VAREAR
Kinabukasan, usap-usapan sa NAVI ang pag-alis ni Reva Aaron papuntang Kapitolyo para kausapin ang mga Alfuerza. Sabi nila, kukumbinsihin muli ni Reva Aaron ang Punong Alfuerza ang naka ambang panganib sa pag lusob ng mga Rokus at Aquila.
Noon pa ay na-inform na nila ang Punong Alfuerza sa nasabing panganib pero tila walang imik ang pinuno at naniniwalang mahihina ang mga Rokus at Aquila laban sa mga ElecroGuns.
Narinig ko sa pag-uusap nina Yohan at Mina na ilang buwan na ring pinag-aaralan ng mga Alfuerza kung papaano palakasin ang mga Solar Charges ng aming mga ElecroGuns gamit ang ReCharged Solar Panels. Parang magasin ng armalight ang hugis nito. Ngunit, di daw nila lubos maisip na totoo pala ang sinasabi ni Reva Taia.
Ang pinagtataka ko lang, bakit di nila maipaliwanag ng maigi kung ano ang basehan ng mga Reva sa kanilang konklusyon sa nasabing paparating na panganib?
Habang abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho, kaming apat naman ay abala sa aming pag-eensayo. Sa aming apat, silang tatlo lang ang lumalamang sa puntos sa bawat ensayo. Habang ako, kulelat.
REVA TAIA: Kailangan mong humabol, Sapphire!!
Wala akong naisagot. Kinakapos pa rin ako ng hininga matapos suungin ang half obstacle course, na mostly ay para sa cardiac endurance.
Sa pangalawang round, sabay kaming apat na susuong sa half obstacle course sa loob lamang ng dalawang minuto.
Nakahanay kaming apat sa Starting Line. Silang tatlo, determinado talaga sa pag-eensayo.
Tumunog ang alarm at sinimulan na ang pangalawang round.
Una naming tinahak ang mga malalaking gulong na dapit naming tawirin. Nangunguna si Yohan, sinundan ni Hanu, at ni Mina.
Sunod naming tinahak ang pagtawid sa tila maputik na daan na abot hanggang baywang. Unang naka-ahon si Hanu, sinundan ni Yohan, at ni Mina. As usual, ako nanaman ang pinaka huli.
Suot ang makakapal na protective gears, sunod naming tinahak ang isa na namang daan at inilagan lahat ng electric bolts na galing sa mga dingding. Unang naka-labas si Hanu, sinundan ni Mina at Yohan. Ngunit ako, tila nahihirapan na sa dami ng tama.
Panghuli ang rock climbing. Ito ang pinaka-ayaw ko. Tila nagkaroon na ako ng phobia dahil sa nangyari sa akin sa Watchtower 4. Pero kailangan ko paring akyatin. Dahan-dahan ay inakyat ko ang wall. Di ko na tiningnan kung sino ang nauna dahil naka-concentrate na ako sa aking pag-akyat, dala ng takot na baka mahulog. Ilang apak pa ay medyo mataas-taas na ang aking naakyat pero malayo parin sa tuktok.
Huminga ako ng malalim, pilit na tinatatag ang aking sarili. Patuloy ako sa aking pag-akyat nang mahulog ang batong aking tinapakan. Napasigaw ako! Biglang nagbalik sa akin ang gabi na tila malapit na akong ihulog ng Rokus sa Watchtower 4. Napapikit ako!
Nang biglang naramdaman ko na may braso na humawak sa aking baywang. Dahil doon ay nahawakan ko ang isang bato ay di tuluyang nahulog. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa aking baywang. Lumingon ako kung sino ang nagligtas, at ako’y nagulat sa aking nakita. Si Yohan. Buong akala ko ay si Hanu, na palaging nandiyan para sa akin.
Tinitigan ako ni Yohan sa aking mga mata. Tinitigan ko rin ang kanyang mga mata. Ilang Segundo kaming walang imik.
HANU: SAPPHIRE! AYOS KA LANG BA?
Tumingin ako sa itaas. Tila naka-abot na sa tuktok sina Hanu at Mina, na nakatingin sa amin.
SAPPHIRE: Oo!
Sagot ko, saka ko tiningnan muli si Yohan na nakatitig parin sa akin.
SAPPHIRE: Salamat. Sige na. Mauna ka na.
Tumititig pa rin si Yohan saka sinabing,
YOHAN: Hindi. Mauna ka. Dito lang ako sa likod mo, sakaling mahulog ka.
