I
For BaMeloxxx and her affection to kuya attorney slash engineer. Enjoy reading!
•••
Jewel
"Hoy. Bilis na, turuan mo na ako. Malapit nang dumating si Ma'am, oh!"
Lalong naningkit ang singkit kong mga mata dahil sa narinig ko. Gusto ko na talagang batukan 'tong kumag na 'to, eh. Kanina pa ako nag-aabang dito, ha.
"Saglit lang, tatapusin lang namin 'to," saad niya at iginalaw ang kamay niya para itulak ang isang chess piece pasulong.
"Kanina pa kaya kayo d'yan! Hay nako Mark, sasapukin na talaga kita, eh!" Napakagat na lang ako ng labi nang aksidenteng malaksan ang boses ko. Nako-conscious kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng library kung nasaan kami ngayon. Kami na lang ang natitirang estudyante. Jusko, sana hindi napansin ng librarian ang pag-iingay ko.
"Ineng, rule number four."
Nakakaloka. Nang magtama ang paningin namin ni Miss Lita the Librarian, binigkas niya ang mga salitang iyon sabay senyas sa akin palabas ng pinto. Napa-peace sign na lang ako sa kanya at ngumiti nang pilit habang dahan-dahang lumingon sa lalaking ipinunta ko rito.
"Ang ingay mo raw, labas na. Shoo!"
Aba? Ang kapal talaga ng mukha nitong mokong na 'to at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at sinagi ang chessboard na pinaglalaruan nilang dalawa bago dire-diretsong lumabas ng pinto. Narinig ko pa ang mga pabulong nilang reaksyon dahil nagtumbahan ang pieces pero wala akong pakialam. Mag-chess sila d'yan habambuhay. Pinaghintay pa ako, kaloka.
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 12:57 na, tatlong minuto bago ang afternoon class namin. Patay, male-late na ako!
Ang mabibilis kong hakbang ay ginawa ko nang takbo. Ayokong ma-late! Jusko, mahuli na ako sa ibang subjects 'wag lang sa Math! Ay kennat!
•••
"You know the rules, right? Every time that you show up late in my class, you have to perform a talent number to get in."
Ang ugong lang ng air con namin sa classroom ang maririnig ngayon. Seryoso ang lahat habang nakatingin kina Mark at Ryan at nakatayo ngayon sa harapan. Seryoso nga ba?
Kagat-labi na si Ryan na nagpipigil ng tawa habang gumagala naman ang tingin ni Mark sa aming mga kaklase niya. Nang tumingin siya sa akin ay mabilis kong inilabas ang dila ko bilang pang-aasar. Ano kayo ngayon, ha? Chess pa more!
"Ano na? Show us something. Or else, you'll stay outside for the rest of my period." Nagkatinginan pa ang dalawang tungaw sa harapan. Halatang wala silang maisip na gagawin kaya naglakas-loob akong tumayo.
"Excuse me po, Ma'am. Suggestion ko lang po, pakantahin niyo na lang po sila ng "Sorry Na" para may apology. Saka padagdagan niyo na rin po ng dance steps para mas maganda." Napangiti ako nang bongga pagkatapos noon. Napatango naman nang kaunti si Ma'am Regina at binalingan ulit ang dalawang hindi pa rin alam ang gagawin.
"You heard Jewel, right? Kapag kinanta niyo 'yon, okay na." Nginitian din ni Ma'am sina Mark at sinabayan pa ng pagtaas ng kilay.
Ang bongga niyo, Ma'am! Bet ko na kayo. 'Wag niyo lang sanang maalala ang assignment. Fingers crossed!
•••
"Sorry na, talaga, kung kami ay late~"
"Nay, sa siwal ni Jewel."
Napahagikhik na lang ako habang nakasunod dito kay Mark. Napilitan kasi silang gawin ang suggestion ko noong Math time, at sa sobrang pagka-entertain ni Ma'am Regina, nakalimutan niya na ang assignment. Ang kapalit lang ay ang panibagong kahihiyan nina Mark at Ryan, pero okay lang 'yon, masaya naman ang majority.
Palabas pa lang kami ng school dahil uwian na. Kasabay namin ang iba pa naming kaklase, at para bang tradisyon na namin ang pagsasabay-sabay tuwing maglalakad pauwi.
Minasdan ko na lang mula sa likod ang kumag na 'to. Nasa harapan ang bag niya dahil takot siyang malagyan 'to ng bato o basura, kaya ang malapad na likuran ng puti niyang uniporme ang nakalantad sa akin. Nakikipagtawanan naman siya sa iba naming kaklase.
Siya si Mark Patrick Ezperanza. Kaklase at boy bestfriend ko. Nagkakilala kami noong Grade 7, at hanggang ngayong Grade 10 ay magkasama pa rin kami. Apat na taon na rin akong may kasamang asungot na laging feeling pogi.
