HARAM
HARAM
Matapos mapigil ang pagsalakay ng mga Rokus at Aquila sa bayan, di nga ako nagkamali na ang magiging unang ekspidisyon namin ang maglakbay papuntang Haram.
North East ng Alcamo ang Haram. Noong unang panahon, tinawag itong Manila. Ngunit, tulad ng ibang ciudad sa bansa, ay nawala sa mapa ang naturang ciudad. Unti-unting nakabangon ang naturang ciudad mula sa Nuclear War at tinawag na itong Haram. Tulad ng Alcamo, may sariling grupo, batas at tradisyon ang Haram. May kani-kanila din silang mga tauhan na naglalakbay, at nagbabantay sa kanilang mga gate.
Ngunit, ano kaya ang nangyari sa Haram? Bakit galing sa North East ang mga sumalakay na mga Rokus at Aquila?
Ilang oras matapos ang pagsalakay ay kinausap kami ni Reva Taia.
REVA TAIA: First Assignment. REVA GUARDIYA, Hanu and Mina, Watchtower 3. Effective immediately, shift ends at 10pm.
Walang imik ang dalawa.
REVA TAIA: REVA RADOR, Yohan and Sapphire. First thing in the morning, pupunta tayo sa Haram.
Napatingin sina Hanu at Mina sa akin. Napilitan akong yumuko.
Di maalis sa aking isip ang mga naganap sa Varear. Ang mga imahe na lumabas. Ang mga kinatatakutan nila. Ang mga eksena na kasama ako.
Agad na umalis papuntang Watchtower 3 sina Hanu at Mina, habang kami ni Yohan ay naglakad pabalik sa barracks.
Tahimik lang kami papunta sa loob. Hanggang sa di ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kay Yohan.
SAPPHIRE: Yohan.
Napatingin lang siya sa akin.
SAPPHIRE: Ilang araw na rin akong nababagabag kung bakit…….. imahe ko lang lumalabas doon sa Varear?
Natahimik lang si Yohan, habang patuloy na nag-iimpake para bukas.
SAPPHIRE: Bakit ako? Hindi naman tayo nagkasama ng matagal. Dito lang tayo nagkakilala matapos tayong isalang sa Maquinaria.
Tahimik pa rin si Yohan. Napilitan akong mag-impake rin. Talagang hindi siya nagsasalita.
YOHAN: Sapphire.
OH SHET! Napalingon akong bigla. Ang lamig ng pagkakabigkas niya sa pangalan ko!
YOHAN: Wala ka bang naaalala tatlong taon, matapos ang nuclear war?
2017 naganap ang nuclear war. Taong 2020 ba ang ibig niyang sabihin? Ang tanging naaalala ko sa Taong 2020 ang tuluyang pagbagsak ng Mandalyong at ang malawakang pagsalakay ng mga Rokus na galing doon. At sa panahong iyon, katorse anyos pa ako.
SAPPHIRE: Ang malawakang pagsalakay ng mga Rokus ang naaalala ko. Bakit?
YOHAN: Sa taong yun namatay ang Kuya ko.
Oh. Gusto kong sabihin na condolence pero dinaan ko nalang through silence.
YOHAN: Sa taong din yun, nakita kong naging Rokus ang Kuya ko, sa harap ng aking mga mata. At tinangka niya akong kainin.
Natahimik akong lalo. Pansin ko ang kalungkutan sa kanyang boses.
YOHAN: Di ko magawang lumaban noon. Di ko kayang saktan ang Kuya ko. Nang biglang, mag nagligtas sa akin. Sinaksak si Kuya sa ulo at hinila niya ako papalayo at nagtago kami sa isang sulok.
Tumingin siya sa akin at sinabing,
YOHAN: Wala ka ba talagang naaalala?
SAPPHIRE: Clueless.
YOHAN: Ikaw yun, Sapphire.
HA? Si Yohan pala yun? Ang tanging naaalala ko may iniligtas akong umiiyak na binatilyo dahil may Rokus na paparating sa kanya. Siya pala yun? AKo ba ng sinisisi niya sa pagkamatay ng Kuya niya?