Tinuloy namin ang pag akyat hanggang sa maka-abot kami sa tuktok, at sinalubong ako ni Hanu. SI Mina din ay nakatayo lang, ng biglang tumunog ang busina. Tapos na ang dalawang minuto. Wala sa aming apat ang nakatapos sa half obstacle course run.
REVA TAIA: Ano to?! Wala man lang ang nakatapos mi isa sa inyo? Individual Run, pasok ang tatlo; pag sabay-sabay, wala na? Ano to? LOKOHAN??!!
Walang imik ang lahat. Habang naka-akbay si Hanu sa akin, napansin kong muli ang mga titig ni Yohan. Pero ngayon, pati na rin kay Mina, na tila galit.
Natapos ang aming pag eensayo matapos ang ilang oras. Sunod ng sunod sa akin sa Hanu, at si Yohan naman, sinusundan ako ng kanyang mga titig.
Bumalik kami sa Barracks para mag ayos para sa hapunan. Pagkatapos ay pinili kong mag-isa at lumabas muna at magpahangin. At para na rin makalayo kay Hanu.
Tiningnan ko ang mga Reva na naka-destino sa mga Watchtowers. Dala-dala ang mga elecroguns, lahat sila ay nakatingin sa labas ng gate. Nagmamasid. Di ko lubos maisip ang kahihinatnan ng ilang mga Reva na nawawala sa labas ng Alcamo.
Ano kaya ang meron sa dako pa roon?
May pag-asa pa kayang mabuhay ang mundong tila naagnas na?
Biglang may narinig akong nag-aaway sa likod ng aming barracks. Dahan-dahan kong tiningnan kung sino. Si Yohan pala at si Mina.
Mina: Ano yung kanina?
Yohan: Ugh! Mina naman. You just dragged me out here for this? Tumigil ka nga.
Mina: HINDI! Akala ko aayusin natin to! I thought we’ll going to fix this!
Yohan: Mina. Tama na. Pagod ako.
Mina: Ako rin naman! Pero ano yung kanina?
Natahimik si Yohan. Lumingon.
Mina: Sumagot ka—
Yohan: Wala akong dapat sagutin!
Mina: Meron!
Hinawakan ni Mina si Yohan sa kamay.
Mina: Yohan, naman. Aayusin natin to diba?
Yohan: Tama na Mina.
Mina: Hindi, aayusin natin to. Aalis tayo sa Reva tulad ng unang plano natin, ibubulgar natin kay Punong Alfuerza ang mga illegal na ekspidisyon nila! Mamumuhay tayo ng mapayapa, ng tayo lang—
Yohan: TUMIGIL KA NA, MINA! ISA KA NANG REVA! Isinalang ka dito sa Maquinaria. Dito ka! Dito tayo! Lahat ng respeto’t loyalty mo, dapat dito na rin!
Mina: HINDI! I’m an Alfuerza by heart, and so are you!
Yohan: THIS IS POINTLESS!
Aalis na sana siya nang bigla siyang hinarang ni Mina.
Mina: What’s with the change of heart? Dahil ba sa babaeng iyon?
Yohan: Ano?
Mina: Tama ako, diba? Nagbago ang lahat matapos… matapos… Teka, kelan ba nagbago ang lahat? Di naman kayo nag-uusap ah! May kng anong majika ba ang ginawa ng babaeng yun para maiba ang pananaw mo?
Yohan: YOU ARE BEING RIDICULOUS, MINA!!
Mina: NO! YOU are being ridiculous! YOHAN! FOUR YEARS! Four Years tayong nagsama!
Yohan: Oo nga MINA! FOUR YEARS! AT FOUR YEARS DIN MO AKONG NILOLOKO!
Mina: Yohan, hindi!
Napapaiyak na si Mina.
Mina: Hindi kita niloko Yohan! Hindi! Hindi! Hindi! Hindi!
Sigaw niya habang niyayakap si Yohan pero balewala lang ito, pumasok muli sa back door ng barracks at iniwan si Mina.
Umalis na rin ako at bumalik sa daanan papuntang front door ng aming barracks. Biglang bumukas ang pinto, at lumabas si Yohan.
YOHAN: Sapphire.
SAPPHIRE: Hi!
YOHAN: Di ka pa ba pupunta sa Mess Hall? Oras na ng hapunan.
SAPPHIRE: Ah… Eh… May kukunin lang ako.
Papasok na sana ako ng mapansin ko na tila may sasabihin pa si Yohan.
Yohan: Hindi--- hindi mo ba…..
SAPPHIRE: Ha? Ano yun, Yohan?
Natahimik si Yohan.
