KAPITOLYO (Yohan's P.O.V.)
KAPITOLYO
(YOHAN’S P.O.V.)
Gustuhin ko man na kasama si Sapphire sa muling pagpunta ng Kapitolyo, ay hindi maari. Nag-aaalala ako sa ano mang panganib na mangyayari ngayong mas mara nang Rokus ang nandoon sa Kapitolyo. Pilit kong iniwasan ang mga mata ni Sapphire dahil di ko matiis na makita siyang nag-aaalala sa akin.
SI Danica ang nagmamaneho ng trak namin. Tahimik kaming dalawa sa loob. Di ko pa rin maalis sa isip na binugbog niya ako dahil di siya naniniwala sa mga sinasabi ko na talagang wala akong alam sa tunay na dahilan ng pagkawasak ng Haram.
DANICA: Pano kung totoo ang aming mga hinala, at napatunayan mo mula mismo sa mga computer ng Kapitolyo?
YOHAN: Paano kung mali ang iyong mga akusasyon? Sasama ba kayo sa amin papunta sa Alcamo?
DANICA: Kitang-kita ko sa aking mga mata ang mga nangyari. Alam ko dahil nandoon ako!
YOHAN: Lumaki ako sa grupo na kung saan kami ang namumuno sa Alcamo. Imposible ang mga ibinibintang ninyo sa amin!
Biglang tumahimik si Danica. Ilang minutong katahimikan. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa Rotunda. Agad namin napansin ang mas dumaming bilang ng mga bangkay ng Aquila ang nakakalat sa daan.
YOHAN: Paanong---
DANICA: May kasamahan kayo na may armas na panglaban sa mga Aquila?
YOHAN: Hindi. Mga solar powered weapons lang ang dala namin. At ang mga Aquila ang pinakamahirap na patayin dahil di ganon kalakas ang aming mga armas laban sa kanila.
DANICA: Kung ganun, sino ang may armas na kayang labanan ang ganito karaming Aquila?
Kinuha ko ang Elecro Rifle at ilang Solar Panels at inilagay sa aking utility belt. Kinuha naman ni Danica ang armas niyang AK47 at ilang mga bala.
Binigay ko sa kanya ang Elecro Gun at tatlong solar panel.
DANICA: Hindi ko kailangan niyan.
YOHAN: Tanggapin mo na. In case na mauubusan ka na ng bala.
Tinitigan niya ito saka kinuha.
DANICA: Salamat.
YOHAN: I-park mo muna sa tabi. Titingnan ko lang ang mga bangkay ng mga Aquila.
Hininto niya ang trak, saka ako bumaba para tingnan ang mga bangkay ng mga Aquila. Bumaba din sa sasakyan si Danica. Isa-isa koi tong tiningnan at pansin ko na puro mga tama sa ulo ang ikinamatay nila.
DANICA: Sniper?
YOHAN: Wala akong makitang bala mi isa dito.
Tiningnan niya ako at sinagot ng:
DANICA: Maybe solar-powered sniper?
YOHAN: Wala kaming sniper sa aming main base. Sa Navi.
DANICA: Pssshhh… I don’t get it with you folks and your “solar-powered” weapons. Mahihina sila, mabibigat, at napaka---
YOHAN: Shhh!
Pinatahimik ko si Danica. Ilang kaluskos sa damuhan ang narinig ko.
YOHAN: Weapons Up.
DANICA: I know!
Hinanda namin ang aming mga sarili. Di naglaon ay lumabas ang mga Rokus na bilang ko ay lalagpas ng bente!!
DANICA: Zombies!!
YOHAN: S**T!
Isa-isa namin binabaril ni Danica ang mga lumabas na Rokus. Gamit ni Danica ang kanyang armas na AK47. Malakas ang ingay sa bawat tira niya.
YOHAN: Danica, you’re attracting too much of their attention!
DANICA: Balik tayo sa trak!
Naunang tumakbo papasok ng trak si Danica habang binabaril ko ang mga Rokus na humahabol sa kanya. Sunod kong binaril ang ilan sa mga Rokus na papalapit sa akin.
Pinaandar niya ang sasakyan ang inilapit sa kinatatayuan ko. Agad akong sumakay at agad kaming umalis at diretsong papunta sa Kapitolyo. Ilan pa sa mga Rokus ang humarang sa aming dinadaanan.
Sinasagasaan lang ito ni Danica.
DANICA: Shoot shoot shoot shoot! Mas dumadami yata ang mga zombies.
YOHAN: Oh please. Zombies? Really? Napakalumang termino naman niyan.
DANICA: Tumigil ka! Nag aaalala ako sa ilang mga survivors sa Pura.
YOHAN: Papatunayan ko sa’yo na mali ang akusasyon mo.
DANICA: Patutunayan ko sa’yo na tama ang hinala ko.