"Jewel, sasama ka ba sa'min? Magmi-milktea raw sina Ryan sa Hangtong." Nakita ko namang tumigil si Catherine, isa ko pang kaklase, sa paglalakad. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
"Hindi muna ako makakasama ngayon, Cath. Susunduin ako ni Ama sa plaza, eh."
Napatango naman siya at humabol sa iba naming kaklase. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa may plaza ay nagpaalam na ako.
"May kasabay kang umuwi?" tanong sa akin ni Mark. Ay, concerned ang tukmol, ha. Sinabi ko sa kanya na may sundo nga ako.
"Ah, sige. Ingat. Bye."
Kumaway na lang ako sa kanila habang unti-unti silang naglalakad palayo.
•••
"Ano na naman?" Akmang lalabas pa lang ng classroom si Mark ay hinawakan ko na siya sa braso.
"Sabi mo tuturuan mo'ko sa Math, 'di ba? Tigilan niyo muna ni Ryan 'yang pagche-chess. Gusto niyo bang ma-late ulit?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napabuntong hininga na lang siya kaya dali-dali ko siyang hinila paupo sa isang bakanteng armchair. Inilapag ko na rin doon ang notebook ko sa Math pati na ang ballpen.
"Saglit lang, kakain lang ako ng tanghalian." Aba, tatakasan na naman ako?
"Magtigil ka nga Patricio! Alam kong kumain ka na ng kanin kaninang recess. Bibili ka lang ng chichirya tapos magche-chess, eh. Kaya hindi. Turuan mo muna ako. Sigurado akong maaalala na ni Ma'am Regina ang assignment natin ngayon kaya tulungan mo na ako," mahabang litanya ko. 'Yung Patricio, tawag ko sa kanya 'yon based sa second name niya which is Patrick. Ang kulit-kulit ba naman kasi.
"Oo na, oo na. Ang demanding mo, ikaw na nga ang magpapaturo. Alin ba rito?" Napangiti naman ako dahil finally, sinimulan na niya.
"Ito. 'Yang buong activity na 'yan. About factor theorem yata." Itinuro ko ang isang part ng notebook. Napailing siya na ikinagulat ko.
"Sus, napakadali naman nito. Basic na basic." Ang hambog ha. Kung talaga nga, ituro mo na sa'kin! Hay nako.
"Seryoso, hindi mo gets? Nakinig ka ba noong nag-lecture?"
"Aba'y nakinig, malamang! Naguluhan lang kasi ako dahil may idinagdag pa si Ma'am na shortcut-shortcut."
"Oh sige, ganito. Sa factor theorem kasi, sabi eh kapag ang isang function ay dinivide sa isang polynomial at zero ang remainder, ibig sabihin factor 'yon ng polynomial na 'yon. Gano'n din sa reverse factor theorem, kapag naman factor ng polynomial ang isang function, kapag dinivide mo 'to sa polynomial ay zero ang sagot. Kuha mo?" Jusko. Hindi ko naman inaasahan na gano'n siya kabilis na mag-eexplain. Nginitian ko na lang siya dahil hindi ko na naman naintindihan.
"Pusta, hindi mo na-gets." Tumango-tango na lang ako kaya napabuga na naman siya ng hangin.
"Promise, isa na lang. Pasimplehin mo naman ang explanation, hindi kinakaya ng gorgeous kong brain," turan ko. Napakamot naman siya ng ulo bago nagsalita.
"Oh eto, 'di ba mahilig ka naman sa mga hugot saka may lovelife ka naman-"
"Sinong nagsabing may lovelife ako, ha?"
"Basta, makinig ka kasi. Kagulo ba. Ganito, isipin mo na lang na ang polynomial ay ang tadhana ng dalawang mag-jowa. Para makabuo ng tadhana, kailangan ang mga factor, 'yung babae at lalaki. Sa polynomial, 'yun 'yung mga function." Natahimik naman ako. Hinila ko ang isang upuan sa malapit at tumabi sa nagsasalitang si Mark.
"Eto, sa factor theorem, kung zero ang remainder kapag dinivide ang polynomial sa function, factor ang function na 'yon. Kumbaga, kapag perfect para sa'yo ang isang tao, walang labis at walang kulang, siya ang para sa'yo. Sa reverse factor theorem naman, kapag ang isang tao ay kasama sa nakaplanong tadhana mo, kahit anong mangyari, magiging kayo pa rin. Kahit maraming pagdaanan, ang bagsak pa rin ay sa isa't isa. Kaya kapag factor ka ng isang polynomial, kahit anong divide sa'yo, zero pa rin ang remainder. Sakto ka. Ikaw talaga ang parte ng polynomial."
Nakahalumbaba lang ako at nakatitig sa kanya habang nagpapaliwanag. Ang sarap pakinggan ng boses niyang sakto ang timbre, bagay sa itsura niya.
