PURA
Dilim. Nagising ako na walang nakikita. Tinakpan nila ang aking mga mata at ito’y mahigpit. Kahit konting ilaw ay wala akong maaninag.
Dugo. Masangsang na amoy na dugo ang tanging naamoy ko.
Makina. Tunog ng makina mula sa tumatakbong sasakyan ang aking naririnig.
Gusto kong makawala pero nakaposas ang aking mga kamay sa aking likuran.
Gusto kong malaman kung nandito ba si Yohan sa sasakyanan.
Gusto kong malaman kung gising na rin siya.
DANICA: Alam kong gising ka na.
Kinuha ni Danica ang aking piring. Napansin ko na nakabalik na ulit kami sa trak. Nakaupo sa sulok si Yohan na may pasa sa kaliwang pisngi, nakaposas, walang piring at tinititigan si Danica na tila galit na galit.
Suot ni Danica ang kulay asul na metallic shoulder pads, blue metallic neck brace at asul din na chest plate. Similar sa suot niya sa video message na aming nakita.
Isang matabang lalaking naka asul na kapa ang nagmamaneho.
SAPPHIRE: Sandali. Di ko maintindihan. Bakit mo kami binaril?
DANICA: SINO ANG NAGPADALA SA INYO DITO?
Sigaw niya. Di ko maintindihan kung bakit galit at pasigaw kung magtanong si Danica.
DANICA: Sumagot ka!
SAPPHIRE: Galing kami sa Alcamo---
DANICA: GAGA! Alam kong mga taga Alcamo kayo, dahil kayo ang may kasalanan ng lahat ng ‘to! Tinatanong kita kung sino ang nagpadala sa inyo dito?
SAPPHIRE: Di kita maintindihan---
DANICA: Bwiset!
Sinampal niya ako sa kaliwang pisngi!
DANICA: Di ko maintindihan---
SAPPHIRE: NAGMAMAANG-MAANGAN PA KAYONG DALAWA!
Sinampal niya ulit ako.
YOHAN: TAMA NA! NAGSASABI KAMI NG KATOTOHANAN!
SAPPHIRE: Mga SINUNGALING! KAYONG MGA TAGA ALCAMO ANG PASIMUNO SA PAGBASAK NG CIUDAD NAMIN!
SAPPHIRE: Maniwala ka. Di talaga namin alam kung anong ibig mong sabihin! Di namin alam kng anong nangyari dito, kaya namin inaalam!
Tinititigan kami ni Danica, straight sa aming mga mata.
DANICA: Di nyo talaga alam?
SAPPHIRE: Maniwala ka.
Tinitigan ulit kami ni Danica.
DANICA: I’m not taking any chances.
Tinutukan ulit ng Taser Gun ni Danica si Yohan at saka binaril.
Sumigaw ito at nangisay-ngisay.
Saka niya ako sunod na binaril.
Ramdam ko uli ang kuryente sa aking katawan saka nawalan ng malay.
Muli akong nagkamalay sa isang maliit na kwarto. Nakahiga sa kama, nakaposas ang aking kaliwang kamay sa haligi ng kama. Dahan-dahan aking bumangon. Tila nahihilo pa rin ako. Pansin ko ang pagkawala ng aking armor. Tanging ang black turtle neck short sleeve at pantalon lang ang aking suot. Wala na rin ang utility belt ko at ang bag na puno ng solar panels, essential stuff tulad ng tubig, pagkain, at mga gamot.
Pumasok si Danica sa loob ng kwarto. Bitbit ang isang tray ng pagkain. Inilagay niya ito sa isang mesa at nilapit ito sa akin.
SAPPHIRE: Bakit mo ito ginagawa sa amin? Nandito kami para tumulong.
DANICA: Hindi ‘yan ang sagot ng kasamahan mo.
SAPPHIRE: HUH? Pero yun ang totoo. Nandoon kami sa Kapitolyo para i-activate uli ang communication systems dito. Nagawa iyon ni Yohan at online na ulit ang komunikasyon sa Kapitolyo.
DANICA: Paano niya nalaman kung paano i-activate ang system? Tinuro ba sa inyo yun? Hindi diba! More on physical ang training niyo doon!