SAPPHIRE: Yohan, patawarin mo ako sa---
YOHAN: Hindi, hindi, Sapphire. Naintindihan ko na lahat. Noong una, aaminin ko, sinisisi kita sa pagkamatay ni Kuya. Buong buo ang tiwala ko sa siyensya na may lunas sa mga Rokus. Naniwala ako na maibabalik pa buhay ng mga tao na naging Rokus. Pero mali pala ako. Naintindihan ko na. Kung hindi mo ginawa yun, marahil, naging Rokus din ako. Ikaw ang dahilan kung bakit buhay pa ako, at lumalaban.
SAPPHIRE: But still, patawarin mo ko sa ginawa ko. Hindi ko alam na Kuya mo yun. Ang sa akin lang, mga bata pa tayo at umiiyak ka n’on at humihingi ng tulong.
YOHAN: Again, wala na sa akin yun. Naintindihan ko na. At gagawin ko ang lahat, mailigtas lang din kita.
Gusto kong kiligin, pero I have to keep my face up. Ngiti lang ang tanging naisagot ako saka ako tumalikod at nag-iimpake kunwari. Di ko mawari kung sincere ba talaga siya o may ibang plano?
Bago pa sumikat ang araw, ay abala na kami sa paghahanda sa aming paglalakbay papuntang Haram. Inutos ni Punong Reva Aaron ang labinlimang mga Reva Rador. Tanging kami lang ni Yohan ang mga baguhan sa aming grupo. Dala-dala ang mga newly charged Elecro Rifles at Elecro Guns, at ilang pang mga sandata, ay sumakay na kami sa trak at humarurot papuntang Haram. Nakita ko si Hanu sa Watchtower 3 habang tumatakbo papalayo ng Alcamo ang trak.
Tahimik kaming lahat sa loob. Ang leader sa naturang troop ay si Reva Taia. Suot-suot niya ang headpiece na magsisilbing communicator para makontak ang main base sa Navi.
Ilang mga Rokus ang aming nadadaanan. Palakad-lakad lang at naghahanap ng preskong karne na makakain. May ilan din kaming nadaanang mga Rokus na kinakain ang isang bangkay ng lalake. Tila pinagpipiyestahan nila ang katawan nito.
Di ko man masikmura pero kailangan kong tibayan ang sarili. Tiningnan ko si Yohan at nahuli ko siya na tinititigan ako.
YOHAN: Ayos ka lang?
SAPPHIRE: Oo.
Sabay ngiti. Grabe talaga makatitig tong lalakeng ito. Tiningnan ko rin si Reva Taia, na tila busy sa pakikipag-usap sa Base Operator doon sa NAVI. Humihingi ng satellite feed reports kung may nakikita o may mga latest updates. Mission naming ngayon ang iligtas ang kung sino man ang mga survivors sa Haram.
Ilang sandal pa ay dumating na kami sa Haram. Isang malungkot na tanawin ang sumalubong sa amin. Wasak ang matataas nilang gate, sira-sira na ang mga bahay at tila napapaligiran ng mga bangkay ang buong ciudad. Malaki ang ciudad ng Haram. Tahimik na ito at tila wala nang buhay. Sa pangalawang pagkakataon, nabura ulit sa mapa ang lugar na ito. Ang di namin maintindihan kung saan nagsimula ang pagkakabagsak ng Haram.
Ilang metro pa ay umabot na kami sa sentro ng ciudad. Mas maraming bangkay, at naging mas mabaho. Puno ng dugo ang kalsada, mga dingding at ilang mga building.
Bumaba kaming lahat sa trak at tinipon ni Reva Taia. Hinati ang grupo sa tatlo. Ang isang grupo sa Hilaga, Silangan, at sa Kapitolyo. Kasama ko sa grupo si Yohan at si Reva Taia, at ang destinasyon namin, sa Kapitolyo ng Haram.
Tahimik pa rin ang paligid. Wala kang ibang maririnig kundi hangin.
REVA TAIA: NAVI Base, we need updates for live feeds inside Haram Capitol.
Masinsinang kinakasap ni Reva Taia ang ilang mga tauhan sa NAVI, kung may nakikita sila sa loob ng Kapitolyo gamit ang Satellite feeds.
BASE: Still no satellite feed updates. Haram Communication systems down.
Hinarap kami ni Reva Taia at sinabihan kung anong gagawin namin.
REVA TAIA: Kailangan nating pumasok sa loob at i-activate ang navigational systems nila. In that way, makikita natin kung anong nangyari dito.
Huminga ng malalim si Reva Taia, inilagay ang mga Solar Panels sa Elecro Rifle niya at sinabing,
REVA TAIA: Ok Team, let’s go.