Yohan: Ah wala. Sige. Hihntayin nalang kita sa Mess hall.
Sapphire: Sige.
Pagpasok ko sa loob ay nandoon din si Mina na masamang-masama ang pagkakatitig sa akin.
Ilang linggo na ang dumaan at pahirap na ng pahirap ang aming pag-eensayo. Mula sa half obstacle course, ay naging Full Obstacle Course na. May Shooting Range training na din, at Combat Training. As usual, kulelat pa rin ako sa lahat.
Nangunguna sa Shooting Range sina Hanu at Mina. Si Yohan naman, ay sa Combat. Ako? Wala. Kinu-kwestyon ko tuloy kung tama ba ang Maquinaria sa paglalagay nila sa akin dito.
Sa katagalan ng aming pag-eensayo ay naging madalas din ang pag-usap namin ni Yohan. Pagkatapos ng training, o kahit sa pagpunta sa Mess Hall ay naging madalas ko na siyang kausap.
Effort din naman si Hanu sa kanyang pagdidiskarte sa akin, pero pilit ko parin siyang iniiwasan. Tila nararamdaman din niya na umiiwas ako sa kanya. Pero kahit na ganon ay patuloy pa rin siya sa paglapit.
Si Mina naman, mas tumitindi ang mga titig sa akin. Na parang sasapakin niya ako kung kelan niya gusto.
Sa ikatlong phase ng aming pag-eensayo ay dadaan na kami sa Simulation Combat training. VAREAR ang tawag sa aming training arena na kung saan ay lilitaw ang aming makakalaban na mga Computer-generated Rokus o Aquila at ilang elemento na ayon sa aming mga personal na kinatatakutan.
Kinabukasan ay sinimulan na ang nasabing phase. Suot ang mga uniporme ng mga Reva, pipili kami sa ilan sa mga armas na naka-handa bago kami papasok sa arena. Ilan sa aming mga pagpipilian ang Elecroguns na gamit ng mga Reva Guardiya, ElecroHandGuns, isang dagger at latigo.
Unang sumalang si Hanu. Kinuha niya ang Elecrogun, at ang dagger. Ilang Segundo matapos siyang pumasok sa Varear, unang lumitaw ang ilang mga Aquila.
Isa-isang tinira ni Hanu ang mga nagliliparang Aquila.
Perfect hit! Walang Solar Charge ang nasayang.
Biglang lumitaw ang figure ng isang babae. Nakaluhod, tinatakpan ang mga tenga at sumisigaw. Biglang nag-iba ang emosyon ni Hanu. Kinabahan siyang bigla at tumakbo papalapit sa babae. Ilang sandal pa ay lumitaw ang mga Rokus at Aquila at sila’y napapaligiran.
Pinapakalma niya ang babae habang binabaril ang mga paparating na Rokus. Walang mi isa ang napatumba. Natatamaan niya lahat pero hindi sa ulo. Patuloy pa rin sa pagbabaril si Hanu. Ilang Solar Charges na ang nasasayang!
Isang Aquila ang umatake sa kanya. Nabitawan niya ang ElecroGun. Binunot niya ang dagger at isa-isang pinagsasaksak sa ulo ang mga papalapit na Rokus, ngunit di na niya naagapan ang isang Aquila na tumangay sa babae.
Saka ko napansin na ang babaeng tinangay ay…………………AKO!
HANU: SAPPHIRE!!!!!!!!!!!
Napasigaw si Hanu habang patuloy sa pag aatake sa mga Rokus pero huli na ang lahat. Nilapa na si Hanu ng mga Rokus.
Natapos ang kanyang simulation. Sigaw pa rin ng sigaw si Hanu, akala niya’y talagang nilalapa na siya.
Lumapit si Reva Taia kay Hanu na nakahiga pa rin at sumisigaw.
REVA TAIA: Ok na. Ok na. Hanu. Wala na. Wala na. Wala na….
Napa-upo sa kinahihigaan si Hanu, hinihingal.
HANU: SHIT! Parang totoo. Nararamdaman ko ang sakit.
Tumayo si Reva Taia.
REVA TAIA: Lahat ng makikita niyo sa Varear ay hango sa tunay na mga pangyayari sa labas ng Alcamo. Mararamdaman ninyo lahat na parang tunay ang nasa Simulation na ito.
Lumabas ng Varear si Hanu. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
Nag-aalala ako kay Hanu. Di ko akalain na iyon pala ang isa sa mga kinatatakutan niya. Ang mawala ako.