SAPPHIRE: Mga bagong recruit kami. Galing sa grupo ng mga bihasa sa teknolohiya si Yohan kaya niya alam ang mga ganoong bagay!
Nanahimik si Danica.
DANICA: Isa siyang Alfuerza?
SAPPHIRE: Oo, isa siyang Alfuer--- sandali. Bakit mo alam ang tungkol sa Alfuerza?
DANICA: Ikaw? Anong grupo mo dati?
SAPPHIRE: Bakit mo nga alam ang---
DANICA: Sagutin mo na lang ang tanong ko!
Di ko gustong sumagot. Pero kahit papaano ay kailangan kong malaman ang buong naganap dito.
SAPPHIRE: Araro.
Tinitigan ako ni Danica. Saka umalis ng kwarto.
Paano niya nalaman ang tawag sa grupo namin sa Alcamo? Ano ba talaga ang nangyayari?
Nasan na kaya si Yohan? Sinaktan kaya siya?
Biglang may bumukas sa pinto. Pumasok uli si Danica, at may kasamang medyo matandang babae.
Matangkad ito at morena. Tantya ko mga 45 ang edad nito. Tila suot niya ang armor ko… o kasing tulad ng armor ko.
ALE: Dati kang Araro, iha?
SAPPHIRE: Opo.
Pati siya? Alam niya ang mga grupo namin sa Alcamo?
ALE: Sinong mga magulang mo?
SAPPHIRE: Si Inay Requa po.
Tila nabigla ito at mangiyak-ngiyak.
ALE: Si Requa? Buhay siya?
SAPPHIRE: Kilala niyo po ang nanay ko?
ALE: Kapatid ko si Requa.
Napanganga ako sa sinabi niya.
ALE: Ako ang Tita Mara mo.
Di ako makapaniwala! Sanggol pa lang ako nung huli kong makita si Tita Mara! Pero bakit napunta siya dito sa Haram?
SAPPHIRE: TIta Mara??
TITA MARA: Sapphire?? Ikaw na ba yan?
Nagkayakapan kami ng mahigpit.
SAPPHIRE: Tita, bakit nandito ka? Akala namin ni Nanay, wala ka na. Bigla ka raw naglaho na parang bula.
TITA MARA: isang taon matapos ang nuclear war, nag volunteer ako na sumali bilang isang Reva. Gusto kong ipaghiganti ang pagkamatay ng mga pinsan mo. Pero isang araw, tingangay ako ng Aquila at dito ako napadpad sa Haram. Pinatuloy nila ako, at nagsimula ng panibagong buhay.
Nangingiyak na sabi ni Tita Mara.
TITA MARA: Narinig ko ang balita noong nakaraang taon. Nung inatake ang Alcamo. Nag-alala ako na baka isa kayo ni Requa ang nabiktima.
SAPPHIRE: Hindi, Tita. Ligtas kaming lahat. Pero Tita, bakit… bakit….
Saka niya napansin ang nakaposas kong kamay.
TITA MARA: HAAAYYYY Danica, tanggalin mo na ang posas niya!
TInanggal ni Danica ang posas.
SAPPHIRE: Ano ho ba talaga ang nangyari, Tita?
TITA MARA: Ayon kay Danica, isang grupo mula Alcamo ang dumating dito. Pinatuloy sila sa Kapitolyo para sa isang meeting ba yon?
DANICA: Opo.
TITA MARA: Isa kasi sa mga security si Danica. O kung sa atin pa ay mga Reva Guwardiya. Ayon sa kanyang nasaksihan, isa sa kanila ang naging Rokus at inatake ang ibang kasamahan nila sa loob ng board room. Mabilis ang pagkalat ng mga Rokus hanggang sa tuluyang nawasak ang ciudad na ito.
DANICA: Duda ko, isang planadong sabotahe ang ginawa ng mga taga-Alcamo! At iyon ang gusto niyong siguraduhin kaya kayo nandito!!!
Galit na sigaw ni Danica sa akin.
TITA MARA: Tama na Danica. Di tayo nakakasiguro na taga-Alcamo nga ang mga pumasok.
