na ba kami? Ako. Fey. Rico. Troy. Uni. Shax, lima pa lang kami. May nawawala pang walo. Hindi ko binasa nang sunud-sunod yung journal book kasi... 'di ko rin alam. Hahaha.
May binili akong mga snacks pero natakam ako sa ice cream. Sa loob ng store ko kinain, baka mainggit si Trisha 'pag dinala ko 'to. Napa-upo sa table malapit sa pinto. May tao pa naman dito pero, mas napansin ko yung lalaki na naka-tungo na nasa tapat ko lang. Lasing ba 'to?
"Vicky!"
Nagulat ako nang sumigaw si kuya na naka-tungo, ako lang ba ang nakarinig? Parang hindi napansin ng mga tao dito eh. Maya-maya, napa-upo siya nang diretso tapos-shit!
Si Leandros 'to 'di ba? 'Di ba?!
"Bakit?" Tanong na lang niya sa'kin. Teka, lasing ba 'to? Atsaka, bakit ganyan 'yung suot niya? Naka-black suit na ewan. Yun bang galing sa kasal ganun.
"Kilala mo ko?" Tanong ko. Baka kilala niya ko pero mukhang hindi.
"Sino ka ba?" Sabi ko nga, hindi niya ko kilala. Wawa ka naman Sol.
Pinuntahan ko yung table niya at umupo sa tapat niya. "Ikaw si Leandros 'di ba?"
Kaagad din siya nagulat. "Pa'no mo ko kilala? Siguro nalaman mo 'yung pangalan ko kanina sa simbahan 'no?" Confirmed! Lasing ang loko!
"Huh? Ano'ng simbahan? Excuse me, galing akong trabaho. May pinuntahan lang ako." Sagot ko. Habang siya, seryosong naka-tingin sa'kin. Maya-maya, bigla na lang siya bumagsak sa sahig.
"Hoy, Leandros!" Sigaw ko. Ano ba 'to? Nakita ko nga siya kaso lasing!
Iuwi ko kaya? Malapit na din naman apartment namin eh.
_________________________________
HI. HELLO. KUMUSTA NAMAN KAYO?
'WAG KAYO GUMAWA NG GULO HANE? KAWAWA NAMAN YUNG MABIBIKTIMA NIYO. OKAY? OKAY.
VOTE - KUNG NAGUSTUHAN NIYO
COMMENT - FEEL FREE LANGS
FOLLOW - NIYO KO GOOO!
ARIGATOU :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top