Binuksan ni Reva Taia ang main doors ng Kapitolyo ay bumungad sa amin ang mas magulo na tanawin. May ilang mga bangkay rin at napakaraming traces ng dugo. Kung tutuusin, mas Malaki ang kapitolyo ng Haram kaysa sa Alcamo.
REVA TAIA: Rico, and Marvin, head to the basements. Yohan, Sapphire, with me upstairs.
Agad na pumunta sa basement grounds sina Rico at Marvin habang nakasunod naman kami kay Reva Taia. Tahimik pa rin ang lahat. Wala kaming naririnig na kahit na anong ingay sa loob o maging sa labas man lang.
Dahan-dahan kaming umakyat sa ikalawang palapag ng Kapitolyo. Isa-isa naming binuksan ang mga pinto. Halos lahat, walang laman kundi mga bangkay.
REVA TAIA: Ang swerte niyo naman sa unang ekspidisyon niyo. Diba, Yohan?
YOHAN: Ewan ko kung matatawag ba ito na swerte.
Nakakabingi ang katahimikan.
REVA TAIA: May tao ba dito?
Walang sagot. Sadyang tahimik rin sa hallway na kinalalagyan namin.
Ilang putok ng Elecro Rifles ang aming narinig sa labas. Baka may mga Rokus na nakasalimuha ang ibang grupo.
UUUUUGGGGHHHHHH!
Ilang sandal pa ay ilang mga ungol na ang naririnig namin. Isa-isang bumangon ang bangkay na mula sa mga kwarto na aming binuksan.
SAPPHIRE: YOHAAAAN!
Isa-isang pinagbabaril ni Yohan ang mga Rokus na papalapit sa amin. Agad naman na tinulungan ni Reva Taia si Yohan. Hanggang sa naubos nila ang lahat na lumabas na Rokus.
REVA TAIA: Damn it, SAPPHIRE! FOCUS!
Aaminin ko, nataranta ako!
Ilang ungol na naman ang narinig naming and this time, mas malakas.
Biglang nagbukas ang pinto sa aming likuran at lumabas ang isa nanamang grupo ng mga Rokus.
This time, inihanda ko na ang sarili ko. Tinutok ko ang Elecro Rifle at Isa-isa kong pinagbabaril ang mga paparating na Rokus ngunit marami rin ang lumalabas na iba pa sa naturang kwarto.
Isang grupo ng Rokus din ang lumabas sa isa pang bukas na kwarto at iyun ang tinutukan ni Yohan.
REVA TAIA: F***!
Inilabas ni Reva Taia ang kanyang Elecro Gun. Hawak ng isang kamay niya ang Elecro Rifle, tinutulungan si Yohan habang ang isa pa niyang kamay ang bumabaril sa mga dumadagdag na target kong mga Rokus.
SAPPHIRE: REVA TAIA, PARAMI SILA NG PARAMI!
YOHAN: SAME HERE, REVA TAIA!
Binuksan ni Reva Taia ang pintan sa harap niya, hoping na walang Rokus sa loob.
Kumatok ito ng malakas. Wala siyang narinig.
Binuksan niya ito at mas nagulat ako sa lumabas. Isang malaking Aquila ang nasa loob ng naturang kwarto. Tinangay si Reva Taia sa balikat, at lumipad papalabas ng bintana.
REVA TAIA: AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!
SAPPHIRE: REVA TAIAAAAAAAAA!!!
YOHAN: SAPPHIRE! PUMASOK KA NA SA LOOB DALI!
Agad akong pumasok sa kwarto kung saan galing ang malaking Aquila. Walang ibang laman ang kwarto. Sumunod si Yohan at ni-lock ang pinto.
Dumadabog sa labas ng pinto ang mga Rokus. Tinulak namin ang aparador na malapit sa pinto at ginawang pangharang kung sakaling masira ang lock ng pinto.
Hiningal kaming pareho.
SAPPHIRE: Ano nang gagawin natin ngayon, Yohan?
Lumilingon si Yohan sa paligid.
YOHAN: Wala tayong komunikasyon sa Operations ng NAVI. Kailangan nating mahanap ang Control Room nila at i-activate ang systems nila dito.
SAPPHIRE: Pero papaano? Nakapasok ka na ba dito noon?
YOHAN: Hindi. Kailangan nating maghanap ng mapa. Baka meron dito.