"Uulitin ko. Sa factor theorem, kapag perpekto kayo para sa isa't isa, magiging kayo. Sa reverse factor theorem, kung nakatadhanang maging kayo, magiging perpekto kayo para sa isa't isa. Gets mo?"
Simple lang naman si Mark. Medyo kulot ang itim niyang buhok na madalas naka-brush up, maamo ang mga mata na solid kung makatingin, hindi sobrang tangos pero hindi naman pango ang ilong niya. Ang pinakapaborito ko ay 'yung lips niya na natural na ma-pink, at madalas ay naka-smirk o nakangiti habang nang-aasar.
Ha? Ano bang iniisip ko? Hay nako Jewel, ayusin mo nga 'yang utak mo. May lesson kang dapat matutunan, hindi 'yung bibigyan mo pa ng commentary ang pagmumukha ng tukmol na kaharap mo.
"Okay na?" Napakurap na lang ako nang ilang beses. Jusko. Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi!
"A-Ah, ano... isa pa? Last na talaga, prom-"
"Good afternoon, class."
Nagulat kami sa biglang pagpasok ni Ma'am Regina sa room. Parang may nag-announce ng "Autobots, transform!" sa klase namin dahil sa isang iglap ay nagsibalikan ang lahat sa kanya-kanyang upuan at inayos ang mga kalat.
Nag-aalala akong sumulyap kay Mark dahil hindi ko pa nasasagutan ang assignment ko, pero nagulat ako nang makitang itinakbo niya rin sa upuan niya ang notebook ko at mabilis na nagsusulat.
"Pupunta lang akong CR, guys. Lahat ng papasok habang wala ako, ilista ng secretary." Napahinga naman ako nang maluwag dahil lumabas si Ma'am. Bago pa ako makatayo, may naglapag na ng notebook ko sa harapan ko. Tumunghay naman ako at nasilayan ang mukha ni Mark.
"Sinagutan mo?"
"Oo. Kagulo mo ba naman, makinig ka kasi. Ilibre mo'ko mamaya, ha." Nginisihan pa ako ng asungot bago bumalik sa puwesto niya. Binuklat ko ang notebook ko at napangiti nang makitang may sagot na nga lahat ng dapat sagutan.
Idinako ko ang tingin sa upuan ni Mark sa bandang kaliwa ng classroom.
"Thank you."
•••
Alam niyo ba 'yung feeling ng pagiging kpop fan?
Kpop fan kasi ako. Kakapasok ko pa lang sa fandom ilang months pa lang ang nakakalipas. Marami akong stan na boy groups, at siyempre maraming akong asawa- I mean, bias. Favorite member, gano'n.
May something talaga sa mga bias ko na parang ang hirap ipaliwanag eh. Noong una kong tingin sa kanila, wala, hindi ko sila kilala kaya walang kahit ano. Pero noong unti-unti ko silang nakikilala, hindi ko namamalayan na nafa-fall na pala ako.
Nagtataka ba kayo kung bakit mahal na mahal ng kpop fans ang mga idol nila? Kung bakit grabe makatili ang girls kapag nakikita nila ang mga bias nila? I-try niyo rin kasi minsan. Kapag kasi may taong nakuha ang attention mo, para bang unti-unti kang nahihila ng mga charms nila. Gugustuhin mo lagi na makita siya. Marinig ang boses niya. Mapanood siyang nagpe-perform sa stage. Basta kahit ano na tungkol sa bias mo, papanoorin mo. Sasaya ka na kahit magulo ang araw mo.
Ay, basta. Ang hirap kapag nafa-fall ka na. Hindi mo na mapigilan. Parang...
"Jewel, patulong naman. Samahan mo'kong magbihis."
"Ha?" Nagulat ako sa narinig ko at napatigil sa pagmumuni-muni. Paglingon ko sa kanan ko na pinanggalingan ng boses, nakita ko si Mark na nakahubad ng polo at may bitbit na paper bag sa kanang kamay.
"Bakit ako?" nagtataka kong tanong.
"Bilis na, hindi ko pa alam kung alin ang isusuot ko eh. Kami na ang sunod na magpe-perform," tugon niya at nilingon ang iba naming kaklase. Ngayon kasi ang performance task namin sa ESP, magro-roleplay kami sa harap ng ibang students kaya ang gulo na ng room dahil nagsisipagbihis ang mga kaklase ko.
"Saan ka ba magbibihis?" Sinuyod ko ng tingin ang kaitsurahan niya. Hindi na naka-tuck in sa gray niyang slacks ang sando niyang puti, at nakayapak na rin siya.
"Kahit dito na. Ito, tingnan mo." Ipinatong naman ni Mark ang paper bag niya sa katabing armchair. Hinugot niya mula ro'n ang dalawang damit.
"Alin ang mas bagay sa'kin?"
