Ikatlong Bahagi
Sumapit na ang gabi na hindi pa rin bumabalik si Nathalia kaya't nagtataka na ang dalawa.
"Saan kaya nagpunta si Nathalia?"
"Hindi ko rin alam. Hanapin na lang kaya natin s'ya."
"Hindi p'wede, dito na lang muna tayo. Saka nararapat na tayong umalis sa lugar na ito dahil masyadong weirdo ang ikinikilos n'ya," sabi ni Riri.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Merry.
"Hindi mo ba napapansin? Mukhang may alam s'ya sa sikreto natin kaya s'ya rin ang ginugulo ng kaluluwa ni Jessa. Natatakot akong makulong, Merry," nangangambang usual ni Riri. Napatulala naman si Merry sa sinabi ng kaibigan n'ya.
"Kung gano'n, mag-impake na tayo habang wala pa s'ya. Bilisan na natin!"
Nataranta ang dalawa at naging mabilis ang pagkilos nila. Inihanda nila ang lahat ng gamit nila at handa nang umalis.
Pumatak ang alas dose ng madaling araw ngunit wala pa ring anino ni Nathalia kung kaya't sigurado ang dalawa na mabilis silang makakaalis ng lugar na iyon.
Lumabas na sila ng kwarto bitbit ang lahat ng gamit nila at naglakad na papuntang hallway.
"Sandali." Napatigil sila pareho sa pagsasalita ni Riri.
"Bakit?" kunot-noong tanong ni Merry.
"Kailangan kong bumalik. I need to pee."
"Riri naman oh. Kung kailan nagmamadali tayo. Sige na, bilisan mo na. Hihintayin kita rito."
Mabilis ang pagkilos ni Riri at tumakbo agad ito ng banyo. Naging maayos ang pagdumi nito at akmang lalabas na ng pintuan nang bigla itong makarinig ng isang napakapamilyar na halakhak.
"Hahaha! Anong akala n'yo, matatakasan n'yo ako?!" galit na sigaw nito.
"Jessa, parang awa mo na! Tigilan mo na kami! Pinagsisisihan na namin ni Merry ang bagay na 'yon at hindi namin sinasadya na mapatay ka."
"Kahit na! Hindi n'yo muna inalam kung sinong bibiktimahin n'yo! Ang kasalanan ay kasalanan at dapat n'yo 'yong pagbayaran! Hindi kayo makakaalis sa lugar na ito!"
"Jessa, parang awa mo na please." Mangiyak-ngiyak na si Riri sa pakikiusap sa babaeng nasa harapan n'ya.
Sinubukan nitong buksan ang pinto ngunit ayaw nitong magbukas. Maya-maya pa'y biglang lumitaw ang kaluluwa ni Jessa at agad s'ya nitong sinakal.
"Sa ganitong lugar n'ya ako pinatay kaya dito rin kayo mamamatay! Hahaha!"
"J-Jessa, t-tama na p-please! P-patawarin mo na kami!"
"Tumahimik ka!"
Hirap man si Riri ay pinipilit n'yang buksan ang pinto. Hindi naman s'ya nabigo at tuluyan iyong nagbukas. Ginamit n'ya ang buong lakas n'ya upang makatakas sa mga kamay ni Jessa at agad na kumaripas ng takbo. Ngunit bago pa man s'ya tuluyang makatakas ay sumalubong na sa kan'ya ang matalim na kutsilyo dahilan upang mapatigil s'ya. Kasabay nito ay ang paglaho ni Jessa.
"Saan ka pupunta?" Nilingon n'ya ang pinanggagalingan ng boses na iyon at nakita n'ya si Nathalia.
"N-Nathalia? B-bakit may hawak ka n'yan?" nauutal na tanong n'ya. Hindi s'ya makagalaw dahil nakatutok sa leeg n'ya ang kutsilyo.
"Ano sa tingin mo? Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring idea?" pilyang tanong sa kan'ya ng babae kasabay nito ang pagngisi n'ya.
"'Wag mong sabihing..." Bago pa man matapos ang sasabihin n'ya ay sumabat na si Nathalia.
"Magaling!"
"At naririto ako ngayon upang tapusin ang misyon n'ya."