Agad akong tumayo ay binuksan isa-isa ang mga drawers at cabinets. Maging mga files ay hinahalungkat ko.
Puro mga dokumento ang mga nakita ko. Pero mi isang mapa ay wala akong makita.
SAPPHIRE: Yohan? May nahanap ka ba?
Walang sagot. Lumingon ako at wala na siya doon. Pumasok pala sya sa isa pang kwarto.
SAPPHIRE: Yohan?
Wala pa ring sagot.
SAPPHIRE: YOHAN!
YOHAN: Sapphire halika dito.
Agad akong pumasok sa naturang kwarto na tila isang maluwang na opisina, at bumungad sa aking harapan ang dalawang bangkay na nakalambitin. wala na ang kalahati ng katawan. Sa unang tingin ay malalaman mo na agad na nagpakamatay ang dalawa gamit ang wires sa kisame, at marahil ay kinain na ng malaking Aquila na galing dito ang kanilang mga paa.
YOHAN: Siya ang Pinuno ng ciudad na ito. Siya ang Mayor ng Haram.
Sabay tutok sa bangkay na naka kapa na asul.
SAPPHIRE: Hindi yata ako masasanay sa ganito.
Lumabas ako sa silid at sumuka. Nakakadiri tingnan ang naagnas nilang bangkay at tumutulong dugo na galing sa mga katawan nila na parang gripo na di sinara ng mabuti.
Sumunod na lumabas si Yohan, bitbit ang isang papel.
SAPPHIRE: May nahanap ka nang mapa?
Sumagot ito ng oo. Saka namin napansin na biglang tumahimik sa labas.
YOHAN: Biglang tumahimik yata.
SAPPHIRE: Baka umalis na sila.
Nanatili kaming walang imik, habang pinapakinggan ang nasa labas.
SAPPHIRE: Minsan naiisip ko, kaya ako inilagay dito para gawing bait.
YOHAN: Bait? Pa-in?
SAPPHIRE: Oo. Ang mga nanatili sa Alcamo ang mga best in target shooting. Ako, wala. Pa-in lang.
YOHAN: Matatawag mo rin bang pa-in lang si Reva Taia?
Wala akong masagot.
YOHAN: Lahat may dahilan. Hindi porke't di ka ginawang Guardiya ay pa-in ka na. Magaling ka rin kaya.
Sunod-sunod na putok ng mga rifles ang narinig namin sa labas.
Inalis namin ang aparador na ginawa naming harang at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Walang tao. Maliban sa mga bangkay na binaril kani-kanina lang. Si Reva Taia kaya yun?
YOHAN: Ayun! Foot prints.
SAPPHIRE: Napuno ng dugo ang sapatos niya?
Ngunit napansin ni Yohan na iba ang disenyo ng mga naiwang marka.
YOHAN: Ibang combat boots ito. Hindi isa sa ating mga kasamahan ang dumaan dito.
SAPPHIRE: Di kaya, isa sa mga tagapagbantay dito dati?
YOHAN: Marahil.
SAPPHIRE: Susundan ba natin?
YOHAN: Hwag na. Sundan nalang natin ang mapa. Diretso na tayo sa Control Room ng Kapitolyong ito.
Hawak ni Yohan ang mapa at maigi itong tiningnan.
YOHAN: Left Wing. Tara.
Tumuloy kami sa dinaanan namin at lumiko sa kaliwa. Tila iba na ang flooring ng Left Wing. Carpeted na ito, pero punong-puno ng dugo. Umaalingasaw ang amoy ng dgo sa kada yapak namin sa carpeted floor na ito.
Kita sa bintana ng Left Wing ang silangang parte ng Haram. Kitang-kita ang mga payat na kakahuyan, at ilang mga Rokus na palaboylaboy.
UHHHHGGGGGGGGGGGG
Malakas na ungol nanaman ang narinig namin.
Tiningnan ko ang aming nadaanan na hallway pero walang tao o Rokus.
YOHAN: Weapons up, Sapphire. Alert.
Inihanda ko ang Elecro Rifle sa kung ano man ang lalabas.
Biglang tumahimik.
YOHAN: Nawala na yata. Tara. Forward. Parang may nakita na akong Door Sign sa dulo ng----
CRAAAASHH!
Biglang may bumasag sa bintana at mabilis na nakapasok ang malaking Aquila kanina na tumangay kay Reva Taia! Sa laki nito, tila bsog na busog ang tiyan nito sa kinain niyang bangkay kanina.