"Ako. Char!" Tinawanan naming dalawa ang banat kong 'yon. Pinaningkitan niya ako ng mata habang nakangisi nang kakaiba sa akin. Ginantihan ko rin siya at mas pinaliit ang maliliit kong mga mata.
"Malapit nang matapos 'yung Group 1! Mag-ready na raw po 'yung next group!" Napukaw naman kami sa isinigaw na iyon ni Geraldine, isa pa naming kaklase.
"Oh, bilis na! Alin ang isusuot ko?" Nagmamadaling isinukat ni tukmol ang isang puting t-shirt na may tatak na Nike.
"Ano bang role mo?" tanong ko. Malay ko ba kung babagay ang damit, eh hindi ko pa alam kung anong gaganapan niya.
"Lalaki. Binata. Basta, 'yung manliligaw nung bida." Napatango naman ako sa tugon niya. Sinulyapan ko naman ang isa pang damit.
"Try mo 'yang isa. Parang mas may dating," komento ko. Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. Tumalikod siya sa akin at pagharap niya, suot na niya ang kulay itim na polo shirt na kulay puti ang collar. Hinawi niya naman ang buhok niya gamit ang kamay niya.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit... Bakit parang ang sarap niyang titigan ngayon? Bagay talaga sa kanya ang damit niya, idagdag mo pa ang inosenteng mukha niya na nagtatanong kung okay ba.
"Poging-pogi ka na naman sa'kin." Napabusangot ako at nagpigil ng ngiti nang gumuhit ang signature smirk niya sa akin. Jusko ka talaga, Jewel. Para kang eng-eng.
"Ewan ko sa'yo, lumayas ka na nga! Susunod na kayo 'di ba? Shoo, shoo!" pagpapaalis ko sa kanya. Wala na naman siyang nagawa nang itulak ko siya hanggang sa makalabas.
"Pakiayos na lang ng damit ko, ha."
"Sus, 'wag na. Itatapon ko na 'yon."
Nakarinig na naman kami ng sigaw mula sa isa naming kaklase na nagsasabing 'yung grupo na raw nina Mark ang sunod, kaya tumalikod na sa akin si Mark at tumakbo.
"Good luck! Galingan mo!" Lumingon siya habang tumatakbo sa corridor at tumango sa akin, at ginantihan ko 'yon ng pagkaway.
Pero sa true lang, ha. Ang pogi niya nga sa suot niya.
•••
"Ang nabunot ko ay si... Mark!"
Napapalakpak ako kasabay ng paglakad ni Mark papunta sa gitna ng classroom namin. Iniabot sa kanya ng isa naming kaklase ang isang paper bag.
Christmas party namin ngayon. Kakatapos lang naming kumain, at oras na para mag-exchange gift. Nakatayo kaming magkakaklase at nakapabilog. Nasa gitna ang nagbibigay at tumatanggap ng regalo.
"Oh Mark, sino namang nabunot mo?"
"Ang nabunot ko ay si..." Nagsimulang maglakad si Mark papunta sa akin na ikinagulat ko.
Sabi na nga ba, eh! Ako ang-
"... Katrina." Napabuka na lang ako ng bibig nang bigla siyang lumiko noong halos magkaharap na kami. Instead, humarap siya kay Katrina na katabi ko.
Pwe. Paasa.
"Joke lang, si Jewel talaga."
For the third time, na-shock na naman ako. Hinawakan ako sa kamay ni Mark at hinila papunta sa gitna ng room.
"Alam mo, bwisit ka talaga," bulong ko. Napatawa naman siya nang mahina bago iabot sa akin ang dala niyang kulay pulang paper bag.
"Merry Christmas."
Nagpakita ang mapuputing ngipin ni Mark sa pagngiti niya sa akin. At this time, hindi ngiti ng pang-aasar. It's a genuine smile that melted my heart.
"Ayieee! Jewel naman pala ang nais!"
"Ship na 'yan! Hashtag MarkWel poreber!"
"Paskong-pasko, respeto sa single!"
Gusto ko mang pigilin, talagang ngumiti na lang ako. Hindi ko sure kung namumula ba ako, pero sure ako na aasarin kami ng mga kaklase ko pagkatapos nito.
"Sana magustuhan mo," pahabol namang saad ni Mark bago maglakad papunta sa isang tabi. Jusko, suot niya pa man din ngayon ang black and white polo shirt niya na bagay sa kanya.
Jusmiyo, Jewel! Sumosobra na 'yang kaharutan mo. Kalma, self!
•••
"Oh, wala ka bang ibibigay na chocolate sa'kin? Valentine's Day ngayon, 'di ba?" mahina kong turan kay Mark na katabi ko ngayon.
"Ha?"
"Pahingi kako ng cho-"
"Halamang gamot."
Napangiti ako at sarcastic na tumawa. Napa-smirk na naman si Mark kaya lalong uminit ang ulo ko. Inirapan ko siya at inasikaso ang ginagawa naming activity.