SAPPHIRE: Pero bakit di niyo po ipina-check doon sa mga computer doon sa Kapitolyo? O kumontak man lang.
DANICA: Huli na ang lahat. Malapit sa Command Center ang board room kaya nag-shutdown ang communication systems dito.
TITA MARA: Hindi rin ako magaling sa teknolohiya. Isa din akong Araro tulad mo, Sapphire.
DANICA: Kaya ko kayo piniringan dahil hindi na kami basta-basta nagtitwala sa kahit sino man.
SAPPHIRE: Naiintindihan ko.
TITA MARA: iilan nalang kaming natira dito sa Haram, iha. Tara, labas muna tayo at nang makalanghap ka naman ng sariwang hangin na walang amoy ng dugo.
Lumabas kami ng kwarto. Nagtayo ng maliit na campsite ang grupo nila malapit sa Ilog. Iilan lang talaga sila. Di humigit kumulang na bente ang bilang nilang lahat. Mga anim ang naka uniporme na guwardiya ng Haram at ang iba, suot ang armor namin. Baka nakuha nila ito sa ibang mga Reva na naging Rokus.
TITA MARA: Dito namin naisipan magtayo ng maliit na kampo malapit sa ilog. Hindi kasi nakakabot dito ang mga Rokus kung dadaan pa sila sa ilog. Tatlong direksyon lang ang minumonitor namin. May nagmomonitor din sa ilog kahit papaano. Tawag namin sa munting lugar na ito, PURA.
Langhap ko ang napasarap na simoy ng hangin dito. Bagay na wala sa Alcamo.
SAPPHIRE: Tita, nasaan na po ang kasama ko?
TITA MARA: Ah oo. Danica, samahan mo si Sapphire. Palalabasin na rin natin si Yohan.
Agad kaming pumunta sa isa pang bahay na may maliit na kwarto.
SAPPHIRE: Ano ba ito dati?
DANICA: Maliit na barangay lang. Isa rin sila sa mga survivors. Di ganoon karaming zombies ang dumadaan dito. Isa nga lang sa mga problema namin, armas.
SAPPHIRE: Bakit hindi kayo gumagamit ng Solar Paneled weapons?
DANICA: Iba kasi dito sa Haram. Bala at bomba pa rin ang mga weapons namin dito. Mas malakas ang tama kumpara sa mga solar emissions na galing sa mga armas niyo.
Binuksan ni Danica ang pinto, at doon ko nakita si Yohan na nakahiga sa kama, may pasa pa rin sa mukha.
SAPPHIRE: Yohan!
YOHAN: Sapphire!
SAPPHIRE: Bakit may pasa siya? Kailangan ba talagang saktan mo pa siya?
DANICA: Una ko siyang inenterrogate. Di ko naman alam na tiyahin mo pala si Mara.
YOHAN: Tiyahin? Anong ibig sabihin nito, Sapphire?
Pinaliwanag ko ang lahat-lahat kay Yohan at agad niya namang naintindihan. Lumabas kami ng kwarto at nilapitan si Tita Mara na nagbabantay sa may ilog.
SAPPHIRE: Tita, si Yohan po.
YOHAN: Magandang Hapon ho.
TITA MARA: MAgandang hapon din. Kayo ba’y magnobyo?
Napatingin sa akin si Yohan na parang may ningning sa kanyang mga mata.
SAPPHIRE: NAKU! Hindi po! Magkasama lang po kami sa… dito…. Sa trabaho… bilang Reva…
Ngiti lang ang sinagot ni Tita sabay tingin na Yohan na nakangiti rin.
TITA MARA: O sya. Sige.
SAPPHIRE: Tita, saan po kayo kumukuha ng makakain?
TITA MARA: Minsan ay si Danica ang umaalis papunta sa centro. Minsan kasama din niya si Damian. Yung matabang lalake na palagi niyang kasama. Sila din yung kumukuha ng armas kung may mahanap din sila.
SAPPHIRE: TIta kasi…….. may ibang kasamahan po kami. Sigurado po akong nandoon pa sila sa Kapitolyo.
TITA MARA: Iha, hindi kami basta-bastang tumatanggap ng taga-labas hanggang di tayo nakakasiguro kung taga-Alcamo ba mismo ang may pakana nito.