Di kaya pati si Reva Taia ay nakain na din niya?
YOHAN: FIRE!!!
Sabay naming pinagbabaril ang matabang Aquila. Pumapagaspas ang nabubulok nitong mga pakpak habang isa-isang natatamaan ito sa aming mga bala.
Shet! Naubos ang unang Solar Panel ko. Kinuha ko ang isa pang Panel sa aking utility bag ng sinunggaban ako ng naturang Aquila.
SAPPHIRE: AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!
Nagpupumilit ang Aquila na kagatin ang aking mukha. Gamit ang Elecro Rifle ay pinipilit kong harangin ang malaking bibig nito.
Patuloy na pinagbabaril ni Yohan ang Aquila pero sa pakpak lang ito tinatamaan.
HInampas ng Aquila si Yohan gamit ang kanyang pakpak at natapon ito, ilang hakbang ang layo.
Kinuha niya ang punyal sa kanyang utility belt.
Isang saksak sa ulo ang nagpahinto sa pagatake ng Aquila. Agad itong natumba. Ngayon, pati ako ay napuno na rin ng dugo.
YOHAN: Ayos ka lang?
Di ko siya masagot. Hinihingal ako sa tension.
Kinuha niya ang kanistra na puno ng tubig sa kanyang bag at inalok sa akin. Agad koi tong ininom.
SAPHHIRE: Salamat.
Tumayo na ako at pinagpatuloy namin ang paglalakad papunta sa dulo ng Left Wing.
Nang marating namin ang dulo, ay di muna kami pumasok. Napansin ko ang pagkakaiba sa pintong ito. Mas makaluma ang door knob nito. Pinakinggan muna ni Yohan ang loob mula sa labas. Kinatok niya ang pinto at pinakinggang muli.
YOHAN: Clear.
Binuksan ni Yohan ang pinto. Isang maluwang na command center na tila napapalibutan ng mga monitor ang bumungad sa amin. Walang bangkay ngunit nagkalat ang ilang mga papeles, dokumento, at ilang mga sira-sira na computer.
Sinara ko ang pinto, habang papunta sa main control board si Yohan.
YOHAN: May power supply. Solar Energy din pala sila dito.
SAPPHIRE: May alam ka ba sa pagpapatakbo nito?
YOHAN: Susubukan ko. After all, mahilig sa siyensya kaming mga Alfuerza.
Di ko maintindihan kung ano ang mga ginagawa ni Yohan. Pindot dito, pindot doon. Tumingin-tingin nalang ako sa ibang mga makina na nandoon. May ilang monitors na naka-andar. Kita ang ilang kalye ng ciudad pero may nakasulat sa gilid na offline.
YOHAN: Sapphire! Halika tingnan mo ito.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang monitor sa kanyang harap.
YOHAN: May taong galing dito, at may iniwan na mensahe.
SAPPHIRE: Pano mo naman nalaman?
YOHAN: Kita dito sa logs. Bago lang. Mga diyes minutos ang lumipas.
SAPPHIRE: Baka sa kanya yung footprints na nakita natin.
YOHAN: Sandali, bubuksan ko. Video message pala ito.
Binuksan ni Yohan ang video.
Isang babae na may maikling buhok ang nasa video. Suot ang kulay asul na metallic shoulder pads, blue metallic neck brace at asul din na chest plate.
YOHAN: Marahil ay isa siya sa mga guwardiya dito.
“Pinapadala ko ang mensaheng ito sa kung sino man ang nakakatanggap nito. Ako si Danica. Isa sa mga pulis ng Haram at ibinabalita ko na wala na ang Haram. Karamihan sa mga mamamayan dito ay wala na. Silang lahat ay naging Zombies na…”
Zombies? Ah oo. Zombies ang tawag noon sa mga Rokus. Zombies pa rin pala ang termino na ginagamit ng mga taga-Haram?
“…Wala na kaming supply ng pagkain, armas, o kahit mga gamot. Iilan na lamang kaming natira. Doon kami ngayon sa Silangang bahagi ng Haram. Kailangan namin ng tulong. Sana…”
Tumigil ito at tila mangiyak-ngiyak na.
“…sana ay matulungan ninyo kami.”
SAPPHIRE: May ilang mga natitira pa Yohan! Kailangan natin silang tulungan!