Like what I've said, Valentine's Day ngayon. May pa-activity sa amin ang English teacher namin na si Miss Cortez na gumawa ng appreciation essays para sa mga taong gusto naming bigyan ngayong Valentine's. At heto nga, nagsisigawaan na kami ng cards.
"Bakit naman kita bibigyan ng chocolate? Kaano-ano ba kita?"
Napataas ako ng kilay sa biglang tanong ni Mark. Sinulyapan ko siya at seryoso pa rin ang tukmol sa pagtupi ng mga colored paper.
"Best friend."
"Oh, pala eh. Dapat ba binibigyan ang best friend? 'Di ba jowa dapat?"
"May jowa ka ba?"
"Wala. Pero kahit na. Ayaw kitang bigyan."
"At bakit nga?"
"Hindi mo naman napapansin, eh."
Ay? Anong drama ito? Hinablot ko ang glue ko na nasa harap niya bago sumagot.
"Ano bang sinasabi mo?"
Ngayon naman, kinuha niya ang highlighter na nasa table ko.
"Dati, binigyan na kita ng chocolate. Itinapon mo lang 'yung balat."
"So? Dapat ba kinain ko rin?"
"Bakit nung binigyan ka ni Herald, itinago mo 'yung balat?"
Napanguso ako sa binanggit niyang pangalan. He's referring to Herald de Juan, batchmate namin na taga-kabilang section.
Herald is- I mean, was my bestfriend, too. I don't really want to talk about him since... basta.
"Wala 'yon. 'Wag na nga."
Napaseryoso ako ng mukha at hindi na nagsalita pa. Ramdam kong sinusulyapan ako ni Mark pero tulad ko ay hindi rin siya nagsalita.
Very good. Ngayon, sira na ang araw ko.
Hindi kami nagpansinan ni Mark buong maghapon. Hays. Nagkatampuhan pa nga.
Pagdating ng hapon, biglang ipinatawag ang members ng isang school club na sinalihan ko para mag-meeting. Dahil doon, umuna nang umuwi ang mga kaklase ko.
Mabilis din naman 'yong natapos. Naglalakad na ako ngayon sa corridor. Dahil vice president ako ng club, maraming responsibilities na naka-assign sa akin kaya medyo naiimbyerna ako. Hindi ko man lang na-enjoy ang Valentine's.
Pagkarating ko sa room, as expected ay wala nang tao. Tanging ang bag ko na lang ang natitira sa upuan ko.
"Anong oras na ba..." Napabuntong hininga ako habang humahakbang palapit sa aking bag. Pagkasukbit ko nito sa likod ko ay dumiretso naman ako sa teacher's table, dahil doon nakalagay ang mga gadgets namin na isinurrender.
Kinapa ko ang ilalim ng table, dahil madalas ay doon nakalagay ang mga phone namin. Nagtaka naman ako dahil wala akong nahawakang kahit ano.
"Hala? Itinago ba nila?"
Ayoko na talaga, ha. Kapag itinago talaga ng mga classmate ko 'yon, maiinis na talaga ako. Ang pangit na ng buong araw ko!
Napaigtad ako nang biglang umalingawngaw ang tunog ng ringtone ko. Nanlaki ang mata ko nang matantong galing ang tunog sa bag ko.
"Jusko naman Jewel, uso kasing tumingin sa bag!" himutok ko sa sarili ko. Ipinatong ko sa table ang bag ko at kinuha sa isang bulsa ang cellphone ko.
Tumatawag si Ama, kaya agad ko 'yong sinagot.
"Jewel? Nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay rito sa plaza!"
"Nagkaroon po kasi ng meeting after class. Pauwi na po ako ngayon. Wait lang po."
"Sige, sige. Bilisan mo, ha."
"Opo. Bye," wika ko at ibinaba na ang tawag. Isinuksok ko na ulit sa bulsa ng bag ang cellphone nang may isang bagay na sumagi sa kamay ko.
"Ano 'to?" nagtataka kong tanong habang unti-unti inilalabas kung ano mang bagay 'yon.
Napalunok ako nang tumambad sa akin ang isang pack ng chocolate. Nakadikit doon ang isang pulang sticky note na may nakasulat. Napangiti na lang ako nang basahin iyon.
Sorry kanina. Eto na 'yung hinihingi mo, ilibre mo'ko bukas ha. Happy Valentines.
- ?
•••
Mark Patrick Ezperanza
Active 5hrs ago
Mar 19 at 7:08 AM
penge ulam mylabs
gutom ako sa pagmamahal mo
yieeee kilig ang puwit
hatdog ulam namin ngayon
nakupu mylabs kulang pa ba?
kulang pa ang ibinuhos kong pag-ibig?
ano pa bang gusto mo?
charot
HAHAHHAHAHAHA
patikim ng hakdog mo mylabs
para mabusog na ako
oh eto
say aaaahhh
ahhhh
aaaaahhhtdog!
yan matalap mylabs?
talap talap talaga mylabs!