"Nathalia, kumalma ka. Mapag-uusapan natin ang bagay na ito." Sinubukan nitong pigilan ang dalawa ngunit hindi man lang ito nakinig.
"Mamatay ka na!" Tinaas nito ang hawak n'yang kutsilyo at iwinasiwas kay Riri. Naging mabilis naman ang pagkilos ni Riri kaya't nahawakan n'ya ang braso nito.
"Tama na, Nathalia!" Natatakot man ay kailangan n'yang tibayan ang kan'yang kalooban.
Ngunit sadyang mas malakas si Nathalia kumpara sa kan'ya kaya nadaplisan s'ya nito sa braso na ikinadaing n'ya.
Nabitawan n'ya si Nathalia at napasapo sa dumudugo n'yang braso.
Malapad namang nakangisi si Nathalia habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa mga kamay n'ya.
"Katapusan mo na!" Tumakbo ito nang mabilis papunta sa direksyon n'ya at walang pagdadalawang isip na itinarak ang kutsilyo sa leeg ni Riri.
Napaawang ang labi ni Riri sa pagkabigla kasabay noon ang pagsirit ng masaganang dugo na nagmumula sa kan'yang sugat. Marahan n'ya pa ito ng kinapa kasabay noon ang pagbagsak n'ya sa sahig habang nangingisay.
"N-Nathalia, p-patawad..." huling wika nito bago tuluyang malagutan ng hininga.
"Ririiii!!!" Nag-hysterical na sigaw ni Merry nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nitong dugo.
"Mamamatay tao ka, Nathalia!" galit na bulyaw n'ya sa babae.
Ngumisi lamang ito sa kan'ya bago binunot ang kutsilyo sa leeg ni Riri. Nakamulat ang mga mata ng babae at bahagyang nakaawang ang mga labi bago marahang lumalapit si Nathalia kay Merry.
"Gaya ng ginawa n'yong pagpaslang sa kapatid kong si Jessa..." Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Merry sa kan'yang narinig mula sa taong kaharap n'ya.
"Huwag ka nang magmalinis dito dahil pare-pareho tayong mamamatay-tao. Kaya ngayon, isusunod na kita. Magsama kayo ni Riri sa impyerno! Hahaha!"
Bago pa man ito makalapit sa kan'ya ay mabilis s'yang tumakbo palayo sa babae.
"Takbo, Merry! Hahanapin kita kahit saan ka pa magtago! Hahaha!"
"Baliw ka na!" Nag-uumapaw man ang kaba sa dibdib ni Merry ay pinili n'yang magpakatatag para sa kan'yang sarili.
Mabilis s'yang bumaba sa hagdan ngunit nagkamali s'ya nang hakbang nang nasa kalagitnaan na s'ya nito. Nagpagulong-gulong si Merry hanggang sa naramdaman n'ya ang matigas na bagay sa kan'yang likuran.
Agad s'yang napasigaw dahil pakiramdam n'ya ay nabalian s'ya ng buto.
"Hahaha!" Nakita n'ya si Nathalia na marahang bumaba ng hagdan.
Unti-unting napaiyak si Merry dahil sa iniinda n'yang sakit at dahil na rin sa pag-iisip na matutulad lang din s'ya sa kaibigan n'yang si Riri.
"Ano, iiyak ka na lang ba? Wala ka bang balak na iligtas ang sarili mo?" nanunuyang tanong ni Nathalia.
"Nathalia, tama na please. Oo, malaki ang naging kasalanan namin kay Jessa pero aksidente ang lahat ng 'yon."
"Kahit na!" nanggagalaiting sigaw nito na ikinapitlag n'ya.
"Naaalala mo pa ba kung paano n'yo binawian ng buhay ang kapatid ko?" Namuo ang mga luha sa kan'yang mga mata hanggang sa unti-unti iyong pumatak nang maalala n'ya ang sinapit ng kapatid.
"Namatay s'ya sa loob ng banyo. May sakit s'yang asthma mula pa no'ng limang taon s'ya. Ayang n'yang nakukulong s'ya dahil nahihirapan s'yang huminga. Noong mga panahong ikinulonh n'yo s'ya sa banyo sa pag-aakalang s'ya si Hazel, wala man lang s'yang dalang kahit ano para mailigtas ang sarili n'ya." Unti-unti s'yang napaupo sa sahig dahil sa bigat na nararamdaman n'ya.