YOHAN: Ibabalik natin ang communication systems dito at tatawag tayo ng tulong sa NAVI.
SAPPHIRE: Sige!
YOHAN: Sandali. Kailangan ko ng ilang adjustments…
Biglang bumukas ang pinto at ilang mga Rokus ang nakapasok sa command center.
YOHAN: OH SHET!
SAPPHIRE: Ako na ang bahala dito. Unahin mo na yan!
Agad na umupo si Yohan at pinagpatuloy ang ginagawa.
Tumuntong ako sa isa sa mga desk at isa-isang pinagbabaril ang mga nakapasok na Rokus.
Isa-isa ay natumba sila pero parami ng parami ang mga pumapasok!
Pinagpatuloy ko ang pagbabaril sa kanila, isa-isa.
CLICK!
Shoot! Out of ammo nanaman!
Binilisan ko ang pagkuha ng solar panel sa bag pero sa pagkataranta ko ay di ko ito naaabot!
SHOOT! May lima na papalapit na!
AAAARRRRGGGHHHH!!!
BANG! BANG! BANG!
Pinagbabaril ni Yohan ang tatlo sa mga Rokus na papalapit sa akin.
YOHAN: Ako na dito, Sapphire. Pindutin mo nalang ang ENTER sa keyboard matapos ang countdown.
Agad akong pumunta sa main controls.
Countdown at 5.
Pinagbabaril ni Yohan isa-isa ang mga Rokus na papalapit sa kanya.
4.
Pero mas marami pa rin ang mga Rokus na pumapasok. San sila galing?
3.
Patuloy pa rin sa pamamaril si Yohan pero patuloy pa rin sa pagpasok ang ilan sa mga Rokus.
2.
OH SHET! May isang Aquila na nakapasok at lumilipad ito sa loob ng Command Center na parang langaw!
1
Pinindot ko ang ENTER.
Temporary Shutdown.
Biglang namatay lahat ng ilaw sa loob ng Command Center. Wala kaming makita!
Patuloy pa rin sa pamamaril si Yohan.
SAPPHIRE: YOHAN? Bakit namatay lahat ng ilaw?
YOHAN: System Reboot. Pag balik niyan, online na ulit ang systems dito.
Bumalik na ang ilaw at ilang mga monitors ang bumukas. Status Online na ang nakalagay sa lahat ng monitors.
Subalit, mas dumami ang mga Rokus na paparating sa amin! Tila isang alon ng dagat ang mga paparating sa amin!
SAPPHIRE: AAAAAHHHHHHHHHH!!!
YOHAN: SHOOT! RETREAT, SAPH! MAY PINTO SA LIKOD MO! TAKBO! BILIS!
Agad kong binuksan ang maliit na pintuan sa gilid ng main controls systems ng command center. Madilim sa loob at wala akong makita.
YOHAN: PASOK! PASOK! PASOK!!!
Agad kaming pumasok sa naturang kwarto, at sinara ang pinto. Dumadabog ang mga Rokus sa pinto. Wala na talaga ang command center. Napuno na rin ng mga Rokus.
YOHAN: Kailangan nating lumabas ulit doon. Kailangan nating makausap ang sinuman sa NAVI.
SAPPHIRE: Paano? Eh napuno na ng mga Rokus ang loob!
Nilabas ni Yohan ang flashlight niya at tiningnan ang kwarto na aming pinasukan.
Mas maraming wires ang laman dito. Matatabang wires, may mga ilang units din.
YOHAN: HAHA! SERVER ROOM!
Binuksan ni Yohan ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pinto.
YOHAN: Dito ang lahat ng mga wires na nakakabit papunta sa mga units doon sa labas.
SAPPHIRE: May isang unit dun sa dulo. Baka doon, pwede mong contakin ang kampo?
Lumapit si Yohan sa tinuro kong computer unit at sinubukan itong i-configure. Kumpara sa labas, malinis ang loob ng Server Room. Walang gulo. Lahat ng kable ay nasa ayos.
YOHAN: SUCCESS!
SAPPHIRE: May nakontak ka na?
YOHAN: Oo!
REVA ARVIN: Unknown Contact, do you copy?
YOHAN: Copy! Reva Rador Yohan on the line, copy.
REVA ARVIN: Reva Arvin, Head Communications. Yohan, saan si Reva Taia?