YOHAN: pero bakit niyo po kami pinapasok dito sa kampo niyo?
DANICA: At first, we wanted answers. Akala namin, mga tenured na kayo. Di namin akalain na mga baguhan lang din pala kayo.
YOHAN: Pero bakit nag-iwan ka pa ng video message doon?
DANICA: It was a call for other cities. Hindi para sa Alcamo. Pero it was of no use kasi hindi online ang systems doon.
YOHAN: pero ngayon, it’s back online. Pwede nating balikan doon.
DANICA: Mapanganib na. Sa di malaman na dahilan, ilan sa mga Rokus ang papuntang Kapitolyo. Nung pag-alis natin, tila isang army ang lumabas na Rokus. Buti nalang may kasama ako at nadala namin kayong dalawa.
TITA MARA: Pero hindi namin kayo pipigilan na umalis. Kung nais niyong balikan ang inyong mga kasamahan, ayos lang sa amin pero hindi kami papayag na papupuntahin niyo sila dito.
Natahimik kami ni Yohan.
TITA MARA: I trust you, iha.
Ngiti lang ang sinagot ko kay Tita Mara.
SAPPHIRE: Pag-uusapan po namin.
Sabay lingon ko kay Yohan na nakatitig kay Tita Mara. Hinila ko si Yohan papalayo para kausapin ng pribado.
SAPPHIRE: Yohan, anong gagawin natin?
YOHAN: Gusto kong bumalik doon sa Kapitolyo. Pero tama ang sinabi ni Danica. Sinalakay ng mga Rokus ang Kapitolyo. Gusto kong malaman kung bakit sila papunta lahat doon.
SAPPHIRE: Pero di natin maaring sabihin na may ilang natitira pa dito. Kung totoo man ang sinasabi ni Tita, nanganganib ang mga buhay nila kung irereport natin na may survivors pa.
YOHAN: Yan din ang gusto kong malaman. Kung may katotohanan ba sa sinasabi ni Danica.
SAPPHIRE: Babalik ba tayo sa Kapitolyo? O mananatili nalang tayo dito.
YOHAN: Isa rin sa mga pinagtataka ko, kung bakit gusto ni Reva Arvin na i-hack ko ang intel nila. Wala sa intel ng Haram ang feed ng mga nangyari kundi nasa Network Storage nila.
Biglang may na-realize si Yohan at lumingon kay Tita Mara. Nagmamadali itong pumunta sa kanya.
YOHAN: Tita Mara, na-activate ko po ang Communication Systems ng Kapitolyo. Ibig sabihin, ay maaaring may satellite feed na sila sa kinaroroonan natin.
Tumitig ito kay Yohan saka tumingin sa langit.
TITA MARA: Teknolohiya nga naman.
YOHAN: Nais ko pong bumalik sa Kapitolyo para malaman ang buong katotohanan sa likod ng mga ina-akusa ninyo laban sa Alcamo. At kung totoo man, ay ide-deactivate kong muli ang Commnication Systems doon.
TITA MARA: Hindi kaya huli na ang lahat?
YOHAN: Aalis po ako ngayon. Kahit samahan pa ako ni Danica para makikita niya mismo na hindi ko kayo tatraydurin.
Nagkatitigan ang dalawa.
TITA MARA: Sige. Pero kailangan ay kasama mo si Danica.
SAPPHIRE: Sasama din po ako!
YOHAN: Hindi Sapphire. Mananatili ka dito para alalayan ang Tita Mara mo.
SAPPHIRE: Pero---
YOHAN: Hindi. Dito ka lang.
TITA MARA: Sige Sapphire. Marami din naman tayong pag-uusapan.
Nakatitig lang ako kay Yohan na tila iniiwasan ako. Lmapit ito kay Danica at kinausap. Lumingon si Danica kay Tita Mara at tumango ito. Pumasok si Danica sa isa sa mga bahay at lumabas ito na bitbit ang armor at bag ni Yohan. Agad silang sumakay sa trak at humarurot na umalis.
Concern kaya siya sa akin, o dahil ba mahina ako kaya di niya ako pinasama?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top