YOHAN: Well, malapit na rin tayo sa Kapitolyo.
DANG! Napakarami nang mga Rokus ang pagala-gala sa labas ng Kapitolyo! Ngayon ay nakatingin na silang lahat sa amin!
YOHAN: Naaakit natin ang kanilang atensyon dahil sa ingay nga trak!
DANICA: Sa likod nalang tayo dadaan!
Pinaikot ni Danica ang sasakyan at humarurot papunta sa likod ng Kapitolyo. Pero maging doon, ay marami ring Rokus ang pagala-gala!
DANICA: S***!!!
YOHAN: Ipark nalang natin ‘to doon sa kung saan wala masyadong Rokus. Gamitin mo ang Elecro Guns dahil less ang ingay nito kumpara sa AK47 mo.
DANICA: Sana walang Aquila dahil kung meron, walang kwenta tong mga armas mo.
YOHAN: Just shut up and drive!
Sa may di kalayuan namin pinarada ang sasakyan. Bumaba kami at binaril ang ilan sa mga Rokus na malapit sa amin.
YOHAN: May punyal ka ba?
DANICA: Oo. Bakit?
YOHAN: Save Solar Charges. Saksakin nalang natin sila straight sa kanilang mga ulo.
Kinuha ni Danica ang kanyang punyal mula sa kanyang medyas. Sa utility belt ko naman kinuha ang aking punyal.
Naglalakad kami papunta sa back door ng Kapitolyo knug saan kami lumabas dati.
Pinagsasaksak namin sa ulo ang mga Rokus na papalapit sa amin. Nang mas dumarami sila dahil sa amoy namin ay saka na namin sila pinagbabaril hanggang sa maka abot na sa loob ng Kapitolyo.
Parehos kaming hiningal.
DANICA: 30%. Magpapalit na ba ako ng panel?
YOHAN: Go.
Pinalitan namin pareho ang mga solar panels ng aming mga armas.
DANICA: Follow me. Dito kayo dumaan.
Sumunod ako sa kanya papunta sa Fire Exit. Ilang mga bangkay ng mga Rokus ang nakakalat sa paanan ng hagdan.
YOHAN: Dito mo kami nakita ni Sapphire, diba?
DANICA: Oo.
Paakyat na sana ako ng mapansin ko ang isa sa mga bangkay na nakasuot ng armor ng mga Reva.
YOHAN: Sandali.
NIlapitan ko ito at tinitigan.
S***!!
Si Rico! Ilang sandali pa ay biglang kumilos ito at umungol.
NAGING ROKUS NA SI RICO!
DANICA: Kasamahan mo?
YOHAN: Oo.
Tinutok ni Danica ang Elecro Gun sa noo ni Rico saka binaril.
Nakakalungkot isipin na kahit sino ay maaaring maging isa sa mga Rokus at dadating ang panahon na kailangan mo silang patayin.
Lumingon ako kay Danica na nakatingin sa akin.
DANICA: Well you know I have to do it!
Tumahimik na lang ako saka umakyat ng hagdan.
DANICA: Nasa tuktok ang papunta sa Main Balcony. May Exit door doon papunta sa Command Center.
YOHAN: Alam ko.
Dahan-dahan naming binuksan ang pinto pagdating namin sa tuktok. Walang Rokus ang pagala-gala sa balcony. Mga bangkay ng mga Rokus lamang ang aming nakita.
YOHAN: Clear.
Agad namin pinuntahan ang Server Room. Hindi na tulad ng dati, marami nang bakas ng dugo ang Server Room. May ilang bangkay din ng mga Rokus ang nakalatay.
DANICA: Sino kaya ang nakapasok dito?
YOHAN: Baka isa sa mga kasamahan ko. Malalaman natin ngayon.
Lumapit ako sa unit na ginamit ko para makontak ang NAVI. Pero kahit anong gawin ko, ayaw na itong gumana.
DANICA: Baka dito sa command center.
Dahan-dahang binuksan ni Danica ang Command Center, at nakita niya ang ilan sa mga bangkay ng mga Rokus.
DANICA: Someone’s really here.
YOHAN: Ano yun?
Tinuro ko ang orasan na lumitaw sa main monitor sa left wall.
DANICA: Di ko alam, pero sigurado ako, mali yan.
Nilapitan ko ulit ang unit kung saan kinon-figure ko ang pag-reactivate ng communication systems dito. Lahat ng network drives dito ay online.
YOHAN: i-aaccess ko na ngayon ang Network Storage.
Nahirapan akong makapasok sa Network Storage ng Haram. Mahirap i-decode ang password nila.
YOHAN: Keep an eye on the door, Danica.
DANICA: Oh, right.
Ilang sandali pa ay nakaabot na ako sa main security ng Network Storage. Slowly but surely ay inisa-isa ko ang pagde-deactivate sa naturang storage.