YOHAN: Attacked by an Aquila, Sir. Di na po namin alam kung buhay pa po. Sir, what’s the status of Haram?
REVA ARVIN: I’m still downloading their feed. How good are you with passcode hacking, Yohan?
YOHAN: Intermediate to Expert, Sir.
REVA ARVIN: Try to override their systems. Hack into Haram’s Intel. We need to find out what causes this infestation in Haram.
YOHAN: Copy.
Pinabayaan ko muna si Yohan na gawin ang trabaho niya habang nilibot ko muna ang buong server room.
Sa paglibut-libot ko ay may nakita akong pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan. Isa pala ito sa mga pinto papunta sa balcony ng Kapitolyo. Dahan-dahan akong lumabas, nag-iingat dahil baka may Rokus na tutumbad. Pero wala. The coast is clear.
Tahimik talaga ang lahat. Walang ingay sa labas. Walang huni ng ibon. Nakakatakot pakinggan ang katahimikan. Pati ang sibol ng hangin ay nakakatakot rin.
Kita sa balcony ang rotunda ng ciudad. Nakikita ko rin ang aming sasakyan, nang biglang umandar ito at tumakbo palabas ng ciudad.
SHET!
Papasok na sana ako ng mapansin ko ang ilang gumagalaw sa mga kakahuyan. Isa-isang lumabas ang mga Rokus na di ko na mabilang sa dami! Parang isang army! At lahat sila, papunta dito sa Kapitolyo!
Bumalik ako sa Server Room at ibinalita ito kay Yohan.
SAPPHIRE: YOHAN! MALA ARMY NG ROKUS ANG PAPARATING! UMALIS DIN BIGLA ANG SASAKYAN PAPALABAS NG HARAM!
YOHAN: Reva Arvin, Sir! May utos po ba na umalis dito? Andito pa po kami!
REVA ARVIN: Wala! Hindi rin namin ma-hagilap ang GPS location ng sasakyan nyo!
Tila naiinis na si Yohan. Bigla itong lumabas ng server room at pumunta sa balcony. This time, mas maraming Rokus ang paparating sa Kapitolyo!
YOHAN: Di ko maintindihan kung bakit papunta silang lahat dito!
SAPPHIRE: Kailangan nating umalis, Yohan. Ngayon din!
Isang malakas na ingay ang aming narinig sa server room.
SHET!
Nasira nila ang pinto!
YOHAN: Takbo!
Tumakbo kami papunta sa isa pang pinto na nasa kabilang dulo ng balcony. Pumasok kami at tila isang fire exit ito pababa sa ground floor.
YOHAN: Weapons up, Saph.
May ilang mga Rokus na nakatayo lang sa hagdan. Isa-isa namin silang pinagbabaril.
UUUUGGGGGHHHHH!!!
SHOOT! Nabuksan din ng mga Rokus ang pinto kung saan kami galing!
Binilisan namin ang pagbaba ng hagdan hanggang sa naabot namin ang ground floor. Isang pinto lang ang nandoon at tantsa namin, ito na ang pinto papunta sa main entrance ng Kapitolyo.
CLICK.
SHOOT!
Lock ang pinto!
SAPPHIRE: Lock! Di natin to pwedeng barilin! Baka maka-attract pa tayo ng ilang Rokus dahil sa ingay!
YOHAN: Dang it… It’s locked from the other side!
Biglang may dumadabog sa pintong yon.
Kinakabahan akong lalo.
YOHAN: Weapons up, Sapphire.
Dinadabog nitong muli ang pinto.
UUUUGGGGHHHH!!!
Papalapit na ng papalapit ang mga Rokus na galing sa command center!
Ano na ang gagawin namin?
Ilang sandal pa ay biglang bumukas ang pinto.
Isang babae ang nagbukas ng pinto. Agad kong namukhaan ang babae. Siya yung sa video message kanina!
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kami ni Yohan.
DANICA: Dito! Bilis!
Agad kaming sumunod sa kanya papunta sa likod ng Kapitolyo.
Ilang mga Rokus ang aming nadaanan.
Papalabas na kami ng gate ng biglang binaril sa likod si Yohan.
SAPPHIRE: YOHAAAAN!!
Agad itong natumba at nangisay-ngisay na parang kinukuryente.
Lumingon ako, at ngayon sa akin na nakatutuok ang baril na hawak ng babae.
DANICA: Sweet Dreams.
BBZZZZZZTTTT!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top