Sumunod na sumalang si Yohan. Kinuha niya ang ElecroGun at ang Elecro Hand Gun. Pumasok siya sa Varear habang ini-insert ang mga Solar Panels sa kanyang mga piniling sandata.
Lumitaw ang Kapitolyo sa loob ng Varear. Ilang Segundo siyang nakatayo, hinintay kung may mga paparating. Tila tahimik ang lahat.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa front door ng Kapitolyo, nang bigla itong bumukas at naglabasan ang mga Rokus.
Umatras ng bahagya si Yohan. Gamit ang Elecrogun, isa-isa niyang binaril ang ulo ng mga Rokus.
Perfect hit din!
Tumahimik na naman ulit.
Dahan-dahan ulit siyang naglakad papunta sa Kapitolyo, at saka pumasok.
Biglang nag-iba ang imahe ng Varear. Lumitaw ang interior ng Kapitolyo. Ang laki pala ng Kapitolyo! Kulay asul ang pintura, maaliwalas at kulay ginto ang grand staircase!
YOHAN: May tao ba dito?
Isang imahe ng babae ang biglang lmitaw sa grand staircase ng Kapitolyo. Suot ang puting gown na may diamante na mga disenyo, ngumiti ito kay Yohan. Saka ko rin napansin na ang babaeng lumitaw ay…….AKO!
AKO NA NAMAN? Bakit kasama ako sa imahinasyon ni Yohan?
Napangiti si Yohan, habang nakatitig sa babaeng kamukha ko. Umakyat siya sa hagdan ng biglang may lmitaw na Rokus sa likod ng babae at kinagat ang kanyang leeg.
Napasigaw si Yohan at tumakbo papalapit sa nilalapang babae. Pero huli na ang lahat. Binaril ni Yohan ang Rokus at pinatay.
YOHAN: HINDI! HINDI! SAPPHIRE!!!!!!!!!!!!
Napaluhod si Yohan at iniiyakan ang patay kong katawan na nakahiga sa grand staircase na naliligo na sa sariling dugo.
Ngunit, di pansin ni Yohan na biglang nangingisay ang bangkay ng babae na kamukha ko. Biglang naging berde ang kulay ng balat ng babae at tumayo na parang zombie. Naging Rokus ang kamukha ko! NAGING ROKUS AKO!
Napansin ni Yohan ang masangsang na amoy pero huli na ang lahat. Tumingin si Yohan sa babaeng nakatayo sa harap niya at saka siya nilapa ng buhay.
Bumukas ang ilaw at nawala na ang imahe ng Kapitolyo sa loob ng Varear. Natapos na ang simulation ni Yohan, pero nakahiga pa rin siya.
Lumapit si Reva Taia kay Yohan at biglang nagising.
REVA TAIA: Ayos ka lang, Yohan?
YOHAN: Oo……………….. Parang totoo nga……………
REVA TAIA: Bakit tila iisang babae lang ang lumilitaw sa Varear?
Lumabas si Yohan sa Varear. Di ko siya matingnan sa mata, kahit alam kong tinititigan niya ako.
Sumunod na pumasok si Mina sa Varear. Kinuha niya ang Elecrogun at dagger. Ilang sandal pa ay nag-iba na ang arena.
Imahe ulit ng Kapitolyo ang lumitaw. Katulad ng kay Yohan, tahimik din.
Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng Kapitolyo, at doon ay nakita niya ang isang lalake at babae na naghahalikan……….. na kamukha KO! Kamukha ko na naman! At ang lalake ay si…………..YOHAN!
Biglang lumitaw ang napakaraming Rokus sa loob ng Kapitolyo. Habang nilalabanan nina Virtual Sapphire at Virtual Yohan ang mga Rokus, nakatayo lamang si Mina. Tila mangiyak-iyak at galit!
Pinagbabaril ni Mina ang mga Rokus habang papalapit siya sa Grand Staircase kung nasan naroon ang mga Virtual Images naming ni Yohan.
Perfect Hit lahat!
Binabaril at napapatay niya lahat ng mga Rokus ng di man lang niya tinitingnan ang mga target!
Unti-unting naubos ang mga Rokus, habang patuloy pa rin sa pamamaril ang mga kamukha namin, hanggang sa naubos ang lahat ng mga Rokus.
VIRTUAL YOHAN: Ang dami nun!
VIRTUAL SAPPHIRE: Oo nga! Buti andito ka, Mina.
Nanginginig sa galit si Mina, at pinagbabaril ang Virtual Yohan at Virtual Sapphire sa ulo.
Bulagta ang aming mga compter-generated na imahe, habang umiiyak si Mina.