HAHAHAHAHAHA
parang tanga
Napapangiti na lang ako habang nagba-backread sa convo namin ni Mark. Ang mylabs ko talaga!
Ops, hindi 'yan realquick, ha. Hindi kami. Hindi pa kami. Charot! With harot! With mango on top!
Bakasyon na ngayon. Graduate na kami ng Grade 10. Nag-iyakan pa kaming buong klase noong moving up, at ngayon nga ay chill na chill na kami sa kanya-kanya naming bahay.
Kami ni Mark? Well, hindi na kami nag-drama. Ayaw kasi nung tukmol na 'yon sa mga iyakan. We parted ways with a smile, dahil alam naman naming hindi mapuputol ang connection namin. Road to magjowa na kasi kami! Charot ulit!
Ngayon nga, halos araw-araw na kaming magka-chat. Ito na talaga! Nafi-feel ko na! Malapit na!
'Yung endearment na 'mylabs', nagsimula lang 'yon noong tanungin ko siya tapos dinagdagan ko lang ng gano'n bilang panti-trip. To my surprise, sinakyan niya 'yon at hanggang ngayon nga, 'mylabs' na ang tawagan namin.
Kaso nga lang, ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Ilang araw na nga ba? One week na siguro. Baka naman busy lang siya, since wala rin akong nakikitang activity ng social media account niya. Pero nag-oonline siya, ha. Nagtanong-tanong ako sa mga classmate namin na ka-close niya, at nalaman kong may nagaganap palang online selling kung saan kasali siya.
Akala ko, hindi magtatagal ay magpaparamdam na ulit 'yung mokong na 'yon. Pero hindi eh. Lumipas ang mga araw, at naging linggo na naman. Nang matiyempuhan ko siyang online, hindi ko na napigilan ang kamustahin siya kasi baka kung ano na ang nangyari.
Mark Patrick Ezperanza
• Active Now
hoy patricio mylabs bakit di mo ko chinachat man lang ha?
kamusta na? btw, balita ko may pinagkakakitaan ka ah. sabihan
mo lang ako ha, susubukan kong tumulong hanggat kaya ko. 💙 God bless sa pag-oonline selling niyo ha? At lagi kang mag-iingat pag nalabas kayo, delikado kase masyado. Yun lang ily and imissyouuuu patriciooo more pang-aasar to come 😂 💕
Kumabog ang dibdib ko nang agad niya 'yong i-seen at ngayon nga ay typing na. Finally!
Mark Patrick Ezperanza
• Active Now
3:48 PM
kamusta na? btw, balita ko may pinagkakakitaan ka ah. sabihan
mo lang ako ha, susubukan kong tumulong hanggat kaya ko. 💙 God bless sa pag-oonline selling niyo ha? At lagi kang mag-iingat pag nalabas kayo, delikado kase masyado. Yun lang ily and imissyouuuu patriciooo more pang-aasar to come 😂 💕
Yieeee ily daw, ikaw ha? May lihim kang pagtingin sakin ha. sorry naman kung di kita chinachat, basta di pwede eh, may kinatatakutan lang ako na ayaw ko na mangyari ulit. sorry pero yun salamaaaat imissyou ren 😁
Seen
Hindi ko alam kung paano magre-react sa reply niyang 'yon. Matutuwa ba dahil nag-reply siya? Mahihiya dahil nahuli niya ang pasimple kong 'ily'? Malulungkot dahil hindi raw pwedeng mag-chat kami? O mag-iisip kung ano 'yung kinatatakutan niya raw?
Huminga ako nang malalim bago nag-reply.
sige. babalik ka mylabs
ha? kung ano man yang kinatatakutan mo, sana
malabanan mo yan. ily.
syempre mylabs. HAHAHAHAHAHAHA
Kampante kong ibinaba ang cellphone ko. Mabuti naman at ayos lang si Mark. Akala ko nagkalimutan na kami eh.
Ang hindi ko alam, iyon na pala ang huli.
•••
"Nadinay, uwi na ako, ha. Anniversary kasi ng parents ko ngayon. Bibilhan ko pa sila ng pasalubong," wika ko at tumayo. Inayos ko ang handbag ko na nakapatong sa table.
"Okay. Thank you at nagkita ulit tayo, ha. Na-miss talaga kita!" turan naman ni Geraldine at humigop pa sa milktea niya bago tumayo.
"Ano ka ba, basta ikaw. Na-miss din kaya kita. It has been so many years mula noong gumraduate tayo 'no," pabalik kong saad. Nagharap naman kami habang nakangiti. We engaged into a tight hug at naghawak kamay.
"See you again! Tawagan mo'ko, ha."
