MAQUINARIA

Ingay ng busina ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Ito na ang alarm clock namin dito sa buong ciudad. Simula nung nagdaang giyera ay sabay na kaming lahat na gumising, magtrabaho, at matulog. Hindi naman kami umaangal despite sa Martial Law na pinatupad ng mga Alfuerza. Alam din naman namin na sa ikabubuti namin ito.

Dito, pantay-pantay kaming lahat. Walang mayaman, walalng mahirap. Lahat nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Mga pagkain namin, processed na lahat. Hindi ko alam kung anong proseso na ginagawa ng mga Araro sa pagtanim ng aming mga pagkain, basta ang alam ko, hindi nila hinahayaang tumubo ang mga tanim na lagpas sa dalawang talampakan. Marahil siguro sa polusyon ng hangin ngayon. Tuwing tanghali kasi, mala-berdeng fog ang nakapalibot sa aming ciudad, na mawawala naman pag patak ng alas dos.

Agad akong bumangon sa aking kinahihigaan. Tila gising na yata ang aking mga kapatid at sinimulan na ang electronic classes nila. Wala nang mga paaralan sa taong ito. Lahat ng estudyante ay sa bahay na mag-aaral. Gamit ang Closed Circuit Educational TV Monitor, mino-monitor nga mga guro sa Alfuerza ang mga estudyante, at sa hologram lalabas lahat ng mga leksyon nila.

Wala nang grade 1 to 7 ngayon. Maging High School o College ay wala na rin. Nahahati na sa apat ang educational system namin.

Alpha, ang mala-elementary na taon. Para ito sa mga edad 7-12.

Beta, ang mala-grade 7 hanggang second year high. Para ito sa mga edad na 13-14.

Charlie naman ang para sa mga edad na 14-16.

Delta naman ang pang huli. Para sa mga edad na 17. Pag tungtong ng 18, ay isasalang na sa Maquinaria.

Ito ang unang araw ng pagiging legal age ko. Tapos na ako sap ag-aaral. Ilang oras nalang ay isasalang na ako sa Maquinaria. Ayoko maging Reva. Ayoko. Ayoko.

Tinapos ko ang aking agahan. Wala munang trabaho ang mga Araro ngayon, kung saan nabibilang si Nanay. Sasamahan niya ako sa aking pagsalang. Sasama rin ang aking mga kapatid na si Erwan at Aniza. Kahit ayoko man ay di ko sila mapipilit. Gusto nilang makita ako at mapabilang sa Alfuerza. Gusto daw nila na maging guro ako, o di kaya’y mambabatas.

Nakakatawa naman isipin ang mga gusto nila para sa akin. Basta ang gusto ko, kahit Araro man o Alfuerza, basta’t di malayo sa aking pamilya.

Tahimik kaming naglalakad papunta sa Ciqlo. Quezon City Circle daw ito dati. Nasa gitna ng Ciqlo ang Maquinaria na parang Ref at kasing-laki ng garbage truck. Nandoon na din ang halos lahat ng mga taga Alcamo. Maging ang mga anak ng mga Alfuerza ay nandoon na rin. Mahahalat mo sila dahil sa mapuputi nilang mga balat. Dati silang mga maykaya, pero ngayon ay pantay-pantay na ang lahat.

Nakabukas na ang Kapitolyo para sa lahat na maisasalang sa Araro at Alfuerza. Handa naman ang isang military truck para sa mga Reva.

Tahimik ang lahat. Unti-unting lumapit papalapit sa sentro ang Punong Alfuerza, Si Sir Mateo. Kasama nito ang Head sa Technologies, si Dr. Nakuo.

Mateo: Ngayon ang nakatakdang araw sa pagsasalang ng ating mga kabataan na edad labing walo pataas. Sigurado ako na alam niyo na ang prosesong ito. Di ko na ito patatagalin pa. Reshua qu eri albequia de Maquinaria. (Simulan na ang pagsasalang sa Maquinaria)

Lumapit kaming mga nasa edad sa centro ng Ciqlo. Bilang ko, mga 20 na kaming lahat.

Unang tinawag ang isang Rouro. Anak ng isang pamilyang Araro. Pumasok siya sa Maquinaria, at kaming hat ay nakatingala sa malahiganteng monitor sa itaas ng Ciqlo. Mula sa blank screen, lumitaw ang salitang ARARO.

Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Rouro. Agad siyang niyakap pagkalabas niya sa Maquinaria. Agad siyang pumasok sa Kapitolyo kasama ang mga Araro na magtuturo sa kanya sa mga Gawain.

Sumunod na tinawag si Agosto. Mula sa angkan ng mga Reva. Kita ko ang paghahawak kamay ng mga magulang ni Agosto na tila ay ninanais na hindi mapabilang sa Reva ang kanilang anak. Sa monitor, lumitaw ang salitang ALFUERZA.