Bumukas uli ang mga ilaw sa Varear at nawala na ang imahe ng Kapitolyo. Napansin ni Mina na tapos na ang kanyang sesyon at agad siyang lumabas ng Varear.
REVA TAIA: ANO BANG NANGYAYARI SA INYONG APAT??? BAKIT SI SAPPHIRE ANG LUMALABAS SA VAREAR!
Walang sumagot mi isa sa amin.
REVA TAIA: SAPPHIRE! Pumasok ka na!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa Weapons Storage. Kinuha ko ang Elecro Hand Gun at ang dagger, saka ako pumasok sa Varear.
SANDALI!
Bakit Elecro Hand Gun ang kinuha ko????
Gusto kong lumabas uli pero huli na! Biglang nag-iba ang loob ng Varear! Nawala na ang Exit! Nagsimula na ang aking sesyon.
Tila nasa gitna ako ng desyerto napunta!
For a few seconds din ako nakatayo lang na walang ginagawa. Hawak ang Elecro Hand Gun, tintutok ko ang baril just to be prepared sa kung ano man ang lilitaw. Pero wala. Tahimik. Nasaan ba ako?
Bakit desyerto? Lumingon ako. Wala. Desyerto talaga.
Ilang sandali pa’y may naririnig akong nagsisigawan. Sinundan ko ang ingay. Saan ba galing ang mga ingay na yun? Sa muli kong paglingon, tumumbad ang mataas na gate ng Alcamo.
Nasa labas pala ako ng gate, at ang mga sigawan ay galing sa loob!
SAPPHIRE: BUKSAN NIYO ANG GATE!!!!
Walang tao sa mga Watchtower. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw!
SAPPHIRE: BUKSAN NIYO ANG GATE!!!!!
Nagsisigawan pa rin ang mga tao sa loob ng gate! Ano kaya ang nagyayari sa loob?
SAPPHIRE: MAMAAAAAA!!! ERWAAAAAN!! ANIZAAAAAAA!!! PLEASE! BUKSAN NIYO ANG GATE!
Mangiyak-iyak na sigaw ko.
Napansin ko ang lubid na nakatali sa Watchtower. Gamit ang lubid, inakyat ko ang nagtataasang gate ng Alcamo.
Pag ka-akyat ko, agad kong napansin ang NAVI na tulyang nawasak. Pansin ko din ang Ilang mga Rokus na palakad-lakad lang.
Isang Rokus ang biglang sumulpot na sinubukang kagatin ako sa leeg. Buti at nakailag ako at binaril ko sa ulo.
WRONG MOVE.
Napalingon sa akin ang mga Rokus, at sila ngayon ay papunta sa kinatatayuan ko. Agad akong bumaba at tumakbo papunta sa kotse na nakaparada malapit sa barracks namin. Pumasok ako sa loob at sinubukang paandarin ang kotse.
Umandar ito at pinatakbo ko ito, papalayo sa NAVI.
Kailangan kong puntahan sina Mama!
Biglang may humarang sa daan. Tatlong Rokus! Sasagasaan ko na sana ang mga ito nang mapansin ko kung sino sila.
Sina Mama, Erwan at Aniza!
SAPPHIRE: HINDEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!
Napaiyak nalang ako sa loob ng kotse habang tinitingnan sila na pilit binabasag ang salamin sa aking sinasakyang kotse. Hanggang sa nabasag nila ang salamin, ay agad nila akong nilapa.
Napasigaw ako sa sakit! Parang karne kung ako’y kainin nila. Inuna nila ang aking mga braso, na ningangatngat nila. Ako’y napapasigaw na lamang at napapaiyak sa sakit!
Pagbuka ng mga mata ko, napansin ko na si Reva Taia na pilit akong pinapakalma.
REVA TAIA: Ayos na, Sapphire. Tapos na.
SAPPHIRE: Bakit ganon? Bakit parang totoo?
Napansin ko na nandoon din sa loob ng arena sina Hanu at Yohan.
Inalalayan nila ako habang naglalakad palabas sa Varear.
Di ko na yata makakayanan pa ang mga susunod na pagsasanay sa Varear. Di ko alam kung makakayanan ko pa emotionally.
Paglabas ko, ay napansin ko ang masamang tingin sa akin ni Mina.
REVA TAIA: Nais kong ipaalam sa inyo na sa susunod na linggo na ang huling training. Agad-agad ay sasabak na kayo sa trabaho.
Huling linggo nalang? Isang tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Handa na ba ako para magsilbi bilang isang Reva?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top