BANG! BANG!
Binaril ni Danica ang ilang mga Rokus na dumaan sa main door gamit ang kanyang AK47.
YOHAN: DANG IT, DANICA! Sabi ko naman sa’yo, gamitin moa ng Elecro Gun!
At di nga ako nagkamali. Ilang sandali pa ay ilang Rokus na uli ang isa-isang pumasok sa Command Center. Isa-isang binabaril ni Danica ang mga papalapit na Rokus.
Nagkataon naman na nabuksan ko rin ang main Network Storage ng Kapitolyo ng Haram! Binuksan ko ang third to the last video feed at nakita ko ang lima sa mga lalake na naka-armor ng tulad ng sa amin.
DANICA: Ano nakita mo, Yohan?
YOHAN: Sine-search ko ang identitiy ng mga lalake dito. Sandali.
Biglang lumitaw sa search page ang apat na opisyal na mga Reva sa program base ng NAVI.
Lumapit si Danica sa monitor matapos niyang maubos ang mga Rokus na paparating.
DANICA: Tama ako, diba?
YOHAN: Di ko maintindihan! BAKIT!!!
Ilang sandali pa ay mas maraming Rokus ang dumating galing sa Main Door.
YOHAN: Kailangan kong makontak ang NAVI.
DANICA: HINDI! TAMA NA YOHAN! PAGNALAMAN NILA NA BUHAY PA TAYO, EWAN KO NALANG KUNG ANONG GAGAWIN NATIN!
Di ko pinakinggan si Danica. Patuloy pa rin niyang pinagbabaril ang mga Rokus.
DANICA: YOHAN!
YOHAN: SANDALI!!! Teka, walang sumasagot sa main base ng NAVI. Putol ang communicasyon nila. Pati satellite feeds, wala din.
Nag-aalala na ako. Di kaya, may panibagong pagsalakay na nanaman?
S**T!!!
Inisa-isa ko pa din ang ilang dokyumento doon sa Network Storage.
DANICA: YOHAN! BILISAN MO!
YOHAN: OH SH---. MAY MELTDOWN NA MAGAGANAP!
DANICA: MELT WHAT?
YOHAN: PASASABUGIN ANG KAPITOLYO!!! DANICA, MOVE OUT!
DANICA: GLADLY!
Doon kami lumabas sa may Server Room, papunta sa Exit Door. Tumatakbo kaming papalabas ng Kapitolyo, binabaril ang mga Rokus na papalapit sa amin.
Agad kaming umabot sa trak, pinaandar, at saka umalis.
DANICA: So, tama ako.
YOHAN: Mas marami pa rin akong tanong ngayon! Di ko talaga maintindihan kung bakit nila sinalakay ang ciudad na ito!
Maya’t-maya pa ay nakasalubong namin ang isang sasakyan sa may di kalayuan, sakay sina Tita Mara, Sapphire, isang lalakeng mataba, at dalawang lalakeng binatilyo. Hininto namin ang mga sasakyan at bumaba, maliban kay tita Mara.
YOHAN: OH! Bakit nandito kayo?? Anong nangyari?
DAMIAN: Sinalakay ang kampo. Ubos na lahat. Kami nalang ang natira. Bigla nalang silang nagsulputan kahit saan!
Pansin ko si Tita Mara na tahimik at halatang galing lang sa kaka-iyak.
YOHAN: Sapphire! Ayos ka lang?
SAPPHIRE: Oo, ikaw?
YOHAN: Oo.
SAPPHIRE: So ano? Anong nalaman mo?
YOHAN: Mga opisyal na Reva ang pumunta dito.
Dumabog si Damian pagkarinig ng sinabi ko.
SAPPHIRE: May kinausap ka ba sa NAVI para ipaliwanag ito?
YOHAN: Walang sumasagot sa NAVI. Off ang communication nila!
SAPPHIRE: OH NO! Di kaya---
YOHAN: No, no, no… Don’t say that Sapphire.
SAPPHIRE: Yohan, we need to get back! Kailangan natin tingnan kung anong nangyari sa Alcamo!
Napatingin ako kay Tita Mara at sumagot ito ng:
TITA MARA: Sige, Yohan. Lahat tayo, pupunta sa Alcamo.
Halatang duda sa desisyon si Danica. Pero kahit papaano ay sumunod pa rin ito. Sumakay sa jeep namin si Sapphire.
DANICA: Alright. Here we go, Alcamo.
Mabilis na pinatakbo ni Danica ang sasakyan. Sumunod sa amin ang sasakyan na minamaneho ni Damian.
Ilang sandali pa ay nakaabot na kami sa Alcamo, at nabigla sa aming nakita. Kami’y nanlumo ng makita namin na nakabukas ang gate at mi isang Reva Guwardiya sa Watchtower ay wala na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top