Napaluha sa tuwa ang mga magulang ni Agosto. Agad pumasok sa Kapitolyo si Agosto.

Sununod na tinawag si Yohan. Isa sa mga anak ng Alfuerza. Gwapo. Matipuno ang pangangatawan. At sa unang tingin, parang lider kung kumilos. Walang duda sa Alfuerza na ito mapupunta.

REVA. Reva ang lumitaw sa monitor.

Walang imik si Yohan paglabas niya sa Maquinaria. Maging ang mga magulang niya ay napaluha sa desisyon. Agad siyang naglakad papunta sa Military truck. Kita ko sa mga mata niya, ang pagtlo ng kanyang luha.

Sumunod na tinawag ang aking kaibigan na si Reya, nan a-ihanay naman sa mga ARARO.

SAPPHIRE!

Tinawag na ang aking pangalan. Bawat hakbang ko papalapit sa Maquinaria ay mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso. Ako’y kinakabahan. Sobra. Pero kailangan kong maging kalmado.

Siguro sa Alfuerza ako mapupunta. Araro kasi ang last na tinawag. Alfuerza na marahil ang susunod.

Pumasok ako sa Maquinaria. Malamig. Parang-aircon. Isinuot sa akin ang isang device na parang korona na may mga wire. Ito marahil ang babasa sa Cognitive Skills ko. Iniisip ko ang mga proseso ng pagtatanim, o di kaya ini-imagine ko na nagtuturo sa mga bata. Sa isang iglap, nawala ang mga tao sa Ciqlo. Wala akong makita. Madilim. Di ko alam kuung ilang minuto na ako sa dilim pero wala talaga akong makita. Gusto ko ng apoy. Apoy para makita man lang kung nasaan ako. Naririnig ko ang agos ng tubig. Parang ilog. Pero imposible. Hindi na ganun karaming tubig ang mga ilog ngayon.

Nasaan ba talaga ako? Gusto ko makita ang paligid ko!

APOY! Sigaw ko. Agad na lumabas ang animo’y fireball sa aking kamay. Unti-unti ay maliwanag na ang paligid. Unti-unti ay nakikita kong muli ang mga tao sa Ciqlo, nang biglang may sumigaw

REVA!

ANo? Hindi ako makapaniwala!

Biglang bumukas ang Maquinaria. Nakatingin sa akin lahat ng mga tao. Lumabas ako at tiningnan ang monitor.

REVA.

O hindi!

Tiningnan ko si Mama. Naluluha. Pati na rin ang aking mga kapatid.

Gusto kong umiyak. Gusto ko silang mayakap. Gusto kong tumakbo papalayo. Pero kailangan kong maging matatag. Ayokong makita ako ng mga kapatid ko na duwag.

I gave them a smile, saka ako tumakbo papunta sa Military truck. Pagpasok ko ay doon na ko umiyak. Natigilan ako ng mapansin ko ang isang lalake sa dulo. Nandoon din si Yohan na naka-yuko lang. He lifts his head up at kami’y nagkakatitigan.

Mga mata nami’y naluluha. Ito na marahil ang huling pagkakataon kong maging Malaya, o buhay. Dahil sa ilang mga araw ay di na namin alam ang mga susunod na mangyayari. Ilang pang saglit ay may nadagdag sa amin.

Si Hanu. Isang Araro din. Dati ay may crush ako sa kanya ngunit nawala na ito. Kasing tipo ni Yohan ang pangangatawan ni Hanu. Pero dahil isa siyang Araro, Moreno ang kanyang balat.

Napasama din sa amin si Mina. Isang Afluerza. Siya ang dating kasintahan ni Yohan, base na rin sa mga sinasabi niya kay Yohan.

Huling pumasok ang isang babae na maangas.

REVA TAIA: Ako si Taia, ang Head sa mga bagong REVA. Mula ngayon, kayo ay maninilbihan sa Alcamo bilang mga tagapagtanggol. Pupunta na tayo ngayon sa NAVI at dun natin sisimulan ang inyong pag eensayo.

MINA: Wait! You mean to tell me, wala nang last farewells for my family?

REVA TAIA: Ikaw si… Taia, diba? Well, senyorita. Gusto mong bumaba muna at magpaalam sa inyong mga pamilya?

MINA: Oh……well……HELL WHY NOT! This could be the last time na makikita ko sila!

REVA TAIA: Well, then. Feel free to do that. And matapos mong gawin yan ay ihahatid ka namin sa labas ng Main Gate!!

Natahimik si Mina.

REVA TAIA: WALANG ORAS NA DAPAT MASAYANG DAHIL KADA MINUTO NATIN AY IMPORTANTE! NAIINTINDIHAN MO BA MINA!

MINA: Yes Mam.

REVA TAIA: Ihanda niyo na ang inyong mga sarili.

Agad na umandar ang trak, papalayo sa Ciqlo, papalapit sa NAVI.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top