"Nagmamakaawa s'yang palabasin n'yo s'ya dahil hindi na s'ya makahinga sa loob pero anong ginawa n'yo?! Nagtatawanan kayo sa labas hanggang sa hindi na nakayanan ng kapatid ko."
"Hindi rin naman napatunayan na may Sala kayo dahil binayaran n'yo ang hustiya at ipinalabas na aksidente ang lahat. Wala kayong puso't konsensya! Mas masahol pa kayo sa hayop!"
"Akala namin tuluyan na kaming nawalan ng pag-asa pero laking pasasalamat namin na handanh tumestigo si Zaidyll dahil nakita n'ya lahat-lahat ng kalokohan n'yo. Malakas ang pakiramdam namin na mabibigyan na ng hustiya ang pagkamatay ni Jessa pero ayaw talagang pumabor sa amin ng tadhana. Namatay rin si Zaidyll. Nahulog s'ya mula sa ikaanim na palapag ng school. Akala n'ya ay tinatakot s'ya ni Jessa pero gusto lang naman ng kapatid ko ng hustisya."
"Dahil sa mga nangyaring 'yon, namatay na ang pag-asa namin na maipaghihiganti pa ang kapatid ko. Araw-araw miserable ang buhay ko dahil araw-araw ring isinisisi nila sa akin anh pagkawala ni Jessa. Alam mo kung ano ang pinakamasakit na narinig ko mula sa mga magulang ko? 'Yong hiniling nila na sana ako na lang 'yong may sakit. Na sana ako na lang 'yong namatay..." Nagtaas-baba ang mga balikat ni Nathalia dahil sa labis na kapighatiang kan'yang nadarama. Naninikip ang dibdib n'ya at parang gusto n'ya na lang ding sumunod kay Jessa.
"I'm sorry..." bulong na sambit ni Merry nang marinig ang hinanakit ng babae.
"Hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa n'yo!" Muli ay naging mala-demonyo ang ngisi nito.
Tumayo ito at dahan-dahang lumapit kay Merry.
"Maawa ka..." Umiiling na wika ni Merry.
"Oh nandito ka na pala." Kapwa napalingon sila sa pinanggagalingan ng boses na iyon.
"Mark, tulungan mo ako. Papatayin ako ni Nathalia." Gumapang ito patungo sa paanan ni Mark ngunit nakatingin lang ito sa kan'ya.
"Mark, ano ba?! Tumakas na tayo! Papatayin tayo ng baliw na 'yan!" Tiningala n'ya ang lalaki ngunit hindi man lang ito nagpatinag.
"Ibinibigay ko na ang pagkakataon sa'yo, Nathalia." Pumorma ang ngisi sa labi ni Mark.
"Magkasabwat kayo? Plinano n'yo ang lahat ng ito? tanong n'ya sa dalawa.
"Hindi lang namin plinano. Magpinsan kami ni Mark at s'ya ang nagdala sa'kin dito. What a twist, right?" Napamura na lamang sa isipan si Merry dahil sa wala na s'yang kawala ngayon.
"Paalam na, Merry. Makakamit na rin ni Jessa ang hustiya na nararapat para sa kan'ya! Hahaha!"
"Huwaaagg!" Iyon na lamang ang naisigaw ni Merry nang saksakin s'ya nito sa leeg. Gaya nang nangyari kay Riri ay sumirit din ang mapulang likido mula sa leeg nito hanggang sa tuluyan na itong bumagsak.
Naririnig n'ya pa ang mala-demonyong halakhakam nina Mark at Nathalia ngunit labis na nakapukaw ng atensyon n'ya ay ang presensya ni Jessa na nakangisi sa kan'ya.
Ilang minuto n'ya pang tiningnan ang tatlong tao na nasa harapan n'ya. Bumibigat na ang talukap ng kan'yang mga mata. Ilang pikit pa ang kan'yang ginawa, tuluyan nang nagdilim ang kan'yang paligid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top