"Sure. Bye!" Kumaway ako sa kanya baho lumabas ng tea shop na tinambayan namin. Napabuntong hininga ako.
Tumutunog sa side walk ang four inched heels ng sapatos ko. Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko at hinigpitan ang suot kong blazer. Naka-blouse ako ngayon at naka-pencil skirt, kakagaling ko lang kasi sa trabaho at nakipagkita kay Geraldine na classmate ko dati.
You're wondering why the scene's like this? Well, ten years have passed. Sampung taon na mula noong magtapos ako ng Grade 10, at isa na akong certified public accountant ngayon.
Sampung taon na rin mula noong matapos ang koneksyon namin ni Mark.
Ang chat niya na nagsasabing babalik siya ang naging huling mensahe niya sa akin. Hinayaan ko muna siya noon dahil nga busy siya, at nagulat na lang ako nang makitang naka-block ako sa kanya. Akala ko lang pala na naka-block. Nag-deactivate ng account si Mark.
Siyempre, nagtaka ako. Nagtanong ulit ako sa iba. At nalaman ko nga, na lumipat sila ng bahay sa malayong lugar. Kung saan? Hindi ko na nalaman.
Naghintay ako na bumalik siya sa social media. Ilang taon din 'yon. Ilang taon na palagi kong sine-search ang pangalan niya dahil baka nga may account na siya ulit pero wala. Hindi na talaga siya nagparamdam.
Na-realize ko na hindi naman pala totoo ang sinabi niya tungkol sa factor theorem at sa pag-ibig. Sabi niya, kung perpekto kayo para sa isa't isa, magiging kayo. Eh bakit hindi nangyari? Sa tingin ko, perfect na siya para sa akin. Bakit hindi naging kami?
Naisip ko rin, baka naman iniisip ko lang na perfect siya para sa'kin, pero paano kung hindi naman ako perfect para sa kanya? Paano kung one-sided lang pala ang pagiging mylabs namin?
At 'yun na nga. As time flew by, unti-unti ko nang natanggap na wala na ang mylabs slash boy bestfriend ko. Hindi naman sa patay na siya, ha. Pero... parang ganu'n na rin, eh. Nawala siya na parang bula.
Siguro nga, hindi talaga kami factors ng iisang polynomial. Take note ha, natandaan ko na nang maayos ang factor at reverse factor theorem dahil sa kanya. And that's the painful part. Hindi na kami nakagawa pa ng ibang memories, dahil bigla siyang nawala.
Hay nako, tama na nga ang drama. Past is past. Matagal ko nang kinalimutan si Mark. Charot! With kirot!
Napalunok naman ako ng laway habang naglalakad. Ano ba naman 'tong nadaanan kong kanto, walang tao. Ang dilim pa naman dahil gabi na. Tapos, ang labo na rin ng street lights. Medyo natatakot na ako, baka kasi may mga multo rito.
Ay, hindi na pala ako dapat matakot. Na-ghost na nga pala ako. Charot!
Pero seriously, may bumabagabag din talaga sa'kin these days. Para kasing may laging nakamanman sa'kin. Hindi multo, ha. Stalker.
Hindi ko alam kung tama bang tawaging stalker kung sino man ang taong 'yon. Ilang weeks na kasing may nagpapadala sa akin ng chocolates. Hindi naman everyday, pero at least three times a week. Tapos, may times din na may naghahanap daw sa'kin sa bahay sabi nina Ama. Hindi raw nila nakilala kasi umalis agad pero nakasuot daw ng cap.
At ngayon nga na ginabi ako at mag-isa pa sa ganitong lugar, siyempre hindi ko maiaalis ang pag-aalala. Paano kung biglang magpakita ang tagabigay ng chocolate? Hindi ko naman alam kung mabuti ba siyang tao o hindi. Kasi kung mabuti, bakit ayaw niyang magpakita, 'di ba?
About sa chocolates, hindi ko sila kinakain. Ang sasarap pa naman kasi mga mamahalin. Pero paano kung may lason? Kaya ang ginawa ko, itinatabi ko na lang. Sayang din kasi kung sakali.
Nabuhayan ako ng loob nang makita na ang liwanag na nanggagaling sa main road. Sa wakas! Makakauwi na rin ako.
Binilisan ko na ang lakad para makarating agad. Sigurado naman akong may masasakyan ako pauwi kapag nasa main road ako.
•••
"Miss Jewel Supeña? May package po para sa inyo." Napalingon ako mula sa pagta-type nang sumilip sa pinto ng office ang isang security guard. Napabuntong hininga ako bago tumayo.
"Thank you, kuya."
May nagpadala na naman ng chocolate. Pang-ilan na kaya 'to? Makakabuo na ata ako ng collection sa bahay, eh.
"Huy Jewel, ibang klase ka talaga, ha. Ang dami nang padala nung secret admirer mo, ipakilala mo naman sa'kin!" turan ng katrabaho kong si Jannah. Naupo ako sa swivel chair kong katabi lang ng kanya at inilapag ang chocolate sa desk ko.
"Jusko, ako nga hindi ko pa kilala, maipakilala ko pa kaya sa'yo?" natatawa kong sagot. Sumang-ayon naman siya at inatupag na ang trabaho niya.
Pagharap ko ulit sa computer, nahuli ng mga mata ko ang isang bagay na hindi ko napansin kanina. Iyon ay ang isang pulang sticky note na nakadikit sa kahon ng chocolate.
Gusto mo na ba akong makita ulit? Itago mo ang mga balat ng chocolate ha. See you soon.
0827
-?
•••
Madilim. Tulog na ang mga tao. Ugong lang ng electric fan ang nangingibabaw dito sa kuwarto ko.
Hindi ko alam kung anong oras na, pero sigurado akong sa normal na pagkakataon, tulog na dapat ako ngayon.
Hindi ko maalis sa isip ko ang nakasulat sa sticky note na nakuha ko kanina. Ibig sabihin ba noon ay magpapakilala na siya?
Sandali.
Gusto mo na ba akong makita ulit?
Sigurado akong 'yan ang nakasulat.
Makita ulit?
Ibig sabihin ba nito... kilala ko na ang nagbibigay ng chocolates? Isang taong matagal ko nang hindi nakikita?
Don't tell me...
Hindi. Hindi dapat ako umasa. Mahirap na. Baka ma-disappoint lang ako.
Ugh! Gusto ko nang matulog! Napakamot na lang ako sa ulo ko at nag-iinat sa kama.
Tutulog na ako.
0-8-2-7
Napamulat ulit ako nang rumehistro sa isip ko ang mga number na kasama rin sa sulat. Agad kong naisip na date 'yon.
Kung gano'n... August 27? Magpapakita siya sa August 27?
Nanlaki lalo ang mata ko nang ma-realize ang isang bagay.
August 27 na bukas.
•••
"Anong oras na ba..."
Panay lunok ako ng laway habang naglalakad palabas ng office namin. Hindi na ako nag-overtime ngayon dahil... basta.
Saan ba ako dadaan? Sa normal kong route? Saan kaya siya magpapakita?
"Aish! Kalma, Jewel. Kumalma ka," turan ko sa sarili ko. Paano ba naman kasi, kahit anong pigil ko na ma-excite dahil baka siya ang secret admirer ko, walang effect. Kinakabahan at excited ako at the same time. Bahala na kung ma-disappoint o hindi.
Mabilis akong nakarating sa pinakamalapit na loading station kung saan ako madalas mag-abang ng sasakyan.
Tatlo na ang mga taong nag-aabang din dito. Isang lalaking naka-gray na hoodie at naka-cap, katabi niya ang isang babaeng nakapulang dress at mahaba ang buhok, at nakaupo sa isang bench ang isang lalaking naka-face mask at nakaitim na polo shirt na may kulay puti sa-
My whole body froze. S-Siya... Siya na ito?
Bigla namang tumigil sa tapat ng kinalalagyan namin ang isang bus. Tumayo ang lalaking nakaitim na polo at naglakad papunta sa bus. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa umandar palayo ang sasakyan. It's not him?
"Magkatulad kami ng damit, 'no?"
Agad akong napalingon sa nagsalita. Halata ang ipinagbago ng boses niya, pero kilala ko pa rin ang boses na iyon. Ang boses na matagal ko nang gustong marinig ulit.
Humarap sa akin ang lalaking naka-hoodie at inalis ang cap niya. My chinky eyes widened.
It's him.
It's Mark.
His features became more defined, but I can still see the face of the person I fell in love with when we were young.
"Itinago mo ba 'yung mga balat ng chocolate? Magtatampo ako kung hindi." Naglakad siya palapit sa akin. Muli, ay nakita ko ang signature smirk niya.
Hindi ako makapagsalita. My heart is beating too fast, pakiramdam ko, parang mahihimatay ako.
Seeing Mark in person like this... Hindi ko alam na mangyayari pa pala 'to. Akala ko talaga dati wala na siya.
Mark flashed a sweet smile before speaking.
"It took me a couple of years to figure this thing out. Noon, natatakot ako na mag-shortcut at magmadali, dahil baka hindi naman tayo factor ng iisang kapalaran. Pero sa paglipas ng taon, my feelings haven't changed at all. Walang nagkulang. Wala ring lumabis. You're still the one I want to live my life with, Jewel."
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa tuwa.
So, hindi pala factor theorem ang nangyari sa amin. It's the reverse.
If the two of us are factors of the same polynomial, whatever we encounter, even if time divides us, the remainder will still be zero. We will still be perfect for each other. We will still be together and walk on the rosy path of our destiny.
xoxox
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top